— Matilda —
“Matilda! Jesus, wake up! Pove and Dessie are in danger! Matilda!”
Napadilat agad ako at napaupo dahil sa narinig ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jerry at mabilis akong hinila patayo. Basang-basa rin siya at halatang natatakot.
“W-what happened to Pove and Dessie?” kinakabahang tanong ko pero hindi niya ako sinagot at hinila lang ako palabas ng cottage.
Lalo akong kinabahan nang makita ko ang maraming taong nagkukumpulan sa tabing dagat habang madilim pa rin ang langit. May nakikita rin akong apat na lalaking lumalangoy sa dagat.
Bumitaw ako kay Jerry at tumakbo nang mabilis palapit sa kanila.
“My God, what happened?” bulong ng isa kaya tinulak ko siya para makadaan ako.
“Oh my God..” bulong ko nang makita ko na kung sino ang mga nasa dagat.
Sila Henzo, Sael, Xyrel at Fed. Palinga-linga sila na para bang may hinahanap, sabay lulubog.
“A-anong nangyayari? Anong ginagawa nila?” natatakot na tanong ko kay Grenda na katabi ko lang pala.
“Y-yung Pove and Dessie raw kasi, nalunod,” sagot niya na ikinalaki ng mata ko.
“What?!”
“Narinig naming sumisigaw sila Dessie at Pove kanina diyan sa dagat kaso malayo kami, nung tumakbo kami papunta rito, wala na sila. L-lumubog na,” singit naman ni Jerry at tumakbo na papuntang dagat para tumulong.
May dumadating na ring rescuers habang ako ay nanginginig na sa takot at kaba.
Jesus, save my friends, I'm begging you, please..
I should help them! Marunong naman akong lumangoy, I need to find my friends!
Tatakbo na sana ako pero napatigil din agad dahil bigla na lang lumutang si Henzo na may buhat-buhat na and that's Pove! Si Xyrel at Sael din ay nahanap na si Dessie.
Mabilis silang umahon habang dala-dala si Pove and Dessie na parehong walang malay. Tumulo ang luha ko nang makita ko silang dalawa pagkatapos nilang mailapag sa buhangin.
“M-my gosh.. Pove, Dessie..” umiiyak na bulong ko at lumuhod sa gilid ni Pove. I tried to pump her chest pero walang nangyayari. “W-wake up, b***h. Wake up!” I shouted na ikinatahimik ng lahat.
“H-Henzo help me!” sigaw ko at siya na ang nag-pump sa dibdib ni Pove. Nilapitan ko naman si Dessie at siya naman ang sinubukan kong i-pump.
I tried to give her breath also, pero wala pa ring nangyayari! Hindi na ’ko matigil sa kakaiyak dahil sa sobrang takot!
“Anong nangyayari rito?!” Dumating si Mrs. Feristine at lumapit sa amin. Ang ibang rescuers ay inilayo muna ako sa dalawa kong kaibigan at sila na ang gumawa ng ginagawa ko rito.
Napapikit ako nang mariin pagkatapos kong makitang wala pa ring nangyayari. Nanginginig na ang labi ko sa sobrang kaba at takot.
They'll survive. Kaya nila ’to, hindi sila susuko. s**t, hindi nila ’ko iiwan!
Lumapit sa akin si Henzo at mabilis akong niyakap. Napayakap tuloy ako pabalik sa kaniya at umiyak nang umiyak.
“H-Henzo, s-si Pove and Dessie..” humahagulgol na sabi ko. Hinagod naman niya ang likod ko at hindi nagsalita.
“M-ma'am, hindi na sila humihinga. Nalunod na po.”
Parang gumuho ang buong mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng isang rescuer. Napabitaw ako kay Henzo at mabilis na lumapit sa kanila. Lumuhod ulit ako at nakamaang na pinagmasdan si Pove and Dessie na parang mga natutulog lang.
“B-bitches! Wake up! This is not a good joke, wake up!” malakas na sigaw ko at hinawakan ang pareho nilang mukha. I hold their wrist to find their pulse.
Hindi na pumipintig!
This can't be!
“B-bitches, wake up.. D-don't leave me,” umiiyak na sigaw ko at bahagya silang niyugyog.
“M-ma'am, w-wala na po sila,” ulit ng isang rescuer na ikinailing ko.
Napatingala ako at kay Henzo agad ako napatingin. “H-Henzo! Henzo, help me to wake them up, Henzo please!” halos ngumawa na ako sa sinasabi ko.
Nanginginig na hinawakan ko si Dessie at niyakap siya.
M-my God! Please tell me that this is just a dream! Na hindi totoong ginising ako ni Jerry kanina. Please tell me!
Hinawi ko ang buhok ni Dessie at napaiyak na naman nang malakas dahil wala na nga talaga sila. Sa isang iglap lang, wala na sila! F-f**k. I can't take this.
“Pove, Dessie.. please,” nanghihinang bulong ko at hinawakan ang kamay ni Pove. “Please.. wake up. I love you, bitches..”
“M-Matilda..” Lumuhod si Henzo sa harap ko at dahan-dahang kinuha si Dessie mula sa akin. “Tara na, sila na muna ang bahala sa kanila..”
N-no.. gising sila, e! Niloloko lang nila ’ko. This is just a f*****g joke!
“Henzo, pakipasok na muna si Matilda sa cottage,” utos ni Mrs. Feristine habang binubuhat na ng mga rescuer sila Pove and Dessie. “Bukas na bukas ay uuwi na tayo, tatawagan ko lang ang parents ng dalawang ’to..” malungkot na dugtong niya.
“Matilda, let's go..” mahinang sabi ni Henzo at inalalayan akong tumayo.
Tiningnan ko muli sila Pove and Dessie at tumawa nang mahina.
“T-they were just joking, hahaha.. It's a prank, my gosh, it's a prank,” natatawang sabi ko habang nakaturo ro'n sa dalawa.
“Matilda, let's go..” sabi ulit ni Henzo at hinawakan ako nang mahigpit para hindi ako matumba dahil nanghihina na talaga ako.
Nakita ko sila Jerry and Fed na nakasunod sa mga rescuers. Sila Sael at Xyrel naman ay parehong nakatingin sa amin ni Henzo.
“Bakit ba kasi umabot sila ro'n sa masyado nang malalim, hindi naman pala nila kaya?” rinig kong tanong ng isang babae pero hindi ko na pinansin ’yon.
Bakit.. bakit sa dami ng tao rito, sila pang dalawa?
Panay ang hikbi ko habang inaalalayan ako ni Henzo papuntang cottage. Sobrang higpit ng hawak ko sa damit niya dahil sa nangyari. I can't accept this. This is so unexpected.
“We tried to reach and help them, kaso pagkarating namin sa dagat, lumubog na sila. We're sorry,” sabi ni Henzo kaya lalo akong napaiyak at napatango-tango na lang nang ilang beses. “Silang dalawa lang naman ang nasa dagat niyon, hindi ko alam kung bakit bigla na lang silang nalunod. We're so sorry, we tried to save them but we failed.” Nakagat ko ang labi ko at hindi sumagot.
Wala naman kayong kasalanan. Wala namang nakakaalam na mangyayari ’to.
“Kaya mo pa bang maglakad?” tanong ni Henzo at tumigil na muna. Tiningnan ko siya at bahagyang itinaas ang kilay ko. “G-gusto mong b-buhatin na kita?” utal-utal pang tanong niya na ikinailing ko. “O-okay, tara na.”
Pinunasan ko ang luha ko at lumakad ulit kasabay siya. Kahit napunasan ko na ang luha ko'y tumulo pa rin ’to at naging sunod-sunod pa.
Malapit na kami sa cottage nang bigla na lang akong binuhat ni Henzo nang pa-bridal style!
“I-ibaba mo ’ko,” humihikbing utos ko. “Kaya ko pa.. kaya ko pa.”
Tiningnan ko siya dahil hindi siya sumagot. Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa daan at malalaki ang hakbang na ginagawa.
Nakagat ko na naman ang labi ko nang maalala ko ang nangyari kina Pove and Dessie—my bestfriends.. Dahan-dahan kong ipinulupot ang kamay ko sa leeg ni Henzo at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
“T-thank you..” bulong ko at pumikit.
Humigpit ang hawak niya sa ’kin hanggang sa makapasok na kami sa cottage. Iniupo niya ako sa upuan at kumuha ng tubig. Binigay niya sa 'kin ’yon kaya ininom ko na lang agad.
Humila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Sumandal na lang ako at pumikit habang umiiyak pa rin.
“S-sila Pove and Dessie ’yon, e..” bulong ko at humikbi. “Mga kaibigan ko ’yon, e..”
Bakit ang bilis? Bakit sa isang iglap lang, iniwan na nila ’ko? P-parang.. parang kanina nag-uusap-usap pa kami at pilit akong pinapaamin.
Ano na lang ang sasabihin ko kina tita? Sa parents nila? Nang dahil sa trip na 'to, nalunod sila at namatay? At sinong sisihin? Ako? Ako na nagsama sa kanila rito?
Ako nga ba?
H-hindi.. that's an accident.
P-paano na ako?
Paano na ako na sila lang ang laging kasama? Paano na akong iniwan nila? Napakadaya.
“P-paano na ako?” tanong ko at napatingin kay Henzo na seryoso lang na nakatingin sa akin.
B-bata pa sila, bata pa kami. Bakit binawian agad sila? Nang dahil sa pesteng trip na ’to, sa pesteng dagat na ’yon, sa pesteng pagkalunod na ’yon, nawala sila?! Sa isang iglap?!
“B-bakit ang hirap?”
“Kailan ba naging madali ang mamatayan?” tanong din ni Henzo na ikinailing ko. “Acceptance na lang, Matilda. Alright, I will let you cry, I will stay. I will hear you,” sincere na pagkasabi niya na ikinatango ko.
Alam niyo ’yung pakiramdam na kahit isang beses, hindi ako nakapagpasalamat at nakapagsabi kung gaano ko sila kamahal? Na mukhang masasabi ko na lang ’yon kapag nasa kabaong na sila?
“N-natulog lang naman ako, bakit paggising ko, iniwan na pala nila ’ko?”