Chapter Eighteen

2392 Words
— Matilda — “Water, b***h,” sabi ni Pove at inabot ang isang bottled water na agad ko namang tinanggap. “Don't worry, kukuyugin natin ’yung tumulak sa ’yo,” naka-cross arm na sabi niya at umirap pa. “Napakapal ng pagmumukha niya. b***h, muntik ka nang mamatay!” inis na sabi naman ni Dessie at hinampas sa braso si Civrus na nasa tabi niya lang. “Bantayan mo lagi ’yan. Nako! Gusto na yatang sunduin ni Kamatayan,” bilin niya kay Civrus na ikinairap ko. Kung mamamatay ako, mamamatay ako. Nakakapit ako kanina, 'di ba? Tipid akong umismid ko at huminga muna nang malalim. “Kasalanan ni Wenie ’to, kung hindi niya sinira ang umaga ko, hindi ako makikipag-away. Nakakabanas!” inis na sabi ko naman. Umupo si Civrus sa tabi ko at inayos ang buhok ko. “I'm sorry kung hanggang ngayon ay pinag-iinitan ka ni Wenie,” mahinang sabi niya na ikinataas ng kilay ko. “I'm sorry kung nabaliw siya sa 'kin at ikaw ang inaaway niya. Ba't ba kasi napakaguwapo ko— aw!’ Hinampas ko agad nang mahina ang mukha niya at inirapan siya. “Tsk, ang landi landi mo kasi. Siguro nilandi mo dati ’yon, kaya ayan!” inis na sagot ko na ikinatawa niya at umiling-iling. “Hindi naman, don't worry, gagawa ako ng paraan para mapa-kick out na siya rito sa school,” sagot niya na ikinatango ko na lang at sumandal sa braso niya. “Pati na rin 'yung kung sino mang tumulak sa ’yo.” “Thank you,” sagot ko at pumikit na muna. “Hey!” Napadilat din agad ako dahil sa sumigaw. Napatingin kaming lahat kina Henzo at Xyrel na kakarating lang. “Kilala na namin kung sino,” sabi ni Henzo sabay tingin sa akin. “Si Bea, kaibigan ni Wenie,” gatong ni Xyrel na ikinataas ng kilay ko. “Nagtanong kami kung nasaan na sila pero nakalabas na raw ng school.” “Mga mahilig tumakas sa kasalanan,” sagot ko at umirap. Tama ba ’yon? Kapag may kasalanan ka, harapin mo kahit gaano pa kahirap at kahit ano pang kapalit. Kagagawan mo ’yon, e. “So, ano nang plano n'yo?” kunot noong tanong ni Henzo sa amin. At bakit siya nakikisali? Hindi porque't tumulong siya sa pagligtas sa 'kin ay okay na kami, ha. “Kami na ang bahala, thank you na lang,” seryosong sagot ni Civrus, halatang gusto nang paalisin si Henzo. “Puwede n'yo na kaming iwan.” Parehong napatingin muna sa akin si Henzo at Xyrel pero tinaasan ko lang sila ng kilay. Wala na silang nagawa kun'di tumango at tumalikod. “Pagod na ’ko, I think I need to go home,” tamad na sabi ko at tumayo na. “You sure?” tanong ni Civrus na ikinatango ko. “Let me drive you home,” sabi niya at tumingin kina Pove and Dessie. “Mauna na kami.” “Okay, bye and take care, lovers!” sagot nila kaya nag-wave bye na ako at sabay na kaming naglakad paalis ni Civrus. “You know what, kabang kaba ako kanina,” sabi ni Civrus habang magkahawak kamay na naman kaming naglalakad. “No'ng nakita kita, s**t Matilda, parang gusto kong pumalit na lang sa ’yo ro'n.” “Huwag mo na ngang isipin ’yon,” sagot ko at tipid na ngumiti. “Naligtas mo naman ako e.” “Pero paano kung hindi ka namin naiangat? Paano kung hindi ka agad nakasabit niyon? Paano kung nahulog ka? Paano ako, Matilda?” mahinang tanong niya na ikinabuntong hininga ko. “Hindi ko kaya ’yon, baby...” “Shh, okay naman na, tapos na. Huwag mo na isipin,” sagot ko at pinisil ang kamay niya. “Sorry kung pinag-alala kita.” Bumuntong hininga na lang ulit siya. “I love you, baby.” “I love you too, I won't leave you.” Ngumiti na siya at hinalikan ako nang smack. Nang nakarating sa parking lot ng school ay pinagbuksan niya na 'ko ng pinto ng kotse niya. Natigilan pa ako nang mapatingin ako sa labas at nakita si Henzo sa hallway. Nakasandal siya sa isang poste habang nakatingin sa gawi namin. Napairap na lang ako at hinintay na umandar ang kotse. Natulog na lang ako sa byahe namin ni Civrus pauwi hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nagising akong tinatapik at hinahalikan niya ang pisngi ko. Ngumiti agad ako at hinalikan din siya, pero sa labi. “Gusto mo bang pumasok muna?” tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya at tumango. “Let's go.” Sabay na kaming bumaba at naglakad papasok sa bahay. “Prepare a snack for him,” utos ko agad sa isang maid na agad nitong ikinatango at umalis na. “Dito ka muna, magbibihis lang ako,” sabi ko kay Civrus na ikinatango niya at umupo na sa sofa. Umakyat ako sa taas at nagbihis sa kuwarto. Bumaba agad ako pagkatapos. Naabutan ko si Civrus na nanonood na ng TV at kumakain. “So, hindi ka na babalik sa school para pumasok?” tanong ko sa kaniya na ikinailing niya bago uminom. “Tamad ka.” Natawa siya nang mahina habang umiiling pa rin. “Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makasama?” nakangising tanong niya na ikinairap ko at umupo sa tabi niya. “Nasa'n pala ang kapatid mo? Okay na kayo?” Natigilan ako at inilibot ang paningin sa bahay. “Where's Mathew?” tanong ko sa isang maid na dumaan. “Ma'am, nasa kuwarto niya na po. Kanina pa nakauwi,” sagot nito na ikinataas ng kilay ko. “Ang aga naman niyon umuwi?” bulong ko at umirap na lang ulit. “Ah yeah, medyo okay kami. Medyo lang, hindi ko alam kung paano,” sagot ko sa tanong ni Civrus kanina. “Weh? Ang sabihin mo, hindi mo talaga kayang tiisin ang kapatid mo. Syempre, kapatid mo ’yon, e,” sagot niya na ikinairap ko ulit. “Irapan mo pa ’ko, totoo sinasabi ko ’no?” Hindi ko tatanggapin ang sinabi niya. Hindi naman totoo 'yon, 'no. Wala pa rin akong pake kay Mathew. Oo, wala. “Hiindi kaya. Nagkalagnat lang siya, then ayun, as a very very good sister, inalagaan ko siya,” pairap na sagot ko na ikinatawa niya. “Bakit hindi ka na lang tuluyang makipag-ayos sa kanila?” taas kilay na tanong niya na ikinataas din ng kilay ko. Ako pa talaga ang makikipag-ayos? Really? It's a no, no way. “I mean, kung sinusubukan nilang makipag-ayos sa 'yo, pagbigyan mo.” Napairap na naman ako at kumuha na lang sa mangkok ng nachos na kinakain niya. “Mas magaan pa rin sa pakiramdam kung wala nang gulo sa loob ng pamilya, Matilda.” Kapag seryoso talaga ’to, Matilda na tawag sa 'kin. “Kahit gaano pa karaming kasalanan ang magulang natin, sila dapat ang una nating pinapatawad sa lahat ng taong nagkaroon ng kasalanan at nakapanakit sa atin, kasi sila rin ’yung unang taong nagpatawad at pinagbigyan tayo simula nang mabuhay tayo.” Huminga ako nang malalim at tinitigan siya dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ba ang Diyos ang unang nagpatawad sa atin? Ewan, siguro. Hindi ko talaga alam. “Masyado ka naman yatang mabait ngayon, Civ,” sarkastikong sagot ko na ikinangiwi niya. “I'm deadly serious here, Matilda!” sagot niya at bahagyang ngumuso. “Kasi alam mo, dadating din ’yung araw na mawawala sila sa ’tin.” Bigla na lang lumungkot ang tono ng boses niya kaya natahimik ako at nakinig na lang. “Kaya, heto, ginagawa ko na ang lahat para kay mom dahil may sakit siya. Ginagawa ko na ’yung mga bagay na hindi ko nagawa as a son sa kaniya. Ang gago-gago ko, kasi ngayon ko lang na-realize na kailangan niya ako, kailangan niya ng isang anak ngayon. Ang gago ko kasi sinayang ko ’yung mga panahong okay pa siya at wala pang sakit. Paano na lang kung bigla na lang siyang kunin sa akin? Masakit,” pahina nang pahinang dugtong niya. Nang tingnan ko ang mga mata niya ay nakitaan ko ito ng namumuong luha. Bumigat din tuloy ang pakiramdam ko. Napabuntong hininga ako at hinawakan siya sa braso bago hinaplos-haplos 'yon. “Gagaling din ang mommy mo. Tingnan mo nga, hanggang ngayon lumalaban pa siya.” “Paano kapag hindi niya na kayang lumaban?” seryosong tanong niya at tumitig sa akin. “Tapos, si dad, wala pang ginagawa. Parang walang pakialam at sugal lang nang sugal. And me, as a son, needs to forgive him in his every single sin. Ang hirap pala,” dugtong niya pa at sumandal sa balikat ko. “Kaya huwag mo ’kong iiwan, ha? Ikaw na lang ang sandalan ko.” Ramdam na ramdam ko ang lungkot at hirap sa boses niya kaya hindi ko maiwasang makaramdaman din ng lungkot para sa kaniya at kay tita. Maging ako ay naging mabigat ang paghinga at nagsisimula nang mainis sa daddy niya. Kung matino lang siguro ang daddy niya, may kasama pa siyang lumaban para sa mommy niya. Pero nandito rin naman ako para sa kaniya. “Hinding hindi Civrus. Walang iwanan, mahal na mahal kita,” mahinang sagot ko at tipid na ngumiti. Isinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo niya. Away lang ang problema sa pamilya ko pero siya, mas mahirap ang pinagdadaanan niya. Natigilan naman kami nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Umupo siya nang maayos bago kinuha ang phone. Tiningnan niya ang caller at napatingin agad siya sa akin. “Personal doctor ni mom,” sabi niya at sinagot ang tawag. “Hello? Is there anything wrong?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. Dahan-dahang kumunot ang noo niya at biglang napatayo kaya napatayo na rin ako. Umawang ang bibig niya at kinamot ang kilay. “I-I'm coming!” Ibinaba niya agad ang phone at tumingin sa akin. “I'm sorry, I need to go. May masamang nangyari kay mom. Kita na lang tayo bukas, I love you,” nagmamadaling sabi niya at hinalikan ako bago tumakbo paalis. “Take care...” bulong ko habang tinatanaw siya paalis. Huminga muna ako nang malalim at tumango-tango. Sana maging okay na si tita. ***** Nagri-ring na phone ko ang gumising sa akin kaya agad akong napabangon at kinuha ’yon. “Who the hell is this?” inaantok na tanong ko na medyo inis pa. “B-Baby...” Napadilat ako nang marinig ko si Civrus. “Civ? Why? What happened?” tanong ko at agad na bumangon. “Okay lang ba ang mommy mo?” Bakit parang bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtawag niya sa 'kin. Ang boses niya ay parang nangatog pa. “C-Can we meet?” tanong niya na medyo utal pa kaya kumunot ang noo ko. “Usap tayo.” Napasinghap ako at kinabahan bigla dahil parang may iba sa usap na gusto niya. “S-Sige, saan?” tanong ko naman at umupo na muna. “Pinapakaba mo ’ko...” mahinang dugtong ko na medyo kinatawa niya. “S-Sorry, baby. Sa park na lang malapit sa inyo para hindi ka na lumayo,” sagot niya na ikinatango-tango ko. “Wait for me nor I'll wait for you, alright?” “Alright, I love you.” “I love you most, remember that,” sagot niya na ikinatango ko na naman. Namatay na ang tawag kaya huminga na ako nang malalim. Kinakabahan talaga ako. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Nag-ayos na ako ng sarili ko at lumabas na ng kuwarto. Bumaba ako at nakasalubong ko pa si Mathew na may hawak na tinapay. “Good morning, ate. Ang aga mo naman? Saan punta mo?” tanong niya at kumagat sa tinapay. “Sa park lang,” tipid na sagot ko at nilagpasan na siya. “Matilda, ang aga mo naman?” Napalingon ako kina mom and dad na kakagaling lang sa kusina. Muntik nang tumaas ang kilay ko pero pinigilan ko ito. “Magkikita kami ni Civrus,” sagot ko na ikinatingin nila sa isa't isa. “Gotta go.” Tinalikuran ko na sila at lumabas na ng bahay. Pumunta nga ako sa park at wala pang tao ro'n nang makarating ako kaya umupo muna ako sa isang bench at naghintay kay Civrus. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang kotse ni Civrus kaya agad akong tumayo at hinintay siya. Hindi siya ngumiti nang makita ako pero tumakbo agad siya palapit sa akin. “Baby...” tawag niya at niyakap ako nang sobrang higpit. “Bakit? What happened?” tanong ko at yumakap na rin sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya mas kinabahan ako sa sasabihin niya. “Tell me, kinakabahan ako,” mahinang sabi ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya nang malalim habang hindi pa rin ako pinapakawalan. “M-Mahal na mahal kita. Mapapagod akong mabuhay kung mawawala ka sa 'kin. Gusto ko, ako lagi ang kasama mo, ang nag-aalaga sa 'yo, ang pumoprotekta sa 'yo hanggang sa pagtanda. Gusto kong tayo na lang dalawa. Gusto ko, akin ka lang. Gusto ko, walang iwanan,” bulong niya at mas humigpit ang yakap niya sa 'kin. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko talaga may hindi maganda siyang sasabihin. “Gusto ko rin ng mga ’yan Civrus. Pero bakit? Ano ba'ng nangyari? Bakit ganiyan ka? Kinakabahan ako sa 'yo,” kinakabahang tanong ko. “Aalagaan mo ang sarili mo lagi, ha? Don't stress yourself and just live happily. Makipag-ayos ka na rin sa family mo. Kumain ka lagi, huwag kang mapapagod,” bulong niya na ikinamaang ko dahil para siyang namamaalam. “Civrus, ano ba?” “Hindi ko gustong humiwalay sa 'yo. Hindi ko gustong iwan ka. I'm very sorry, sabi ko, walang iwanan pero kailangan kong umalis. I'm sorry, I'm not breaking up with you, but I need to go.” Bumilis ang paghinga ko habang pinapakinggan siya. Humigpit ang yakap ko sa kaniya, parang ayoko nang bumitiw! Puwede bang ganito na lang kami lagi? “A-Ano b-bang sinasabi mo?” “Baby, kailangan ko nang dalhin sa ibang bansa si mom para ipagamot. Ako na lang ang puwedeng sumama sa kaniya. Hindi ko gustong iwan ka, pero sana maintindihan mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD