IPINASYA niyang maglakad-lakad habang hinihintay na makapagbanlaw si Ronald. Tinalunton niya ang buhanginang patungo sa baybay-dagat. Nang makaabot sa kanyang talampakan ang mabining alon ay minabuti niyang hubarin ang sandalyas at bitbitin na lang, saka nagpatuloy humakbang sa baybayin.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib matapos igala ang paningin sa paligid. Deep inside her, espesyal sa kanya ang lugar na ito. Kung dahil mula teenager pa sila ni Roselyn ay kasama na nila si Kenneth na nagwi-weekend sa Pagudpud, ipinagkibit-balikat lang niya. Mas malalim ang naging ugat ng friendship nila ni Roselyn, saksi ang Rose Island.
Nanimbang siya sa mabato nang dinaraanan. Iyon ang hangganan ng buhanginang nasasakop ng Rose Island. Sa isang bahagi ay wala siyang choice kundi ilusong ang mga binti sa tubig dahil matalim ang malaking tipak na bato na animo kumukubli para mabukod ang Rose Island sa kahabaan ng baybayin.
Maingat siyang gumabay sa bato para pumakabila. Kabisado niya ang daang iyon at sa minsang pagkakamali na sumala ang kanyang paa ay lulubog siya ng hanggang leeg.
Had she given a choice, hindi na siya magpapakapagod na magkumbinsi ng buyer at siya na mismo ang bibili ng property. But her finances were tight. She had invested most of her savings sa Cher Fashion. At hindi niya kayang kapalan ang mukhang hingin sa mga magulang ang mamanahin para makapuno sa naipon niya at ipambayad sa Rose Island.
Her parents would surely object. Dahil may lupa nang nabili ang mga ito sa tabing-dagat din sa makalabas ng Ilocos. At alam niyang hindi makakakumbinsi sa mga ito kung idadahilan niya ang sentimental value.
Besides, logically ay hindi ideal ang property for commercial purposes. There was no space left para pagtayuan ng mga cottages. Trees were everywhere, na ang iba ay sintanda na ng sibilisasyon at nakakahinayang nang putulin. At kahit siya ay tutol sa ideyang i-open for public ang Rose Island.
Maganda talaga ang lugar na iyon sa pansariling dahilan.
Pagod niyang iniupo ang sarili sa tuyong buhangin nang makalagpas sa batuhan. Saka pinagmasdan ang paligid. Hindi yata siya magsasawang tingnan ang bahaging iyon ng Pagudpud. Bagama't sa kinauupuan niya ay abot-tanaw na ang hilera ng mga resorts, hindi nakabawas ang modern structures sa ganda niyon.
Coconut trees and other palms were in their golden crown sa mag-aalas-singko ng hapong sikat ng araw. And she could bet na higit na maganda ang Rose Island. At bagaman suntok sa buwan, oras na maging kanya ang lugar na iyon ay hindi niya gagawing commercial resort. If only for the purpose of preserving its natural beauty.
Rose Island was indeed a perfect place for those who wanted to get away from the busy city life even for a moment.
Kagaya ni Mr. Ledesma, she thought. Mr. Ledesma! Parang naalimpungatan siya. Hindi niya matandaan kung ilang minuto ang itinagal niyang namahinga at idagdag pa ang sandaling ipinaglakad niya, subalit nakatitiyak siyang gaano man ito katagal na may ayos ng sarili at tapos na ito ngayon.
Mabilis siyang tumayo at pinagpag ang buhangin sa puwitan. Parang nagulat pa siya nang muling pagsayad ng mga paa sa dagat ay malamig ang tubig na humaplos sa kanyang binti. Saka niya rin namalayan ang lumalamig na dapyo ng hangin.
Nabasa na ang laylayan ng pedal p****r na suot nang bumalik siya sa batuhan. Impit ang naging sigaw niya nang humakbang siya ay umabot hanggang alakalakan ang lalim ng tubig. At sa isa pang paghakbang ay mas malalim pa.
It was high tide. At hindi siya authority ng PAGASA pero sa maraming karanasan nila ni Roselyn na inaabutan ng bagyo sa Pagudpud, alam niyang hindi basta high tide lang ang nangyayari. Her subconcious mind could hear the sound of the wind blowing from afar.
Halos takbuhin niya ang buhanginan nang makalagpas sa batuhan. At anhin na lang niya ay lumipad nang matanaw si Ronald na sa wari ay bagot na sa paghihintay sa kanya.
Nang malapit na siya ay nakita niyang nakatuoi ang mga mata nito sa kanyang mga binti at hita.
Humapit lalo sa hita niya ang suot na pedal p****r dahil sa pagkakabasa ng tubig.
“I'M SORRY. Hindi ko namalayang nakalayo na pala ako," humihingal pa niyang sabi nang nasa harap na siya ni Ronald.
He nodded in recognition. “Nandiyan na si Mon, the one who helped me to get here.” Saka luminga ito sa papaibis na lalaki mula sa owner jeep na pumarada sa tabi ng Super Saloon.
“Magandang hapon sa iyo, Cherilu.” Lumapit sa kanila si Mon.
“Kumusta?' Hindi pa man nagtatrabaho si Mon sa Fort Ilocandia ay kilala na niya ito dahil kay Roselyn.
“Permanent na ako sa coffee shop,” maluwang ang ngiting sagot ni Mon. “Sinusundo ko nga pala si Ronald. Pero kung nandito ka naman pala—”.
"Sabay na kaming babalik sa Laoag," agaw niya.
“Hindi na ako magtatagal kung ganoon, mukha pa namang malakas iyang ulan na paparating.” Tiningala nito ang nagdidilim na ulap. Ilang palitan pa ng salita at nagpaalam na sa kanilang dalawa si Mon.
"Ronald?" tila namamalikmatang balin nang sila na lang muli. Minsan lang binanggit ni Roselyn kung ano ang pangalan ng mag-asawang kakausapin niya at kung sakali mang nabingi siya nang sandaling iyon, imposible pa ring ang “Servando maging “Ronald". Gusto niyang magsising hindi lang pina-describe muna sa kaibigan ang itsura ng mag-asawa.
"Yeah. And you can call me that. Instead of addressing me 'Mr. Ledesma'," amused na sagot ni Ronald.
"I thought you were Mr. Ledesma. And you even claimed you were.” Bumadha ang pagtataka sa kanyang magandang mukha.
"I can be both.” Inilahad ni Ronald ang kamay. “Mr. Ledesma' or simply ‘Ronald', pareho lang naman na ako din iyon.”
“But I was supposed to meet a couple—Mr. and Mrs. Servando Ledesma.” Sandaling tinanggap niya ang pakikipagkamay nito, gustong mailang nang tila kuryente ang idinulot niyon na nilakipan pa nito ng bahagyang pisil. Ngayon niya pinagdududahan hindi kaya pinagtatawanan siya nito nang lihim habang pinagbubuti niya ang pagse-sales talk ng Rose Island.
“I think by this time, they are on their way to France. Kaya nga ako ang napilitang magbiyahe dahil importante sa mga magulang ko na hindi masira sa pakikipag-usap. But it seems na mismong ang Roselyn Padua na kausap nila ay nagpadala rin ng representative.” Mataman siyang tinitigan ng binata. “Do you think there really is a business here?” Pumormal ang tono nito.
"Of course! I have shown you her letter and even explained her absence. At kahit naman siguro sinong tao ay maiintindihan iyon.” Hindi niya napansing masyadong naging defensive ang tinig niya. “Anyway, I could bring you to her hospital bed kung gusto mo. Tutal naman ay kayo rin ang talagang mag-uusap sa huli."
"It looks like you and your friend are desperate to sell this property. Why?'' Curiosity was in his voice.
Noon naalarma si Cherilu sa klase ng pakikipagusap niya. Minsan siyang lumunok bago sumagot. “I have no idea. I was only requested to see your parents and now you.” Nagsisimula na ang maliliit na patak ng ulan. “I think we better continue this talk on our way back,” aniya, saka mabilis na ikinandado ang beach house.