— Matilda —
“Saan ba puwedeng kumain dito?” tanong ni Jerry habang sumisilip sa bintana.
“Alam ko may Surf Surf Cafe rito, e. Doon siguro meron?” sagot ni Dessie habang titig na titig kay Jerry. Napairap na lang tuloy ako.
Halatang halata si gaga, e.
“Sige, kainin mo ’yung surfboards do'n,” sabat ni Pove na ikinatawa ni Fed at Jerry.
“Mag-ihaw na lang tayo,” sabi ni Henzo at tumayo. “Doon tayo sa labas para malamig,” dugtong niya at naglahad pa ng kamay sa harap ko, kaya napataas na naman ang kilay ko. “Tara na.”
“Gentlemonkey,” taas kilay na sabi ko at hahawakan na sana ang kamay niya pero bigla niyang binawi ’yon! “Ano ba?” inis na tanong ko na ikinataas lang din ng kilay niya.
“Bahala ka diyan,” sagot niya at tinalikuran na ako. “Gentlemonkey, ha.”
Anak ng? Abnormal.
Napairap na lang ako at tumayo na. Sabay-sabay kaming lumabas ng cottage. Malamig na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa amin at ang madilim na kalangitan.
“Gusto niyo mag-swimming?” tanong ni Dessie sa amin habang nakatanaw sa ibang nagsu-swimming sa dagat. “Parang gusto ko na. Kanina pa ’ko tulog nang tulog sa byahe kaya hindi pa ako pagod.”
“Tara? Mag-iihaw pa naman, e,” aya sa kaniya ni Jerry. Napangiti agad siya at tumango.
Hinawi ni Dessie ang buhok sa gilid ng mukha niya at mas ngumiti. “Magbibihis lang ako, hihi.”
“Swimming na rin tayo?” aya ni Fed kay Pove. Agad namang tumango si Pove at sumunod kay Dessie. “Ikaw?” Napataas ang kilay ko nang tanungin niya ako.
“Hmm, susunod na lang ako,” sagot ko at hinanap si Henzo.
Nakita ko siyang nag-aayos na ng pag-iihawan niya. Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa paligid.
Napatingin ako sa cottage na katabi lang namin. Isa-isang lumabas ang ibang kasamahan namin. Ayun lang pala ang cottage na kinuha nila.
Nakita ko si Grenda na nakangiti agad pagkalabas. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa direskyon namin. Tiningnan niya ako habang nakangiti pa rin pero umiwas din ng tingin at nilagpasan ako. Sinundan ko pa rin siya ng tingin at otomatiko na namang tumaas ang kilay ko nang lapitan niya si Henzo.
“Hi, need help? I can help you,” tanong niya kaya napatingin sa kaniya si Henzo.
“No—”
“Gusto kong tumulong.”
E anong magagawa mo kung hindi na nga niya kailangan ng tulong mo?
“Hi, Matilda." Napaatras ako at tiningnan ang nagsalita sa tabi ko.
“What do you need?” taas kilay na tanong ko kay Xyrel na topless na at naka-beach short. Ayos rin ang katawan niya pero mas maganda pa rin ang katawan ni Civrus and... Henzo.
“Hmm, wala naman. Gusto lang kitang samahan. Mukhang busy naman si Henzo, so...” tatango-tangong sagot niya at sinulyapan saglit si Henzo.
“I don't need your presence,” tipid na sagot ko at tumingin na lang sa dagat.
Ang lamig tapos magsu-swimming pa sila? Hindi ba puwedeng bukas na lang ng umaga?
Napatingin naman ako kay Wenie na nakabikini na at pinagtitinginan ng ilang lalaki. Pangit naman niya.
“Mainit pa rin talaga ulo mo sa 'kin, ’no?” sabi ni Xyrel na ikinairap ko na naman.
“After what you did, sinong hindi magagalit sa ’yo?" taas kilay na tanong ko at medyo lumayo sa kaniya dahil baka may balak na naman ’to.
“Oh, sorry.”
Not sincere.
Bigla along kinabahan nang makita ko si Sael na nakatingin sa amin ngayon.
Like, what the fuckshit? He's f*****g Civrus's bestfriend! And I'm sure that he will going to tell Civrus all of my moves here.
I'm dead.
Bigla na lang siyang ngumiti at naglakad na. Huminga muna ako nang malalim bago pinanood ang mga kasama ko rito. Nakita ko sila Pove na tumatakbo na papuntang dagat. Si Henzo naman ay nag-iihaw na kasama si Grenda. Ngumingiti pa sila sa isa't isa na ikinairap ko.
Napatingin sa akin at kay Xyrel si Henzo pero umiwas din siya ng tingin at nakipag-usap na lang kay Grenda.
Magsu-swimming na lang din ako kahit malamig.
“May mga beer kaming dala, gusto mo?" tanong ni Xyrel sa akin.
“Buti pinayagan kayong magdala?”
“Wala naman silang magagawa ro'n,” simpleng sagot niya at naglaro ng buhangin gamit ang paa niya. “Totoo na ’to, sorry sa nagawa ko sa ’yong pambabastos,” sabi niya at humarap na sa akin.
“Louder, add more sincerity,” sagot ko na ikinakunot ng noo niya. Natawa ako at ngumisi.
“Matilda, I'm so sorry. Wala lang ako sa sarili niyon at galit na galit ako dahil kaka-break lang namin ng long time girlfriend ko,” paliwanag niya na ikinatango ko lang.
Where's my pake?
Tinalikuran ko siya at naglakad na pero napatigil din ako dahil hinawakan niya ako sa braso. “Wait, where are you going?”
“Magpapalit ako, magsu-swimming ako,” simpleng sagot ko kaya binitiwan na niya ako at hinayaan.
Bumalik ako sa cottage namin at nagpalit ng simpleng swimsuit which is really suits to my precious sexy body. Sinuklay ko muna ang buhok ko at tiningnan ang sariling reflection sa full sized mirror bago lumabas.
I walked like a model. I flipped my hair. I rolled my eyes. I smirked when they looked at me. I catched their attentions, ha.
Dere-deretso lang ang lakad ko at hindi na sila pinansin pa. Mas gusto ko nang magliwaliw sa dagat kaysa panoorin sila sa mga kaniya-kaniya nilang ginagawa.
“Oh, hot!” Hindi ko pinansin si Xyrel na nakasunod na pala sa akin. “And now, you are snobbing me? C'mon, I'm done apologizing to you!”
“Where's my pake, Xyrel?” tanong ko at binilisan ang lakad palapit sa tubig.
Nakaapak na ako sa tubig at naglakad pa papunta sa medyo malalim. Nilaro-laro ko ang tubig at bumuntong hininga. Gumaan ang pakiramdam ko habang nakababad sa tubig.
Henzo was right, I can find peace here.
Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin at maliwanag na buwan.
Sino bang dapat kong isipin ngayon?
Wala akong maisip, damn.
Si Civrus or my family?
Is this really the time to forgive them? To fix the problem inside our home? I think so.
How about Civrus? Para akong nag-c-cheat sa kaniya, hindi ko maipaliwanag. Para kasing niloloko ko siya. Damn, kahit alam kong wala akong ginagawang panloloko, pakiramdam ko pa rin. Bakit gano'n? Nakakainis.
“Hey!”
“What the hell?” gulat na sigaw ko nang may tumalsik na tubig sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Xyrel na nakalubog na rin sa tubig at ang humampas ng tubig kanina. “Why are you so epal?”
“Lalim ng iniisip mo, e,” kibit balikat na sagot niya na ikinairap ko.
“Duh, pansin mo naman na pa lang malalim iniisip ko, bakit nanggugulo ka pa?” inis na tanong ko at tinalsikan din siya ng tubig. Epal, e.
“Oh, easy! Galit na galit.” Tinawanan niya ako at tinalsikan ulit. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at lumubog sa tubig para lumangoy.
Medyo malayo na ang nalangoy ko at kailangan ko nang huminga kaya umahon na ako. Tumingin ako sa paligid at saktong nakita ko si Henzo na naghuhubad ng suot niyang polo at itinapon na lang basta.
Napatitig na lang ako sa kaniya habang siya ay seryoso ang mukha at napakalakas ng dating. Naglakad din siya palapit dito sa dagat na para bang isa ring model.
Damn that guy. Why is he so handsome and hot?
Darn, erase it. My Civrus is more handsome and hotter than him. I should not admire him. My Civrus will surely get jealous.
Umiwas ako ng tingin dahil napatingin na rin siya sa akin, pero saktong kay Grenda lumipat ang tingin ko na ngayon ay titig na titig na naman kay Henzo habang nakangiti.
Hindi ko talaga alam kung ba't ako naiinis sa babaeng ’yan.
Lumangoy na lang ulit ako kahit nilalamig na ako. Umahon ulit ako para sana bumalik na at makapagbihis dahil lumalamig na talaga. Bukas na lang ako magsu-swimming nang magsu-swimming.
“Matilda!”
Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang pagsigaw sa pangalan ko. Otomatikong tumaas ang kilay ko nang makita si Henzo na basang basa na rin.
“Why?”
“Aahon ka na agad?” tanong niya at tinalsikan ako ng tubig kaya napapikit ako. Epal din!
“Yes, why?” tanong ko ulit at nagsimula na ulit maglakad sa tubig.
“Sabayan mo muna ako!” sabi niya na ikinailing ko.
“Nilalamig na ’ko!” sagot ko naman na hindi na siya nilingon.
“Yakapin kita!”
Napatigil ako at pumikit nang mariin.
Fuck you, Henzo. f**k you!
“Ayoko sabi!” inis na sigaw ko at mas binilisan ang pag-ahon.
“Si Grenda na nga lang—”
Shit! Hindi ko alam kung ba't bigla akong napalingon!
Tumaas ang kilay niya at nginisihan pa ako. “What?” tanong niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay at inis na naglakad papunta sa kaniya. “Sasamahan mo na ’ko?”
“Puwede naman kasing bukas na lang! Buwisit ka,” inis na sabi ko at hinampas ang tubig kaya tumalsik ’yon sa kaniya. “Nilalamig na nga ’ko Henzo, e!” pag-iinarte ko at umirap ulit.
“Yayakapin na nga lang kita,” simpleng sagot niya at lumapit kaya napalayo ako. “Tapos ayaw mo naman.”
“Bumalik na nga tayo, bukas ka na magsaya,” inis pa ring sabi ko at hinawakan siya para hilahin.
“Pa’no ba ’yan, ngayon pa lang masaya na ’ko,” nakangiting sagot niya at tinitigan pa ’ko. Nailang tuloy ako bigla.
“Matilda, may Civrus na nga ’kong pinagseselosan, idadagdag mo pa si Xyrel?”
What the actual f**k?
“Where's my pake?” taas kilay na tanong ko. “Selos, selos, tsk.” Hinila ko ulit siya pero nagulat na lang ako nang hilahin niya rin ako pabalik. “Ano ba?”
“I love you...” mahinang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Hindi ko rin maipaliwanag ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko— parang may hinahabol.
“You know what, let's go,” sagot ko lang at hinila na ulit siya. “Bukas na lang, Henzo. Gusto mo bang magkasakit ako?”
“Ha?” parang tangang tanong niya. “Tara na nga, kumain na lang tayo.” Hinawakan niya ako at siya na ang humila sa akin. Napairap na lang ako habang sumusunod at nagpapahila sa kaniya. “Masarap ’yung inihaw.”
Hindi masarap ’yon. Kasama mong nag-ihaw si Grenda'ng maharot e.
Umahon na nga kami ni Henzo. Nag-jog siya at iniwan ako. Pagbalik niya ay may dala na siyang bathrobe at isinuot sa ’kin ’yon.
“Thanks,” sabi ko na ikinatango niya lang. Sabay kaming lumapit sa bonfire na mukhang kakagawa lang ng mga kasamahan namin.
“Ayan, magpainit muna kayo. Malamig pa naman,” sabi ni Grenda habang nakatingin na naman kay Henzo.
Napairap ako at umupo na lang. Binigyan naman ako ni Xyrel ng isang beer na agad ko namang tinungga. Nanahimik na lang ako habang may mga sariling mundo sila rito.
Sila Pove and Dessie rin ay nakikipaglandian na ro'n sa dalawang kaibigan ni Henzo. Tumaas lang ang kilay ko at uminom ulit ng beer. Gumuhit sa lalamunan ko ang konting pait at tapang nito.
“Hinay-hinay,” sabi ni Henzo na umupo na sa tabi ko. “Here, kumain ka.” Ibinibigay niya ang isang paper plate ng kanin na may isda at barbeque na inihaw nila.
Kinuha ko na lang ’yon at nagsimula nang kumain, gano'n din siya kaya pareho na kaming tahimik.
“Hi, Henzo. Puwedeng tumabi?”
Napatigil ako sa pagkain at napaangat ng ulo pagkatapos kong marinig ang boses na ’yon na alam ko na kung kanino.
“Ah...” Napatingin muna sa akin si Henzo bago tumingin ulit kay Grenda na nakatayo pa rin sa gilid niya.
“Look, sobrang laki pa ng space sa iba. Doon ka na umupo.” Ako na ang sumagot kaya napatingin si Grenda sa akin.
Napatingin nga siya sa paligid at parang napapahiyang binalik ang tingin sa akin. “S-Sorry, si-sige..” mahinang sagot niya at tumalikod agad.
Aalis na sana siya pero biglang nagsalita si Henzo. “Sige, tumabi ka na sa 'kin. Hayaan mo ’tong si Matilda,” sabi niya na ikinaawang ng bibig ko.
Hindi ko talaga alam kung bakit uminit bigla ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin. Blangko niya lang akong tiningnan at tumingin muli kay Grenda na ngiting-ngiti nang umupo sa tabi niya.
“Do you want to eat? Ikukuha na kita ng maakain mo,” tanong pa niya na ikinairap ko at umiwas ng tingin.
Tiningnan ko ulit ang pagkain ko at inis na inis muling kumain. Umirap na naman ako bago uminom ng beer.
Damn, hindi na yata titigil ’tong mga mata ko sa kakaikot!
“Anong year mo na?” rinig kong tanong ni Henzo sa gilid ko.
“Ako? Ahm... ano, 2nd year college palang. Taking Business Ad,” rinig ko ring sagot ni Grenda.
“Ah really, bata ka pa.”
“A-Ayaw mo sa mas bata sa ’yo?”
What the f**k?
Halatang may gusto kay Henzo!
“H-Ha? Hindi naman.”
“Ah, k-kala ko e.”
“Hahaha, kala mo lang ’yon.”
“Hey, okay ka lang?” Napatingin ako kay Xyrel na tumabi sa akin. “Badtrip?” tanong niya na ikinairap ko lang.
“None of your business,” sagot ko at hindi na inubos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Inubos ko na lang ang beer. “Isa pa nga,” sabi ko kay Xyrel kaya agad pa siyang kumuha ng isa na tinanggap ko agad .
“Don't stress yourself.” Uminom siya habang nakatitig sa akin. “You're beautiful,” mahinang sabi niya at umusog pa palapit sa akin.
“I know right,” sagot ko at inirapan siya.
“At bagay ka sa mga guwapong katulad ko,” nakangiting sabi pa niya na ikinairap ko ulit at tinawanan siya. “I like you,” pag-amin pa niya na tinawanan ko lang ulit.
“Well, Civrus is more handsome than you so, mas bagay ako sa kaniya,” nakangising sagot ko at uminom ulit. “And I don't like you.”
“Ouch,” react niya at napahawak pa sa tapat ng dibdib niya. “Okay lang.”
Mukhang hindi naman siya seryoso. Parang tanga, e.
“Whatever Xyrel.”
“Matilda!”
Napapitlag ako bigla nang tapikin ni Henzo mula sa likod ang balikat ko. Inis ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. “What?”
Tiningnan niya muna si Xyrel bago sumagot. “Pasok na tayo sa loob?” 'aya niya na ikinailing ko.
“Bahala ka diyan,” masungit na sagot ko at humarap ulit kay Xyrel. “Pasok na ’ko,” paalam ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.
“Tara, samahan na kita,” sagot niya at naglahad ng kamay. Inabot ko na lang ’yon at tumayo na rin.
“Tang ina...”
Natawa ako bigla nang marinig kong magmura si Henzo. Ngumisi ako at inubos na muna ang beer bago naglakad paalis.
“Tang ina talaga!”