Chapter 25 - Drawn to him

2001 Words

        Namulatan ko si Nanay na nakatunghay sa akin. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito sa hospital ngayon. Naupo ako at hinanap agad ng mga mata ko si Damian pero wala siya roon. Si ate Vicky lang ang namataan ko na kasama ni nanay.               “Nay, ate, kailan pa kayo dumating?”               “Kanina lang umaga. Tinawagan kami ni Damian kaya nagpasama ako sa ate mo dito. B-Bakit hindi mo man lang ako naisipang tawagan Elyse?” tanong ni Nanay.               Napatungo ako. Totoong hindi ko na sila tinawagan dahil hindi ko alam kung paano ako lalapit muli kay nanay. “K-Kasi okay na naman po ako nay. Mapapagod lang po kayo sa byahe,” pagsisinungaling ko.               Matagal bago siya nagsalita ulit pero ramdam kong pinagmamasdan niya ako. “Kumusta na kayo ni Damian?”         

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD