Chapter Twenty-Two

2627 Words
— Matilda — “Parang ang seryoso niyo naman diyan,” sabi ni Henzo nang makalapit na siya sa 'min at inilapag ang tray ng pagkain. Hinila niya ’yung isang upuan papunta sa tabi ko at doon umupo. “So?” tanong ko naman. “Nasaan ang akin diyan?” “This,” sagot niya at kinuha ang plate of carbonara, two slice of pizza and one slice of ube cake. Napangisi na lang ako sa in-order niya. Nilapag niya ’yon sa harap ko at saka ako tiningnan. “Sukli mo pala—” “Sa 'yo na ’yan,” sagot ko agad nang akmang may kukunin siya sa bulsa niya. Napatango na lang siya at kinuha na rin ang pagkain niyang kaldereta with rice and burger. Nagsimula na kaming kumain habang sina Pove at Dessie ay nagdadaldalan lang sa harap namin ni Henzo. Kaming dalawa naman ay parehong tahimik lang. “Tumawag si Civrus kanina, right? Edi okay ka na?” mahinang tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Napatango ako at kumain ulit. Nanahimik na siya at kumain na lang hanggang sa matapos siya. Ako naman ay hindi pa tapos. Kinuha ko ang isang slice ng pizza at inalok siya. “C'mon, eat, nahiya pa,” sabi ko habang nakatapat pa rin sa bibig niya ang pizza. Tumaas ang kilay niya bago tipid na ngumiti at kumagat sa pizza. Umiwas ako ng tingin at inilayo na ’yon sa kaniya, ako naman ang kumagat. “Wait, bibili lang ako ng juice,” sabi niya at agad na tumayo. Hindi ko na siya pinansin nang umalis na siya. “Ouch!” Sabay-sabay kaming napalingon nila Pove sa likod nang may biglang tumili. Tumaas ang kilay ko nang makita si Henzo na nakatayo sa harap ng isang babae. “Sorry, miss,” sabi niya at agad na naglahad ng kamay. Napatingin ang babae sa kamay niya sabay tingin ulit kay Henzo. Ngumiti siya at inabot ang kamay ni Henzo bago tumayo. “O-Okay lang,” parang nahihiyang sabi ng babae at parang nagpapa-cute pa na ikinairap ko tuloy. “Ako nga pala si Grenda, you?” pakilala pa niya. Napairap na naman ako at kumain na ulit. Harot, nabangga lang, e. Puwede namang lagpasan na lang. Kailangan pa talagang magpakilala? “Henzo,” rinig kong tipid na sagot ni Henzo. “Gotta go.” “Ayang mata mo, umiikot na naman!” sabi ni Dessie at tumawa na ikinairap ko na lang. “Ayaw mo talaga sa mga flirt, ’no?” “Obvious ba? Naiirita ako sa mga gano'n,” sagot ko at hindi ko alam kung bakit nga ba. Like, kapag may nakikita akong kahit sinong babaeng mabilis lumandi, naiinis talaga ako. “Naiirita ka sa mga gano'n o naiirita ka lang dahil si Henzo—” “Would you mind to shut your mouth? Parang hindi mo ako kilala, ha,” inis na sabi ko kay Pove. Parang hindi niya naman alam ang mga kinaiinisan ko. “Alright.” Natawa na lang siya at kumain na ulit. “Anyway, gusto niyong sumama sa Palawan?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Palawan? Really?” tanong ni Dessie na ikinatango ko. “Para sa'n?” “Special trip naming Queen and King Hallowxia. Puwede raw magsama ng 2-3 persons, kaya niyayaya ko kayo,” simpleng sagot ko. “OMG, sure thing!” sabay na sagot nila na ikinatango ko na lang. “Kailan alis?” “Tomorrow,” tipid na sagot ko. “Sabihin niyo na lang kay Mrs. Feristine na kayo ang isasama ko.” “Wow, hindi ba puwedeng ikaw na lang magsabi?” taas kilay na tanong ni Pove na ikinataas din ng kilay ko. “Kayo na, I'm lazy,” sagot ko at sumandal na dahil tapos na akong kumain. “Here, girls.” Napatingin kami kay Henzo na bagong dating lang at may hawak na isang tray na may apat na baso ng juice. Isa-isa niya ’yong nilagay sa harap namin. Uminom naman agad ako. Pagkatapos naming tumambay sa cafeteria ay lumabas na kami at naghiwa-hiwalay, maliban kay Henzo na kasama ko pa rin hanggang sa pagpunta sa department namin. “Hindi mo naman kailangang ihatid sundo ako rito sa school,” sabi ko habang naglalakad na kami. “Gusto ko,” tipid na sagot niya habang cool lang na naglalakad. “I'm afraid na baka meron na namang mangyaring hindi maganda sa 'yo rito. Paano na lang kung makasalubong mo si Xyrel na alam kong may hindi magandang intensyon sa 'yo at si Wenie?” kunot noo pang dugtong niya na ikinabuntong hininga ko na lang. “That Wenie, hindi pa pala siya napapaalis. Gusto ko nang makick-out ang babaeng ’yon dito,” inis na sabi ko na ikinatawa niya nang mahina. “What's funny?” “Ikaw nga na malala ang ginagawa kaysa kay Wenie ay hindi napa-kick out, siya pa kaya?” Inis ko siyang tiningnan dahil doon. “Oh, I'm just stating the fact,” natatawang dugtong niya at siningkitan ako ng mata. “Ewan ko sa 'yo,” pairap na sagot ko at sa daan na lang tumingin. “Hintayin ulit kita mamaya,” sabi niya nang makarating na kami sa fashion designing department. “Bahala ka. Bye,” tipid na sagot ko at tinalikuran na siya. “Bye!” As the hours passed, maaga ko na namang nakita si Henzo sa labas ng room namin. Nakatayo siya ro'n at nakasandal sa pader habang nagp-phone at may earphone. Tumayo agad ako at kinuha ang gamit ko pagkataps mag-bell. Lumabas ako at hinampas sa braso si Henzo. Gulat siyang napatingin sa akin at napatuwid ng tayo. Tinanggal niya ang earphone niya at ngumiti sa akin. “Puwede namang sa lobby ka na lang maghintay para makaupo ka. Mangangalay ka diyan,” pairap na sabi ko at naglakad na. Sinabayan niya naman ako. “Mas gusto ko rito,” sagot niya na ikinatango ko na lang. “Sinong isasama mo sa Palawan?” tanong ko naman at saglit siyang tiningnan, sabay tingin ulit sa daan. “Si Fed and Jerry lang, my friends,” sagot niya naman. “Ikaw? I'm sure na sila Pove and Dessie.” “Yup,” patangong sagot ko. “Hindi na kita ihahatid hanggang sa bahay niyo, may kotse ka naman, e,” sabi niya at nagkamot ng ulo pagkatapos naming makarating sa parking. “Sure, bye,” sagot ko at sumakay na. “Take care, Matilda,” sagot niya rin at kumaway muna. Tumango ako at sinara na ang bintana bago pinaharurot ang sasakyan ko. Nakatanggap naman ako ng text from Mrs. Feristine na 8:00 am daw ang alis namin bukas. Damn, I forgot to inform Civrus about this! Kinuha ko muli ang phone ko at nakipag-skype kay Civrus. Sinagot niya agad ’to at busangot na mukha niya agad ang bumungad sa akin. Inilagay ko na lang sa phone holder na nasa harap ko ang phone ko at ngumiti sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang?” nakasimangot na tanong niya at base sa background ay nasa airplane pa rin sila. “Kanina pa ako naghihintay ng tawag mo.” “Bakit hindi ikaw ang tumawag?” tanong ko naman na lalo niyang ikinasimangot. “Baka kasi may ginagawa ka kaya naghintay na lang ako,” sagot niya na ikinatango ko at tumingin sa daan. “Wait, nagd-drive ka ba?” tanong niya na ikinatango ko ulit. “E? Maya na lang tayo mag-usap, baka mabangga ka.” “No, wait lang. May sasabihin kasi ako,” sagot ko at saglit siyang tiningnan. “What is it?” tanong niya sa malambing na tono. Napangiti na lang ako nang makita ko ang mukha niyang guwapo pa rin at ang buhok niyang magulo-gulo. “Kasi Civrus, pinilit ako ni Mrs. Feristine na sumama sa Palawan na sinasabi nila—” “At napilit ka naman?” tanong niya agad at napatango naman ako. Kita ko ang pagkunot ng noo niya kaya umiwas ako ng tingin at sa kalsada na lang tumingin. “But baby, sabi mo hindi ka sasama.” “I'm sorry.. Don't worry kasama ko naman si Pove and Dessie,” sagot ko pero kunot pa rin ang noo niya. “Pero kasama mo pa rin si Henzo ro'n,” sabi niya na ikinabuntong hininga ko. “Ngayon pa lang gusto ko nang bumalik diyan, knowing na makakasama mo nang magdamag si Henzo for three days!” “Calm down, Civrus. Walang ibang balak si Henzo sa 'kin, okay?” pagpapakalma ko sa kaniya. “He's okay, mag-e-enjoy lang kami ro'n at walang ibang gagawing ikakagalit mo.” “Fine, just take care of yourself ha?” sabi niya na ikinatango ko at ngumiti. “I want to thank him kasi kahit papaano ay nababantayan ka niya at napoprotektahan pero hindi ko maiwasang mapaisip na baka isang araw, siya na ’yung mahal mo, na naagaw ka na niya sa 'kin.” Natigilan ako sa sinasabi niya at umiling-iling. “Hindi, just trust me,” nakangiting sagot ko na ikinangiti niya na lang at tumango. “Alright, bye na.” “Take care, baby. I love you so much.” “I love you more.” ———— “Ate! Ate wake up!” “What?” inis na sigaw ko dahil sa ingay ng pagkalampag sa pinto ng kuwarto ko at pagsigaw ni Mathew. “What the hell is your problem, Mat?” tanong ko at umupo na. “Ate, may naghihintay sa 'yo sa baba. Henzo raw!” Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo. “What? Alright, I'll just fix myself!” sigaw ko at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas agad ako ng kuwarto at bumaba. “E, ano ka ba ng anak namin?” “A friend.” “Ah really, siguro'y kilala at kaibigan ka rin ni Civrus, 'no?” “Ah, o-opo...” “Sige, pakihintay na lang ang anak namin.” Sa kusina ko naririnig ang pag-uusap nila kaya doon ako pumunta. Naabutan ko silang kumakain kasama si Henzo. Nakikain pa talaga siya. “Ayan na pala, good morning anak!” bati ni mom sa akin. “Morning,” tipid na sagot ko at tiningnan si Henzo na nakatitig na sa akin. “Why are you here?” I asked at umupo sa upuang katabi niya. Binigyan naman ako ng plate ng isang maid. “Fetching you? Remember our trip to Palawan? Anong oras na kaya, ang bagal-bagal mo, natutulog ka pa pala,” sagot niya at kumagat sa apple na hawak niya. “Ah talaga?” tipid na tanong ko na ikinatango niya. “Trip to Palawan? Matilda, bakit hindi mo sinabing aalis ka?” tanong ni dad na ikinataas ng kilay ko. “I was about to tell you about that kaso inunahan niya na ’ko,” sagot ko at simpleng tinuro si Henzo. “Anyway, three days kami ro'n,” sabi ko kaya napatingin sila sa isa't isa. “At sino-sinong kasama niyo ro'n? Don't you dare to tell me na kayong dalawa lang ang pupunta ro'n?” tanong ni mom at tiningnan kami nang kakaibang— ewan ko sa kaniya! “C'mon mom, sinama ko si Pove and Dessie,” sagot ko na ikinatango na lang niya at tiningnan si Henzo na naglalagay na pala ng pagkain sa plato ko. “Ako na nga!” sabi ko at hinampas nang mahina ang kamay niya. Tiningan niya lang ako at inirapan, tinuloy niya pa rin ang paglalagay. Napa-tsk na lang tuloy ako. Kumain na ako pero agad ding napatigil nang mapansing nakatitig sa akin sina mom and dad habang nakangiti. “W-What?” kunot noong tanong ko. Mas lumapad ang ngiti nila at umiling-iling. Sumubo na lang ulit ako at hindi na sila pinansin. “Alright, we gotta go. Take care, ha? Tumawag ka lang sa 'min if may kailangan ka or may mangyaring hindi maganda,” sabi ni dad pagkatapos nilang tumayo. “Yah, sure,” tipid na sagot ko. “Bye,” pahabol ko pa na ikinatango nila pareho. Napahinga na lang ako nang malalim dahil mukhang medyo umaayos na nga kami— huwag lang akong magmaldita. “Mathew! Let's go baby, sumabay ka na sa 'min!” rinig kong sigaw pa ni mom mula sa labas. “Mukhang okay naman ang relationship mo with your parents,ha?” komento ni Henzo sa tabi ko na ikinataas ng kilay ko. “Or nagsisimula pa lang? Kung oo, then it's good.” “Yah, nagsisimula pa lang. Ganito ba dapat gawin ko? Pakisamahan sila nang maayos kahit pilit?” seryosong tanong ko na ikinakunot ng noo niya. “Kung kaya mo naman, edi sige. Because you know what, darating din ’yung araw na magiging totoo na ’yang pakikisama mo nang maayos sa kanila, hindi na pilit,” nakangiting sagot niya na ikinatango ko na lang. “Ate!” Napatingin kami pareho sa pinto ng kitchen. Nakasilip doon si Mathew at ngumiti sa amin. “Ba-bye! Mami-miss kita! Good morning and I love you!” paalam niya at kumaway pa. “Yeah, goodbye. Take care always,” sagot ko at ngumiti. Lalong lumapad ang ngiti niya at umalis na. “Nasaan pala ang mga gamit mo?” tanong ko kay Henzo. “Nasa living room niyo,” tipid na sagot niya at uminom ng tubig. Sinalinan naman niya ang baso ko ng tubig at inabot ’yon sa 'kin. “Lakas manundo wala namang sasakyan,” pairap na sabi ko at uminom na. Natawa naman siya sa akin. “Syempre, makikisabay ako,” sagot niya na ikinairap ko lang ulit. “Sige, akyat lang ako. Wala pa akong naaayos na kahit anong gamit ko,” sabi ko at tumayo na. “As expected,” bored na sagot niya at nauna pang lumabas ng kitchen namin. Inirapan ko siya no'ng wala na siya rito sa kitchen. Lumabas na rin ako at hinanap siya. Nakaupo na siya sa sofa at nagbukas ng T.V. “I think, hindi na kita kailangan sabihang mag-feel at home,” sabi ko na ikinangisi niya lang ako at hindi na ako pinansin. Inirapan ko ulit siya bago umakyat sa taas at pumunta sa kuwarto. Inayos ko na at inimpake ang mga gamit at damit na kailangan kong dalhin. I shouted the name of one of our maids to carry my bags. “Pakisunod ’yan sa baba,” utos ko at pumasok na sa banyo para maligo. After I took a bath, I fixed myself. Lumabas na ako at bumaba na. Nanonood pa rin si Henzo nang maabutan ko siya. Tumayo naman siya pagkatapos niya ’kong makita. “Saan daw muna tayo?” tanong ko at tumingin sa wrist watch ko. 7:58 am. “Sa school muna raw. Let's go,” sagot niya at kinuha na ang bags niya pati na rin ang akin kaya tumaas na naman ang kilay ko. “Ako na ang magdadala nito, kamahalan,” sarkastikong sabi niya na ikinairap ko lang. “Kayo na ang bahala rito sa bahay, ha?” sabi ko sa mga maid na ikinatango nilang lahat. I received a text from Pove, nasa school na raw sila at ang tagal-tagal naman daw namin. Here comes the mainipin. Lumabas na kami at pinuntahan ang kotse ko. Pumasok agad ako at pinasok naman ni Henzo ang gamit sa likod bago pumasok at umupo sa tabi ko. “Thank you for fetching me ha,” sarkastikong sabi ko na ikinatawa niya nang mahina. “You are always welcome, Matilda,” natatawang sagot niya na ikinairap ko na lang. Bibilhan ko na lang siya sa susunod ng kotse para may gamit na siya panundo. And yeah, of course, I'm just kidding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD