Chapter Twenty-Eight

1466 Words
— Henzo — Matilda is crying and I'm just watching her. It's been almost 25 minutes when the accident happened. Sinabi niyang mamaya niya na lang titingnan ang mga kaibigan niya. She's covering her face with her hand. Mas masakit pa rin talagang makitang umiiyak 'yung babaeng mahal mo, ’no? Na kahit hindi naman ako ’yung dahilan, mas nasasaktan ako. Honestly, nahihirapan akong panoorin siya habang umiiyak, but this is the only thing I can do for her—to stay and make her feel that she have me all the time. “P-Pove.. D-Dessie, napakadaya niyo,” nahihirapang sabi niya dahil sa kakaiyak. Mas lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang dalawang siko ko sa magkabilang hita ko at pinanood lang siya sa pag-iyak niya. Kahit gaano kahirap ma-witness ang pagka-break down ng babaeng ’to, mas pipiliin kong panoorin na lang siya at samahan para hindi niya maramdamang nag-iisa siya. Nagulat din ako sa nangyari. Parang ang saya-saya lang kasi namin dito tapos may biglang mamamatay na dalawa sa amin? Sobrang bilis lang at unexpected. Tumunog ang phone ni Matilda kaya napatingin ako roon na nakapatong lang sa table. Tumayo ako para kunin ’yon at bumalik sa tabi niya. Tiningnan ko kung sinong gustong makipag-video call. “Si Civrus..” sabi ko na ikinatigil niya at nagpunas muna ng luha bago nanginginig na kinuha ang phone niya mula sa akin. Sinagot niya ang tawag. Nakita ko si Civrus na namumula rin ang mukha. Kumunot ang noo ko dahil parang kakagaling niya lang din sa pag-iyak. “B-baby? What happened?” tanong niya agad na mukhang nagulat din nang makitang umiiyak si Matilda. “B-bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” “B-bakit ka rin umiiyak?” tanong din ni Matilda at humikbi. May tumulong luha sa mata ni Civrus at ngumiting mapakla. “A-ano munang nangyari sa 'yo?” tanong niya ulit na ikinabuntong hininga ko at tinitigan na lang si Matilda na kahit madilim dito sa cottage ay halatang halata ang pamumula ng ilong. “S-si Pove and Dessie kasi, e.. iniwan na ako,” humihikbing sagot ni Matilda sabay tingin sa akin. “H-ha? Iniwan? Saan pumunta?” nagtatakang tanong ni Civrus. Napailing-iling naman si Matilda and she continued sobbing. “W-wala na sila. C-Civrus n-nalunod sila,” umiiyak na namang sagot ni Matilda. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at huminga nang malalim. “W-what.. the f**k,” hindi makapaniwalang reaksyon naman ni Civrus. “What the f**k talaga. I-I'm verry sorry dahil wala ako diyan. Hindi man lang kita masamahan. I'm so sorry, please, be strong and be brave. Condolence, hindi ko rin ’to expected. Alam kong sila Pove and Dessie na lang ang malapit sa ’yo riyan, ngayong wala na sila alam kong mahihirapan ka.” Tumango-tango si Matilda at pilit na ngumiti. “It's okay and thank you. How about you? What happened to you?” tanong naman niya at narinig ko pa ang malakas niyang pagbuntong hininga. “S-shit.. m-mom just died.” Pati ako ay nagulat sa naging sagot ni Civrus. Napatuwid ako ng upo at tiningnan ang reaksyon ni Matilda na mas gulat kaysa sa ’kin. “D-damn, bakit ganito? Bakit sunod-sunod ang pagkamatay? Bakit nangyayari sa ’tin ’to?” umiiyak na tanong ni Matilda at saglit akong tiningnan. “C-condolence. Please, be brave din.” “I.. I will, for you. Ikaw na lang naman ang nag-iisang dahilan ko ngayon kung bakit ako lumalaban dahil pati si mom iniwan na ako, kaya huwag mo ’kong iiwan ha? Babalik agad ako diyan, gusto kong diyan ilibing si mom. Makakauwi na ako, makakabalik na ako sa ’yo.” Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Civrus. Aminado akong hindi ko gusto ang sinabi niyang uuwi na siya, dahil paano na ako? Baka mawalan na ako ng pagkakataon na makasama si Matilda. Babalik na siya? Masasapawan na naman ako? Lalayo na naman sa ’kin si Matilda? So paano na nga ako niyan? Why do I have to ask these stupid questions to myself, kung sa una palang alam ko nang wala akong lugar sa puso niya? Si Civrus naman talaga, e. Nauna siya kaysa sa ’kin. Anong laban ko ro'n sa taong una niyang minahal? “S-sige, sa susunod na tayo mag-usap. Asikasuhin mo muna lahat ng kailangan mong ayusin diyan, pupuntahan ko lang sila Pove,” sagot ni Matilda na ikinatango ni Civrus. “Bye, I love you..” Sa simpleng I love you na lagi kong naririnig kapag magka-usap sila, nasasaktan na ’ko. Gusto ko, ako ’yung sinasabihan niya no'n, gusto ko ako lang pero anong karapatan ko? Anong magagawa ko? Wala. Hindi naman ako ’yung mahal. “I love you more, bye, ingat.” Nang matapos na ang pag-uusap nila ay tumingin sa akin si Matilda. Humikbi muna siya bago tumayo kaya napatayo na rin ako. “P-puwede mo ba ’kong samahan? Puntahan natin kung saan nila dinala sila Pove,” mahinang tanong niya na ikinatango ko. Hinawakan ko agad siya at inalalayang maglakad palabas. Kahit ilang beses kong sinubukang lumayo at dumistansya sa kaniya, hindi ko na nagawa. Dahil ba tatanga-tanga ako at hindi ko man lang naisip ang magiging epekto nito sa ’kin? Na kababaliwan ko ’tong babaeng ’to? Nakakainis. Nang makarating na kami sa lugar kung saan dinala sila Pove ay tumigil na kami ni Matilda sa paglalakad. Tumingin siya sa ’kin at pinunasan muna ang mata niyang namamaga na. “T-thank you, iwan mo muna ako,” sabi niya na ikinatango ko at hinagod ang buhok niya. “Babalikan kita diyan mamaya. Umiyak ka lang nang umiyak para mailabas mo ’yang nararamdaman mo. Alam kong hindi madali pero kailangan mong tanggapin,” mahinang sabi ko at hindi na siya nakasagot. Tinitigan niya lang ako. “I am always here,” bulong ko at saglit siyang hinalikan sa noo bago tumalikod. I'm afraid na baka hindi ko na magawa ’to kapag bumalik na si Civrus. Of course, dahil miss na miss na nila ang isa't isa, lagi na silang magsasama lalo na at kailangan nila pareho ng karamay. Ako? Ako, magmamahal na naman ako mula sa malayo. Pumasok na sa loob si Matilda kaya umalis na ako. Naglakad-lakad lang muna ako sa labas upang magpahangin. “Henzo!” Napatingin ako sa likod nang may tumawag sa akin. Si Sael 'yon na naglalakad palapit sa akin. Kinunotan ko siya ng noo at hinintay na makalapit. “Can we talk?” “About?” Parang wala naman kaming pag-uusapan. Ah, maybe about Matilda. Kaibigan nga pala ni Civrus ’to. “May gusto ka ba kay Matilda?” seryosong tanong niya na ikinangisi ko. Hindi pa ba halata? Hindi nga lang gusto, e. Tsk. “Kung oo, anong magagawa mo?” taas kilay na tanong ko habang nakangisi pa rin. Mukha namang nainis siya sa pagngisi ko dahil tumalim ang titig niya. “Pre, distansya. Alam mo namang may boyfriend na si Matilda, ’di ba?” inis na sabi niya na ikinatango ko at sinipa-sipa ang buhangin. “Of course. Paano ba ’yan, hindi ko alam kung paano dumistansya sa kaniya. Hindi ko na rin kasalanan kung magustuhan niya rin ako, ’di ba?” sagot ko na ikinakunot ng noo niya at mabilis akong nilapitan. “Gago ka ba? Kung magkakagusto siya sa ’yo, hindi niya kasalanan ’yon! Kasalanan mo ’yon dahil hindi ka dumistansya! Panay ka lapit, para kang nang-aahas porque't wala rito ’yung boyfriend!” sigaw niya na ikinainit ng ulo ko at mabilis siyang sinuntok. “Wala kang magagawa kung hindi ko kayang dumistansya! At para sabihin ko sa ’yo, hindi ako nang-aahas! I'm just doing what I want to do! I have my freedom and rights, jerk!” sigaw ko rin pero nagulat na lang ako nang gumanti siya ng suntok sa akin. Totoo naman na ginagawa ko lang ang gusto ko. Hindi ba puwedeng pasayahin ko rin ang sarili ko? 4 years na akong naghihirap at nag-iisa, si Matilda na nga lang ang nagbibigay ng lakas sa ’kin ngayon. “Limitation, pre! Limitation! Tsk, I'm protecting my bestfriend dahil alam kong masasaktan lang siya. Pero kapag sumobra na talaga kayo ni Matilda, sinasabi ko sa ’yo, hindi ako magdadalawang isip sabihin kay Civrus ang meron sa inyo!” Putang ina? Anong sinasabi niya?! Wala kaming relasyon, bakit parang ayun ang pinupunto niya? “Ikaw ang gago! Issue ka rin ’no? Binibigyan mo ng malisya? Puwes, para sabihin ko rin sa ’yo, hindi ako gusto ni Matilda!” sigaw ko na ikinatahimik niya. Inis akong lumapit sa kaniya at nakipagtitigan. “Hindi niya ako gusto dahil mahal na mahal niya ang kaibigan mo kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano!” Galit ko siyang tinalikuran dahil pati ako, nasaktan sa mga pinagsasasabi ko. King inang pagmamahal ’to. King ina talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD