NASA huling taon na sila sa kolehiyo nang boluntaryong ialok ni Kenneth ang sarili bilang isa sa mga campaign managers ng kanyang ama. Nakilalang lubos ng mga magulang, mas puspusan ang ginawa nitong panliligaw sa kanya. Ang ginawang paraan na iyon ng lalaki ang nakaipit sa kanya para sagutin ang panliligaw nito.
“Maawa ka naman, Cher. Si Kenneth lang ang nakita kong inabot na ng taon ang panliligaw sa iyo at hindi sumusuko. Bakit hindi mo pa sagutin?" buyo sa kanya ni Roselyn.
“Walang friction," sagot niya.
“Friction?" Nagsalubong ang mga kilay sa naghihisteryang tinig nito.
“Friction,” ulit niya. “For some time ay nagkaroon ng tsansa si Kenneth na maaalayan ako sa siko o mahawakan sa kamay. At ang pakiramdam ko'y walang pinag-iba sa hawak ni Tata Apen tuwing sasakay at bababa tayo ng bangka.”
Ang lakas ng tawa ni Roselyn. “You mean, ang mga pag-alalay na ginagawa sa iyo ni Kenneth, kinocompare mo sa fatherly gestures sa atin ni Tata Apen?
"I can't help it. Sa mga romance pocketbooks, which a lady gets to meet her would-be man, there is a certain attraction that brings an electrifying feeling to both of them. Which somehow indicates a sign of compatibility.
“At doon mo nakuha iyang ideya mong friction-friction na iyan. Naku naman, Cher, akala ko'y mas reasonable ka sa akin dahil ang tataas ng grades mo sa school. Sa pocketbook lang iyan nagkakatotoo. And besides, that thing na sinasabi mong compatibility, physically lang."
"At least, you've got to feel something somehow."
SA HULING pagpasok sa politika ng ama ni Cherilu ay kasali na siya sa puspusang pangangampanya. At sa gitna ng mainit na selebrasyon ng pagkakapanalo nito, sinagot niya si Kenneth.
Even without the feeling of friction that she believed ever since she started reading romance
pocketbook…
PINAGPAG ni Cherilu ng kamay ang isang upuan sa may bintana bago naupo. Naroon pa rin sa window sill ang hilera ng mga nakapasong rosas. Mas marami sa mga ito ay lanta na.
Rose Island.
Sa pagkakaalam niya ay sila ni Roselyn ang nagbigay ng pangalan sa lugar na dati'y simpleng “kubo" kung tawagin ng mga magulang ng huli. Mula sa pangalan ni Roselyn at sa walang-sawang pamumulaklak ng mga halaman dahil sa mabuting pag-aalaga ni Tata Apen ay binansagan nila ang lugar na "Rose Island."
Ang beach house ay hindi dating moderno ang kabuuan kagaya ngayon. Pina-renovate lamang ito bago mag-asawa si Roselyn at tuluyang mapasakamay nito ang property. And it seemed the roses around the place knew the feeling of Roselyn being in love. Mas lalo pang lumago ang mga ito.
Ngunit malayo na ang itsura noon sa nakikita niya. Ngayon ay waring hindi na angkop ang pangalang iyon.
Tiningala niya ang ceiling. Bagama't tutol ang dibdib niyang ibenta ang Rose Island ay wala siyang magagawa dahil hindi naman kanya ang property. At ngayon ay isa-isa niyang hinahanap ang depekto ng bahay na makikita ng buyer para maigawa niya ng kaagad na dahilan.
Nakita niya ang ilang maliliit na butas sa bubong na pawid na likha ng pagkukutkot ng mga ibon. At alam niyang kaunting hulip lang ay may remedyo na iyon.
Ang biglang paghihip ng hangin ay naghatid sa kanya ng puwing. At nang papahirin niyang panyo ang mata ay nabunggo niya ang isang katamtamang laki ng paso at nahulog iyon. Walang rehas ang bintana. Ang nahulog na paso ay lumikha ng ingay sa katapat na pasong binagsakan nito.
Pinapahid pa ang matang napuwing ay dinungaw na niya ang nabasag. Ngunit nagtaka siya nang mapansin ang isang asul na bag na nakalapag sa malapit.
At bago pa siya nakabawi sa pagtataka at hanapin ang nagmamay-ari ng bag ay narinig na niya ang dagundong ng isang tinig.
"Bakit ngayon ka lang? Puno ng iritasyon ang tinig.
Mula sa pakakadapa sa buhanginan ay narinig ni Ronald ang nalikhang ingay at sa paglingon ay nakita ang dalaga sa may bintana. Muling nagbalik ang inis nito nang maalala ang dahilan ng pagkakapunta nito sa lugar na iyon.
Si Cherilu naman ay walang makapang isasagot sa paninita nito. Ang akala niya ay walang tao sa Rose Island dahil hindi niya inabutan ang lalaking sinasabi ng headwaiter na papunta sa Pagudpud.
Ngunit ang tono ng kaharap ay nagsasabing ito ang lalaki.
Waring namanhid ang dila niya para magsalita. Ang binata ay patuloy sa paghakbang papalapit. At bukod sa makitid na swimming trunks ay tanging ang mga puting buhangin na dumikit sa basang balat nito ang tumatabing sa katawan nito.
She felt insecure for a moment. Mas maputi pa yata kaysa sa kanya ang lalaki. At ang ilang sandaling pagkakabilad nito sa araw ay nagdulot ng likas na pamumula sa mukha.
Sa paglapit nito ay lalo niyang napagmamasdan ang guwapong mukha nito. Ang mga kilay ay salubong dahil sa pagkakakunot ng noo. Maiitim ang mga matang alam niyang iritado. A typical Spanish nose at ang makikitid na mga labi ay hindi pahuhuli sa sarili niyang labi sa natural na pula at nipis.
Bumaba ang kanyang mga mata. Maliban sa mestisong kulay nito ay well-built ang katawan nito. No unwanted fats sa kahit saang parte ng katawan. At dahil sanay siyang makakita ng mga lalaking nakaswimming trunks sa mga paliligo nila sa dagat, maibibilang niya ang kaharap sa iilan na talagang may karapatang magsuot ng ganoong kakitid, na pampaligo.
Naughty thoughts. Dahil bagamat naalis na ang panyo sa pagkakalapat niya sa mata ay nararamdaman pa rin niya ang maaligasgas na pakiramdam.
HUMINTO si Ronald sa mismong tapat ng babae na hindi pa rin nagsasalita. Tiningala niya ito. At waring sisitahin muli nang mapansin niya ang pamumula ng isa nitong mata.
So she's Roselyn, anang isip niya. At mabilis na nagrehistro sa alaala ang sinabi ng ama na buntis ang babae. At nang sandaling iyon ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam sa “buntis” na kaharap.
Ang babaing nasa tapat niya ay hindi lang basta maganda. He could feel something na hindi niya alam kung ano ang tawag just by looking at her face. And for a moment, nakakaramdam siya ng galit sa pagiging "buntis'' nito.
Kahit na nga ba wala siyang karapatan.