— Matilda —
“W-What?” gulat na tanong ko at bumitiw na sa yakapan namin. “Iiwan mo ako Civrus?” naiiyak na tanong ko sa kaniya at umiling-iling.
Mali ang pagkakarinig ko, 'di ba?
Please, no.
“Baby, sorry... sorry,” sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang braso. “I'm sorry, kailangan na talagang ipagamot sa ibang bansa ni mom. Hindi sapat ang apparatus dito para mapagaling siya. Ayokong mawala siya sa 'kin,” parang naiiyak na ring dugtong niya na tuluyang kinatulo ng luha ko.
Iiwan niya na 'ko? Akala ko ba walang iwanan? Bakit ganito?
“I'm very sorry. But Matilda, ayokong makipaghiwalay. Please, huwag mo ’kong hiwalayan. Babalikan naman kita, e. Babalik ako kapag gumaling na si mom, babalik ako, promise,” nagmamakaawang sabi niya hanggang sa tumulo na rin ang luha niya. “Please, baby? Mahal na mahal kita.”
“C-Civrus...” naibulong ko na lang ang pangalan niya dahil sa sakit.
Imagine, there will be no Civrus everyday. There will be no Civrus who will fetch me and drive me home, no more personal greetings from him, no more bonding, no more sweet moments. s**t, ang sakit. Ang hirap!
“W-We can still have communication. We can talk through skype or video call and text. Please, j-just... just wait for me,” sabi niya at hinawakan ang mukha ko. “Ayoko pang bitiwan ka, one month pa lang tayo. Ikaw ’yung gusto kong pakasalan. Please, baby?”
Napaupo na lang ulit ako sa bench at nagpunas ng luha. Tumango-tango ako at tiningnan siya. Nagkagat labi siya at umupo rin sa tabi ko.
“S-Sure, hindi ako makikipaghiwalay,” mahinang sagot ko at huminga nang malalim.
“T-Thank you, I love you, I love you so much,” sagot niya at hinalikan ako sa noo.
“Kailan na ang alis n'yo? Mamaya agad?” tanong ko na dahan-dahan niyang ikinatango. “A-Ang bilis naman..”
“I'm sorry...” bulong niya na ikinatango ko lang at tipid na ngumiti.
“Okay lang. Mommy mo ’yon, e,” sagot ko at sumandal na lang sa braso niya. “I'm just sad. Hindi na kita makikita araw-araw, but don't worry, I can wait. Just promise me that you will come back,” nakangiting dugtong ko pa.
Umakbay siya sa 'kin at isinandal ang ulo niya sa ulo ko. “Babalikan kita, pangako. Akin ka lang, gusto ko pagbalik ko, akin ka pa rin,” sagot niya at hinalikan ang ulo ko. “Natatakot na tuloy ako... natatakot na ako dahil baka magkagusto ka sa iba kapag umalis ako. Na baka bigla na lang akong mapalitan kasi wala ako, hindi ko na magagawa 'yung mga gusto kong gawin para sa 'yo. Baka iba na ang gumawa ng mga ’yon.”
Kahit umiiyak ay napairap pa rin ako dahil sa sinasabi niya.
“Shut up. Mahal kita,” tipid na sagot ko. “Baka nga ikaw pa ang makahanap ng iba,” pairap na sabi ko at nagpunas ng luha. “Wala na ’kong magagawa sa plano mo. Sige, maghihintay ako, Civrus.”
“T-Thank you, thank you for understanding my situation. Hindi ko ’to ginusto, pero promise, babalikan talaga kita,” sabi niya at niyakap na naman ako. “Mahal na mahal kita..”
“Mahal din kita,” bulong ko at yumakap pabalik. “Maghihintay ako.”
Medyo matagal na kami sa gano'ng posisyon at pareho lang kaming tahimik. Parang ayaw ko nang pakawalan si Civrus ngayon pero wala naman akong magagawa sa pag-alis niya. Mommy niya ’yon, syempre mas uunahin niya ’yon.
Mayamaya pa'y napatingin siya sa wrist watch niya at umupo na nang tuwid. “Baby, I... I need to go,” mahinang paalam niya.
Huminga ako nang malalim at tumango-tango. Sabay kaming tumayo habang magkaharap pa rin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilaro-laro na muna ’yon.
“Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko ro'n kung wala ka. Tatawagan na lang kita lagi, okay?” sabi niya na ikinatango ko naman ulit. “Kahit huwag mo na ’kong samahan at ihatid sa airport. Kailangan mo pang pumasok. Take care always, alright? Huwag mong pababayaan sarili mo.”
“I will, ikaw rin. Hihintayin kita, I love you,” sagot ko at pilit na ngumiti.
“I love you too,” sagot niya at mabilis na hinawakan ang mukha ko para mahalikan.
Pumikit ako at mabilis na tinugon ang halik niya. Tumulo na naman ang luha ko habang naghahalikan kami. Parang mahihirapan talaga ako nito.
“Kailangan ko nang umalis,” bulong niya pagkatapos niyang kumalas sa halikan namin. “I'm very sorry, ha. Babawi ako nang sobra pagbalik ko,” sabi niya na ikinatango ko ulit at ngumiti.
“Ingat kayo,” I answered and gave him another smack of kiss. “I love you so much.”
“I love you too,” sagot niya at ngumiti pero halatang malungkot. Huminga muna ako nang malalim bago tumango. “I gotta go. Take care, okay? Mawawala ako sa tabi mo para maprotektahan ka,” mahinang sabi niya na ikinatango ko na naman.
“I will, para sa 'yo," nakangiting sagot ko at yumakap ulit nang mahigpit sa kaniya, yumakap naman siya pabalik. “Sige na, bye...”
Tumitig muna siya sa 'kin bago tumango-tango. “Bye,” paalam niya rin at tumango na naman bago lumakad palayo sa akin.
Bumilis ang paghinga ko habang pinapanood siyang maglakad palayo sa akin. Nagkagat labi ako para pigilan na naman ang luha ko dahil alam kong pagkatapos nito, magkakalayo na kami. Hindi ko na siya makikita personally, matatagalan pa bago maulit.
Tumaas ang kilay ko dahil tumigil siya sa paglalakad at humarap na naman sa 'kin. Naglakad ako at huminto sa harap niya.
“Bakit?” tanong ko at nagtaas ng kilay.
“Mahal na mahal kita, always remember that,” mahinang sabi niya at hinalikan na naman ako bago muling tumalikod. “I'm sorry...”
“Mahal na mahal din kita!” pasigaw na sagot ko. Nilingon niya ako at ngumiti nang malapad bago nag-wave bye. “Balikan mo 'ko ha!”
“Yes, baby!” sagot niya at tumalikod na muli. Binilisan na niya ang lakad papunta sa kotse niya. Tiningnan niya muna ako bago nag-wave bye muli at sumakay sa kotse niya.
Pinanood ko na lang ang pag-andar ng kotse at ang pag-alis niya. Huminga muna ulit ako nang malalim bago nagsimulang maglakad pabalik sa bahay namin.
Iniwan niya na ’ko pero maghihintay ako.
Tahimik akong naglakad pabalik sa bahay. Nakita ko sila mom and dad na paalis pa lang para pumasok sa trabaho nila. Pareho silang napatingin sa akin.
“Matilda, what happened?” kunot noong tanong ni dad at lumapit sa akin. Nagkatinginan sila ni mom nang ilingan ko sila at nilagpasan.
Wala akong panahon makipag-usap sa kanila.
“Matilda, anong nangyari? Bakit?” Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ako ni mom sa braso at pinaharap sa kaniya. Tinitigan niya ako kaya napaiwas ako ng tingin.
“Nothing. Umalis na kayo kung aalis kayo,” sagot ko at tatalikod na sana pero hinawakan niya na ’ko sa parehong braso.
“Bakit namamaga ang mata mo? Did you cry? What happened? Tell me,” mahinahon pero nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Kailan nga ulit ’yung huling beses na nag-alala sila sa nararamdaman ko? Hindi ko na maalala dahil sa sobrang tagal.
Tinitigan ko siya at bigla na lang akong nanghina. Mas matangkad pa rin sa 'kin si mom kaya napasandal na lang ang ulo ko sa dibdib niya.
“Civrus left me. Kailangan niyang umalis ng bansa para ipagamot ang mommy niya,” mahinang sabi ko. Naramdaman ko agad ang kamay niya sa likod ko at hinagod-hagod ’yon.
“Really? But you are still in relationship?” Tumango ako sa tanong niya. “Kaya n'yo ba?” panibagong tanong niya na ikinatigil ko.
Kaya namin, kakayanin namin.
Lumayo ako sa kaniya at huminga muna nang malalim bago tumango at pilit na ngumiti. “Of course, we love each other. We will fight and be strong. Nothing can destroy our relationship. Long distance relationship? Basic.” Mayamaya pa'y ngumisi na ako at tinalikuran na sila.
“Siguraduhin n'yo lang ’yang sinasabi n'yong pagmamahal,” sabi ni dad na ikinatango ko lang habang naglalakad na paakyat. “Alright, we gotta go. Mag-ingat kayong dalawa ng kapatid mo.”
“Sure, bye,” tipid na sagot ko at umakyat na. Pumunta ako sa kuwarto at nag-ayos na para sa pagpasok ko.
I grabbed my phone to dial my driver's number. “Hello, ma'am?” pagsagot niya sa tawag ko.
“Buy 25, 000 pesos worth of groceries. Magsama ka ng dalawang maid dito. Ihatid n'yo na lang sa ‘Bahay Nila Lolo at Lola.’ Pakisabing galing sa akin at sa susunod na lang ako dadalaw,” utos ko dahil ngayon ko lang sila naalala. Nakalimutan ko na silang dalawin doon.
“Copy, ma'am!”
I ended the call at tinapos na ang pag-aayos para makapasok na sa school.
“Si Mathew?” tanong ko sa maid pagkababa ko. “Pumasok na?” Tumango naman sila kaya naglakad na ako palabas ng bahay.
Pasakay pa lang ako ng kotse ko nang mag-ring ang phone ko. It was Pove, the b***h.
“Hey,” simpleng bati ko at sumakay na.
“b***h! Do you know what happened to Bea?” tanong niya agad na ikinakunot ng noo ko.
“Bea? The one who pushed me yesterday? Yes, what happened to her?” I asked at nag-drive na.
“OMG! This is so shocking! She was killed brutally!”
“What?” gulat na tanong ko dahil sa sinabi niya. Napanganga ako habang nagd-drive at parang 'di pa makapaniwala. “S-Saan?”
“Malapit sa bahay nila. Kagabi pa nakita ang bangkay niya. Girl, na-chop-chop ang dalawang paa at kamay niya! Putol din ang dila!” Napangiwi ako nang ma-imagine ko ang sinasabi niya.
“What the hell? Sino namang may gawa niyon sa kaniya?” tanong ko at mas binilisan ang pagd-drive.
“Later, b***h! Sa school na tayo mag-usap. And for the f**k's sake, I'm with Dessie and we're both waiting for you, kanina pa!” halatang naiinip nang sabi niya na ikinairap ko.
Kasalanan ko ba na masyado silang maagang pumapasok? Akala mo talaga.
“Bye.” Pinatay ko na lang ang tawag at mas binilisan ang pagmamaneho.
Naisip ko na naman bigla si Civrus. Napabuntong hininga na lang ako dahil dapat kasama ko siya ngayon, siya dapat maghahatid sa ’kin, kaso hindi na e. Siguradong nasa airport na sila or papunta pa lang. Pero, alright, okay lang.
Pinarada ko agad ang kotse ko at bumaba. Tumaas agad ang kilay ko nang makita ko si Henzo na naglalakad papasok pa lang ng gate. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na.
“Matilda!” Napalingon ako sa kanan nang marinig ko na ang boses ni Dessie. Naglakad na lang ako palapit sa kanilang dalawa. Tumaas pa ang kilay ko nang mapansing titig na titig si Dessie sa 'kin. “OMG, what happened to your eyes? Did you cry?” tanong niya na ikinangiwi ko at umiwas ng tingin.
“Yah, namamaga. Anyway, where's Civrus? Bakit ’di kayo magkasama?” tanong naman ni Pove kaya naalala ko na naman ang pag-alis ni Civrus kanina.
Hindi na talaga naalis ang bigat sa dibdib ko. Miss na miss ko na agad siya at isipin pa lang na aalis na talaga siya ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Parang gusto ko na lang na bumalik sa kotse at mag-drive ulit pauwi.
Bakit ba kasi pumasok pa 'ko?
“He left me,” tipid na sagot ko at naglakad.
“Ha? Wait... what?” naguguluhang tanong ni Dessie na ikinatango ko lang. “What happened and why?”
“His mom is sick, kailangan niyang dalhin sa ibang bansa para maipagamot. So ayun, umalis siya,” sagot ko at bumuntong hininga. “But, that's okay. Kami pa rin naman.”
“Pero kaya n'yo ba? Paano na lang kung may lumandi sa kaniya ro'n at palitan ka?” tanong ni Pove na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi naman siguro sila matatagalan do'n. Hindi sila aabot ng isang taon, or baka nga wala pang kalahating taon, nandito na sila!” pairap na sagot ko naman na ikinakibit balikat na lang nila. “So, what about Bea?”
“Ayun na nga girl! Naisip mo rin bang baka connected sa nangyari sa ’yo ang nangyari kay Bea?” tanong ni Pove na ikinataas ng kilay ko.
“Kasi, 'di ba, girl, nasabi mo sa amin noon na may nambastos sa ’yo loob ng men's comfort room and after that, they were also killed brutally except Xyrel. And now na may gumawa na naman ng hindi maganda sa 'yo, pinatay rin!” sabi naman ni Dessie na ikinakunot ng noo ko at nanahimik na muna.
Is there a possibility na connected nga ang lahat sa akin? May point si Dessie, pero paano at sino? Sino namang pumapatay sa kanila?
Wala akong kilalang puwedeng pumatay sa kanila. May killer ba rito sa school? Nagkataon nga lang ba ’to o talagang connected ’to sa 'kin?
“You know what, huwag na nating isipin ’yan,” tipid na sabi ko dahil ayoko pang mag-isip ng kung-ano ano ngayon.
“Pero kasi girl, this is being creepy! What if you have stalker pala? What will you do? This is not funny, ha. We are worried about you,” sabi ni Pove at hinawakan ako para pigilan sa paglalakad.
Kunot noo ko lang silang nilingon. Hindi naman siguro gano'n ’yon, and where's my pake sa lahat ng ito?
“Oo nga, b***h!” sang-ayon pa ni Dessie na ikinairap ko na lang at bumuntong hininga.
“Let's not talk about this, alright?” sagot ko na ikinairap din nilang dalawa at inis akong tiningnan.
They have a point. Baka nga totoo ang mga sinasabi nila at nakakakaba nga, but what can I do? Wala akong alam, I don't have any hints kung sinong pumapatay.
“Matilda...” natigilan kami at napalingon sa likod nang may tumawag sa akin.
Damn, it was Henzo again!