Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ginanap na engagement party namin ni Damian ay nakaramdam ako ng saya. Nakareceive ako ng message mula kay Miss Rose para ipaalala ang scheduled checkup ko mamaya. Bahagya ko pang hinimas ang tiyan at napangiti. Susunduin daw ako ni Larry para hindi na ulit ako mahirapan sa byahe. Hawak ko na ang form para mag-file ng leave. Matapos ang party namin ay hindi na kami nagkausap muli ng maayos ni Damian. Hindi ko naman magawang tawagan siya dahil naduduwag ako, baka lalo lang siyang mainis sa akin. Iniisip ko nga na baka bigla niyang hindi ituloy ang kasal namin. Isa pa sa ikinalungkot ko ay dahil alam kong tampo na naman sa akin si Nanay. Naging madalang na ulit ang mga tawag niya sa akin. Isang araw ay balak kong umuwi sa probinsya para kausap

