Chapter 13 - Trouble

1977 Words
Pilit kong iminumulat ang mata kahit pa tila hinihipan ang aking talukap sa antok. Muli kong itinuon ang atensyon sa pagbabasa ng mga papel na ibinigay sa akin ni Damian noong nakaraan. Gusto kong matawa sa mga kasinungalingang nakalagay doon. Palalabasin naming mahigit isang taon na kaming magkasintahan. Dalawang araw na ang nakakalipas buhat ng ibigay niya sa akin ito ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos basahin. May limang araw na lang ako para makabisado lahat ng detalye dito. Paano ko ba ito mababasa? Eh halos antok na antok na ako pagkakauwi ko galing opisina. Epekto yata ito ng mga vitamins na iniinom ko. Hindi ko naman magawang magbasa sa opisina, mabuti na ang nag-iingat dahil baka makita pa ito ng mga tsismosa kong kasamahan. Kahapon ay nakatanggap ako ng message kay Damian na lalabas kami ngayon after office kaya nagbaon ako ngayon ng maayos na damit. Baka kung saan na naman kami magpunta at makakita na naman siya ng mga kaibigan na pawang mayayaman. Pagdating ng hapon ay nagbihis ako at naglagay ng konting make up. Napataas pa ang kilay ni Jona pagkakita sa ayos ko. Napangiti naman si Nina sa akin. “May date ka yata?” biro niya.               “Yup,” tipid na sagot ko. Tinitigan ako ni Nina at sumulyap siya kay Jona na alam naming lihim na nakikinig sa aming usapan. Nagkatawanan lang kami pareho at sabay nang lumabas ng building.               Kakaiba naman ang tingin sa akin ni Damian ng makasakay ako sa sasakyan. Marahil dahil ngayon lang niya ako nakitang naka-make up.               “Oh bakit ganiyan ka makatingin? Nagagandahan ka sakin no?” biro ko. Tila naman siya natauhan at mabilis na nag-iwas ng tingin. Sa isang dress boutique kami nagtungo. Hindi yata ako masasanay sa marangyang pamumuhay niya. Tulad sa pinuntahan naming jewelry shop ay nakakalula ang mga presyo ng mga dress at gowns na nakikita ko. Ni sa panaginip ay hindi ko inisip na magsuot ng mga ganito kamamahal na damit.               “Yes Maam? Is there anything I can do for you?” magalang na tanong sa akin ng isang babae.               “Naghahanap kami ng dress para sa kaniya,” sa halip ay sagot ni Damian.               “Great! This way Maam, I’d like to show you some of our collection.” Iginiya ako ng babae sa isa pang room kung saan naroon ang mga dress na naka-display. Tiningnan niyang muli ang kabuoan ko pagkatapos ay itinuon ang mga mata sa mga available dress nila. Habang naghihintay ay natuon ang atensyon ko sa dalawang babae na naroon din at pumipili ng gowns. Ang isa sa kanila ay may katandaan na, around eighty na siguro ang edad at ang isa naman ay nasa fifties pa lang. The two of them are stunning, and judging by their appearance, it's not hard to guess that they are also rich. “Mabuti na lang at palagi kang available para samahan ako Dona. Ewan ko ba kay Maricel, nalimutan na yatang may mga magulang siya. Puro na lang trabaho ang inaatupag,” reklamo ng isa na mas matanda sa kanila.               “Mom, intindihin mo na si Maricel. She’s very busy. Dalawa lang sila ni Rafael na nag-aasikaso ng negosyo,” sagot naman ng kasama.               “Eh bakit si Rafael nagagawa pang bisitahin at samahan kami? Tulad na lang ngayon,” nagtatampo pa ring sagot ng matanda.               Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil nilapitan na ako ng babae na nag-assist sa akin. “How do you feel about this one, Maam? It'll go well with your complexion and height. Plus, it will emphasize your body's shape. If you want, you can try it on in our fitting room.”               Ipinakita niya sa akin ang isang emerald color dress. Dahil hindi naman ako marunong sa fashion ay basta ko na lang tinanggap iyon at nagtungo sa itinuro niyang fitting room. Nakamamangha ang fit sa akin ng dress nang maisukat ko na iyon. Totoo ang sinabi ng babae na lalong makikita ang hubog ng katawan ko. Kung titingnan ay hindi mahahalatang buntis ako. Higit na maiksi ang tabas ng dress sa unahan kumpara sa likod at labas na labas ang hita ko. Makailang beses akong umikot sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili saka lumabas ng fitting room.               Nasisiyahang ngumiti ang babae pagkakita sa akin. “You look stunning! I’m sure matutuwa si sir.” Naglakad siya palabas kung saan naiwan si Damian at nahihiyang sumunod naman ako. “Here she is, sir.”               Nakaupo si Damian sa isa sa mga couch doon. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng paningin nang mabasa ko ang paghanga sa kaniyang mga mata nang tingnan ako. Nahihiyang nilapitan ko siya.               “W-What do you think?”               “Perfect. Wear your ring as well,” suhestyon niya. Bolero din pala ang isang ito. Naalala ko ang singsing na hindi ko maisuot sa opisina sa takot na ulanin ako ng tanong. Kinuha ko iyon sa bag. Binuksan ko ang box at aktong isusuot ko na ang singsing nang agawin niya iyon sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kaniya pero seryoso lang ang madidilim niyang mata na nakatitig sa akin. Ano kayang nangyayari sa kaniya?               “Let me,” bulong niya. Para akong nahipnotismo dahil nakatitig lang din ako sa kaniya habang isinusuot niya sa akin ang singsing. Nahihiyang napangiti ako nang mapagmasdan ko iyon sa aking daliri. Akmang magsasalita ako nang biglang may tumawag sa pangalan niya.               “Da..Damian?” boses iyon ng babae na kasama ko kanina na pumipili ng dress. Dahil doon ay naputol ang titigan naming dalawa.               “M-Mom? Lola?” gulat na tanong naman ni Damian pagkakita sa tumawag sa kaniya.               Para naman ako itinulos sa kinatatayuan sa narinig. Sila ang Mommy at Lola ni Damian? Paano na? Hindi ako handang harapin sila ngayon! Nalingunan ko ang dalawang babae kanina na kasama kong pumipili ng damit. Kapwa nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Damian.               “Wow! Si Damian nga!” bulalas ng sa tingin ko ay Lola niya.               Tipid naman ang mga ngiti ng Mommy ni Damian na lumapit sa amin. “It surprises me to see you here, son,” salubong niya sa anak. Lumipad sa akin ang mga mata niya. “And who is this lovely lady?”               “Mom, I’d like you to meet Elyse, my girlfriend,” pakilala ni Damian sa akin.               Nakangiting tiningnan ako ng ginang. “Hello Elyse. I am Donabel, Damian’s mother.” Nakakailang ang mga mata niya na tila kinikilatis ang aking buong pagkatao.               “H-Hello po t-tita Dona.” Diyos ko! Mukhang napilipit na yata ang aking dila sa sobrang kaba.               “Elyse, siya naman ang paborito kong Lola Elena,” malawak ang ngiti na pakilala ni Damian sa kaniyang Lola.               “Bolero ka pa rin talaga Damian! Anyway, why are you here? I can't believe I'll be able to see you here! Sa bilihan pa ng mga gowns and dress,” natatawang bulalas nito.               “Sinamahan ko lang si Elyse Lola.”               “Tamang tama! Nandiyan lang sa malapit ang Lolo mo at si Rafael. You should join us for dinner. Right Dona?” aning Lola ni Damian.               “Yes Mama. If they want--” sagot naman ng ginang. “Nonsense! Damian, Elyse, join us,” pagpipilit ng Lola Elena ni Damian. No! Hindi pa ako handang humarap sa kanila! Ngunit maging si Damian ay hindi nakatanggi sa Lola niya. “I’ll call your Dad,” paalam ng Mommy ni Damian at kinuha ang cellphone sa bag.               Makahulogan kong tiningnan si Damian. Tila maging siya ay nababahala ngunit wala siyang magawa. Gusto kong mahilo sa bilis ng mga pangyayari. Namalayan ko na lang na nasa isang mamahaling restaurant na kami at hinihintay na dumating ang Daddy at Lolo ni Damian.               Pinagmasdan ko ang dalawang babaeng kaharap. Ang Mommy ni Damian ay napakapino kung kumilos. She is the epitome of elegance. Even the way she carries her bag exudes sophistication. Ang Lola nman niya ay likas na masayahin. In spite of her age, she retains some of her youthful radiance.               “Oh! Andiyan na sila!” paalam sa amin ng Mommy ni Damian at bahagyang kumaway sa mga dumating.               Para namang tumalon ang puso ko sa narinig. Nilingon ko ang itinuro ng Mommy ni Damian at namataan ko ang dalawang lalaki na papalapit sa amin. Sa likod nila ay tatlo pang lalaki na pawang mga naka-business suit din pero hindi sila kasamang lumapit sa table namin. Dumako ang mga mata ko sa Lolo ni Damian na siyang punong dahilan kung bakit ako inalok ng lalaki ng kasunduang ito.               “Damian apo! Hindi ko akalain na magkikita tayo ngayon! What a coincidence!” masayang bungad ng matanda.               “Lo, how are you?” tipid din na bati ni Damian.               “Ah, wag mo akong tanungin. Okay naman ako palagi. Galing kami sa groundbreaking ceremony ng technohub na ipapatayo dito lang sa malapit. Ikaw, kumusta ka na? Madalang kitang makita nitong mga nakaraang araw,” mahabang litanya nito.               Ang totoo ay namamawis na ang mga kamay ko sa nerbiyos. Narito ako ngayon at kaharap ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Don Milo, ang Lolo ni Damian. Kung pwede lang umalis ng walang paalam ay ginawa ko na. Pero sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Damian kapag ginawa ko iyon. Sinulyapan ko ang Daddy ni Damian, nakangiti siyang nakamasid sa amin pero di maikakaila ang pagtataka niya pagkakita sa akin. I am so tensed to the point na nasusuka na ako.               “Meet my Lolo Milo and my Dad,” pakilala ni Damian sa mga dumating.               “Magandang araw po,” nagawa kong sabihin sa nanginginig na boses.               “Sino naman ang magandang dalagang ito?” magiliw na tanong ng Lolo ni Damian.               “Ah Lolo. Plano ko sanang ipakilala siya sa inyo sa ibang araw. Kaso nakita naman kami nila Lola kaya bakit ko pa ba patatagalin. Meet Elyse, my fiancée.”               Napasinghap ang Mommy at Lola ni Damian sa narinig. Ako naman ay gustong lumubog sa kinauupuan. Ang mga mata ni Don Milo ay natuon sa akin at tinitigan ako. Animo sinusukat ang katotohanan sa mga sinabi ni Damian. Maya-maya ay ngumiti siya.               “Congratulations! Yan ang matagal ko nang hinihiling na mangyari,” bulalas nito.               Napansin ko naman ang makahulogang tinginan ng Daddy at Mommy ni Damian. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay agad naman silang ngumiti.               “Sinasabi ko na nga ba at tama ang kutob ko. Pagkakita ko pa lang sa inyo kanina sa store na magkahawak-kamay ay alam ko na. Mukhang inlove na inlove kayo sa isa’t-isa,” masayang komento ng Lola ni Damian.               “Ano sa tingin mo Rafael? Magpapakasal na pala itong panganay mo,” baling ni Don Milo sa anak.               “Ahh...Honestly, we were shocked dahil walang nabanggit si Damian na may girlfriend pala siya,” simula nito. Sumulyap pa ito sa anak pero hindi naman natinag si Damian. “But still, ano pa ba ang magagawa namin kung desidido kayong magpakasal. Congratulations!”               “R-Right. Hindi ko alam na magiging engagement party pala ang dinner na ito. Well anyway, I hope we can get to know each other more, Elyse,” segunda naman ng Mommy ni Damian habang nakatingin sa akin.               Bago pa ako makasagot ay nagtanong na si Don Milo. “Ano nga ulit ang apelyido mo hija?”               “Ramos po,” kinakabahang sagot ko.               “Oh! Apo ka ni Wilfred? The one who engaged in mining and exploration? I've heard that they've begun a new exploration in another country. Napakagaling ng taong ‘yon, nagawa niyang palaguin ang company niya ng walang kahirap-hirap.” Sh*it! Heto na ang mga tanong nila. Hindi ako apo ng sinabi niyang Wilfred kung sino man ‘yon! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD