A-ARE you... Mr. Ledesma?”' sa wakas ay nasabi ni Cherilu.
Saglit na umaliwalas ang mukha ni Ronald sa narinig. If she were Roselyn, ang dapat na itanong nito sa kanya ay kung sino siya. “Yes," sa halip ay sagot ng binata.
"I'm sorry, I was late. Sinabi lang sa akin na may papunta rito sa Rose Island kaya sumunod na rin ako,” apologetic na wika ni Cherilu. “Bakit mag-isa ka lang? Where's your wife?''
“We will not conduct business this way, don't you think?” There was a mocking smile in his lips. Sa isang iglap ay nabura ang iritasyon sa kanya lalo na at marinig mula sa kaharap na hinahanapan ito ng kasama. And a wife at that moment.
"Oh, please come inside," napahiyang wika niya at tinungo ang pinto. Mabilis niyang kinapa sa bulsa ang sulat na ginawa ni Roselyn.
Si Ronald ay kusa na ring humakbang base sa pagkakatanda nito kung nasaan ang hagdang-kawayan papuntang main door.
Mismong paghinto ni Cherilu sa tapat ng frame ng pinto ay siya namang pagtapat ni Ronald sa puno ng hagdang-kawayan.
And he became bewildered at the sight of the beauty in front of him. Kanina, maliban sa mukha ng dalaga, ay tanging ang makikinis na balikat ang nakita nito in fair complexion. Ngayon ay ang kabuuan: sleeveless cotton blouse na ang laylayan ay bahagya lang lumagpas sa baywang, ang puson ay flat na flat tingnan sa pedal p****r na khaki.
Imposibleng buntis. Na gaya ng sabi ng ama ay para madali nitong ma-identify among others.
At kabuwanan na rin yata ni Roselyn de Padua.
“You're not Roselyn, are you?" Isinatinig nito ang gustong makumpirma.
TUMANGO si Cherilu. “Halika, pumanhik ka," nakangiti niyang anyaya. Nag-uumpisa na niyang paganahin ang sabi nga ni Roselyn ay kanyang winning personality. “And you're right, my name's Cherilu. Cherilu Rodriguez, Roselyn's friend. She's in the hospital, having just given birth to a baby girl," paliwanag niya, sabay abot dito ng sulat. ·
Waring ini-scan lang ng mga mata nito ang sula saka ibinalik sa kanya. “Do you think I should buy this property?" wika nito habang pumapanhik. He could just not explain a sudden change of emotion knowing she was not Roselyn.
“I'll tour you around. Kahit naman anong bagay na bibilhin, tinitingnan munang mabuti, hindi ba? Nagpatiuna na ang dalaga sa paghakbang patungong kabuuan ng sala.
Sa ilang sandali ay nililibot nila ang kabuuan ng beach house. Lumilikha ng mumunting tagitik na ingay sa sahig ang nalalaglag na buhangin mula sa katawan ni Ronald na unti-unting natutuyo dahil sa hangin.
“This is one of the three bedrooms.” Binuksan ni Cherilu ang katabi ng kuwartong noon ay madalas nilang okupahing magkaibigan. “Halos magkakasinlaki lahat, except the one na nasa dulo. A little larger, bale iyon na rin ang master's bedroom. Lahat may toilet and bath in modern facilities, kaya kung nandito ka sa loob at hindi kawayan ang sahig, hindi mo iisiping nasa beach house ka."
Muling isinara ni Cherilu ang pinto ng kuwarto at sadyang nilagpasan ang dating kuwarto nila. Humakbang siya patungong master's bedroom.'
Walang kibong sumunod si Ronald.
"Well, the only difference is the space, di ba?'' lingon niya sa binatang walang imik sa kanyang likuran. “Mas maluwang."
Sa halip na magkomento ay tumango lamang ang binata.
Gustong mapabuntong-hininga ni Cherilu. Mula nang pumanhik ang binata ay iisang beses pa lang niyang narinig ang boses nito. At hindi niya mabasa sa mukha nitong na nagugustuhan nito ang beach house gayong ginagawa na niya ang alam niyang pinakamagandang sales talk.
Pagkabig niya sa pinto ng kuwarto ay bumaling siya sa gawi ng kusina. Kusa niya itong nilagpasan na waring nagsaestatwa na nakamasid lang sa sinasabi niya. Ngayon ay pinag-iisipan niya kung dapat pang ipagpatuloy ang pagse-sales talk rito.
Nang lumapit siya sa mesang kawayan ay tumigil sa pagsunod si Ronald. Isinandig nito ang sarili sa sawaling dingding na humahati sa sala at kusina. Tanging ang mga mata lamang nito ang nakasunod sa bawat galaw niya.
“Sa kawayan din gawa itong dining table,” aniyang bahagyang kinatok ang isang paa ng mesa. “As far as I know, chemically treated ang lahat ng furniture, so kung magkabukbok man, matagal pa. Those electric appliances," turo niya sa mga kagamitan sa kusina, are in good condition. Ang tubig sa gripo, de-motor. meron ding manu-manong poso sa ibaba. Ang ilaw naman, I think, ipapaayos lang ang supply ng kuryente. Hindi naman problema dahil kayang-kaya iyong asikasuhin ni Roselyn in no time at all. So far..." Naalala niyang lingunin ang binatang alam niyang nasa likuran niya at nakikinig.
Napatda siya nang masalubong ang mga titig nito. Sa ilang sandali ay pinag-isipan niya kung naintindihan nito ang kanyang mga sinabi. Ang nakikita niya sa mga mata nito ay hindi ang pagkakaunawa sa mga ipinaliwanag niya.
Kakaiba ang mabining paggapang ng kilabot sa katawan niya. Iba ang nababasa niya sa mga mata ng lalaki. Hindi niya alam, pero sigurado siyang malayo ang interes nito sa mga sinabi niya.
“So far, what?”
Sa pagkakapatda niya ay nagulat pa siya nang marinig ang tinig nito. "A-as I was told—” Namalayan niya ang sariling tila nagising sa pagkakatulog. “Kasama na'ng lahat ng ito sa bentahan.” Inilibot niya ang paningin sa lahat ng kasangkapan.
"Including you?” His voice was flat.
“Ano'ng sinabi mo?” wika niya, bagama't narinig niyang malinaw ang tanong nito. Hinahanap niya sa mukha nito ang pagbibiro subalit nananatiling blangko ang ekspresyon nito.
"I was asking if that includes you," bale-walang ulit ni Ronald, at tila interesado sa magiging reaction niya
Bigla ay na-conscious siya sa sarili at sa kaharap, mabilisang sumagap ng hangin at humakbang pabalik sa sala.
Ipinagpasalamat niyang nagbigay-daan ito sana Ang inaasahan niya ay tulad ng nababasa sa mga istorya na hinaharang ang bidang babae at hinahaklit sa braso kapag hindi sumasagot sa itinatanong. And more, ang halikan ang bidang babae dahil napikon ang bidang lalaki.
Halikan!
Gustong mapahumindig ni Cherilu sa naisip. Of all time and of all places, sa harap pa ng estrangherong ito biglang pumasok sa kanya ang ideyang iyon!
Diyata at hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga nalalabing ganoong klase ng thoughts sa utak niya. Ang alam niya ay pilit na niyang kinalimutan ang mga romantic scenes na napulot niya sa pocketbooks.
Mula ng sinagot niya si Kenneth years ago, naturuan niya ang sariling maging realistic. Ang huwag hanapin dito ang mga pantasya niya sa heroes ng romance stories. Matagal na niyang ibinaon sa limot ang paniniwalang love is sweetest when it happens in the most unex pected and strangest ways.
At pinagkasya niya ang sarili sa mga pinagsasaluhan nila ni Kenneth. Kenneth wanted to kiss her at pinagbibigyan niya. Gayundin ang mga yakap nito. Hindi nga lang ang disimulado nitong pag-aya sa kanya na masolo sa isang lugar na pribado.
Dahil pinalaki siyang konserbatibo ang pananaw pagdating sa bagay na iyon, katwiran niya sa sarili. At ang gusto niya ay ang makasal na dalagang-dalaga sa tunay na kahulugan niyon.
“Hindi ka na sumagot...” may himig na nanunumbat na wika ng binata.
Ikinapitlag niya ang pagsasalita nito. Hindi niya akalaing nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Mabilis na binalikan niya sa isip ang itinatanong nito. Pakiramdam niya ay may gumapang na init sa kanyang punong-tainga nang maalala ang itinanong nito. Ipinasya niyang pumihit at humarap bago sumagot.
Hinahanap niya sa mukha nito ang kamalisyosuhan o pagtatangkang bilhin siya. Sa ilang saglit ay nag-alala siyang dadalawa sila sa bahaging iyon ng Pagudpud at kung pagtatangkaan siya ng kaharap at alam niyang magagapi siya sa huli.
"I'm sorry," matatag niyang wika. At inutusan ang sariling ipako ang paningin sa mga mata ng kaharap. Bigla ay naasiwa siyang halos h***d ito maliban sa makitid na pang-ibaba nito. “Hindiako kasali sa bentahan. I’m not for sale. Never ." Binigyang-diin niya ang sinabi.
Ipinaalala niya sa sariling mag-asawa ang prospective buyers ng Rose Island. Nanghihinayang siyang ang bata pa ng kaharap para maging DOM. Kagaya ng tinatakbo ng salita nito.
Hinihintay niyang ipagpilitan nito ang sinabi. Atsa isip ay pinag-aaralan na niya ang salitang ibabato nito, subalit sa halip at tiningnan lang siya nito at tumalikod na para bumaba.
Stop it, Cher! saway niya sa sarili. Why do you have so much in mind? He only asked a question at binigyan mo ng maraming kahulugan. Mukha ba siyang ganoon kasabik sa babae para isama ka sa bentahan?
Hindi. Siya rin ang sumagot sa sarili.
Narinig niya ang nakakangilong tunog ng poso na pilit binobomba ang tubig. Mabilis siyang bumalik sa kusina at doon dumungaw. Katapat ng lababo sa itaas
ay ang poso sa ibaba.
Hindi niya maisip kung matatawa o mamaawa. At kung kanino.
Waring hirap na hirap ang angil ng poso na tuyongtuyo sa tubig. Pero mas doble ang hirap na nakikita niya kay Ronald sa pagtatangka nitong paakyatin ang tubig sa bibig ng poso. Tila buong lakas nito ay nauubos sa bawat pagtaas-baba ng tubo na hawakan ng pose
Pero mas napansin niya ang pagkaasiwa ni ginagawa. Ngayon lang ba nito naranasang magbomba ng poso?
Humagilap siya ng tabo sa kusina. At nagkataon namang may laman ang container doon bagama't hindi niya alam kung gaano na katagal na naipon ang tubig. Sumalok siya at bumaba.
“Ako na,” aniya at inagaw mula sa pagkakahawak ni Ronald ang hawakan. Ibinuhos niya ang laman ng tabo sa tuktok ng poso saka binomba iyon. Ilang sandali pa at kusa nang bumubukal ang tubig.
Tumaas ang kilay niya nang mapansin si Ronald na pinanonood ang ginagawa niya. Hindi ba nito alam kung paano paahunin ang tubig sa poso?
Naiiling na binitawan niya ang handle at ipinasa rito. “Okay na iyan. Bombahin mo pa nang ilang beses para itapon ang tubig na inilagay ko, tapos malinis na ang lalabas diyan.”
Mabilis na siyang humakbang pabalik sa beach house. Umabot na lang sa pandinig niya ang 'thank you' nito na ni-recognize lang niya sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay.