Chapter Twenty-Six

1709 Words
— Matilda — Buong araw lang kaming nags-swimming at nagsasaya sa dagat. Hindi na rin ako lumalayo kina Pove and Dessie dahil mas masaya naman silang dalawang kasama kahit puro kaartehan sa katawan. Hanggang sa gumabi na ay lumalangoy pa rin kami. Naturuan din ako ni Henzo na mag-surf pero lagi pa rin akong natutumba at nahuhulog sa dagat. Si Henzo, marunong pero hindi magaling dahil nahuhulog din minsan. Pagkatapos niyon, kumain lang ulit kami at naglibot dito sa Nagtabon Beach. And now, kausap ko ulit si Civrus through video call. “So, kumusta?” tanong ko at alam kong nasa hospital siya dahil sa background. “Is there something wrong, baby?” panibagong tanong ko nang mapansin ang mukha niyang nag-aalala nang sobra. “Kinakabahan kasi talaga ako sa operation ni mom,” sagot niya at pilit na ngumiti. “Ikaw? Nag-e-enjoy ka ba diyan?” tanong naman niya na ikinatango ko at sumipsip ng sabaw ng buko. “Yes, nakakapag-isip ako nang maayos dito. Like, my decisions and realization. I can feel the peace here,” sagot ko at tipid na ngumiti. “Pero mas masaya kung kasama kita rito.” “I know, don't worry, kapag bumalik na ako.. lahat ng lugar na gusto mong puntahan, pupuntahan natin nang magkasama,” sagot niya at sumandal sa inuupuan niya. “Promise?” tanong ko na ikinatango niya at nagtaas pa ng kamay. “Pangako, baby.” Ngumiti ako at tumango-tango. “Anong ginagawa mo diyan? Patingin nga kung gaano kaganda ang view diyan,” tanong niya kaya napatingin ako sa paligid. Kahit gabi na ay naglalaro pa rin sila ng volleyball. In-expand ko naman ang kamay ko para makita niya ang ginagawa ng mga kasama ko sa likod. “Marami naman pala kayo, e,” sabi niya na ikinatango ko. “Oo, may mga sumama kaya mas masaya,” sagot ko naman. “Mabuti naman, how about Henzo?” tanong niya rin na ikinakunot ng noo ko. “Hey, tinatanong ko lang,” natatawang sabi niya na ikinairap ko. “Huwag mo na nga isali si Henzo kapag nag-uusap tayo,” nakasimangot na sagot ko na ikinataas ng kilay niya. “May babaeng umaaligid sa kaniya. Mukhang gusto siya, hindi malabong magustuhan niya rin ang babaeng ’yon dahil mukhang mabait naman.” Napatikhim ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Parang mismo ako, hindi matanggap ang sinabi ko. “Akala ko ba huwag na siya isali?” natatawang tanong niya na ikinairap ko ulit. “Anyway, that's good. Sana malibang siya sa babaeng ’yon para layuan ka na niya. Hindi naman ako tanga para ’di mapansing may gusto siya sa ’yo, tsk.” “Ikaw talaga. Hayaan mo na ’yon, praning ka talaga,” pairap na sagot ko na ikinangisi niya at umiling-iling. “Sige na, baby. Pagod na pagod na 'ko e. Babalitaan na lang kita about mom. Ingat ka diyan ha, I love you so much,” paalam niya na ikinatango ko. “Alright, rest well. I love you too and take care. Bye.” “Pinagtutulakan mo na pala ’ko kay Grenda?” Gulat akong napatingin sa gilid ko. Doon ko lang nakita si Henzo na nakaupo sa tabi ko pero medyo malayo. Damn! Bakit hindi ko siya napansin do'n kanina? “What the? Anong ginagawa mo diyan?” inis na tanong ko at sumipsip ulit sa sabaw ng bukong iniinom ko. “Kanina ka pa diyan?” “Yup,” tipid na sagot niya at kinunotan ako ng noo. “For your information, I don't like Grenda,” sabi niya na ikinairap ko at nginiwian siya. “Ang sabi ko, hindi malabong magustuhan mo. Stupid,” sagot ko at inirapan siya. “I am better than Grenda pero mas okay kung siya na lang.” Tumalim ang titig niya sa akin, pansin na pansin ko rin ang pag-igting ng panga niya. “Matilda, hindi mo puwedeng diktahan ang puso ko. Hindi mo magagawang utusan ’to na iba na lang,” madiing sabi niya na ikinatahimik ko at tumingin na lang sa harap. “Alam mo ’yon, nahihirapan na nga ako, masakit pa.” Nahihirapan din naman ako, a? Tumayo siya at iniwan ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya sa ’kin. Napasinghap na lang ako at hinilamos ang palad ko sa mukha ko. Naiinis ako. f**k, naiinis ako. “b***h, anong ganap? Parang galit si Henzo, a?” tanong ni Pove na kakarating lang kasama si Dessie. Umupo sila sa magkabilang side ko. “Hindi ko alam do'n. Sinabi ko lang naman kay Civrus na hindi.. h-hindi malabong m-magustuhan ni Henzo si Grenda,” mahinang sagot ko na pareho nilang ikinatahimik. “Bakit parang labas sa ilong ’yang sinasabi mo?” tanong ni Dessie kaya napatingin ako sa kaniya. Labas sa ilong? Really? “I don't know what you're pointing out,” I answered, almost whispering. Napatingin ako kay Pove na napa-tsk at sumandal sa balikat ko. Pumikit siya at nagsalita. “Kilala ka namin, alam naming may gumugulo sa ’yo.” Napabuntong hininga ako at umiling-iling. Naiinis na naman ako dahil kilala talaga nila ’ko. Paano ko sasabihin ’yung gumugulo sa 'kin kung alam ko na ang iisipin nila? Kita mo na Henzo, pati ako nahihirapan. Mamatay ka na! “Sabihin mo nga sa 'min, bitch.. do you like Henzo? Don't lie, ha.” Napatingin naman ako kay Dessie na nakataas ang kilay sa akin. Nagtiim bagang ako dahil kung dati nasasagot ko sila nang deretso na wala akong gusto kay Henzo, ngayon, hindi ko na alam kung anong isasagot. Like, damn f*****g damn. “M-mahal ko si Civrus.. hinihintay—” “Ang tanong niya, kung gusto mo raw ba si Henzo?” pag-uulit ni Pove na ikinabuntong hininga ko. Parang gusto ko na lang umiyak dahil sa mga tanong ng dalawang ’to! Naiinis ako dahil ako mismo, hindi ko alam ang sagot! Kapag ba nararamdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko kapag kasama ko si Henzo, gusto ko na siya? Kapag ba nakikita ko silang dalawa ni Grenda na magkasama, nagseselos ako? Hell no! “See, wala ka pang sagot pero alam na namin ang sagot,” sabi ni Dessie at umiling-iling. “Paano si Civrus, b***h? Paano kung mahal mo na si Henzo kapag bumalik na si Civrus? Oh s**t, mahal na mahal ka kaya ni Civrus.” Kumunot ang noo ko at tiningnan si Dessie. Inirapan ko siya. “What the hell are you talking about? Maybe, I'm just attracted to Henzo, I still love Civrus.” “You still? Paano nga kung hindi na? Paano kung naagaw na ni Henzo ’yang pagmamahal na ’yan?” madiing tanong ni Pove at umayos na ng upo. Umirap ako at bumuntong hininga. “Pagod na ’ko, gusto ko nang magpahinga,” sabi ko at tumayo na. “b***h naman e!” parang nagmamaktol na sabi ni Pove at hinampas ako. “Ang daya-daya mo!” inis na sigaw niya na ikinairap ko ulit. “Sa susunod na nga lang. Ayaw mo lang sagutin kasi alam mong hindi malabong mangyari ’yon!” nakasimangot naman na sabi ni Dessie. “Pumasok na tayo, matulog na,” tanging sagot ko na lalo nilang ikinasimangot. Naglahad ako ng kamay para makatayo na sila. Inabot nila ang dalawa kong kamay at nagpahila patayo. “Huwag na, ikaw na lang. Mags-swimming pa kami ni Dessie,” sagot ni Pove at kiniss ako sa pisngi. “Tara na.” “Goodnight, b***h!” sabi ni Dessie at hinalikan din ako sa pisngi bago sila sabay na tumakbo palayo sa akin. “Next time ha!” pahabol pa niyang sigaw na ikinataas lang ng kilay ko. Bahala kayo diyan. Naglakad na ako at luminga-linga sa paligid para hanapin si Henzo. Imbes na dumiretso sa cottage ay naglakad-lakad na muna ako, nagbabakasakaling makita si Henzo. Natigilan ako sa paglalakad nang may nakita ako mula sa malayo. Tinanaw ko kung sino ’yon dahil bulto lang ng tao ang nakikita ko. A man and a woman. Pareho silang nakaupo sa buhanginan. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Habang papalapit ako, nakikilala ko na kung sino ang dalawang ’yon. Pamilyar na pamilyar sa akin ang katawan nila. “Ano bang problema? Puwede ka namang magsabi sa akin.” It's Grenda. Nakaupo siya katabi ni Henzo. Nakatitig siya kay Henzo habang si Henzo ay nakatingin sa dagat. Hindi sumagot si Henzo pero tiningnan niya si Grenda. “Bakit ba lagi kang nakadikit sa ’kin?” tanong ni Henzo at natigilan ako nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya kay Grenda. “H-ha? K-kasi..” nauutal na sagot ni Grenda at medyo lumalayo pero panay ang lapit ni Henzo. See? Baka bukas, makalawa, si Grenda na ang gusto niya. I should be happy dahil hindi niya na ’ko guguluhin, wala nang pagseselosan si Civrus. Pero bakit parang hindi ko pa rin kayang tanggapin ’tong sinasabi ko?! Damn myself, damn my feelings. “Bakit, Grenda?” tanong na naman ni Henzo at hinawi pa ang buhok ni Grenda. Mukhang nagulat si Grenda at hindi agad nakapagsalita. “Ah.. ano, g-gusto kasi kita,” utal-utal na sagot ni Grenda. Bakit ba nandito pa ’ko at nakikinig? I have to go, I don't have a damn care to their f*****g conversation. “K-kahit alam kong hindi mo ako gusto,” dugtong pa ni Grenda na ikinairap ko at tumalikod na. “Kahit alam mong si Matilda lang ang gusto ko?” Napatigil ako sa akmang paglakad nang marinig ko ang tanong ni Henzo. Huminga ako nang malalim bago tinuloy ang paghakbang. “O-oo..” sagot ni Grenda. Hindi ko na gustong pakinggan ang pag-uusap nila kaya tahimik akong naglakad palayo. Alam ko namang napansin na ako ni Henzo dahil sa kaniya ako malapit, hindi niya lang ako tiningnan at nagpahalata. Tsk. Bumalik ako sa cottage at naligo. Humiga agad ako para makapagpahinga na kahit maaga pa naman. Tinatamad na kasi talaga ako. Gusto ko nang bumalik agad si Civrus para magpigilan ko na ’tong nararamdaman ko. ——— “Matilda! Matilda, wake up. Come on, wake up!” Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin. “Matilda! Jesus, wake up! Pove and Dessie are in danger! Matilda!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD