Labis na lungkot ang nararamdaman ko sa bawat araw. Ramdam ko ang pag-iwas sa akin ni Damian. Hindi man niya ipahalata, ramdam ko ang pader sa pagitan namin. Hindi tulad noong una, naging malayo ang loob niya sa akin. Iniisip ko nga kung dahil pa ba iyon sa nangyari sa kanila ni Dom o dahil na ba kay Grace? Nahihirapan na ako sa sitwasyon, at kahit gusto kong magtanong sa kaniya ng tungkol kay Grace hindi ko magawa. Tuloyan ng nawala ang pag-asa ko na mahalin din ako ni Damian. “Maam Elyse, kumain ka na. Hindi makabubuti sa bata iyang napaka-konti mo kumain. Kailangan mo ng nutrisyon,” untag sa akin ni Aling Neng. Naroon ako sa kusina at hindi ko na namalayan na nakatulala na lang ako sa “Pasensya na po aling Neng. May iniisip lang po ako.” Muli kong ipinag

