— Matilda —
“Diyan ka na. Thanks,” sabi ko kay Xyrel nang makarating na kami sa cottage. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na sa loob. Sinara ko ang pinto at saglit na umupo sa upuan saka pumikit.
Napadilat din agad ako dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Si Henzo ’yon na naka-topless pa rin kaya kinuha ko ang towel na nasa gilid ko lang at hinagis sa kaniya ’yon para makapagpunas na siya.
“Ano pang ginagawa mo diyan? Maligo ka na,” masungit na sabi niya na ikinairap ko lang at tumayo na. Inirapan ko ulit siya bago naglakad papuntang banyo para makaligo na nga.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako. Naabutan kong nakaayos na ang hihigaan namin. Malaki ang space kaya okay lang at kasya kami.
Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at nilagpasan lang, siya naman ang pumasok sa banyo. Napairap na lang ako at pumunta na sa higaan para matulog.
Pagod na ako, argh.
“Henzo? Henzo?”
Napadilat din ako nang marinig kong may tumatawag kay Henzo mula sa labas. Kunot noo akong umupo at tumingin sa pinto.
“Matilda, pakipuntahan nga!” sigaw naman ni Henzo mula sa banyo.
Pairap na tumayo ako at pumunta sa pinto. Otomatiko na namang tumaas ang kilay ko pagkabukas ko ng pinto dahil si Grenda pala ang tumatawag.
“May kailangan ka? Kung wala, lumayas ka na sa harap ko,” pagsusungit ko sa kaniya.
Napangiwi siya at parang nahihiyang hinawi ang buhok niya. “Ah, s-si Henzo?” mahinhing tanong niya.
“Naliligo, bakit? Hindi ka puwedeng sumabay sa kaniya,” taas kilay na sagot ko at halatang nagulat siya dahil sa panlalaki ng mata niya.
“H-Ha? H-hindi naman ako makikisabay, a-ano ka ba ate?” utal-utal na sagot niya at mas lalo pang tumaas ang kilay ko dahil narinig kong tinawag niya akong ate.
“Ate? Wow, pero hindi kinukuya si Henzo? Wow again,” pagtataray ko pa. Pilit siyang ngumiti at umiwas ng tingin. “So, anong kailangan mo kay Henzo?”
Hinagod niya ulit ang buhok niya. “Ahm, may itatanong lang sana ako.”
I looked at her from head to toe. In-analyze ko rin ang kilos niya. Magkahawak ang kamay niya at tuwid ding kung tumayo. Mukha naman siyang mahinhin.
Tumikhim ako at ginawang normal ang expression ng mukha ko dahil mukhang mabait naman siya— pero baka nasa loob pa rin ang kulo.
“Ako na ang magtatanong. Tell me,” sagot ko na agad niyang ikinailing.
“B-Bukas na lang pala, sige, bye!” Tinalikuran niya ako at naglakad paalis. Napairap na lang tuloy ako at sinara na ang pinto.
Halatang gusto niya talaga si Henzo. Sino ba siya? A transferee?
And where's my pake pala?
Saktong nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ’yon at sinagot ang tawag ni Civrus. “Hi.”
“Hi, baby. How are you? Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Medyo na-busy kasi ako sa pag-aasikaso kay mom at baka busy ka rin diyan,” malambing na sagot niya.
“Hmm, okay lang ako rito. Ikaw ba diyan? Baka hindi mo na naaalagaan ang sarili mo?” sagot at tanong ko naman na ikinatawa niya at umiling.
“Hindi naman. Okay ako rito. I need to fight for mom, kailangan niya ako kaya hindi ko papabayaan ang sarili ko para sa kaniya at para sa ’yo. Babalik ako diyang maayos, guwapo at mahal ka pa rin,” sagot naman niya kaya ako naman ang natawa.
Humiga na ako at bumuntong hininga. “Kumusta naman na ngayon ang mommy mo?”
“Ginagawa na ng mga doctor ang best nila para ma-save si mom,” sagot niya na ikinatango-tango ko.
“Wait, ano bang sakit ng mommy mo?” tanong ko nang maalala kong hindi ko pa pala ’yon alam.
“Bone cancer,” mahinang sagot niya na ikinatahimik ko dahil sobrang lala pala ng sakit na ’yon. “Sobra na ’kong natatakot, baby. Feeling ko, anumang oras kukunin na siya sa ’kin.”
“Just pray, Civrus...” sagot ko at napatingin sa pinto ng banyo dahil lumabas na si Henzo.
“K-Kasi, pakiramdam ko kahit anong pagdadasal gawin ko, kukunin pa rin siya sa 'kin nang mas maaga. B-Baby, bone cancer ’yon at alam kong kahit saang lupalop ng mundo ko siya dalhin, hindi na siya gagaling. . .” Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang garalgal niyang boses at ang pagsinghot-singhot niya. “Takot na takot na takot na ’ko. Tapos, nalaman ko pang nahuli na ng mga pulis si dad dahil sa bisyo niya. Damn, nahihirapan ako.”
“S-Sorry. . .” mahinang sagot ko at pumikit. “Sorry kasi wala ako sa tabi mo para pagaanin ang loob mo at damayan ka. I'm sorry, Civrus.” Napatingin sa akin si Henzo habang may inaayos sa bag niya.
“It's okay. Kaya ko naman, just. . . just wait for me. I'll be back, promise,” sagot niya na ikinatango-tango ko kahit ’di niya ’ko nakikita. “Mahal na mahal kita, kayo na lang ni mom ang importante sa akin ngayon. Gustong gusto na kitang makita, m-mahalikan at mayakap ulit. Ang hirap talaga, baby.”
“Pero kailangan mong kayanin ’yan para sa mommy mo. Don't worry, nandito lang ako. Hihintayin kita kahit anong mangyari,” sagot ko at tipid na ngumiti habang nakatingin pa rin kay Henzo na natigilan pa sa ginagawa niya.
Tiningnan niya ako pero agad ding umiwas ng tingin. Napabuntong hininga na naman ako dahil alam kong gumugulo na ngayon ang nararamdaman ko.
Naiinis ako kasi parang magiging kumplikado pa ang lahat dahil dito sa ibang nararamdaman ko.
“I love you, Civrus. . . I love you,” sabi ko at tuluyan nang napatigil si Henzo sa ginagawa niya bago lumingon sa akin. “I miss you so much.”
“I love you most, and I miss you so damn much,” sagot naman niya na tipid kong ikinangiti. “Sige na. Goodnight na, I have to do something.”
“S-Sige, goodnight. Take care.”
“Bye, baby.”
Umayos na ako ng higa ko matapos ng pag-uusap namin. Tumagilid ako at nagtalukbong.
Nami-miss ko na talaga si Civrus..
“Matutulog ka na?” rinig kong tanong ni Henzo na ikinatango ko. “Alright, goodnight. I l-love you, Matilda. . .”
Pumikit na lang ako nang mariin pagkatapos kong marinig ’yon. Bumilis na naman ang paghinga ko at hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Nakakainis ka Henzo, ginugulo mo ako.
*****
Kinabukasan, nagising akong ako na lang ang nakahiga at nandito sa loob ng cottage. Maingay na rin sa labas kaya umupo na ako at dumiretso sa banyo. Hindi ko tuloy alam kung sinong nakatabi ko, but nevermind.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay dumungaw ako sa bintana. Nakita ko silang naghahanda ng mga dahon ng saging sa isang mahabang lamesa. Mukhang may boodle fight na magaganap.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-text ng ‘good morning’ kay Civrus. Lumabas na rin ako at maaraw na. Tinanghali na talaga ako ng gising.
“Oh, ayan na pala si Matilda. Kumusta ang paghimbing?” natatawang tanong ni Jerry na ikinairap ko at ikinatawa nila. “Tara na, tulungan mo na lang si Henzo'ng magluto ro'n!”
Hinanap ko naman si Henzo at no'ng makita ko siya ay agad kumunot ang noo ko dahil kasama na naman niya si Grenda na tinutulungan siya.
Napairap ako. “Huwag na, may tumutulong na sa kaniya.” Naglakad na lang ko palapit sa table at nakitulong sa pag-aayos ng mga dahon.
“Hi, good afternoon,” bati ni Xyrel sa akin at tumango lang naman ako.
“Hi, b***h! Good morning, mas mahaba pa tulog mo kaysa sa ’ming mga lasing, ha?” natatawang sabi rin ni Pove na ikinairap ko.
“Nag-enjoy siguro katabi si Henzo.”
“What the f**k?” tumaas ang boses na reaksyon ko sa sinabi ni Dessie. Nginisihan niya naman ako. “Wala na kasing mapwestuhan si Henzo kagabi, e may space pa sa tabi mo kaya doon siya humiga. Oh, ayaw pa?”
“What the f**k again,” bulong ko at umiwas ng tingin. Napatingin ako kay Sael na nakikinig pala sa pag-uusap namin.
Nang lumayo sila Dessie at Pove ay siya naman ang lumapit sa akin at nagtanong. “Anong meron sa inyo ni Henzo?”
“Ha?” Tumaas ang kilay ko at umayos ng tayo. “We're just friends,” sagot ko habang hindi nakatingin sa kaniya.
Feeling ko, mag-ingat dapat ako sa pagsagot dahil kaibigan siya ni Civrus at kahit na wala naman kaming ginagawang masama ni Henzo. Hindi ko alam kung bakit.
“Friends? Are you sure?” seryosong paninigurado niya na ikinatango ko. “Bakit parang hindi ayun ang nakikita ko? Matilda, niloloko mo ba ang kaibigan ko?”
Napanganga ako at napatitig sa kaniya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya dahil sa mga sinasabi niya. Like, OMG, ako? Manloloko? Oh my gosh!
“What the hell are you talking about? I love Civrus, I won't cheat,” pagsagot ko na ikinataas lang ng kilay niya at tumango.
“Sabi mo, e,” tipid na sagot niya at tinalikuran na ako.
Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na ang pag-aayos. Matapos naming mag-ayos ay saktong dumating si Henzo at Grenda na may dalang mga pagkain. Ikinalat nila ang kanin sa dahon at nilagyan ng ulam ang lahat.
“My gosh, ayokong makisabay sa inyo!” maarteng sabi ni Wenie at nag-flip hair pa.
“Edi wag. Sa tingin mo naman gusto ka naming kasabay? You are free to leave. Hindi namin kailangan ang presensya mo,” mataray na sagot naman ni Pove na ikina-‘oh’ namin.
“How dare you, ugly b***h!” inis na sagot ni Wenie at tinalikuran na kami.
Tumabi na lang ako kay Pove and Dessie. Sinabi ni Henzo na magdasal na muna raw kami kaya gano'n ang ginawa namin. Nagkaniya-kaniya na kami ng kain pagkatapos ng dasal.
Naiinis akong kumain dahil nasa harap pa mismo namin si Henzo at Grenda na magkatabi lang. Kapag napapatingin sa isa't isa ay nagngingitian.
Sinong hindi maiirita sa ganiyan?
Kumain na lang ako nang tahimik habang kinukuhaan kami ni Mrs. Feristine ng stolen shots para i-post sa page ng TIS. Hindi ko ring maiwasang mapatingin sa puwesto ng mga pagkain nila Henzo at Grenda dahil mukhang nag-agawan pa sila sa kanin.
Naiinis na ’ko, f**k.
“Anong balak niyo mamaya?” biglang tanong ng isang kasama namin na hindi ko kilala. “Punta tayo sa Surf Surf Cafe?”
“Parang bet ko ’yan!”
“Volleyball din tayo mamaya?”
“Yah! Excited na me!”
Kaniya-kaniya nilang pagsang-ayon kaya napatango na lang ako mag-isa rito at tinanong si Pove. “Anong chika niyo?”
“Marami, b***h!” parang nae-excite pang sagot niya. “Hihi, umamin sa 'kin si Fed,” bulong niya kaya napalingon ako sa kaniya at kay Fed na nahuli kong nakatitig sa ’min— kay Pove lang pala.
“Ano? That he likes you?” pabulong na tanong ko rin at sunod-sunod naman siyang tumango habang ngiting ngiti. “And you likes him too?”
“Hihi, yes,” hagikgik niya na ikinairap ko. “Oh? Huwag mong sabihing kokontra ka? He's kind kaya!”
“Did he ask permission to court you?” Umiling naman siya. “Then, magpaligaw ka muna, ha!”
“Of course!” sagot niya at sumubo ulit.
Napairap na lang ako at napatingin sa harap. Nagulat ako nang makitang nakatitig pala si Henzo sa akin. Tumaas ang kilay ko at nag-iwas ng tingin saka sumubo. Tiningnan ko siya at kahit kumakain na siya ay nakatingin pa rin siya sa ’kin.
“What?” I mouthed. He just smirked and shrugged. “Crazy.”
Natapos na kami sa pagkain at niligpit na ang lahat ng ginamit. Nagpalit muna kami bago sabay-sabay na naglakad papunta sa Surf Surf Cafe na tinatawag nila.
Panay naman ang selfie namin nila Pove and Dessie sa daan. Nag-take rin kami ng mga solo pictures wearing our swimsuits.
Nakarating na kami sa Surf Surf Cafe at nanghiram agad sila ng volleyball. Nagkampihan kami para sa laro. Si Dessie, Henzo at Xyrel lang ang mga kilala ko sa mga kakampi ko.
“Oh, game! Service muna namin!” sigaw ni Xyrel kaya binato sa kaniya ang bola. “Sino una?” tanong niya sa ’min.
“Ako muna!” sagot ko at ngumisi. Tumaas ang kilay niya at ibinato sa ’kin ang bola.
Pumwesto ako at napangisi na naman dahil fuckshit, may naiisip akong kalokohan.
Inihagis ko ang bola pataas at tumalon nang kaunti bago hinampas nang sobrang lakas ’yon.
“Oh!”
“A-Aray!” tili ni Grenda nang tamaan siya sa ulo. Natumba pa siya at napahawak sa ulo niya.
“Hoy, okay ka lang?” tanong ng isang lalaking katabi niya.
“Sinadya mo ’yon?” tanong ni Henzo na ikinailing ko.
“Hindi ko kasalanan na hindi siya mabilis at tatanga-tanga, ha,” parang inosente pang sagot ko.
Tumayo ulit si Grenda at tiningnan ako. I'm expecting her to roll her eyes on me but she just smiled a little instead! Like, what's with that woman?
Score namin kaya service ko pa rin. Pinalo ko ulit ang bola pero si Wenie na ang tinarget ko. Nagulat pa siya at simpleng nahampas lang ang bola na agad ding hinampas ng isa pa niyang kakampi.
Sinamaan niya ’ko ng tingin pero ngisihan ko lang siya. Nagpatuloy rin ang laro na nagbibigayan lang ng bola. Pinanood ko rin kung paano maglaro si Henzo. Okay siya, marunong.
Tinamad na ako kaya nag-quit na ako sa laro at nag-rent na lang ng isang surf board kahit hindi ako marunong. Papaturo na lang ako sa marunong.
“Marunong ka niyan?” Napatingin ako kay Xyrel na lumapit sa akin habang nagpupunas ng pawis. Umiling naman ako. “Tara, turuan kita,” sabi niya na tipid kong ikinangiti at tumango.
“Sige.”
“Pa-rent nga rin, isa,” sabi niya ro'n sa nagpapa-rent. “Let's go.” Sabay kaming naglakad papuntang dagat. “Kumusta kayo ni Civrus?” biglang tanong niya.
“We're fine. Why?” I answered. “All I need to do is to wait him. I trust him, babalikan niya ako. Reasonable naman ang pag-alis niya, so.. okay.”
LP
“Hindi ka ba nahihirapan? I'm sure miss na miss mo na siya,” kunot noo pang tanong niya habang naglalakad na kami sa dagat.
“Nahihirapan kami pareho, but we will fight. Gano'n naman talaga kapag nagmamahal 'di ba? Iintindihin, magtitiwala at lalaban para sa isa't isa," seryosong sagot ko na ikinatango niya.
“Ganiyan din kami ng girlfriend ko dati, pilit kaming lumalaban kahit sobrang hirap na, pero alam mo kung anong nangyari?” sabi niya na ikinailing ko. “Mas nauna siyang sumuko. Pinipilit kong ibalik sa normal ’yung lahat dahil mahal na mahal ko siya pero napagod na siya.”
Nanahimik ako at tinitigan siya. Mukhang mabait naman talaga si Xyrel. Hindi lang talaga naging maganda ’yung unang pagkikita namin at kung anong ginawa niya.
“Sa isang relationship, kapag napagod na ’yung isa, hayaan mo na lang kahit masakit, kaysa naman pilitin pa. Walang sumasaya sa isang pilit.”
Napabuntong hininga ako sa sinasabi niya at tumango-tango. He's right. Mahal niya ang ex niya kaya hinayaan niya. Hindi niya gustong pilitin ang ex niyang pakisamahan siya, ano pa nga ba kasing saysay niyon? Hindi nga naman talaga masaya, edi wala rin.
“Mahal mo pa hanggang ngayon?” tanong ko naman na halatang ikinatigil niya.
“Oo, but I know, it's fading. Nandiyan ka na, e,” sagot niya at ngumisi na ikinataas ng kilay ko.
“Tsk, shut up.”
“I'm serious last night. I..” Napakamot siya sa batok niya at umiwas ng tingin. “I like you,” dugtong niya na ikinataas lang ng kilay ko. “But don't worry, pinipigilan ko namang mahalin ka, I respect your relationship with Civrus, support ko rin kayo at anong laban ko sa kanilang dalawa ni Henzo?”
“Tsk, bakit ba laging nasasali si Henzo sa usapan?” inis na tanong ko na ikinatawa niya. Nagkibit balikat siya at napatingin sa likod ko.
“Speaking of,” sabi niya kaya napalingon ako sa likod at nakita ko si Henzo'ng naglalakad palapit sa amin habang nakakunot noo. “Mukhang hindi na kita matuturuan.”
“Matilda, let's go?” sabi agad ni Henzo pagkalapit niya.
“Saan na naman punta?” kunot noo ring tanong ko. “Nagpapaturo pa ako kay Xyrel.”
“Huwag na! Ako na lang magtuturo sa ’yo sa susunod!” sagot niya at hinawakan na ako bago hinila palayo kay Xyrel. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kaniya.
Umahon kami mula sa dagat at hinila palayo sa Surf Surf Cafe kaya binitiwan ko na ang surfboard at nagpahila na sa kaniya.
“Saan tayo pupunta?” mahinahong tanong ko habang tumitingin sa dagat kung saan marami nang lumalangoy.
“Sa tabi-tabi lang, gusto lang kitang makasama,” mahinahon ding sagot niya. Napatingin na lang ako sa kaniya at tumango. “Ikaw lang nagpapagaan sa loob ko.”
“Talaga ba?” mahinang tanong ko na ikinatango niya. Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at naglakad na lang kasabay niya.
“Oo, kaya gusto kitang makasama lagi kahit pakiramdam ko inaagaw na kita kay Civrus,” mahinang sagot niya na ikinataas ng kilay ko. “Gusto kong dumistansya mula sa ’yo pero hindi ko kaya. Mali ba talagang m-mahalin ka?”
“Hindi ko alam..” tipid na sagot ko at tumingin na lang sa malayo.
“Hahaha, magtanong ka na lang about me. Sasagutin ko na, promise..” Kumunot ang noo ko at napatitig sa kaniya. Saglit niya naman akong tiningnan at pilit na ngumiti.
“Are you ready to tell me your story? Really, Henzo?” tanong ko at tumango naman siya. Tipid akong napangiti at tumango rin dahil feeling ko, pinagkakatiwalaan niya na ’ko. “Where's your parents?” unang tanong ko.
“They are dead,” tipid na sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Napatingin na lang ulit ako sa dagat at hinintay ang susunod niyang sasabihin. “Kaya wala akong kasama sa bahay, kasi wala na rin sila. 16 palang ako nang namatay sila. Alam mo ba kung anong kinamatay nila?”
“Syempre..” sagot ko kaya napatingin agad siya sa akin nang nakakunot noo. “Hindi..”
“Tsk, loko ka talaga. Pinatay sila. May nagplano ng patayang ’yon at dapat kaming lahat ang mamamatay.. m******e, pero ako lang nakaligtas,” sabi niya pa at bumuntong hininga. “Kung hindi siguro nila ako nasabihang huwag umuwi ay baka patay na rin ako. Galing ako niyon sa bahay ng barkada ko pero tumawag si mommy, ’yung boses niya takot na takot, sabi niya huwag akong umuwi. Hindi ako tanga para hindi malaman na may masamang nangyayari sa bahay kaya tumawag ako ng pulis kahit hindi sigurado.”
“Tapos? Anong nangyari?” mahinang tanong ko habang nilalakad pa rin namin ang mahabang daan ng tabing dagat.
“Wala na, pagdating namin wala na. Huli na kami, pinatay na sila. Ninakawan din kami, pero alam ko, hindi lang pagnanakaw ang intensyon nila,” umiiling na sagot niya. “My father is the Mayor and Vice Mayor here—Davao City, way back then, kaya siguradong planado ang pagpatay sa kanila.”
“What about the investigation?”
“Lumabas na ‘yung isa sa mga kalaban ng pamilya namin ang nagpapapatay sa kanila. Until now nasa kulungan siya. Alam mo, kung nandoon talaga ako, siguradong hindi mo ako kasama ngayon,” sagot niya at tumigil sa paglakad.
Thanks because I met Henzo.
“So, m-mayaman talaga kayo?” tanong ko na ikinatango niya at ngumisi.
“Yup, pero walang ni isa ang gustong umampon sa 'kin sa mga Aguilar. Kinalimutan na rin nila ako at sila mom. Pati yaman ng pamilya namin napabayaan ko. Naging tarantado ako, nagrebelde dahil sa nangyari. Hindi ko alam, unti-unti ko na palang nawawala ’yung yaman na pinaghirapan ng pamilya ko. Kinalimutan na ng lahat ng tao ang former Mayor and Vice Mayor of Davao city, hindi na nila kilala ang mga Aguilar. Kaya ayun, doon na lang ako sa tinatawag mong squater nakatira. Sa Barangay na maliit at para lang sa mga taong mahihirap, mababaho at maiingay,” sagot niya na ikinatahimik ko.
H-hindi ko naman alam na gano'n ang nangyari sa kaniya.
Ayun na nga, hindi ko alam pero pinag-isipan ko na agad siya ng kung ano-ano. My gosh Matilda!
“I.. I'm so sorry,” mahinang sagot ko at yumuko. “I'm sorry..” ulit ko pa at bumuntong hininga.
“First time,” natatawang sabi niya kaya napatingin na ulit ako sa kaniya. “Joke lang. Okay lang, ganiyan din iniisip ko sa mga mahihirap noon, pero nung ako na ’yung naghirap.. mahirap nga talaga.”
“Buti nakaya mong mabuhay nang 4 years na ikaw lang?” tanong ko naman na ikinatango niya.
“May trabaho ako sa gabi, pero syempre hindi mo alam ’yon dahil wala kang pake sa 'kin,” pilit ang ngiting sagot niya. “Tama na, siguro naman okay ka na sa mga nalaman mo?” Tumango ako. “Good.”
Naglakad ulit siya kaya sumabay ulit ako sa kaniya. Napatitig ako nang matagal sa likod niya at inisip ang mga na-kwento niya. Grabe, sobrang strong pala ni Henzo? Mas mahirap ’yung pinagdaanan niya kaysa sa 'kin na may mga magulang pa at binabastos ko.
“Just an advice and no offense Matilda, value your family hangga't nandiyan pa rin sila. Alam mo namang hindi mo na magagawang gawin ang mga gusto mong gawin para sa masayang pamilya kapag wala na sila.”
“S-sige, thank you..” sagot ko at tipid na ngumiti. Tiningnan niya ako at hinawakan ang kamay ko saka kami sabay na naglakad ulit.
“Damn. I.. I l-love you, Matilda.”