Bakas sa mukha ni Dom ang pang-iinsulto habang nakatingin sa akin. Pilit kong itinago ang pagkabahala dulot ng mga sinabi niya. Hindi niya dapat makita na apektado ako. “Really? Alam mo kung bakit kami nagpakasal?” kalmadong tanong ko. “Yes. Nabuntis ka ni Damian, hindi ba? At dahil mukhang pera ka naman, nagdemand ka na panagutan ka niya! Alam mo noon pa ako nag-iisip kung bakit ka tumagal sa akin ng anim na taon eh! Ngayon alam ko na, pera pala ang habol mo. At ngayon na nakilala mo si Damian at sakto na nabuntis ka pa niya, sinamantala mo ang sitwasyon. Sa tingin mo ay mas mayaman siya kaya pumayag ka agad magpakasal.” Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi ko napigilan ang sarili at umigkas ang kamay ko para padapuin sana sa p

