Chapter Thirty-One

2894 Words
— Matilda — Nanatili kami ni Henzo sa pagyayakapan. Hinayaan ko na lang siya dahil parang gusto ko rin naman. Pasimple akong sumilip sa paligid dahil baka may mga taong makakita sa ’min at nasa daan pa naman kami ngayon. Luckily, wala naman. May iilang dumadaan at napapatingin sa amin pero ’di ko na sila inalala pa. “Sana, ganito na lang lagi,” bulong niya at hinagod ang likod ko. “Sana, palagi akong malayang gawin ’to sa ’yo.” Napabuntong hininga na lang ako. Pareho kaming napahiwalay sa isa't isa pagkatapos mag-ring ng phone ko. Tiningnan ko muna siya bago kinuha ’yon at sinagot ang tawag ni tita Phobe. “Yes, tita?” Baka sasabihin niyang naiburol na si Pove at puwede na akong pumunta. “Matilda, naiburol na namin si Pove dito sa bahay. Puwede ka nang pumunta anytime. Inaasahan ka namin ng tito mo.” Hindi nga ako nagkakamali. Halatang halata rin sa boses ni tita ang pagkalungkot. “Sige, tita Phobe. Pupunta po ako diyan,” sagot ko. Nagpasalamat lang siya at pinatay na ang tawag. “Tara na?” sabi ni Henzo at naglakad ulit na parang walang nangyari. “Huwag kang ma-awkward please. Sorry kung sinabi kong lilibangin kita pero heto ako, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.” Okay lang naman, kahit ginulo mo na naman ang sistema ko. “Okay lang,” tipid na sagot ko. “Pupunta ako sa burol ni Pove mamaya.” Hindi ko alam kung bakit ko pa pinaalam sa kaniya. Hindi ko naman na dapat sinasabi sa kaniya ’to, parang pinapalabas ko lang na gusto kong samahan niya ’ko. Tsk. “Kailangan mo ng kasama? Sasamahan na kita,” sabi niya na ikinatango ko na lang. Ayun din naman yata ang gusto ko. “Kumusta kayo ni Civrus? Na-contact mo na ba?” Bakit kaya kahit nasasaktan na siya, gusto niya pa ring laging updated sa amin ni Civrus? Kahit kapag nag-uusap na kaming dalawa ni Civrus, nandiyan pa rin siya, nakikinig sa 'min. “Hindi pa rin, e. 2 days ago nang active ang account niya, cannot be reach pa ang number niya. Nag-aalala na talaga ako sa kaniya,” sagot ko na may halong inis. Nakakainis naman kasi si Civrus, hindi niya naman ako hinahayaang mag-alala nang ganito e, pero tingnan mo naman ngayon. Tsk. “Ano na kayang nangyari ro'n? I hope na wala siyang ginagawang masama or okay lang siya. Ayokong masaktan ka nang dahil sa kaniya,” seryosong sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Sana nga, okay lang siya. Napatingin na naman ako sa hawak kong phone nang mag-ring na naman ’to. Si tita Demity naman ang tumatawag, Dessie's mother. “Matilda, nakaburol na si Dessie. Pumunta ka na lang mamaya, may importante rin akong sasabihin sa ’yo about kay Civrus.” Natigilan ako sa narinig ko at napatingin kay Henzo. Nagtaas siya ng kilay at nakagat ko naman ang labi ko. May balita sila kay Civrus! s**t. “S-sige po, tita. Wait me there,” sagot ko naman. “Huwag kang magmadali. Makakapaghintay ang sasabihin ko, ihanda mo lang ang sarili mo. Okay?” Binundol ako ng sobrang lakas na kaba matapos niyang sabihin ’yon. Bakit ganito? Bakit ihahanda ko ang sarili ko? Hindi ba maganda ang sasabihin niya? “S-sure tita,” tipid na sagot ko. Nagpaalam na siya at pinatay ang tawag. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa kaba. “May problema ba?” tanong ni Henzo. Napatingin ako sa kaniya at nag-aalala siya. “Bakit, Matilda?” tanong niya ulit at hinawakan ang mukha ko. “Tell me.” Umiling ako. “May sasabihin ang mom ni Dessie sa ’kin about kay Civrus. Sinabihan niya akong maghanda, Henzo.. nakakakaba ’yon, ’di ba? Ano sa tingin mo sasabihin niya? Positive or negative?” kabang-kabang tanong ko at napahawak pa sa braso niya. Huminga muna siya nang malalim bago inayos ang buhok ko sa gilid. “Just always think positive. Siguro nga, ihanda mo na lang ang sarili mo sa kung ano mang sasabihin niya,” pagpapakalma niya sa ’kin at pilit na ngumiti. Hindi ko maiwasan. “Sana lang okay siya. Hindi ko kakayanin kung may nangyari ring hindi maganda sa kaniya,” bulong ko na para bang naiiyak na. “Shh, sasamahan na rin kita roon. Tara na,” sabi niya at hinila na ulit ako. Sumunod na lang ako sa kaniya at naglakad-lakad na naman kami. Bumili kami ng softdrinks at ng kakanin sa isang vendor na nadaanan namin, cassava yata itong kinakain ko at sapin-sapin ang kaniya. Na-miss ko ring kumain ng kakanin. Ang tagal na ng huling punta ko kina Henzo, e. “Gusto mo na bang bumalik? Baka nabo-boring ka na,” tanong niya kaya napatingin muna ako sa paligid dahil baka may maganda na kaming mapuwestuhan. “Ice cream, gusto mo?” Napatingin ako sa kaniya at sa itinuturo niya. Napatango ako dahil gusto ko rin. Sabay kaming naglakad papunta sa ice cream vendor. Tig-ten pesos ang binili niya para matamis ang cone. “Puwedeng ube and vanilla flavor lang po akin?” tanong ko sa vendor at tumango naman siya. Ayoko kasi ng chocolate. “Thank you,” sabi ko1 matapos niyang ibigay ang ice cream namin. “Tara na, balik na tayo,” sabi ni Henzo kaya naglakad na ulit kami habang dumidila sa ice cream. Sinabi niyang naaalala niya pa ang daan kaya huwag akong mag-alala. “Kailan pala ang birthday mo?” “November 9,” sagot ko at halatang natigilan siya. Napangisi ako at dumila sa ice cream ko. “B-bukas na,” sabi niya na ikinatango ko. “Kung hindi ka nagtanong, baka hindi ko naalalang bukas na nga.” Masyado na kasi akong stress, hindi ko tuloy ma-feel ang nalalapit kong Birthday. Birthday kong walang Pove and Dessie. Napabuntong hininga siya kaya saglit akong napatingin sa kaniya. “Hindi masayang mag-birthday nang ganito,” mahinang sabi niya na ikinatango ko dahil tama siya. “I will do my best para pasayahin ka.” Talaga ba? Paano kung hindi na talaga ako sumaya? “Anong balak mo bukas?” tanong niya na ikinailing ko dahil wala naman akong planong gawin sa birthday ko. Mas okay pa yata kung normal na araw na lang ’yon para sa ’kin. “Ano? Wala? Tsk.” “O, bakit?” taas kilay na tanong ko. “E wala akong plano, anong magagawa mo?” Baka siya may plano, hahaha. Umiling lang siya at hindi na nagsalita pa. Dumating kami sa bahay nang mga 11 kaya inaya ko na siyang sa amin na mag-lunch. Pumayag naman siya kaya nagpahinga muna kami sa living room. “Marunong ka magluto?” tanong niya at napailing naman ako. “Tsk, akala ko pa naman ikaw magluluto, sayang.” Asa siya tsk. “Pumasok na ba si Mathew?” tanong ko sa isang maid. “O-opo, kasabay ng parents niyo.” Tumango lang ako at umupo sa tabi ni Henzo dahil medyo napagod din ako sa paglalakad namin kanina. Naisip ko na naman tuloy ang sinabi ni tita Demity na maghanda ako. Paghahandaan ko ang sasabihin niya? Bakit? Nakakagunaw ba ng mundo? I hope it's not. “Baka gusto mo ’kong dalawin minsan sa bahay?” tanong ni Henzo na ikinataas ng kilay ko. Bakit ko naman siya dadalawin? “Baka lang naman.” Kapal ng mukha. “Kapag nasa mood ako, sige.” Isang beses naman na ’kong nakapunta ro'n at kahit ayaw ko sa mga gano'ng lugar ay kailangan kong gustuhin. Isang mundo lang naman ang ginagalawan natin. Walang mataas, walang mababa. Sphere man ang mundo, pantay pa rin ang mga tao. Ewan ko, natauhan lang siguro ako sa mga sinabi ni Henzo sa ’kin na dapat i-appreciate ko rin ang mga mahihirap. “Nice,” tipid niyang sagot. Naghintay pa kami sa pagkain na pinadala ko na lang dito sa living room para nakakanood din kami. “Anong oras ba tayo aalis?” tanong niya kaya napatingin ako sa wall clock. “Mga hapon pa, umuwi ka muna,” sagot ko na ikinatango niya. Pagkatapos naming kumain at manood, nagpaalam na siyang uuwi na. Hinatid ko siya hanggang labas lang ng bahay. “Bye, take care,” sabi ko na ikinangisi niya at tumango. Pinanood ko pa siyang maglakad palayo. Hindi muna ako pumasok at pinakiramdaman ang sarili ko habang nakatanaw kay Henzo. Iba na talaga ’yung epekto niya sa ’kin—ibang iba na. Anong gagawin ko? Hindi puwedeng magpatuloy ’yung ganitong nararamdaman ko—hinding hindi puwede. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa bahay dahil wala naman na si Henzo. Umakyat ako para matulog at hinanda nga ang sarili ko para sa pagpunta sa burol ng mga kaibigan ko. Nagising akong kinakatok ng isang maid ang pinto. Bumangon ako at pinagbuksan siya. “Ma'am, nasa baba na po si sir Henzo.” Ang aga naman niya. Kakagising ko nga lang. Naligo na ’ko agad at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Prente na naman siyang nakaupo sa sofa namin habang nanonood. “Ready?” tanong niya at tumayo. Tumango naman ako at huminga muna nang malalim bago lumapit sa kaniya. “Then let's go.” Kotse ko na ang ginamit naming sasakyan dahil wala naman siyang sasakyan. Tahimik lang kami sa byahe liban na lang kung may tanong kami sa isa't isa. Una palang, dapat hindi ko na hinayaang mapalapit ako sa kaniya. Gulong-gulo na tuloy ngayon ang nararamdaman ko. Alam niyo ’yung pakiramdam na may pumipigil sa nararamdaman mo, na naiisip mo agad ’yung consequences. Umiling ako at nag-isip na lang ng itatanong kay Henzo. “May part time job ka ba?” Hindi naman puwedeng wala siyang trabaho dahil paano siya kikita at mabubuhay, right? “Yup. Kumakanta ko sa mga bar and clubs kapag gabi,” sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Edi wala pala talaga siyang pahinga? “Kasya na sa ’kin ang kinikita ko dahil araw-araw naman akong may racket do'n.” “That's good,” komento ko. “Bakit hindi mo sinubukang kausapin ang ibang kamag-anak mo. Sabi mo, mayaman sila—” “Mayaman sila pero wala silang pake sa ’kin. Anak lang ako sa labas ng dad ko at ayaw ng pamilya ni dad si mom pero sa huli, nakipag-annul si dad sa totoong asawa niya at si mom ang pinili niya. Kaya ayun, ayaw rin nila sa ’kin,” sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Anak lang pala siya sa labas? The f**k, bakit ba kasi ngayon lang siya nag-oopen sa ’kin, hindi na sana ako nagugulat tsk. “So, may kapatid ka? Half?” tanong ko. “Yes, at ang alam ko, wala na rin siya. Hindi ko na alam ang kuwento niya at ng mommy niya,” seryosong sagot niya na ikinatango-tango ko lang. “Masyadong magulo ang pamilya namin at ayokong pumasok sa gulong ’yon. Mas okay akong tahimik na nabubuhay, malayo sa kanila at malayo sa mga kalaban nila.” “Nice choice pala,” sambit ko nang maalala kong sinabi niyang naging Mayor at Vice-Mayor ang parents niya at pinatay ng mga kalaban nila sa politika. Madumi at sobrang gulo nga naman talaga sa politika. Then, that thought hits me. How about mom and dad? Nagtatrabaho rin sila sa Malacañang—wait, nagtatrabaho pa rin nga ba sila ro'n? Damn, sa sobrang ilap ko sa kanila, wala na akong balita sa buhay nila. Tsk. “Pero, alam mo ’yung kinakatakot ko?” Napatingin naman ako saglit sa kaniya at nagtaas ng kilay dahil sa tanong niya. “Ano?” mahinang tanong ko at nagpatuloy na sa pagd-drive. “Yung mahanap ako ng mga kamag-anak ko sa side ni mom.” Wait, oo nga pala, may mga kamag-anak pa siya sa side ng mom niya, bakit hindi siya ro'n lumapit noon? “Bakit—” Pinutol niya agad ang tanong ko. “Nung namatay sila mom and dad, gusto nila ’kong dalhin sa ibang bansa.” Bakit hindi siya pumayag? Magandang opportunity ’yon para magkaroon siya ng magandang buhay. “Ayokong umalis ng bansa. Gusto ko nandito lang ako, kahit magandang buhay pa ang naghihintay sa ’kin ro'n, ayoko. Pero ngayon, okay lang din pala kung makita nila ako. Hindi naman nila ’ko mapipilit.” Sobrang gulo nga ng kuwento ng buhay niya. Sobrang hirap din ng pinagdaanan niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil nasa tapat na kami ng bahay nila Pove. Pinarada ko muna ang kotse bago kami sabay na pumasok sa loob. Sobrang bigat ng atmosphere sa bahay nila kung saan binurol si Pove, gano'n din ang nararamdaman ko. I didn't see this coming. Ang maglakad papunta sa kabaong niya? Hinding hindi ko naisip at pinangarap ’to. Siguro nga, lahat namamatay, pero sobrang hirap pala kapag napaaga ’yon. Tapos, dalawa pa silang nawala sa amin? Bakit gano'n? “Matilda!” Sinalubong ako ni tita Phobe at niyakap nang mahigpit. “Buti dumating ka na.” “Opo, tutulungan ko na rin po kayo sa pag-asikaso sa mga bisita,” sagot ko at pilit na ngumiti. “Kahit huwag na. Marami akong kinuhang mag-aasikaso rito.” Tinitigan ko siya at sobrang maga na ng mata niya, halatang umiyak siya nang umiyak. “Tita, condolence po,” malungkot na sabi ko na ikinatango niya at naiyak na naman sa harap ko. “Thank you, ha? Thank you at naging kaibigan ka ng anak ko,” pilit ang ngiting sabi niya na ikinatango ko rin. “Ang bata-bata pa ng anak ko para kunin agad siya sa ’tin, hindi ko talaga matanggap.” “I feel sorry, tita. Kung hindi ko siguro sila sinama sa Palawan, hindi sila mapapahamak.” Tumulo ang luha ko na ikinailing ni tita. Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti. “No, huwag mong sisihin ang sarili mo, okay? Aksidente ang nangyari. May plano ang Diyos. Kailangan lang natin tanggapin ang lahat ng ito.” Tumango ako at niyakap ulit siya. Pumasok na kami sa loob at nilapitan ko naman agad ang kabaong ni Pove. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak na naman at pilit na lang na ngumiti habang tinitingnan siya. Maganda pa rin siya kahit nasa kabaong na. “May you rest in peace, my best friend. I will miss you. Sana masaya ka na kung nasaan ka man, I hope na nasa langit ka, ’di ba? Tsk.” Mahina akong tumawa at ngumiti ulit. “Thank you for everything and sorry for my mistakes to you. Guide us, can you? Magkikita-kita rin ulit tayong tatlo. I love you, Pove, bitch.” Kinagat ko ang labi ko hanggang sa maramdaman ko na may humagod sa likod ko. Napatingin ako kay Henzo na nasa tabi ko na. Tiningnan niya lang ako at tumango. Mga dalawang oras kami nag-stay ni Henzo sa burol. Nagpaalam na kami kay tita Phoebe at pupunta na lang sa susunod dahil pupuntahan ko rin ang burol ni Dessie. “Mag-ingat kayo, ha?” sabi ni tito na ikinatango namin. “Sige na, salamat sa pagpunta.” “Sige po, magpakatatag po kayo. Bye,” paalam ko rin. Umalis na kami ni Henzo at pareho na naman kaming tahimik sa buong byahe. Nakarating kami sa bahay nila Dessie na wala pa ring nagsasalita sa ’min. Hindi ko alam kung bakit. Sabay kaming pumasok sa loob. Nakita namin si tito JC na umiiyak sa harap ng kabaong ni Dessie. Tiningnan ko si Henzo dahil pinigilan niya ako sa akmang paglakad. “May tatawagan lang ako sa labas. Hintayin mo ’ko, ha?” paalam niya at naglabas ng phone. Napatango ako at nauna na sa kaniya. “Tito,” tawag ko kay Tito at napatingin naman siya sa ’kin. “Condolence po.” “Salamat sa pagpunta, hija.” “Si tita Demity po pala?” tanong ko dahil hindi na ’ko makapaghintay sa sasabihin niya. “Lumabas, may emergency, e.” Bumagsak ang balikat ko at napatango na lang. Nilapitan ko na lang ang kabaong ni Dessie at pilit din na ngumiti habang pinagmamasdan siya. “Mami-miss din kita. Sana magkasama kayo ni Pove ngayon. Panoorin niyo kung paano kami nahihirapan sa pang-iiwan niyo,” sabi ko at huminga nang malalim para hindi maiyak. “Mahal na mahal ko kayong dalawa. Thank you, bitch.” “Tito—” “Henzo?” Natigilan ako bigla nang pagharap ko kay tito ay nakatalikod na siya sa ’kin at nakatingin kay Henzo na kakapasok lang at napaatras pa nang makita si tito JC. Dahan-dahang nanlaki ang mata niya. “Henzo, is that you?” tanong ni Tito na ikinakunot ng noo ko. Paano niya nakilala si Henzo? Wait, what's happening? “M-Matilda, I think, we should go,” sabi ni Henzo at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. “Matilda, let's go!” mariing dugtong niya dahil hindi ako sumunod kanina. Nagmadali tuloy ako sa paglapit sa kaniya. “Hen—” Nanlaki ang mata ko nang takpan niya ang bibig ko at pinanlakihan ako ng mata. “Henzo! Wait,” sigaw ni tito nang hilahin ako bigla ni Henzo palabas. Pinasakay niya ’ko sa kotse at siya na mismo ang nag-drive. Naguguluhan ako, ano bang nangyayari? Tiningnan ko siya at handa na sanang magtanong pero inunahan niya na ’ko. “He's my mother's freaking brother!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD