Napatungo si Grace sa naging pagtanggap sa kaniya ng Mommy ni Damian. Marahil hindi niya inaasahan iyon. May namuong luha sa mga mata niya nang muling mag-angat ng tingin. “Can’t you see we’re still grieving?” ulit na tanong ng Mommy Dona ni Damian. Mabilis naman na nilapitan ito ng asawa para pakalmahin. “Hon—" “No, Rafael! I don’t even know why she’s here! Basta ka na lang babalik at lalapitan ang anak ko kahit na alam mong may asawa na siya. You don’t even have the decency to apologize to us. Nakalimutan mo na ba ang kahihiyang dinulot mo sa amin when you broke up with my son a day before your wedding?” “T-Tita, I’m sorry. I plan to talk to you—” “Don’t call me tita! In case you don’t know, what you did to us is not okay. Napahiya kaming la

