— Matilda —
I ended our call at itinukod na lang ang siko ko sa railings ng balcony ng kuwarto ko. Napatingala ako sa langit at ilang beses napabuntong hininga dahil sa nangyari kanina.
Naalala ko na naman ang halik niya sa akin. Hindi dapat ako naaapektuhan. Hindi ko na dapat siya iniisip. Si Civrus dapat ang inaalala ko ngayon, sasabihin ko ba sa kaniya?
Siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang ginawa ni Henzo. s**t, hindi ko gustong magkagulo kaya mas mabuti siguro kung huwag ko nang sabihin. Henzo was really crazy to do that, alam niya namang may boyfriend na ako. Bakit hindi na lang siya nagpigil?
Napabuntong hininga na lang ako ulit at bumalik na sa loob. Pinatay ko na ang ilaw at humiga na para matulog.
Kinabukasan ay dumiretso agad ako sa kuwarto ni Mathew para i-check siya. Kumatok muna ako bago pumasok.
“Hey? Magaling ka na?” taas kilay na tanong ko nang makita ko na siyang nakaupo at nagsusuot ng black shoes niya.
“Ate!” Ngumiti siya nang makita ako. “Akala ko magigising ako na ikaw ang katabi.” Bigla siyang sumimangot at tinapos na ang pagsusuot ng sapatos.
“Papasok ka na agad? Magaling ka na ba?” kunot noong tanong ko at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang leeg niya at wala na nga siyang lagnat. “Baka mabinat ka, um-absent ka muna,” sabi ko na ikinailing niya.
“Gusto kong pumasok, ate,” sagot niya at sinuklay ang sariling buhok. Inayos niya muna ang polo niya bago tumingin sa akin. “Thank you, ate...” Napamaang na lang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “Thank sa pag-aalaga sa akin, I love you, ate.”
“Kahit gaano naman kasama ang tingin nila sa ate mo, hindi ko pa rin kayo papabayaan,” bulong ko at hinagod lang saglit ang buhok niya.
Galit ako at naiinggit sa 'yo pero ate mo pa rin ako. I have responsibilities and obligations as a sister.
“Sige na, pumasok ka na,” sabi ko kaya humiwalay na siya sa akin.
Kinuha niya muna ang bag niya bago lumapit muli sa akin. “Bye, ate. Ingat ka,” paalam niya na ikinatango ko lang. Nakipag-apir ako sa kaniya at ngumiti.
Sabay na lang kaming lumabas ng kuwarto niya. Pumasok naman ako sa kuwarto ko para makapagbihis na rin.
Dumiretso ako sa kitchen para mag-breakfast. Napairap agad ako nang makita ko sila mom and dad na kumakain din. Bakit ba nandito pa ’tong mga ’to?
“Good morning!”
Otomatikong tumaas na naman ang kilay ko sa pagbati ni mom sa akin. Nginiwian ko siya at hindi na pinansin.
Good morning? Seriously? This is a f*****g miracle.
“Kumain ka na, Matilda,” sabi naman ni dad na ikinailing ko. “Lagi kang pumapasok nang hindi kumakain.”
Kailan pa sila nagkaroon ng pake?
“No need,” walang ganang sagot ko at kumuha ng fresh milk sa refrigerator. “Wala rin naman akong panahong kumain kasabay kayo,” dugtong ko pa at tiningnan sila.
Nagkatinginan na lang silang dalawa at sabay na bumuntong hininga na ikinairap ko. Kumuha na lang ako ng isang apple na nasa table.
“Take care, Matilda,” sabi ni dad nang makitang palabas na ako ng kitchen.
Napabuntong hininga rin ako at hindi na sumagot. Lumabas na ako at nakita ko agad ang kotse ni Civrus sa labas ng bahay namin. Bumaba siya at kumaway sa 'kin habang nakangiti.
“Good morning, baby!” magiliw na bati niya sa 'kin at hinalikan ako saglit.
“Good morning, kumusta feeling?” bati ko rin at sumakay na sa kotse matapos niya 'kong pagbuksan. “Hangover? Inom pa.”
“Oo nga e, s**t talaga,” sagot niya at tumawa. “So, what happened yesterday? Care to tell me a brief story?” tanong niya habang ini-start na ang kotse. “Anong nangyari sa inyo ni Henzo? Wala naman siyang ibang ginawa sa 'yo, just like what you've said, right?”
Meron, hinalikan niya ’ko.
Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahang tumango. “Yup, the party went okay. Hinanap kita pero pinauwi ka na pala. Hay nako, inom pa!” sagot ko naman at pabiro siyang inirapan.
“I'm sorry, I just got mad,” sagot niya habang seryoso nang nagd-drive. “Sunod-sunod na ang pagbibigay sa 'kin ng contract sa showbiz,” balita niya sa 'kin na ikinangisi ko.
“Ang pogi pogi mo raw kasi,” sagot ko at tiningnan siya.
Ngumiti rin siya at nagbasa pa ng labi niya. “Naman, ako pa,” natatawang sagot niya na ikinatawa ko. “Kaso baka magselos ka sa nga babaeng makaka-partner ko o mali-link sa akin.”
Tumaas ang kilay ko at nginiwian siya. Saglit niya ’kong sinulyapan at tinawanan.
Hindi naman big deal sa akin 'yon. Gusto kong mag-grow siya sa career niya at wala akong karapatan na humadlang doon. Kung 'yung mga magiging ka-loveteam niya ang makakatulong sa pag-boost ng career niya, then go. Basta ako lang ang mamahalin niya.
“So? Bakit, papatol ka ba?” taas kilay na tanong ko naman na agad niyang ikinailing. “Very good!”
“Hahaha, sa ’yo lang ako lalandi, haharot at kakalampag, baby.” Tumawa siya nang malakas dahil bigla ko siyang nahampas sa braso.
“Ah, talaga lang ha?” pairap na sagot ko.
Hinawakan niya naman ang kamay ko at tumango-tango. “Yup. Mahal na mahal yata kita,” nakangising sagot niya at pinisil pa ang kamay ko.
Napairap ako pero ngumiti rin dahil do'n. Hinawakan ko rin ang kamay niya nang mahigpit at tumango-tango.
“Ang landi mo,” sagot ko na ikinatawa niya at umiling-iling. Napairap na lang tuloy ulit ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin si Civrus. Siya na lang at sina Pove and Dessie ang nagpapasaya sa akin.
Nakarating kami sa school na puro kalandian lang ’tong si Civrus. And as usual, marami na namang babaeng nag-aabang sa pagdating niya. A very big tsk.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob habang siya ay puro kalandian pa rin ang alam. Paulit-ulit siyang nag-a-I love you at biglang tatawa.
“Alam mo, para kang baliw,” natatawang sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa department ko dahil ihahatid niya raw ako.
“Hindi parang ’yon. Baliw naman talaga ako sa 'yo,” sagot niya na ikinairap ko at kinurot ang tagiliran niya. “Ganiyan ka kapag kinikilig, e,” natatawang sabi niya na ikinairap ko ulit.
Hindi naman ako kinikilig. Hindi naman talaga! Promise.
“Alam mo ba, sa sobrang kabaliwan ko sa ’yo, hindi ko na nako-control ang sarili ko kapag may ibang lalaki kang kasama.” Napatitig ako sa kaniya dahil bigla siyang nagseryoso. “Do not think that I'm such an immature. Kasi, alam mo ’yon, baby, nararamdaman ko...”
“Ang alin?” kunot noong tanong ko naman.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at tumingin lang sa daan.
“Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman na parang maaagaw ka niya sa 'kin someday. Na nai-imagine kong kayo ang magkasama kaysa tayo. Hindi ko alam kung bakit,” mahinang sagot niya na lalong ikinakunot ng noo ko.
“Sino naman ’yang sinasabi mo?” taas kilay na tanong ko.
“Hindi ko talaga alam pero malakas talaga ang pakiramdam ko na magagawa niya ’yon,” mahinang sagot niya na medyo ikinainis ko na.
“Sino nga sabi, e?” Hinampas ko ang braso niya na ikinangiwi niya.
Nakangiwi niya akong tiningnan. “Masakit!” daing niya at ngumuso. Inakbayan niya na lang ako at sabay ulit kaming naglakad.
“Sino?” ulit na tanong ko pero siya ay deretso lang ang tingin sa harap. “Tsk! Sabihin mo, nakakainis ka!” Kinurot ko ulit ang tagiliran niya kaya napapitlag siya at inipit ako sa pagkakaakbay niya.
“Ang kulit mo,” mahinang sagot niya.
Inirapan ko siya at tumingin na lang din sa harap. Natigilan ako nang makita ko si Henzo, kasama si Fed na kaibigan niya, na naglalakad pasalubong sa amin.
Napatingin ulit ako kay Civrus at matalim na naman ang titig nito kay Henzo.
Wait, si Henzo ba ang sinasabi niya?
Tumingin ulit ako kay Henzo at nakatingin na siya sa 'kin ngayon. Inirapan ko siya at nag-iwas ng tingin. Nilagpasan lang namin siya ni Civrus.
“Siya ang sinasabi ko,” sagot ni Civrus sa tanong ko kanina kaya natahimik ako. “Una pa lang na nakita mo siya, naramdaman ko agad. Bakit gano'n, Matilda?” tanong niya habang hindi na maipinta ang mukha.
Para siyang walang tiwala sa 'kin. Wala ba siyang tiwala sa pagmamahal ko sa kaniya?
“Advance ka mag-isip! Huwag mo nang isipin ’yon!” sagot ko at hinampas nang mahina ang mukha niya. “Tara na nga!” hinila ko na ulit siya para maglakad ulit.
Kung ano-ano talagang iniisip nitong si Civrus. Parang tanga lang, tsk. Hinding hindi ko naman magugustuhan si Henzo, 'no. A poor him? No way.
Umakyat na kami sa 4th floor ng fashion designing department. Humarap ako kay Civrus dahil nasa tapat na kami ng room ko.
“Bye na, mamayang lunch na lang ulit,” sabi ko na ikinatango niya.
Inayos niya muna ang buhok ko. “Bye, I love you,” sagot niya at saglit akong hinalikan. Ngumiti ako at tumango sa kaniya kaya ngumiti na rin siya at tinalikuran na ako.
Hinintay ko muna na mawala siya sa paningin ko bago lumakad muli.
“Oh, the queen of the bitches is here!” Tumaas bigla ang kilay ko nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Wenie at makita ang nakakasirang araw na pagmumukha niya.
“And you are one of the bitches. It means, alipin kita, because I am your Queen,” nakangising sagot ko naman at nag-cross arm.
Kahit kailan, hindi naging magandang pambungad ’tong si Wenie sa umaga.
Like, what the f**k, hindi siya maganda!
“Ah really? I'm the bitchiest,” sagot niya at nag-flip hair.
Natawa na lang ako sa kabobohan niya. Ako na nga ’yung Queen na sinabi niya tapos siya pa ang bitchiest?
Like, OMG, pigilan n'yo nga ako, masasampal ko utak nito!
“You know what, find my pake,” pairap na sagot ko at nilapitan pa siya. “Because, b***h, where's my pake?” Bakit ba ang hilig-hilig nitong babaeng ’tong kalabanin ako?
Because of Civrus? Oh c'mon, imma.
Napatingin siya sa tatlong alipores niya na ka-level lang din naman ng talampakan ko.
“Where's your pake, ha?” tanong niya na ikinatango ko at ngumisi. “Baka naiwan mo pa sa impyerno, tara, ibabalik na kita ro'n!” Napamaang ako nang bigla niya ako hinigit sa braso.
“Ew, don't touch me b***h!” I shouted at hinila ang pangit niya ring buhok.
Naghiyawan bigla ang mga nanonood sa amin kaya hindi ko maiwasang mairita. Like, what the f**k, tingin ba nila dito ay action scene?
“Aww!” tili niya at pinilit abutin ang buhok ko pero hindi ko siya hinahayaan. Hinarap ko ang pagmumukha niya sa ’kin at sinampal siya nang malakas.
“Bakit ba ayaw mo ’kong tigilan? b***h, wala na akong panahon sa ’yo. Tigilan mo na ang pagpapapansin sa ’kin. Because you know what, libag lang kita!”
Mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot sa kaniya pagkatapos maghiyawan ng mga nanonood sa sinabi ko.
Naiinis na talaga ako, sinira niya ang magandang umaga ng isang magandang babaeng katulad ko.
Itinulak ko siya nang sobrang lakas dahilan nang pagkakabagsak niya sa sahig. Nagpagpag pa ako ng kamay at inirapan siya.
“Si Matilda!! OMG!”
“Ahh!” napatili ako nang sobrang lakas nang may malakas na tumulak sa akin!
Dumiretso ako sa railings!
Napapikit ako nang mariin nang sa isang iglap lang ay nakahawak na ako sa isang bakal para hindi mahulog dahil f**k! Mahuhulog na ako!
“Si Matilda! Tulungan n'yo siya!”
“Hala, baka mahulog siya!”
“OMG! Boys, tulungan n'yo na siya!”
Rinig na rinig ko ang pagpa-panic nila habang ako, heto, nakasabit at pilit kumakapit para hindi mahulog at mamatay.
Sinusumpa ko na ang tumulak sa akin!
Ayoko pang mamatay!
“Ahh, OMG,” natatakot na bulong ko at pinilit huwag tumingin sa baba dahil mas matatakot ako. “Help me!” I shouted habang pinipilit iangat ang sarili ko.
“Nasaan na sina Wenie?”
“Tumakbo na!”
“OMG! Is that Matilda?”
“Pove!” I shouted nang marinig ko ang boses ni Pove.
May tatlong lalaking lumapit at hinawakan ako sa kamay pero natatakot akong bumitaw sa bakal dahil baka mahulog pa rin ako.
“Matilda, bumitaw ka, hihilahin ka namin,” sabi ng isa na ikinakagat labi ko dahil natatakot talaga ako. “Tatlo kami, okay lang ’yan, kaya ka namin. Huwag kang matakot.”
“OMG! b***h, what are you doing there? Magpapakamatay ka na lang din pala, bakit kumapit ka pa?” sigaw ni Dessie kaya napatingin ako sa kaniya.
Walang hiyang babae 'to.
“Matilda, bitaw!” utos na naman sa akin ng isang lalaki. Hinigpitan ko ang kapit ng kaliwang kamay ko sa bakal at dahan-dahang ibinitaw ang kanang kamay ko habang hawak-hawak nila ’to.
“f**k!” sigaw ko nang biglang dumulas ang hawak niya sa kamay ko kaya napakapit na naman ako.
Damn, this is not really nakakatuwa!
“Matilda?”
Lumakas bigla ang loob ko nang marinig ko na ang boses ni Civrus. “s**t, b-bakit ka nandiyan?” Agad siyang lumuhod at inabot ang kamay ko. “Kumapit ka, hahawakan kita,” sabi niya habang kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. “s**t, Matilda..”
“Civrus, nangangalay na ’ko. Ang sakit,” daing ko at pinilit pang iangat ang katawan ko. “Wala kayong dulot!” sigaw ko ro'n sa mga lalaki.
“W-Wait lang baby, huwag kang bumitaw. Kaya kita,” sagot niya at sinubukang abutin ang kili-kili ko. Halos dumapa na siya para lang maabot ako, dahil kaunti na lang ay mahuhulog na talaga ako!
Pumikit ako nang mariin nang hawakan niya nang mahigpit ang kili-kili ko at inangat ako. Umangat din ang pagkakakapit ko sa bakal.
“Ayan, sige lang,” natatakot na sabi ko dahil naaangat niya na ’ko.
“What the f**k happened here?” May mga panibago na namang dumating.
Hindi ko na sila pinansin, which are Henzo and Xyrel. “Let me help you!” sabi ni Henzo at nagmadaling lumuhod din saka ako inabot. “Matilda, kumapit ka lang ha.” Kunot na kunot ang noo niya at hinawakan nang mahigpit ang braso ko.
Si Xyrel naman ay lumuhod na rin para tumulong. Pumikit na lang ako habang pilit nila akong inaangat.
Nakahinga ako nang maluwag nang makaapak na ako sa maliit na space sa harap ng railings. Hinawakan nila Civrus ang kamay ko para alalayan sa paghakbang sa railings papunta sa kanila.
“God! Bakit ka ba nando'n?” tanong agad ni Civrus at mabilis akong niyakap nang mahigpit. “Tang ina, parang ako ’yung mamamatay kanina no'ng nakita kita ro'n!” inis na dugtong pa niya kaya napayakap din ako nang mahigpit sa kaniya.
“Thank you... thank you,” sagot ko at sumandal sa dibdib niya.
May hayop lang naman na tumulak sa akin kanina!
“Ano bang nangyari?” Napahiwalay kami ni Civrus sa isa't isa nang marinig namin ang tanong ni Henzo.
“Yeah, what happened?” kunot noo ring tanong ni Xyrel na feeling close na naman, but thanks to him for helping.
“May tumulak sa ’kin kanina, I'm sure na isa sa mga alipores ni Wenie. Pa-check na lang sa CCTV,” inis na sagot ko naman at nagpagpag ng sarili.
“Kami na ang titingin, mag-ayos ka muna,” sagot ni Henzo kaya saglit akong napatitig sa kaniya.
Dahan-dahan akong tumango at huminga nang malalim.
“Thank you...”
He saved me thrice and this is the first time I thanked him. Funny.