Chapter 12 – No Turning Back

1931 Words
Awtomatikong napatigil ang mga paa ko sa paghakbang nang mamataan ko ang sasakyan ni Damian na naghihintay sa akin sa labas ng office building namin. Nilingon ko ang mga kaopisina ko na papauwi na rin, isa sa kanila si Jona. Hindi muna ako lumapit sa pwesto ng sasakyan ni Damian dahil baka mapansin na naman ako ng mga katrabaho ko at maging sentro na naman ng usapan. Bigla ay tumunog ang cellphone ko at numero ni Damian ang nakalagay na caller. “Hel—" “What are you doing standing there?” inis na tanong niya. “Hinihintay ko lang ang mga katrabaho kong makaalis—” “Para ano? Elyse, don’t waste my time! Kapag hindi ka pa pumunta dito ay iiwan--” “Heto na nga, papunta na.” Sa takot ay agad akong napahakbang patungo sa sasakyan niya. Hindi ko na nilingon ang mga katrabaho ko. Bahala na kung mapansin man nila ako. Magkasalubong ang kilay ni Damian nang makasakay ako sa sasakyan. Mukhang hindi maganda ang gising niya kaninang umaga. Agad pinatakbo ni Larry ang sasakyan pagkasakay na pagkasakay ko at ni hindi ko alam kung saan kami papunta. Sa isang kilalang shopping center kami nagtungo. Nandito ang shop ng mga sikat at mamahaling brand kaya madalang na madalang ako dito mapadpad. Naiilang na sinabayan ko si Damian papasok sa loob. As usual ay nanliliit na naman ako kapag kasama ko siya. Although sinigurado ko naman na maayos ang itsura ko ngayon. “Mr. Rodriguez!” Isang baritonong boses ang nagpatigil sa kaniya sa paghakbang. Nalingunan ko ang isang lalaking sa tantiya ko ay nasa fifties na ang edad. Tulad ni Damian ay nakasuot siya ng business suit. Hindi siya katangkaran, singkit ang mga mata at maganda ang tindigan. Sa tabi niya ay isang magandang dalaga na sa tingin ko ay anak niya dahil sa pagkakahawig nila. “Mr. Chua,” tipid na bati ni Damian sa lalaki at lumapit para kamayan ito. Napansin ko agad ang mga tingin ng magandang babae kay Damian. She’s wearing an off-shoulder maxi dress. Maroon ang kulay niyon kaya litaw na litaw ang kaputian niya. Ang mapupula din niyang lipstick ang lalong nakapagpalitaw ng ganda niya. “Damian, meet my daughter Emma,” pakilala sa babae ni Mr. Chua. “It's a pleasure to meet you, Emma.” Inilahad din ni Damian ang kamay sa dalaga. Tipid namang ngumiti ito habang inaabot ang kamay ni Damian. “She just got back from US. She studied Business Management there and will complete her master's degree next semester,” Mr. Chua stated proudly. “Dad! I'm not sure if I'll be able to complete my paper next semester,” nahihiyang saway naman ni Emma sa ama. “Wow! That’s very impressive!” papuri naman ni Damian sa dalaga na agad namang namula. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan. Mukhang nakalimutan na nila ang aking presensya. Sabagay, marahil nga ay iniisip nilang assistant ako ni Damian dahil nakasuot pa ako ng uniform. Sana nga ay hindi na nila ako mapansin dahil hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga tulad nilang mayayaman. “Hija, in regards to your paper, you can consult Damian. He also earned his master's degree at a young age. Damian, I hope you and my daughter will get to know each other more. She is also interested in the real estate business, and I know she will benefit greatly from your advice and experience.” Hindi naman mahirap maunawaan na inirereto ni Mr. Chua ang anak kay Damian. And honestly, I don’t know how to react. Nilingon ako ni Damian at aatras sana ako kung hindi lang niya mabilis na ipinulupot ang braso sa aking baywang at bahagya akong hinila palapit sa kaniya. “I'd be delighted to share my knowledge with her. Anyway, I'd like you to meet Elyse, my fiancée.” Bakas ang pagkagulat sa mukha ng mag-ama pagkarinig na fiancée ako ni Damian. Mukhang hindi sila makapaniwala at hindi ko sila masisisi. “Oh! Hindi ko alam na ikakasal ka na!” bulalas ni Mr. Chua at makahulogang nilingon ang anak. “My privacy is really important to me,” mabilis na sagot ni Damian at sumang-ayon naman ang mga kaharap. “You're getting married? That's great! I want to see how stunning the engagement ring is, can you show me?” parang bata na tanong naman ni Emma sa akin. Noon ako natigilan ako at hindi ko alam kung anong sasabihin. Bibili pa lang kami ng singsing. Maging si Damian ay tila naubusan ng paliwanag. “We're actually on our way to the jeweler to get it. We had to get it resized because it didn't fit,” palusot ko. Malakas na tumawa si Mr. Chua at napangiti naman si Emma sa akin. “That's really sad. Make sure this time it's going to fit. I mean it’s a symbol of love kaya dapat fit sa atin,” nakatawang komento niya. Mukha naman palang mabait itong si Emma. “As expected, Damian. Kungsabagay, hindi ko nga iniisip na magpo-propose ka ulit ng kasal after what happened before,” ani Mr. Chua. Bigla akong nagulohan sa narinig. Anong ibig sabihin ni Mr. Chua? Nag-propose na ba si Damian dati? Kanino? Tiningnan ko si Damian at tila nagdilim ang kaniyang mukha. “Madami pa kaming lakad, we must leave now. It’s nice to see you,” biglang paalam niya. “All right! See you around Mr. Rodriguez!” paalam din ng mag-ama at naglakad na papalayo sa amin. Gusto ko sanang magtanong kay Damian ngunit parang lalo siyang nawala sa mood. Mabibilis ang hakbang niya at ni isa man sa mga nakasalubong namin na tila nais siyang batiin ay wala siyang pinagtuunan ng pansin. Sa isang sikat na jewelry store kami dumiretso. Pinagmasdan ko ang loob ng outlet; the shelves are brimming with expensive jewelry at nakakalula ang mga presyo na nakikita ko. Parang hindi ko yata kakayanin ang magsuot ng ganoon kamahal na alahas. “Bring me the most exquisite ring that you have,” utos ni Damian sa dalawang babae na sumalubong sa amin. Agad naman tumalima ang mga ito nang makilala siya. Maya-maya ay isa pang babae ang lumapit sa amin. Maganda siya at iba ang uniform na suot kumpara sa mga naunang sumalubong sa amin. Mukhang higit na mataas ang position niya. “Oh? Mr. Rodriguez! I can’t believe you’re here!” “Jeanette, I need a ring,” seryoso at walang patumpik-tumpik na salubong ni Damian. Exaggerated na napasinghap ang babae. “Please allow me to show you some of our most valuable gemstones. Oh, andito na pala!” Binalingan niya ang dalawang babae na dumating at may dalang jewelry box. “The following are collections of rings that originated in Italy. Each ring are all fashioned of the rarest and most precious diamonds available. This one, however, is the most valuable.” Itinuro niya ang isang singsing na kulay asul ang bato sa gitna. Ang totoo ay iyon din ang unang umagaw sa atensyon ko sa lahat ng singsing na ipinakita niya. “It was designed and handcrafted by the famous Marnella Delgado. The diamond is particularly rare,” dagdag pa ni Jeanette. Seryoso ba si Damian na bibigyan niya ako ng ganito kamahal na singsing? “But first of all, who is the lucky recipient?” tanong ni Jeanette. “Meet Elyse, my future wife,” pakilala sa akin ni Damian. Nanlaki ang mata at napanganga si Jeanette nang tingnan ako pero agad siyang nakabawi at ngumiti. “Oh, right! I’m sorry, hindi kita agad napansin. Miss, do you like this one? Bagay na bagay ito sa iyo.” Nanunuyo na ang lalamunan ko at hindi makasagot sa tanong niya. Isa pa ay nakakahiya kay Damian. Parang hindi ko yata kayang magsuot ng ganoong singsing. Baka hindi ako makatulog sa apartment ko sa takot na pasukin ako ng masasamang loob. “We’ll take it,” sambot sa akin ni Damian. Nasisiyahang kinuha ni Jeanette ang singsing at ipinakita sa akin. Tunay na napakaganda noon. Kitang-kita ang matingkad na kulay asul sa bawat pagkislap niyon. “Mr. Rodriguez, you will never regret purchasing this ring. This is absolutely flawless, I assure you.” Madami pang pinag-usapan si Jeanette at Damian at hindi ko naman magawang sumabat sa kanila. Ang isip ko ay nasa singsing pa rin na binili ni Damian. Mukhang malaki na ang nagagastos niya sa pagpapanggap na ito at kinakabahan na ako. “Hindi mo naman ako kailangang bilhan ng ganito kamahal na singsing!” angal ko nang makalabas na kami sa store. “Have you forgotten how Emma reacted earlier? Sa tuwing may nae-engage, singsing agad ang gustong makita ng karamihan sa inyong mga babae.” Hindi ako nakaimik dahil totoo naman. Lalo na siguro sa circle of friends niya na pulos mayayayaman. Big deal sa kanila kung gaano kaganda at kamahal ang singsing. “Nobody, not even my Grandpa, would believe me if I gave you a cheap engagement ring,” dagdag pa niya. “Oo na! Pero saka ko na susuotin ito ha, kapag ipapakilala mo na ako sa parents mo. Baka mawala pa, wala akong pambayad dito kahit habambuhay yata akong magtrabaho.” “Ikaw ang bahala. Let’s go, ipapahatid na kita. I still have dinner meeting to attend.” Pinagmasdan ko ang seryosong mukha ni Damian. Naniniwala na ako na hindi biro ang sinabi niya na madaming oras at pagod ang ginugol niya para lang mapalago ang Millenia. Dahil kung hindi ay hindi siya magi-invest ng malaking halaga at oras para sa palabas naming ito. May meeting pa pala siyang pupuntahan pero inuna niya ang lakad namin. Ganoon kahalaga sa kaniya ang kompanya. Hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Dom. Noon ay panay car show at drag racing ang pinagkakaabalahan ni Dom. Hindi ko alam kung kumikita ba ito doon, basta ang sigurado ko ay magastos ang kinahihiligan nitong pag-set up ng mga sasakyan. Sa tuwing tinatanong ko naman kung saan ito kumukuha ng pera ay nagkikibit-balikat lang ito. I know he also invest in stock market pero hindi ko alam kung sapat ba iyon sa marangya nitong pamumuhay. Ngayon ko napagtanto na hindi ko pala si Dom lubos na kilala. Tanging mga malapit na kaibigan lang niya ang ipinakilala niya sa akin. Totoo naman na halos sila na ang itinuturing na pamilya ni Dom. Sila ang palagi naming kasama sa mga lakad at sa iba’t-ibang okasyon sa buhay namin. At dahil sa kanila kaya pakiramdam ko ay walang itinatago sa akin noon si Dom. Pero ngayon alam ko nang isa akong malaking ta*nga. Ngayon lang ako nagkakaroon ng maraming tanong sa pagkatao niya. Pagkaupo ko sa sasakyan ay may inabot ulit sa akin si Damian na mga papel. Nagtatakang tiningnan ko iyon. “Basahin mo iyan. I actually hired a professional to write our so-called love story. Everything from how and where we met in case na magtanong ang family ko.” Napanganga ako sa narinig. Talagang seryosohan na ito! Naalala ko ang agreement na pinirmahan. Kinuha ko iyon at inabot din sa kaniya. “May pirma na iyan.” Mabilis na pinasadahan niya iyon ng tingin. “Next week I’ll introduce you to my family. Make sure that you’re ready,” walang anuman na sambit niya. Parang tinambol ang puso ko. Next week na pala niya ako ipapakilala. Nababalot man ako ng pag-aalinlangan ay tumango ako at pilit na ngumiti. “H-Huwag kang mag-alala, babasahin ko ito agad.” Pinili mo ‘yan Elysa kaya kailangan mong panindigan! Sita ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD