— Matilda —
Dalawang van agad ang nakita namin ni Henzo pagkarating namin sa parking ng TIS. Marami ring mga naka-civillian sa labas na ikinakunot ng noo ko. Aalis din ba sila— I mean, sasama sila?
Bumaba na kami at lumapit kay Mrs. Feristine na halatang kanina pa naghihintay.
“Matilda and Henzo! Bakit ngayon lang kayo? 8:00 ang call time natin!” pambungad niya agad sa amin.
Tumikhim si Henzo at tumingin sa akin kaya napairap na lang ako.
“Bakit ang dami namin?” kunot noong tanong ko na lang.
“Sila ang mga gustong sumama sa Palawan, pinayagan na namin pero gastos nila. Is it okay sa inyo? Para naman mas marami kayo at mag-enjoy. Mas masaya kapag marami,” sagot niya na ikinairap ko na lang at tumango.
Andiyan na sila e, then go.
“Specific place na pupuntahan namin sa Palawan, ma'am?” tanong ni Henzo.
“Sa Puerto Princesa,” nakangiting sagot ni Mrs. Feristine na ikinangiwi ko.
Doon lang pala. Anyway, it's okay, 'di pa naman ako nakakapunta ro'n.
“Alright, magsisakay na kayo. Kayong anim, doon kayo sa isang van. Sila, doon na sa isa pa. Sige na, pasok,” sabi ni ma'am at tinuro ang mga sasakyan namin.
“I'll just get our bags,” sabi ni Henzo at pumunta sa kotse ko. Hindi ko na siya pinansin at nauna nang pumasok sa van.
“Pa-VIP ang peg mo, girl?” tanong ni Pove na nakisabay sa 'kin sa pagpasok. Inirapan ko siya at hindi sinagot.
“Bakit kayo magkasabay?” tanong ni Dessie kaya napatingin ako sa kaniya. ’Yung tingin niya, parang tingin ni mommy kanina— I can't explain. Mapanukso, I guess?
“Sinundo niya ’ko, wala namang sasakyan,” sagot ko na ikinatawa nilang dalawa.
“P-Pove?” Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa tumawag kay Pove.
It was Fed. Ang lalaking may alam ng lahat tungkol kay Henzo. I think, I should be kind to him and be his friend. Malay natin madulas siya at mas marami akong malaman about Henzo. Hello, I don't really know who is Henzo. The things that I only know was— he's poor and a jerk.
“Yes?” tanong ni Pove at naghawi pa ng buhok sa gilid. I raised my right eyebrow.
Nagpapa-cute?
“Would you mind to sit beside me?” Natigilan kaming tatlo sa tanong niya at natawa naman si Jerry— isa pang kaibigan ni Henzo. “Ah, sorry, I just want to—”
“Yeah sure!” sagot agad ni Pove at bumaba para sa likod na umupo.
Nagkatinginan na lang kami ni Dessie at sabay na umirap. “She likes Fed?” I whispered.
“Maybe girl. Hindi rin siya nagsasabi sa 'kin, e,” sagot niya na ikinairap ko ulit. “Ang pogi pala nung Jerry, hihi,” pabulong na sabi niya kaya napalayo ako sa kaniya.
“And now, you likes Jerry?” pabulong din na tanong ko. Nanlaki ang mata niya at agad na umiwas ng tingin. “C'mon, you have a crush on him, it's obvious, bitch.”
“Shh, shut up!” bulong niya na ikinairap ko lang ulit.
Napatingin naman ako kay Henzo na ipinapasok na ang mga gamit naming dalawa rito sa loob. Sumenyas siya na umusog ako kaya umusog na lang ako. Tumaas na ang kilay ko nang umupo siya sa tabi ko at nginisihan ako.
“Okay na ba kayo?” tanong ni Mrs. Feristine at sumakay na sa tabi ng driver. Sumagot naman kami ng yes kaya pinaandar na ang sasakyan.
“This ride will be boring,” Dessie murmured habang naririnig ko namang nagbubulungan sila Pove and Fed sa likod.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. Si Civrus ’yon na gustong makipag-skype.
Umusog ako nang kaunti palayo kay Henzo bago sinagot ang call niya. “Hi,” nakangiting bati ko. “How are you?”
“Hello baby, I'm fine and I miss you,” sagot niya at ngumiti rin. Hinanap ko naman ang earphone ko. “Where are you? Wait, ngayon na pala ang trip niyo.”
“Yup,” sagot ko at isinaksak na ang earphone. “Ikaw? Mukhang nandiyan na kayo ha,” tanong ko naman na ikinatango niya.
“Yeah, and dadalhin ko na agad si mom sa hospital. Medyo nanghihina na kasi siya. I'm so f*****g afraid and worried, baby,” sagot niya at bumuntong hininga. Kumilos siya at mukhang umupo muna.
“Gagaling din ang mommy mo. I'll pray for her,” nakangiting sagot ko na ikinangiti niya rin.
“Thank you so much. Sana nga gumaling na siya agad para maaga akong makauwi diyan at makasama ka ulit,” sabi niya na ikinatango ko. “Did you eat? Baka hindi, ha.”
“I ate, don't worry. Ikaw ba?” tanong ko rin na ikinailing niya. “Kumain ka na. You need strength, huwag mo sabayan ang mommy mo,” pairap na sabi ko na ikinatawa niya.
“Sure, mamaya kakain na ako. Sino pa lang katabi mo diyan?” tanong niya at nagtaas ng kilay.
Napatingin naman ako kay Henzo na nakatitig pala sa akin. Umiwas ako ng tingin at ngumiti kay Civrus. “Si Dessie,” sagot ko na ikinatango niya.
“Alright, kinumusta ko lang ang baby ko. Aalis na kami, bye. Take care, ha? Enjoy your day, I love you so much.”
“I love you more. Take care too,” sagot ko at ngumiti.
Pinatay na niya ang tawag kaya ibinaba ko na ang phone ko. Tinaasan ko ng kilay si Henzo na nakatingin pa rin sa akin.
“Why?” tanong ko na ikinailing niya at tipid na ngumiti. Umiwas siya ng tingin at pumikit na.
Napasandal na lang din tuloy ako para matulog. Hindi ko na rin pinansin ang biglang pagpapatugtog ng music dito.
“If you want to sleep, you can rest your head on my shoulder, freely.” Napadilat ako nang sabihin ’yon ni Henzo. Tiningnan ko siya pero nakapikit pa rin siya.
Pumikit na lang ako at pinilit matulog.
Nagising ako sa pagtapik ni Henzo sa akin. Napagtanto ko na lang din na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat niya. Mabilis akong lumayo at tumingin sa labas.
Nasa airport na pala kami. Lahat kami'y nagsibabaan na at pumasok sa loob. Sumusunod lang kami kina Mrs. Feristine at sa ibang school head na kasama namin.
Ilang minuto pa ang hinintay namin kaya nanahimik na lang ako habang hinihintay na tawagin ang mga passengers papuntang Palawan. At nang sa wakas after ng ilang minutes ay nakasakay na kami sa airplane.
“Ayaw kitang katabi!” sabi ko kay Henzo nang akmang uupo siya sa tabi ko.
“Magkatabi na si Dessie and Pove, si Jerry and Fed din. Kanino mo ’ko gustong tumabi? Sa piloto?” kunot noong tanong niya kaya napasimangot na lang ako at pinaupo siya sa tabi ko.
————
“Do you like her?”
“Don't deny, I can feel it!”
“Both of you are so annoying, stop asking me that question.”
“Just freaking answer our question kasi!”
“Isn't it obvious? I do love her.”
Nagising ako sa pag-uusap ng mga kasama ko pero hindi muna ako dumilat. Halos manigas ako nang maramdaman kong may umaayos ng buhok ko sa gilid habang nakasandal ang ulo ko sa isang balikat.
“Kahit may jowa na?” I know it's Pove.
“Why? May mali ba sa pagmamahal sa taong may mahal pang iba?”
Pinigilan kong mapakunot noo sa naging sagot ni Henzo. He was so freaking serious, b***h.
“Kaya ko namang maghintay.”
“Pero masakit ’yon!”
“Kaya ko namang magtiis.”
“Ganiyan ka kabaliw sa kaniya? Bakit si Matilda pa?”
“Hindi ko alam.”
Dumilat na ako at agad na umayos ng upo. Inayos ko muna ang buhok ko bago napatingin kay Henzo at kina Pove and Dessie na nakaupo lang sa harap namin.
“Did we wake you up?” tanong ni Pove na ikinailing ko.
“Naalimpungatan lang ako,” I answered, prentending that I didn't hear them.
“Tulog ka ulit,” sabi ni Henzo at ni-tap pa ang balikat niya. “Hindi pa ako ngalay.”
“Ayoko nga.”
After seven hours, nakarating na rin kami sa wakas sa Palawan. Bumaba na kami at lumabas ng airport. May panibagong van ang sumundo sa amin at doon kami sumakay. Ganoon pa rin ang puwesto kagaya kanina.
At dahil parang antok na antok ako sa buhay ko, nakatulog na naman ako sa byahe.
———
“Matilda, we're here!”
Napadilat agad ako at napakunot ang noo nang mapansing nakasandal na naman ako sa balikat ni Henzo. Damn, I rejected this offer but then, I ended up resting my head on his shoulder again.
Umayos na lang ulit ako ng upo at tumingin sa labas. Bukas na ang mga pinto ng van kaya kitang kita na ang ganda ng tanawin.
“Bumaba ka na! Bilis!” sabi ko kay Henzo dahil gusto ko na rin bumaba. Bumaba nga siya at hinawakan pa ako para alalayan.
Napahinga ako nang malalim matapos kong malanghap ang sariwang hangin ng Puerto Princesa.
Napatingin naman ako sa mga extra students na kasama namin. Mangha rin sila sa ganda ng Puerto Princesa. Maingay na rin sila. Ang iba sa kanila ay namumukhaan ko, lalo na sina Xyrel at Wenie. Damn them, bakit sumama pa sila?
Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ’yung babaeng nabangga ni Henzo kahapon— Grenda ba ’yon? Tumaas din ang kilay ko nang mapansing nakatitig siya sa katabi kong si Henzo habang may maliit na ngiti.
Hampasin ko pagmumukha niyan.
“Anong beach ’to?” maarteng tanong ni Wenie at nagsuot pa ng sunglasses kahit makulimlim naman na dahil mag-aala sais na ng gabi. Halos 50 minutes din ang byahe namin from airport.
“Nagtabon Beach, the best beach here in Puerto Princesa,” nakangiting sagot ni Mrs. Feristine. “Let's go, may naka-reserve na cottage na para sa atin.”
Mukhang settled na settled na nga ang lahat para sa amin.
Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko na ang dagat matapos ng paglalakad namin. Sayang lang at pababa na ang araw, hindi na gano'n kaganda ang sunset. Mayroon ding iilan pang nasa beach at nagsu-swimming.
“So, one cottages for us. Kayong anim, dito na kayo. At kayong mga sumama, kayo na ang bahalang pumili ng cottage niyo, kayo naman ang magbabayad,” sabi ni ma'am.
Napatingin tuloy ako sa cottage na more like a house design. Kulay white at may kahoy na hagdan na may apat na baitang paakyat. Glass and slide window pa.
Dala-dala pa rin ni Henzo ang mga gamit naming dalawa at inunahan niya na ang pag-akyat sa cottage. Sunod-sunod naman kaming sumunod.
Pumasok kami sa loob at maaliwalas naman ang paligid, pero walang kuwarto. Saan nila kami gustong matulog? Diyan sa lapag? Ew.
“Magtabi-tabi na lang kayo matulog. Kasama niyo ako kaya wala kayong gagawin na kalokohan, okay?” sabi ni Mrs. Feristine na ikinatango na lang namin.
“Enjoy your day here in Nagtabon Beach Resort, Puerto Princesa, Palawan.”