Napabalikwas ako ng bangon nang mamataan ko ang paligid ko. Alas otso na pala ng umaga! Tinanghali na ako nang gising dahil hindi ako agad dalawin ng antok kagabi. Pero maging si Damian yata ay nagtrabaho hanggang madaling araw. Hindi ko na namalayan kung anong oras ba siya umalis sa harapan ng laptop niya. Akmang tatayo na ako nang marinig ko ang boses niya. “Where are you going?” Napapitlag ako. Nalingunan ko siya na nakatayo sa isang tabi. Bihis na bihis na siya at kung ako ang tatanungin, lubhang nakakaakit siya kapag ganoong business suit ang suot niya. Kanina pa kaya siya dito? Nakakahiya naman ang gulo-gulo pa ng aking buhok. Sino ba naman ang gaganahang magising sa ganitong hitsura ko? “Pupunta lang ako sa CR,” katwiran ko. Kailangan kong makapag-hilam

