Chapter Thirty-Four

2559 Words

— Matilda — “Tsk,” tipid na sagot ko at umiwas ng tingin. Ako? Magkakagusto sa kaniya? Ha! Hindi ko alam. “Hahahaha.” Tinawanan niya lang ako na ikinairap ko at nagpatuloy na sa pagd-drive. “Iliko mo ro'n.” Tinuturo niya naman ang daan namin dahil hindi ko naman alam kung saan ang tambayan na sinasabi niya. Dami kasing alam. Napatingin ako sa labas nang patigilan niya na ako. Agad akong bumaba para mas malinaw na makita ang paligid. Para kaming nasa taas at nakikita mula rito ang isang dagat. Kitang-kita rin dito ang maliwanag na buwan at puno ng alitaptap sa paligid. Masarap sa pakiramdam ang hangin na nanggagaling sa mga punong nakatayo rito. “Tambayan mo ’to?” paninigurado ko sa kaniya na ikinatango niya. “Yes. Tahimik kasi rito, nakaka-relax, ’di ba?” Napatango dahil totoo naman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD