— Matilda —
Gumising ako na tahimik pa rin ang buong bahay. Lumabas ako at sinilip si Mathew sa kuwarto niya pero wala na siya sa loob. Bumaba na lang ako at naabutan ko na sila nila mom and dad na nanonood ng TV.
“Oh, Matilda, gising ka na pala. Kumain ka muna,” sabi ni dad kaya napatingin ako sa wall clock. It's 9:35 am, I'm very late na.
“Bakit hindi niyo ’ko ginising?” Alam nila ang schedule ng pasok ko and they didn't bother to wake me up?
“Alam naming pagod ka at nasabi na rin sa ’min ni Mathew ang nangyari sa dalawa mong kaibigan, condolence to you and to their family,” sagot ni mom na ikinatango ko na lang. “Kung gusto mo pang pumasok, sige lang, ikaw ang bahala basta kumain ka muna.”
Ayoko, huwag na lang. Tinatamad na akong pumasok at wala na akong gana kaya tatambay na lang ako rito buong araw. Humikab muna ako bago pumunta sa kusina at kumain.
Naiburol na kaya sila Pove at Dessie?
Ii-infrom naman siguro nila ’ko kung oo. Doon ako sa burol nila mas tatambay kahit masakit, go lang.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para magkulong ulit sa kuwarto. I grabbed my phone to call Civrus again. Umupo muna ako bago itinapat sa tainga ko ang cellphone ko.
“The number you have dialed is cannot be reach~”
What the f**k? Kahapon ko pa hindi matawagan si Civrus ha? Ano bang nangyari ro'n? Sana okay lang siya. Nag-alala na ’ko, hindi ko pa naman siya ma-contact.
I tried to chat him on messenger, pero 1 day ago pa siya active. I tried to dial him on skype pero wala rin. Damn, kinakabahan na ako sa kaniya, wala man lang kahit isang text or tawag galing sa kaniya tapos hindi pa ma-contact ang number niya. What the hell, Civrus.
I chatted Sael to ask kung may communication pa ba siya kay Civrus.
“Wala, china-chat at tinatawagan ko nga pero wala. Cannot be reach ang number niya. Bakit?”
Pumikit ako nang mariin at kinalma muna ang sarili ko dahil baka nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay ng mommy niya. Pero kasi ang sabi niya, aasikasuhin na niya ang pag-uwi nila rito, ang tagal naman?
“Anak, Matilda?” Napatingin ako sa pinto at nakita ko si mom na nakasilip na ron. “Puwede bang pumasok?” tanong niya na ikinatango ko.
“Why?” mahinahong tanong ko at tinitigan siya.
Paano kaya kung sa akin mangyari ’yung nangyari kay Civrus? Anong mararamdaman ko? Siguro masasaktan ako nang sobra kahit alam kong hindi ako naging mabuting anak sa kanila. Magulang ko pa rin naman sila at kailangan ko nang ayusin ’tong ugali ko sa bahay.
“May problema ba?” tanong niya at umupo sa tabi ko. “Sabihin mo sa ’kin..”
Napabuntong hininga ako at tumango. “Si Civrus po kasi, dalawang araw ko nang hindi naco-contact. Nag-aalala na 'ko sa kaniya,” mahinang sagot ko at napabuntong hininga na naman.
“Hay nako, baka kung ano nang nangyari sa boyfriend mo. Subukan mo lang nang subukang tawagan siya,” nag-aalala na ring sagot niya na ikinatango ko lang. “Malay mo, is-surprise ka lang niya sa pag-uwi niya—wait, may balak na ba siyang umuwi?”
“Yes, patay na po kasi ang mom niya kaya nagbabalak na siya. The last time we talked, sabi niya, aasikasuhin niya na ang pag-uwi niya.” Ano na ngayon? Wala pa rin. Sana nga tama si mom na is-surprise niya 'ko dahil kinakabahan talaga ako.
“Ano pang problema?” tanong niya ulit sa akin. Napailing naman ako dahil tinatamad na talaga akong magsalita. “Anak, mahal na mahal ka namin, tandaan mo ’yan ha? We're so sorry kung nasasaktan ka namin at nasisigawan dati. Gano'n talaga kaming mga magulang, we just want to discipline our child. Nagagalit kami kasi hindi namin gusto ’yung ginagawa mo sa sarili mo—’yung pag-iinom mo, palaging wala sa bahay at mga nakakasira sa record mo as a student. Nag-aalala kami sa ’yo..”
Natahimik ako matapos kong marinig ang sinabi niya. Siguro nga totoo ’yung sinasabi niya, nabulag lang ako noon at napuno ng galit kaya.. ayun.
“Thank you, mom..” bulong ko na ikinangiti niya at niyakap ako.
“Huwag ka nang magalit sa amin, anak ha? Masakit kasi para sa amin ’yon,” bulong niya rin na ikinatango-tango ko. “Sige na, iiwan na muna kita. Baka hinahanap na ’ko ng daddy mo sa kuwarto niya.”
“Sige,” tipid na sagot ko. Tumayo na siya at lumabas na ng kuwarto ko. Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan ulit si Civrus pero cannot be reach pa rin ang number niya.
“Anak!” Gulat akong napatingin sa pinto nang biglang bumalik si mom. Tumaas tuloy ang kilay ko. Nakakagulat, e. “May bisita ka pala sa baba, si Henzo,” sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Ano na namang ginagawa niya rito? As of now, ayoko pa siyang makita, ganitong naguguluhan pa ako. Basta, hindi ko lang gustong makasama siya ulit dahil.. dahil naguguluhan na naman ako sa nararamdaman ko.
“Bababa na po,” tipid na sagot ko kaya sinara na niya ang pinto. Humarap muna ako sa salamin para tingnan ang sarili ko bago lumabas at bumaba. “What are you doing here?” tanong ko kay Henzo na prenteng nakaupo na naman sa sofa namin.
“Hey, good morning,” bati niya muna at tumayo. Kunot ang noo niya at bigla na lang hinipo ang leeg at noo ko. What the hell is this? Bakit.. bakit, damn! “Wala ka namang lagnat, buti naman. Akala ko may nangyari sa ’yo kaya hindi ka pumasok, e.”
So, pumunta siya rito para i-check kung masama ba ang pakiramdam ko? Seriously? Akala ko naman kung ano.
Napatingin tuloy ulit ako sa wall clock at 10 am palang. “E, bakit nandito ka? ’Di ba dapat nasa school ka ngayon?” tanong ko rin na ikinakibit balikat niya.
“Nag-cutting na ako para puntahan ka. Gusto mong gumala? Sasamahan kita,” tanong niya na ikinailing ko dahil ayoko. Gusto ko ngang mapag-isa tapos gagala pa? Tsk. “E gusto ko, come on, samahan mo na lang ako. Ikaw ang gusto kong kasama.”
“Ayoko, Henzo,” pairap na sagot ko na ikinasimangot niya. “Ikaw na lang.”
“Lilibangin na nga kita para hindi masyadong marami ang iniisip mo, tapos ayaw mo pa. Please na, sumama ka na sa ’kin.” Lilibangin? Malilibang nga ba akong kasama siya?
“Ayoko talaga.” Pinilit niya pa ’ko nang pinilit pero ilang beses ko rin siyang inayawan. Nangalay na tuloy ako sa pagtayo at umupo na sa sofa. “Henzo, ayoko nga kasi, umuwi ka na,” pag-ayaw ko pa na ikinatigil niya.
“Fine. Si Grenda na nga lang,” mahinang sabi niya na narinig ko rin naman. As if naman na masasama niya ang babaeng ’yon e nasa school din ’yon panigurado. “Hindi pa naman din siya pumasok ngayon. Baka siya sumama sa ’kin.”
“Buwiset..” bulong ko at agad na tumayo. Ngumisi siya kaya hinampas ko na lang ang pagmumukha niya. “Kahit kailan ka talaga! Argh!” inis na sabi ko at inambaan siya ng suntok pero hindi ko naman tinuloy.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako naiinis kapag si Grenda na ang gusto niyang yayain. Basta ayoko, ayokong magkasama silang dalawa.
“Selos ka?” tanong niya na ikinatigil ko. Nanunukso ang tingin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Of course not, bakit ka nga naman magseselos,” biglang seryosong sagot niya sa sarili niyang tanong na ikinatahimik ko.
Talagang hindi ako nagseselos.
Hindi na ako nagsalita at umakyat na lang para magbihis. Pagkatapos kong mag-ayos, nagpaalam ako kina mom na aalis lang ako kasama si Henzo. Sabi ni Henzo, huwag na raw akong magdala ng sasakyan, so pumayag na lang ako.
“Saan ba tayo pupunta? Sure kang hindi na kailangan ng kotse?” tanong ko habang naglalakad na kami rito sa labas medyo malayo na sa bahay.
“Hindi na. Nalibot mo na ba ’tong Village niyo?” tanong niya habang tumitingin sa paligid. Umiling naman ako dahil hindi pa nga talaga, hindi naman kasi ako interesadong libutin ’to kahit matagal na kaming nakatira rito. “Nice, e ’di dito na lang tayo maglibot. Sorry ha, wala akong pera, e.”
Lakas ng loob magyaya, tsk.
“Sige, okay lang,” sagot ko dahil wala naman na ’kong magagawa, naglalakad na kami e. “So, ano naman kayang mapapala natin sa paglilibot dito?” Is there something special inside our village? I don't think so.
“Aba malay ko rin,” sagot niya at mas dumikit sa ’kin habang naglalakad kami. Napairap ako dahil alam kong dumada-moves na naman siya. “Papayag ka bang hawakan ko ang kamay mo?”
Hindi ko na naman alam kung bakit biglang bumilis ’yung t***k ng puso ko. Para gusto kong sampalin si Henzo dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan ma-torture nang ganito ang puso at nararamdaman ko? Hindi pa puwedeng bumalik na lang ’to sa dati?
’Yung tipong hindi ako apektado sa kaniya.
“Hindi, boyfriend ba kita?” masungit na tanong ko at alam kong natigilan siya ro'n. Tiningnan ko siya, pinilit niyang ngumiti pero nakikita ko pa ring nasasaktan siya.
Alam ko namang mahal niya ako, ilang beses niya nang sinabi't inamin sa ’kin ’yon, ang lakas lang ng loob kong saktan siya nang saktan tuwing magkasama kami. Bakit ganito ako?
“Alright,” tipid na sagot niya at natahimik na kami sa paglalakad namin.
Nililibot pa rin namin ang buong village, hindi ko na nga tanda ang mga daan. Sana tanda pa ni Henzo. At sa paglilibot namin, wala kaming mahanap na magandang puwesto.
“Matilda..” tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at hinintay lang ang sasabihin niya. “Kung nauna ba ako kaysa kay Civrus, magugustuhan mo rin kaya ako?” tanong niya at natigilan na naman ako dahil doon. “Magugustuhan mo kaya ako kahit na mahirap ako?” Hindi naman siya mahirap talaga, nanggaling siya sa mayamang pamilya at naghirap lang dahil pinabayaan.
Siguro nga magugustuhan ko siya. He's okay naman. Isa rin naman siyang ideal guy. Siguro kung mas nauna nga talaga siya kay Civrus, mamahalin ko rin siya.
“Pati ba naman 'yon hindi mo masagot,” seryosong sabi niya dahil hindi na ako nakapagsalita pa. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad pa rin kami. “Sana.. sana nga nauna na lang ako. Sana ako na lang, sana pinagtagpo agad tayo, sana hindi na dapat ako nasasaktan.”
Bumigat ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. Hindi ako sanay na naririnig ’to mula sa kaniya. Sobrang sakit ba talaga nung nararamdaman niya? Then sorry.
“Kung nasasaktan ka naman, bakit hindi ka na lang lumayo at tigilan na ako?” tanong ko rin habang sa daan pa nakatingin. Nakita ko from my peripheral vision na lumingon siya sa akin. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang braso ko at pinatigil sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kaniya.
“Bakit Matilda, sino bang hindi nasasaktan kapag nagmamahal? Bakit ako titigil kung dito ako sumasaya?” seryosong tanong niya. “Bakit ako titigil kung may pagkakataon naman akong lapitan ’yung nagpapasaya sa ’kin. Kung papatigilin mo ako, talagang ipagkakait mo sa ’kin ’yung kasiyahan ko?” mahinang tanong niya na ikinakagat labi ko.
Kaya ko nga bang patigilin si Henzo? Parang hindi ko rin kaya kasi alam kong hindi ko na rin kayang wala siya sa tabi ko. Bakit? Bakit gano'n ’yung nararamdaman ko? Hindi ko naman siya gusto dahil mahal ko si Civrus.
Hindi naman posibleng dalawang tao ang mahal mo.
“Hindi ko alam kung bakit ako nahulog nang ganito kalalim sa ’yo,” halos pabulong nang sabi niya at hinawakan ang mukha ko. “Hindi ko alam kung bakit kailangan pa tayong pagtagpuin—para lang ba masaktan ako, o para pasayahin nang pansamantala dahil alam kong hindi naman ako ’yung mahal mo? Bakit kailangan pa kitang makilala kung ganito lang din naman?” Halatang nahihirapan nang tanong niya. Hindi ko rin naman alam kung bakit. “Hindi ko gustong manggulo sa relasyon niyo pero hindi ko rin kayang lumayo sa ’yo.”
Alam ko, alam kong kulang na kulang sa pagmamahal si Henzo pero bakit nandito pa rin siya sa tabi ko kahit wala naman siyang nakukuhang pagmamahal galing sa akin? ’Di ba dapat doon siya mag-stay sa taong mahal siya kasi ayun ang kailangan niya?
“Hindi na ako umaasang may pag-asa ako sa ’yo, I am ready to take all the risk para sa pagmamahal kong ’to, para sa sarili kong kaligayahan. Kahit ganito lang, kahit ganito kalapit lang ang magawa ko, kahit hindi mo na ’ko mahalin, maging masaya lang ako,” malungkot na sabi pa niya at marahang pinisil ang pisngi ko. ’Yung mata niya, nanunubig na, parang iiyak na siya anytime. “Because you know what, simula nang mamatay ang mga magulang ko, hindi ko na mahanap ’yung saya na gusto ko, pero nung nakilala kita at nung minahal na kita, okay na okay na ako.”
P-parang gusto kong umiyak.
Bakit kailangang marinig ko pa ’to? Bakit sobra na rin akong nasasaktan? Bakit parang pati ako, nahihirapan na rin sa sitwasyon namin?
“Siguro nga, pinakilala ka lang ng tadhana sa 'kin para maging kasiyahan ko pero hindi niya ako pinakilala sa ’yo para maging kasiyahan mo rin,” bulong niya at kinagat ang labi niya.
Pinakilala ka sa 'kin ng tadhana para magkaroon ako ng kasama sa tuwing nahihirapan at nasasaktan din ako.
Pinakilala ka rin niya sa ’kin para guluhin 'tong nararamdaman ko.
“Dahil hindi naman talaga tayo itinadhana..”
Napatitig na lang ako sa kaniya nang bigla siyang tumingala na para bang pinipigilang umiyak. Humigpit ang hawak niya sa ’kin at bigla na lang akong niyakap nang mahigpit.
“Kapag dumating na si Civrus, susubukan kong lumayo ha? Baka kasi magalit na siya sa 'kin, baka masira ko pa kayong dalawa. Don't worry, I'm still always ready to protect you,” seryosong aniya at mas humigpit pa ang yakap niya sa ’kin. “Payakap lang, baka hindi ko na magawa sa susunod, e.”
I want to thank him for loving me but I also feel sorry and guilty for hurting him.
“Mahal na mahal kita, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Nagulat na lang ako noon, ikaw na ang gusto kong makita araw-araw.”
Akala ko ba lilibangin niya ako para hindi ako masyadong mag-isip-isip ng kung ano-ano. Pero ano ’to? Ginugulo na niya ang buong sistema ko.
Nanginig ang mga labi ko at dahan-dahang yumakap pabalik sa kaniya. Sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Gusto kong i-deny ’to, gustong-gusto ko talaga pero paano?
Tangging tanggi ako noon na hindi ko siya magugustuhan.. hindi nga ba?