— Matilda —
“What?” taas kilay na tanong ko kay Henzo. Heto na naman siya, ano na naman kayang kailangan niya?
“Pinapatawag tayo ni Mrs. Firestine,” sagot niya at umiwas ng tingin.
Tumaas naman ang kilay ko dahil ano namang kailangan sa ’min ni Mrs. Feristine? Isa sa mga faculty si Mrs. Feristine dito.
“Bakit daw?” tanong ni Dessie na ikinakibit balikat ni Henzo. “Sige na, bye na b***h! Mamayang lunch na lang,” paalam niya na ikinatango ko.
“Take care ha," pahabol naman ni Pove na ikinatango ko ulit at naglakad na palagpas kay Henzo.
“You cried, why?” Tumaas na naman ang kilay ko at napatingin kay Henzo dahil sa tanong niya. “Namamaga mata mo,” kunot noong dugtong niya na ikinaiwas ko ng tingin.
“You don't have to care,” pairap na sagot ko naman.
“Who said I cared? I'm just asking,” sagot niya kaya inis akong napatingin sa kaniya. Nginisihan niya ako bago tumingin muli sa daan.
Bwiset na ’to.
“Hindi mo yata kasama si Civrus?” Inis akong bumuga ng hangin dahil sa panibagong tanong niya. Pairap ko rin siyang tiningnan. Natawa siya sa reaksyon ko at biglang nagtaas ng kamay na para bang sumusuko. “Oh, I'm just asking,” natatawang sabi niya na ikinairap ko na lang ulit.
“Ang dami mong tanong!” singhal ko sa kaniya na ikinatawa na naman niya. “Iniwan ako ni Civrus! Papunta na sila sa ibang bansa ngayon! He freaking left me and brought his mom outside of our country para ipagamot!” inis na sigaw ko dahil wala naman nang ibang tao rito sa hallway na dinadaanan namin. “Okay ka na?”
Natigilan siya sa pagtawa at dahan-dahang ibinaba ang dalawang kamay niya. “R-Really?” tanong niya na ikinatango ko.
“Really!” sagot ko at umiwas ng tingin.
Binilisan ko na rin ang paglalakad ko. Hindi na siya sumagot pa kaya nanahimik na lang din ako.
Tahimik kaming nakarating sa office ni Mrs. Feristine. Kumatok muna kami at binuksan naman niya ang pinto.
“Bakit niyo po kami pinapatawag?” tanong ni Henzo habang ako ay humalukipkip na lang.
“Kayo ang Mr. and Ms. Hallowxia, if I'm not mistaken, right?” nakangiting tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
“Yes,” tipid na sagot ni Henzo at saglit akong tiningnan pero inirapan ko lang siya.
“Bukas na ang alis niyong dalawa papuntang Palawan—”
“What the heck are you saying? Ayoko ngang pumunta ro'n at makasama ang lalaking ’to!” inis na sagot ko habang nakaturo pa kay Henzo.
“C'mon, Matilda. May mga puwede naman kayong makasama ro'n. Puwede ka magsama ng atleast two to four friends,” sagot niya na ikinairap ko lang at umiling-iling. “Matilda, you can't do anything about it.”
Lumapit sa akin si Henzo. “Excuse us,” sabi niya kay ma'am na ikinatango nito. Marahan niya akong hinila palayo. “Don't reject this trip to Palawan, please, Matilda?” bulong niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“And why?”
“You can find peace in Palawan. Gusto mong mag-isip-isip? You will surely enjoy the presence of Palawan, Matilda,” pagpupumilit niya. “At isa pa, huwag mo naman akong ipahiya. Talagang iiwan mo ako sa ere? Simpleng pagsama sa Palawan lang ang gagawin mo. Why don't you just enjoy this?” seryoso pang bulong niya na ikinabuntong hininga ko.
Minsan talaga, masarap suntukin ’tong si Henzo. Kung magmakaawa naman kasi, parang tanga!
“Fine!” inis na sagot ko pero pabulong. Hinampas ko pa ang mukha niya bago humarap ulit kay Mrs. Feristine. “Sasama na nga ’ko! Epal kasi ’to, e!” inis na sabi ko at sinamaan ng tingin si Henzo.
“Alright, so okay na ha? Inform niyo agad ako kung sinong isasama niyo sa pag-alis niyo para maayos ko na ang lahat,” sagot niya na ikinatango lang namin pareho. “You may go. Thank you.”
Tinalikuran ko na agad siya at nauna nang lumabas ng office niya. “Thank you,” rinig kong sabi ni Henzo mula sa likod.
Napairap naman ako. “You're not welcome,” sagot ko na mahina niyang ikinatawa.
“Huwag mo kasi akong iwasan para hindi ka nahihirapan tumanggi nang tumanggi.”
“What?” taas kilay na tanong ko at tumigil sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya at nginiwian siya. “Sinong hindi iiwas sa 'yo Henzo? Tell me!” inis na tanong ko na ikinamaang niya.
“Ano na naman?” kunot noong tanong niya at mas lumapit sa akin. “Inaano na naman ba kita?” inis ding tanong niya na ikinairap ko.
“Ang pangit mo!” sigaw ko at hinampas ang pagmumukha niya. “Ang pangit-pangit mo!" Kahit hindi!
Sinuklay na lang niya ang buhok niya at dumukwang palapit sa akin kaya napaatras ako bigla, pero hinawakan niya ako sa baywang at pinigilan.
“Bakit ka umiiwas? Kasi inamin kong gusto kita?” tanong niya na hindi ko nasagot. “Paano kung aminin kong mahal na kita, mas iiwas ka? Hindi mo na 'ko kakausapin? Gano'n? Damn, Matilda!”
Napamaang ako at napatitig sa mga mata niya. Sobrang magkalapit na ang mukha namin kaya halos maduling na ako sa pagtititigan namin.
Kumunot ang noo ko nang ma-realize ko ang sinasabi niya. Inis ko siyang tinulak at inirapan.
Mahal? Funny!
My gosh!
“You know what, you're crazy,” ’di makapaniwalang sabi ko na ikinataas din ng kilay niya.
“I'm crazy because I love you, oh yes,” seryosong sagot niya na ikinatahimik ko na naman. “Look, Matilda, kahit anong sabihin mo at pag-ayaw mo sa 'kin, hindi mo mapipigilan ’to!” sabi niya at mabilis na kinuha ang kamay ko. Itinapat niya ’yon sa tapat ng dibdib niya.
Sobrang lakas ng t***k, ramdam na ramdam ko. Parang ’yung t***k ng puso natin kapag hinihingal. Nanahimik ako at umiwas ng tingin. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya ’ko hinayaan.
“Henzo...”
“Malakas, ’di ba? Nagiging abnormal na ’yan dahil sa ’yo, tuwing kasama kita at kausap. Kung alam mo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ikaw pa. Ikaw pa na maarte at maldita.” Seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Henzo, may boyfriend na ako—”
“Shut it! Wala akong pake kung may mahal kang iba, basta ako nagmamahal lang dito!”
“O, bakit ka naninigaw?” sigaw ko at tinulak siya nang malakas. “Gusto ko lang ipamukha na wala akong pake diyan sa pagmamahal na nararamdaman mo sa ’kin,” mariing sabi ko na ikinamaang niya at umiwas ng tingin.
Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Napatigil din ako sa paglalakad dahil akala ko may balak siyang sundan ako.
Inis akong lumingon ulit sa kaniya. Natigilan ako nang makita ko siyang nakatalikod na rin at naglalakad habang nakasabunot sa buhok niya.
Inis na siya niyan? Totoo namang wala akong pake!
Tumaas ang kilay ko dahil tumigil din siya sa paglalakad at mabilis na lumingon din sa akin. Medyo malayo na siya sa 'kin pero naaaninag ko pa rin ang pagkainis sa mukha niya.
Napaatras ako nang malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa akin. “Alam mo...” pabitin na sigaw niya hanggang sa makalapit na siya. “Lagi talagang nakakainis ang mga sinasabi mo. Hindi ba puwedeng, just act normal? Pakisamahan mo ako nang maayos!” inis na sabi niya sa 'kin at hinawakan ako sa braso para hilahin.
“Where's my pake, Henzo? And, hello! Don't touch me! Let me go!” maarteng sagot ko at pilit kumawala pero pinadulas niya lang ang kamay niya sa mismong palad ko at ayun ang hinawakan nang mahigpit.
Like, what the f**k? Ano ba ’tong pinaggagagawa ni Henzo sa 'kin? Hindi ba siya nag-iisip? Feeling ko talaga nag-c-cheat na ako kay Civrus lalo na at wala siya rito sa bansa.
“Henzo!” sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. “Papasok na ako sa klase! Puwede ba, lubayan mo ako!” inis pang sabi ko nang maalalang late na pala ako.
“Hahatid na kita,” tipid at mahinahong sagot niya. Nilingon niya pa ’ko saglit at kinunotan ng noo bago tumingin ulit sa daan. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na sumagot.
Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ang magkahawak naming kamay. Tiningnan ko na lang ang likod niya at mahinahong naglakad.
Sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko na hindi ko dapat nararamdaman sa kaniya. Naiinis na ako dahil napapadalas na ’to!
Dammit!
Hinatid niya nga ako pero pinatigil ko na agad siya pagkaakyat namin ng hagdan dahil ayokong makita pa siyang kasama ko ng mga blockmate ko.
Ang i-issue pa naman.
“Dito na lang,” sabi ko at binawi na ang kamay ko. “Sige na, umalis ka na.”
Tumango naman siya at seryoso akong tiningnan kaya inirapan ko na lang siya bago tinalikuran.
“Matilda, let's just be friend. I'm fine with friends, huwag mo lang akong layuan.”