Ngayon ang unang araw ko ulit sa trabaho matapos ang aking mahaba-habang bakasyon. Sa wakas ay magkakaroon na ulit ako ng pagkakaabalahan. Sa totoo lang ay naiinip na ako dito sa malawak na mansion ni Damian. Bukod kina Jessica at aling Neng ay wala na akong ibang makausap at parang mababaliw na ako. “Elyse, let’s go,” tawag sa akin ni Damian. Sinulyapan ko siya habang inihahanda niya ang mga gamit. Bihis na bihis na siya at hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit ba hindi pa ako masanay sa kagwapuhan niya? Nilingon niya ako at agad akong nag-iwas ng tingin. Baka mapansin pa niya na tinititigan ko siya at makahalata siya sa lihim ko. Mabilis kong dinampot ang bag at saka siya hinarap ulit. Nakataas ang kilay niya nang tingnan ko siya ulit at alam kong dahil nahu

