— Matilda — “T-tita..” umiiyak na bulong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. “T-tita, i-iniwan na nila ’ko. H-hindi ko na kaya, a-ang sakit sakit. Ang h-hirap na..” “Shh, sige, iiyak mo lang ’yan. Nandito lang ako,” mahinang sabi niya at hinagod-hagod ang buhok at likod ko. “A-ano nang gagawin ko? G-grabe.. sunod-sunod talaga?” humahagulgol na tanong ko dahil ang hirap na namang tanggapin nito. Namatay lang naman ’yung boyfriend ko. Ang hirap isipin na miss na miss ko na siya pero papauwiin ko na siya rito sa Pilipinas na bangkay na. Ang hirap hirap tanggapin na hindi niya natupad ’yung pangako niyang babalik siya dahil sa aksidenteng ’yon. Ang sakit sakit mawalan ng mahal sa buhay. Pagkatapos ng mga kaibigan ko, ang boyfriend ko naman? Ang lupit lupit.. May kumatok sa pinto pero

