Chapter Twenty-One

1677 Words
— Matilda — Boring na boring na ako sa klase namin. Parang gusto ko na lang matulog. Kung hindi lang sobrang terror nitong lecturer namin at mas maldita pa sa 'kin, kanina pa sana ako natutulog dito. Tumaas naman ang kilay ko nang makita ko si Henzo sa labas ng room kahit hindi pa natatapos ang last class namin. Tiningnan niya ako at kumaway sa akin. Inirapan ko siya at kunwaring nakinig na lang. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya. Parang nagti-take advantage na siya ngayon na wala si Civrus. Hindi ko talaga maiwasang mapaisip kapag malapit siya sa 'kin lalo na at alam kong may gusto nga siya sa 'kin. “Kanina pa nasa labas si Henzo, ikaw ba hinihintay niyan? Kinawayan ka kasi kanina e,” tanong ng katabi kong hindi ko kilala because I'm not f*****g interested to her. I raised my left eyebrow. “Are we close?” mataray na tanong ko na ikinatikom ng bibig niya at parang napapahiyang tumingin na lang ulit sa harap. Natapos ang klase namin na nakatayo lang talaga sa labas ng room si Henzo. Napairap na naman tuloy ako dahil ayoko talagang magka-issue sa kaniya at baka makarating pa kay Civrus! Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na. “So, ano na naman Henzo?” taas kilay na tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. “Anong ano na naman? Hindi naman ikaw ang hinihintay ko,” sagot niya at tumingin ulit sa loob ng room. Napapikit ako sa inis at pagkapahiya. Like, f*****g damn! Naiinis na ’ko sa kaniya! Inirapan ko siya at tinalikuran pero agad din siyang sumabay sa paglalakad ko kaya tumaas na naman ang kilay ko. “I'm just joking,” natatawang sabi niya na ikinairap ko ulit. “Oh, that was a joke? Not funny,” bored na sagot ko na ikinatigil niya sa pagtawa at umiling na lang. “Did you hear what happened to Bea?” “Oh yes! My gosh, sobrang brutal ng pagkamatay niya!” “Sino naman kayang pumatay sa kaniya? OMG, hindi naman siguro schoolmate natin ’no?” “Sana nga. Sana rin mahuli na ang kriminal na ’yon.” Napatingin ako kay Henzo nang marinig ko ang pinag-uusapan ng apat na babaeng naglalakad sa harap namin. Tumaas ang kilay ni Henzo sa akin. “What do you think is the prime intention of the killer to kill Bea?” tanong ko sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad. “I don't know. Hindi ko naman kilala si Bea. Nakilala ko lang siya no'ng nalaman kong tinulak ka niya, kaya anong alam ko sa buhay niya?” sagot at tanong niya rin. Napatango-tango na lang ako. “Naiisip ni Pove and Dessie na connected ’to sa nangyari sa akin. Pati na ’yung sa dalawang nangmanyak sa 'kin sa men's C.R. Is that possible, Henzo?” tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat. “Wala akong alam sa mga murder case na ’yan. Baka naman may kasalanan lang sila sa pumatay sa kanila at baka magkaibang suspect ang gumawa,” simpleng sagot niya na ikinatango ko na lang. “Pero kung about naman sa ’yo, ano ’yun? Obsess sa 'yo ang taong ’yon?” kunot noong tanong niya pa na ikinaisip ko rin. Hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay nakakatakot na ang mga nangyayari dito. “b***h!” sigaw nila Pove habang kumakaway at nasa tapat ng cafeteria. Lumapit na lang kami ni Henzo sa kanilang dalawa. “Oh? Bakit kayo magkasama?” taas kilay na tanong ni Dessie. Napairap na lang ako at nilagpasan sila. Nauna na ’kong pumasok sa loob ng cafeteria. Napakapa ako sa bulsa ko dahil nagr-ring ang phone ko. Napangiti agad ako nang makita ko ang picture ni Civrus. Gustong makipag-video call. I answered the call before I smiled. “Hi,” nakangiting bati ko. Halatang nasa loob na siya ng airplane. Ngumiti agad siya sa akin. “Hi baby, how are you?” tanong niya at sumandal sa inuupuan. “Okay lang. Magl-lunch pa lang ako. Ikaw?” tanong ko naman. “Well, I'm not okay. I'm worried about mom's health and I'm worried about you. Siguro araw-araw na akong mag-aalala kasi hindi ko naman alam kung ano'ng nangyayari sa 'yo oras-oras,” nakasimangot na sagot niya. “Huwag mo na ’kong isipin. Ang mahalaga ay gumaling ang mommy mo,” nakangiti namang sagot ko. May kumalabit sa akin kaya napatingin ako sa kung sino mang ’yon. It's Dessie. Itinuro niya ang magiging table namin kaya naglakad na rin ako pasunod sa kanila. “Sinong mga kasama mo?” tanong niya habang humihikab na. “Sorry, inaantok na ’ko.” “I'm with Dessie and Pove,” sagot ko naman at saglit na sumulyap kay Henzo na seryoso lang akong pinapanood. “Alright, pagkatapos niyong kumain, call me ah? Miss na miss na kasi kita,” sabi niya na ikinangiti ko at tumango. “Matutulog muna ako. Mamaya na lang, bye. I love you so much.” “I love you too,” sagot ko at ngumiti. Ngumiti rin siya at pareho na naming pinatay ang tawag. “Ako na ang o-order para sa inyo,” sabi ni Henzo at tumayo. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Hanggang dito Henzo, sasabay ka?” tanong ko na ikinatango niya lang. Napairap na lang tuloy ako at naglabas ng one thousand. “Oh, order me any food without rice. Diyan ka na rin kumuha ng pambili mo ng sa 'yo, baka naghihirap ka na naman,” sabi ko. Napatitig muna siya sa pera bago kinuha ’yon. Malamig niya lang akong tiningnan bago umalis. “Grabe ka naman kay Henzo!” sabi ni Pove at hinampas ako. Inis ko naman siyang tiningnan, manghampas ba naman? “He's trying to be nice, oh! Ano bang ikinaiinis mo sa kaniya? Nakakaawa tuloy siya.” Nakakaawa? What the f**k? “Where's my pake?” I asked na ikinairap niya. “Naiinis ako sa kaniya, anong magagawa niyo?” inis na ring tanong ko na pareho nilang ikinairap. “Feeling ko naman, sobrang bait niya, as in. Girl, ilang beses ka na nga niya ulit natulungan? Ah, tatlo!” sabi ni Dessie na ikinatigil ko. Umiwas ako ng tingin nang maalala ko ang mga pagtulong niya sa akin. Ano naman? That's just a help. Just a help, Matilda? Really? “Girl, hindi puwedeng inis na lang o ano mang nararamdaman mo ang pinapairal mo! All people should be treated respectfully and properly, lalo na at marami na siyang tulong at nagawang maganda,” sabi ni Dessie na ikinamaang ko. “Is that really you, Dessie?” tanong ko rin na ikinataas ng kilay niya. “Whatever.” “Alam mo, sobra na talaga pagiging maldita mo. No offense, b***h,” singit naman ni Pove na ikinaawang ng bibig ko. My gosh! Are they really my friends? I don't think so! “Imagine, you love having argue with your parents. Sinisigawan, sinasagot at isinasawalang bahala mo sila, is that right Matilda? Why don't you try to start the beginning of peace in your own home? Ikaw na ang mag-adjust. Kung masyadong malalim ’yang pinagdadaanan mo, huwag mong dalhin hanggang dito sa school. Kasi honestly, naaawa rin ako sa ibang student dito na walang atraso sa 'yo tapos pinapahiya mo— except do'n sa mga kinaiinisan din nating tatlo,” seryosong sabi ni Pove na ikinatigil ko at napatitig sa kaniya. “No offense talaga, ha. I'm just telling you this para alam mo at aware ka. I'm telling you this because I'm your concern friend. I want you to be happy, okay and contented.” Napaiwas ako ng tingin at yumuko. Ngayon na mismong kaibigan ko na ang mga nagsasabi sa 'kin nito, ang hirap na pakinggan. Talaga bang sobra na ang ugali ko? Sino bang may kasalanan nito? ’Di ba mismong parents ko rin na patuloy tinriggered noon ang nararamdaman ko at sinusubukang bumawi ngayon? “Bakit hindi mo subukang magpatawad?” Napatingin na naman ako kay Pove. Magpatawad? Ilang beses na ba ’kong nagpatawad? Buong buhay kong pinapatawad ang mga magulang ko sa lahat-lahat, sadyang masama lang ang loob ko! “Why don't you try to understand others? Hindi puwedeng ikaw lang ang laging iniintindi. Mahirap din ’yon.” Understand? Ilang beses ko na rin bang sinubukang intindihin ang lahat? Napagod na ’kong umintindi kaya ganito.. nahihirapan na ako. “Bakit hindi mo na lang hanapin ang true happiness mo?” True happiness? “Kulang pa ’yung mga ngiti mo, girl. You are true happy kung wala nang nakabara diyan sa puso mo.” Napapikit na lang ako at sumandal. Bakit ganito? “Kung sa pamilya mo nagsimula ’yang gulo at sama ng loob mo, sa kanila mo rin simulan ang pag-ayos niyan.” “Hindi puwedeng habang buhay kang nagdurusa sa sakit, hirap, pagsisisi, selos at inggit.” “Alam niyo, tama na...” mahinang sagot ko at seryoso silang tiningnan. “Naiintindihan ko. Hayaan niyo ako,” mahinahong sabi ko at tipid na ngumiti. “Ginigising ka lang namin,” seryoso ring sagot ni Dessie. “Kaibigan ka namin, gusto naming maging masaya ka,” nakangiting dugtong niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Parang kanina si Henzo lang pinag-uusapan namin tapos ngayon, ganito na? Itong dalawang ’to talaga. “Sa ilang taon nating magkakaibigan, nahihirapan din kaming dalawa kapag nararamdaman namin ’yang inggit at sama ng loob mo sa kapatid at parents mo. Na kapag may nagagawa kang hindi maganda sa ibang tao, ’yang nararamdaman mong ’yan ’yung pinakadahilan ng lahat,” mahinang sabi ni Pove at tipid na ngumiti sa akin. “P-Para kayong tanga!” napapangiting sagot ko at parehong hinampas ang mukha nila. “Thank you, thank you,” nakangiting sagot ko sa kanila. “Parating na si Henzo,” sabi ko nang makita ko na si Henzo'ng naglalakad na palapit sa amin. Sinusubukan ko naman ang mga sinasabi nila, hindi lang madali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD