Batid ko ang mga mapanuring mata ni Grace na nakasunod sa bawat galaw ko. Nanlaki din ang mga mata ni aling Neng pagkakita sa amin na magkaharap. Halata ang pagkailang niya nang sulyapan ko siya. “K-Kukuha lang po ako ng m-makakain niyo, maam,” paalam niya sa akin saka dali-daling naglakad patungo sa kusina. Mukhang kilala niya din si Grace. Kung gayon, makailang beses na rin siguro siyang nakapunta dito. Pagkaalis ni aling Neng ay saka ako binalingan ni Grace. “Hello, Elyse. I’m sorry for coming here unannounced,” simula niya. Hindi ako agad sumagot. Naupo ako sa mahabang sofa katapat ng pwesto niya. Magkaharap na kami at matapang kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Siguradong ako ang gusto niyang makausap sa pagpunta niya

