Marahan kong kinusot ang mga mata. Kanina pa ako nakatutok sa computer at nararamdaman ko na ang pananakit ng ulo. Malapit na ulit ang swelduhan kaya busy na ulit ako. Si Jona at mga kasamahan niya ay panay ang tsismisan at magkakaumpok pa. Malaya silang nakapagkukwentuhan dahil si Maam Abigail ay nasa meeting kasama ang mga managers ng iba’t-ibang Department. Sumandal ako sa swivel chair para ipahinga saglit ang mata nang biglang dumating si Maam Abigail. Mabilis na naghiwalay ang grupo nila Jona pagkakita sa boss namin. Sa pagtataka ko ay diretsong lumapit sa akin ang boss namin. “I heard you’ll file for a vacation leave this month. Just give it to me and I’ll sign it immediately,” nakangiting turan niya. “O-Okay Maam.” Dahil sa pagkataranta ay nakalimutan

