Chapter Twenty-Nine

2332 Words
— Matilda — Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama nila Pove and Dessie. Ni-check daw sila sa clinic ng resort kanina pero wala na raw talaga at sobrang hirap tanggapin niyon. ’Yung tipong silang dalawa na nga lang ang lagi kong kasama sa school at ang mga kasama ko sa pagmamaldita, iniwan pa ako. Nakakainis lang, marami kaming dreams na gusto naming gawin at matupad nang sama-sama pero pareho nila akong iniwan. Seriously? Ako na lang mag-isa? Is-support ko pa man din sana sila sa mga bago nilang lovelife pero natapos agad ’yon nang dahil lang sa nangyari ngayon. Jesus, bakit hindi Mo man lang pinatagal? Nagsisimula pa nga lang ’yung lovelife na ’yon, e. Nagsisimula palang ang lahat pero tinapos na agad. Grabe, grabe hindi ko kaya.. “Mahal na mahal ko kayo, t-thank you sa lahat-lahat at sorry rin. Hinding hindi ko kayo kakalimutan. Parang kapatid ko na kayo, e,” naiiyak na namang sabi ko habang nakatingin sa parehong katawan nilang tinakpan na ng puting tela. “I'm so sorry kasi ngayon ko lang nasasabi lahat ’to kung kailan nandiyan na kayo—walang buhay.” Kung kailan talaga huli na ang lahat, tsaka tayo magsasalita. Kung kailan wala na, tsaka tayo maglalabas ng mga gusto nating aminin o sabihin. Kung kailan tapos na, tsaka tayo magdadasal at magtatanong sa Kaniya kung bakit nangyayari ’to. Dapat talaga, habang buhay pa sila—ang mga taong dapat pasalamatan, pasalamatan na agad kahit sa simpleng bagay na nagawa nilang alam mong nakatulong o may naidulot sa ’yo. Mga taong kailangang hingan ng sorry, mag-apologize agad. Ang dapat patawarin at pahalagahan, mas pinapahalagahan pa dapat habang buhay pa. Hindi ’yung, magsasalita lang tayo at magsisisi kung kailan wala na sila. “Ang hirap naman..” bulong ko at bumuntong hininga. “Kung sa akin pa nga lang masakit na, paano pa kaya sa parents niyo? Kita niyo na? Marami na naman kayong pabubuhusin na luha!” nakasimangot na dugtong ko pa at hinilamos ang palad ko sa mukha ko. “Matilda..” Napatingin ako sa pinto nang may tumawag sa akin. Si Mrs. Feristine ’yon. “Natawagan ko na ang parents nila. Hindi na sila makapaghihintay pa raw kaya ngayon mismo ay pupunta sila rito, pero bukas pa naman sila makakarating dahil matagal ang byahe,” sabi niya na ikinatango ko lang. “A-ang bilis ng pangyayari, ’no? Ma'am?” mahinang tanong ko na ikinatango niya rin. “Kahit kaugali mo ang dalawang ’to, masasabi kong magagaling silang student ng TIS. Naalala ko pang lagi rin silang tambay sa library.” Otomatiko na namang tumaas ang kilay ko sa narinig. Anong gusto niyang palabasin? Pare-pareho kaming masasama ugali? Hayop na ’yan. “I know they are a very good friend kaya ka nasasaktan nang ganiyan ngayon. Don't worry, sooner, you'll be better. Just accept this, Matilda,” mahinahong sabi niya na ikinatango ko lang din. “Aksidente ang nangyari, walang dapat sisihin dito—what I mean is, baka kasi may mga sinisisi kayo lalo na at alam kong kadalasang nasisisi sa mga ganitong pangyayari ay ang Diyos, kesyo bakit pinabayaan gano'n gano'n.” Tsk. Kahit ma-attitude ako, hindi ko sinisisi ang Diyos! “Sige, maiwan na muna kita. Aasikasuhin ko rin ang iba,” paalam niya na ikinatango ko lang din. Naglakad na siya palabas kaya natahimik na naman ang paligid. “A-ayoko nang umiyak..” bulong ko at ramdam ko na ang pagkagasgas ng lalamunan ko. “Nakakainis kayong dalawa..” Hindi ko na talaga aawayin ang pamilya ko, natatakot na ako lalo na nung nalaman kong wala na rin ang mother ni Civrus. Ramdam ko si Civrus, e. Ayokong magaya sa kaniya, lulubusin ko na talaga lahat ng araw na kasama ko ang family ko hanggat buo pa kami. Alright, I will forget all of my grudges for the sake of the peace in our family. What happened today served as a lesson in my life. Tumayo na ako dahil baka maiyak na naman ako. Lumabas na ako at nagpahangin na muna saglit bago hinanap ng mga mata ko si Henzo. Akala ko babalikan niya ’ko rito? Psh. Naglakad na lang ako pabalik sa cottage namin dahil gusto ko na talagang magpahinga. Bukas na lang ulit ako iiyak. Dati naman, napipigil ko iyak ko ha? Bakit ngayon.. bakit ngayon? Hindi na. Ang rupok ripok na ng mga luha ko lalo na kapag masakit na talaga at nahihirapan na ’ko. Kasalan nila Pove and Dessie ’to, e. Tsk. Pumasok na ako sa loob ng cottage at natigilan din agad nang makita ko si Henzo na nakahiga na at nakapatong ang kamay sa noo. Sinara ko ang pinto at tiningnan siyang maigi kung tulog na ba siya o ano. “Gising ka?” tanong ko. Gumalaw ang kamay niya saka siya dumilat. Huminga muna ako nang malalim bago umupo sa tabi niya. “Sorry, hindi na kita nabalikan,” sabi niya sa flat na tono. Tumango lang ako at ipinatong ang baba ko sa tuhod ko. “Magpahinga ka na, I'm sure you are tired.” Tawagan ko lang si Civrus. Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang number niya. Nakakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Napatingin na lang tuloy ako kay Henzo na nakapikit na ulit. Tumagilid siya ng higa patalikod sa akin. “Civrus, freaking answer the call,” bulong ko at nag-dial ulit pero wala pa rin. Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang phone ko. Understand him, Matilda, may pinagdadaanan din siya. Okay. Humiga na lang din ako sa tabi ni Henzo at pumikit na para matulog. Goodnight Pove and Dessie, forever. ***** Nagising akong ako na naman ang mag-isa rito sa cottage. Bumangon na ako at napabuntong hininga na naman nang maalala ko ang nangyari kagabi. Gusto kong umiyak ulit dahil alam kong after ng nangyari, wala na talaga akong makikitang Pove and Dessie. Sila lang pa naman ang close kong girls sa school dahil karamihan sa schoolmates ko ay may galit sa akin, tsk. Pumasok ako sa banyo para mag-ayos muna ng sarili. Lumabas ako para hanapin ang mga kasamahan ko. Wala sila sa paligid ng beach kaya nag-decide akong pumunta na lang kung nasaan sila Pove and Dessie. Baka nandoon sila dahil ngayon nga pala ang dating ng mga magulang nila. Malayo palang ako ay nakikita ko na ang mga kasama kong nasa labas ng pinagdalhan kina Pove. Mga nag-uusap-usap habang ’yung iba may sinisilip sa loob. “Matilda,” tawag sa akin ni Henzo pagkatapos niya akong makita. Tumaas ang kilay ko at lumapit sa kaniya. “Nasa loob na ang parents nila, iyak nang iyak.” As expected, sinong hindi iiyak sa ganitong klaseng pangyayari, ’di ba? “Sige, dito na lang muna tayo,” mahinang sagot ko at humanap ng mauupuan. Dahil walang maupuan, sa buhangin na muna ako umupo. Siya rin ay umupo na sa tabi ko. “Okay ka na ba?” tanong niya na ikinairap ko dahil hindi pa naman ako okay. “Stupid, malamang hindi,” inis na bulong niya na ikinatawa ko nang mahina lang. “Talagang hindi, siguro kapag natanggap ko na okay na ’ko,” sagot ko at tumingin sa dagat. “Sana mabilis ko lang matanggap, sana talaga matanggap ko agad kasi damn, ang aga naman nilang kinuha.” Sobrang sakit, sobrang nakakagulat talaga. But I need to be brave, alam kong ayaw nilang dalawa na umiiyak ako lalo na kapag dahil sa kanila ’yon. “Okay lang ’yan, hindi naman talaga mabilisan at madaling matanggap ang pagkamatay ng mga mahal mo. Maging malakas ka lang at matatag, okay na ’yon,” sagot niya na ikinangiti ko at tumango. “Thank you kasi sinasamahan mo ’ko,” sabi ko sa kaniya. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko. He even let me cry last night. He listened to me. Hindi niya ako iniwan habang umiiyak, hinayaan niya akong magluksa. “You are always welcome,” mahinang sagot niya na ikinangiti ko lang nang tipid at tumango. “Sabi ni Mrs. Feristine, uuwi na tayo mamaya sa Davao,” sabi niya na ikinatango ko lang ulit dahil alam ko na ’yon. “Students, magsibalik na kayo sa cottage niyo at mag-ayos, aalis na tayo mamaya.” Napatingin kami kay Mrs. Feristine pagkatapos niyang mag-announce. “Kung gusto ng iba na mag-stay pa rito, kayo ang bahala. Basta ’yung mga kasama ko, uuwi na tayo.” Kami nila Henzo, Fed at Jerry ang tinutukoy niya. Bigla kong naalala ang dalawang ’yon kaya hinanap ko sila sa paligid. Nakita ko rin silang parehong nakaupo sa buhangin medyo malayo sa amin. Parehong nakapatong ang mga noo sa dalawang tuhod. “Magiging okay rin ang dalawang ’yan,” sabi ni Henzo na nakatingin na rin pala sa dalawa. Yes, magiging okay rin kaming lahat. “They are getting close and being happy with your friends but what happened last night ruined their happiness—our happiness.” Ruined our happiness. Bumalik na kaming lahat sa mga cottage namin. Nag-ayos na kami ng mga gamit at sarili. Tinulungan pa ako ni Henzo sa pag-aayos pagkatapos niyang ayusin ang sa kaniya. Sobrang tahimik sa loob ng cottage namin. Ramdam na ramdam ko ’yung awkwardness at ’yung doubt na magsalita. Nakakapanibago nga naman kasi talaga ang nangyari. Kahit ako naman, gusto ko na lang din tumahimik ngayong araw. “Okay na ba kayo?” tanong ni ma'am na ikinatango naming lahat. “Nauna na ang mga pamilya nila Pove and Dessie, hindi na nakapaghintay sa atin kaya tayo-tayo na lang ang babyahe ngayon. Let's go." Kinuha na namin ang mga gamit namin at sumunod kay Mrs. Feristine. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Civrus habang nasa byahe na kami pero wala man lang sumasagot sa akin. Ilang missed calls na ang nagawa ko dahil gusto ko talaga siyang makausap at marinig ang boses niya pero wala pa rin. Napabuntong hininga na lang ako at itinigil ang pagtawag dahil baka may ginagawa lang siya o nililibang ang sarili dahil na rin sa nangyari sa mommy niya. May pinagdaraanan din naman siya kaya okay, maghihintay na lang ako na siya na lang ang tumawag sa ’kin. “Hindi pa rin sumagot? Ano sa tingin mo ginagawa niyon?” tanong ni Henzo na nasa tabi ko. Napakibit balikat ako dahil hindi ko rin alam. Baka importante, inaasikaso niya siguro ang mga kailangan niya sa pagkamatay ng mommy niya at sa pag-uwi niya rito. “That's okay, tatawag din ’yan,” sabi pa niya na ikinatango ko lang. Mahaba ang byahe at nakatulog na pala ako sa braso ni Henzo hanggang sa makauwi na kami sa Davao. Walang pasok ngayong araw kaya isa-isa na lang kaming hinatid ng driver ng sinasakyan naming van sa mga bahay namin. Nauna akong maihatid kaya nagpaalam na ako sa kanila. “Bye, see you tomorrow,” paalam din ni Henzo na ikinatango ko lang. Hindi ko na hinintay na makaalis ang van nila, pumasok na ako sa bahay. Naabutan ko ang mga maid naming naglilinis. “M-ma'am,” gulat na sabi ng isa at lumapit para kunin ang mga bag ko. “Pakidala sa kuwarto ko,” tipid na utos ko na ikinatango niya. “Where are mom and dad?” tanong ko sa isang maid. Yumuko siya at sumagot. “Nasa trabaho pa po, si sir Mathew po nasa kuwarto niya nagpapahinga na,” sagot niya na ikinatango ko lang at naglakad na paakyat. Dumiretso ako sa kuwarto ni Mathew para silipin siya. Binuksan ko ang pinto niya at sumilip sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at naglalaro ng PSP. Mukhang naramdaman niya ang presence niya dahil bigla siyang napatingala at nanlaki ang mata nang makita niya ako. “Ate!” Sa reaction niya, parang sobrang tagal niya ’kong hindi na nakita at miss na miss na ako. “Kakauwi mo lang, ate?” tanong niya at binuksan nang malaki ang pinto at niyakap ako. “Oo,” tipid na sagot ko at niyakap din siya pabalik. “Kumusta?” tanong ko at humiwalay na para makapasok na ako sa kuwarto niya. “Okay lang ako ate pero sila mommy parang hindi kasi parang lagi silang stress sa trabaho. Lagi silang wala rito sa bahay,” sagot niya at sabay kaming umupo sa kama niya. “Ikaw ate? Bakit namamaga mata mo? Did you cry?” Biglang nag-alala ang tono niya na ikinangiti ko lang. “Yes..” bulong ko at inayos ang buhok niya. “My friends died last night,” tipid na sabi ko at tumingala para pigilan na naman ang luha ko. “Pero syempre, hindi mo sila kilala.” Kasi hindi ko naman sila pinakilala sa kanila. Wala naman silang pake e. “T-talaga ate?” gulat na tanong niya at niyakap na naman ako. Nagulat tuloy ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan ’yon. “Huwag ka nang malungkot, nandito pa naman ako tsaka sila mommy.” Tama, nandito pa sila kaya hindi ko dapat sayangin ’yung bawat oras na nakikita't nakakasama ko pa sila. “Thank you,” bulong ko lang at niyakap din siya. “Don't leave me, ha?” sabi ko na ikinatango-tango niya. “Hindi na ako galit sa ’yo.” Tatanggalin ko na ’tong galit at inggit ko para sa pamilya namin. “We? Talaga ate?” natutuwa pang tanong niya na ikinatango ko ulit. “Thank you ate. Is that mean, lagi ka nang sasama sa amin? Hindi mo na ’ko pagtatabuyan?” “Oo,” tipid na sagot ko at ngumiti. “Sige na, pupunta lang ako sa kuwarto ko. Magpapahinga lang ako ha?” Tumayo na ako at ginulo muna ang buhok niya. Tumango na siya kaya naglakad na ako palabas. Pagod akong humiga sa kama at tumingin sa ceiling. I closed my eyes, I feel so exhausted. There are so many unexpected happenings and I can't accept those for now. I'll just rest my mind and heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD