9

878 Words
Kulang na lang ay bumaon ang mga kamay ni Jaime sa hawak niyang manibela. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. Kanina pa niya pinipigilan ang pagsabog ng matinding galit sa dibdib niya. “Saan ba talaga tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Demi sa kaniya. Saglit na tiningnan lang niya ang babae. “I’m driving, Demi, mamaya na lang tayo mag usap.” seryosong saad niya. Narinig niya ang pagpalatak nito. “Alas nuwebe na ng gabi, Jaime. Tama ba naman na lumabas pa tayo ng ganitong oras?” Hindi na siya nagsalita pa at muling ibinaling ang pansin sa pagmamaneho. Kung hindi niya pipigilan ang emosyon ay baka maaksidente pa silang dalawa sa kalsada. Kinagat niya ang likod ng mga pisngi at pilit na nag isip ng maayos. Sinungaling! Hindi siya makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon ay mabibilog na naman ng isang babae ang ulo niya. Pakiramdam niya ay para siyang isang maruming trapo na tinapak tapakan lang at iniwan sa isang sulok. Damn… malinaw na sa kaniya ang lahat ngayon na ang babaeng kasama niya ay hindi ang totoong fiancée niya. Napailing na lang siya at napabuga ng malalim na hininga nang maalala ang naging pag uusap nila ng isang kakilala niya kanina… “Hey dude!” Isang matipid na tango lang ang naging tugon ni Jaime kay Marvis. Kaibigan ito ng isang pinsan niya kaya hindi na nakapagtatakang pabalik balik ito sa loob ng building ng kompanya. “Nabalitaan ko na malapit ka na palang ikasal, kailan?” Plano na sana niya itong lampasan at ipagpatuloy ang paglalakad niya sa lobby pero alam niyang kabastusan ang gagawin niya. “Wala pang details, Marvis.” “Aw, really? Hindi pa ba ninyo ginagawa ang tradisyon ng pamilya ninyo na kailangan na munang tumira ng fiancée mo sa mansiyon bago kayo magpakasal?” “Well..magkasama—” “Kasi nakita ko siya last week sa L.A at kasama niya ang mga kaibigan niya.” “What? imposible iyon dahil mahigit isang linggo na kaming magkasama. ” kinabahan agad siya sa sinabi ni Marvis. Sa reaksiyon kasi nito ay parang sigurado ito sa nakita. “Dude naman, hindi ako sinungaling.” natatawang sabi pa nito. May kung anong kinalikot ito sa cellphone at saka iyon ipinakita sa kaniya. “See? last week lang iyan, nagkataon lang na nagkita kami sa isang club kaya nagpapicture kaming lahat.” Shit. Parang may malakas na bomba ang sumabog sa harapan niya. Imposible ang sinasabi ni Marvis dahil magkasama sila ni Demi sa Mondemar. Inalagaan pa siya nito noong magkasakit siya. Inasikaso din nito ang mga anak niya. “Bullshit.” mahinang napamura siya nang maalala ang mga natuklasan niya kanina. Marami na ngang problema sa trabaho niya ay nadagdagan pa iyon ng problema sa fiancée niya. Mainipin siyang tao kaya agad na pinakilos niya ang mga koneksiyon niya. Pagsapit ng hapon ay ihinatid na ng sekretarya sa opisina niya ang mga dokumentong kailangan niya. Napatunayan niya na hindi totoong si Demi Bustamante ang babaeng nasa mansiyon at kapiling ng mga anak niya. Allyson Bustamante ang totoong pangalan ng babae at half sister ito ni Demi. Maliban sa iisa lang ang ama ay magkakambal din ang mga ina ng dalawa kaya magkamukhang magkamukha ang mga ito. At dahil isang beses pa lang naman niya noon nakita si Demi ay hindi agad niya nahalata na ibang tao ang kasama niya. Sa unang tingin ay malilito ang sino man na kilalanin ang dalawa. Pero kung susuriing mabuti ay mapapansin na medyo mas matangkad si Demi kay Allyson. Five-four lang kasi si Allyson at si Demi naman ay five-five ang taas. Halos pareho lang ng sukat ng katawan ang magkapatid. Pagdating naman sa mukha ay halos hindi rin nagkakalayo ang dalawa. Medyo bilugan lang ang mukha ni Demi at si Allyson naman ay may maliit na guhit sa ilalim ng tungki ng ilong nito. Nakakainsulto ang ginawang panloloko ng magkapatid sa kaniya. Nakita niya sa isang dokumento na sa bayan din pala ng Mondemar naninirahan si Allyson. Kasama ang pamilya nito sa mga nasunugan kaya nakikituloy sa isang kamag anak. May hinala na siya kung bakit nagawang makipagsabwatan ni Allyson sa kapatid nito. Dahil sa pera. Hindi naman pala magkasamang lumaki ang dalawa kaya walang alam si Allyson sa pinaggagagawa ng sarili nitong kapatid. Nang makarating sila sa bahay ng kakilala niyang judge ay agad na inutusan niya itong bumaba ng kotse. Nagtataka man ay napilitan na lang itong sumunod sa kaniya. Sa itaas kung saan naroon ang mini library ni Judge Corporal sila nagtungo. “B-bakit nandito tayo?” namumutlang tanong ng babae sa kaniya. Napansin marahil nito ang dalawang assistant ng judge na magiging witness sa plano niya. “Bakit? 'di ba ito naman ang gusto mo, ang pakasalan ako Allyson Bustamante?” kahit nagwawala sa matinding galit ang puso niya ay hindi niya mapigilan ang pagngisi nang makita ang pagkabigla sa mga mata nito. Naikuyom niya ang mga palad. Oras na para gumanti siya. Wala siyang pakialam kung si Demi man o si Allyson ang pakakasalan niya. Kinanti ng mga ito ang pride niya at hindi pwedeng basta na lang siya manahimik. Tama ng minsan ay pinaikot siya sa palad ng magkapapatid
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD