Sa mga sumunod na araw ay naging napaka-busy ni Damian. Halos nawalan na kami ng pagkakataon na mag-usap. Marahil dahil iyon sa negosyo na inaalok ni Grace. Ngunit ang higit na bumabagabag sa akin ay ang madalas na pagkahilo at pananakit ng tiyan. Nais ko sana balewalain ang nararamdaman pero sa bawat araw ay madalas ko itong maramdaman. Tulad ngayon, sumasakit na naman ang tiyan ko. Unti-unti na akong natatakot kaya naman gusto kong magpa-check up kay Doctora Sy ngayon. “Okay ka lang?” tanong sa akin ni Nina. “Oo. Medyo masakit lang ang tiyan ko,” sagot ko. Bahagya ko pang hinaplos ang tiyan. “Baby, behave. Ang likot mo na siguro diyan kaya nahihirapan si Mommy mo,” kausap ni Nina sa tiyan ko. Sakto naman na sumipa ang sanggol sa tiyan na pa

