HUSTONG papaahon sila sa makitid na daan nang bumagsak ang malakas na ulan. Namayani ang tahimikan sa pagitan nila. Pinili ni Cherilu na mag-concentrate sa pagmamaneho habang walang kibo naman sa passenger seat si Ronald.
"Do you think you can still drive?" basag nitosa katahimikan sa pagitan nila. Nasa Bangui na sila at mukhang mag-aalas-siyete na ng gabi base sa dilim ng ulap. Lalong malakas ang buhos ng ulan at kulang na lang ay mag-zero visibility.
“Kaya pa naman ng mata ko," tugon niya.
“I don't have any appointment other than this meeting. Puwedeng huminto muna tayo sandali sa isang tabi habang pinalilipas iyang malakas na ulan."
Saglit siyang luminga sa katabi habang magmemenor dahil may umusling nguso ng pick-up sa isang kalye. Hindi pa siya nakasasagot sa suhestiyon nito ay muli na namang nagsalita.
“I think we can stay there and have ourselves a cup of coffee," turo ni Ronald sa isang signboard ng restaurant makalagpas ng kalye.
Tumango lang siya at iniliko nga roon ang SuperSaloon. Inilagay niya sa hand break ang kotse bago tuluyang pinatay ang makina. “I have an umbrella here." aniya at inabot mula sa likuran ang sa tuwina ay baong payong.
"Mauna na ako,” wika ni Ronald, at mabilis nang nakuha sa kamay niya ang payong. Sa isang saglit ay nakaikot ito sa tapat niya.
Sa pagbukas niya ng pinto ay maagap nitong itinapat ang payong sa kanya. Inabot ang talampakan niya ng naipong tubig at umanggi sa likod niya ang ulan.
“Careful,” bulong nito nang makababa siya. Ikinagulat niya ang kaswal na pag-akbay nito sa kanya para magkasya sila sa payong na pang-isahan.
Napapikit siya nang mariin nang halos masubsob siva sa dibdib nito. Hindi niya maintindihan ang sarili sa hindi niya inaasahang paggapang ng nakakakiliting kuryente sa kanyang katawan.
Kaya niya sana iyong bigyan ng rason kung ang nasamyo niya sa katawan nito ay alinman sa mamahaling pabango sa estante ng Duty Free Shop o Rustan’s, but what she could smell was the natural male scent.
At kung mayroon mang banyagang amoy na dumikit sa suot nitong polo shirt ay ang mountain fresh scent ng car freshener. But still, hindi ito sapat para maranasan niya ang gayong pakiramdam.
Ohmygosh! This only exists in pocketbooks!
She wanted to go back in the car. Pero ito na mismo ang nagsara ng sasakyan. Sa ilang hakbang ay naroon na sila sa bungad ng maliit na restaurant.
Mas tamang “carinderia” ang itawag sa napuntahan nila. Salat sa dekorasyon ang loob at ang dalawang serbidora ay abala pa sa pagbabasa ng komiks kaysa salubungin ang pagdating nila. Sa ilang mesa ay mahihinuhang mga biyaherong kagaya nila ay nagpapalipas lang ng kasagsagan ng ulan.
"Giniginaw ka?''
Halos bulong lang iyon na nakaabot sa kanyang pandinig. Nag-angat siya ng mukha. Parang noon lang niya namalayang nakasandig pa rin siya sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi. At ipinagpasalamat niyang nasa pagsasara ng payong ang atensyon nito at hindi napansin ang pagkapahiya niya.
“Mukhang wala tayong gaanong pagpipilian dito,” mahinang sabi ni Ronald nang makapasok na sila.
Inilihim niya ang pagtataas ng kilay. Sa isang sulyap sa counter ay alam niyang hindi bababa sa labindalawa ang nakahilerang kaserolang may takip bukod pa ang malalaking garapon ng iba't ibang klase ng sandwich spread at bunton ng mga tinapay sa maliit na aluminum na estante.
Muling bumalik ang tingin niya kay Ronald. Saka niya naunawaan ang sinabi nito. She could imagine him at the wine bars of the finest hotels. At hindi nito tipo ang taong madaling maging komportable sa kagaya ng lugar nila ngayon. Kahit na nga ba ito pa ang nag-ayang huminto sila roon.
Namataan niya ang softdrinks in can at juices in tetra pack.
“Gusto mo pa rin bang magkape?” Bagama't duda siyang makaiinom ito habang nag-iisip kung nabanlawan bang mabuti ang tasang ginagamit. "I see they have Coke in can and juice. Which do you prefer?”
"Anything, basta ice cold.” Mabilis namang tumalima ang isang serbidora nang tawagin niya ito sa wikang lloko. At tila may pakpak din ang mga paa nito nang bumalik dala ang dalawang Coke in can. At waring nagmamagaling na sa harap pa mismo ni Ronald ibinaba ang dalawang baso na may yelo.
Siya man ay nabigla ngunit napansin pa rin niyang bagama't pinilit ni Ronald na maging kaswal kahit na kitang-kita nito kung papaanong mula sa bibig ng mga baso ay binitawan ng mga daliri ng serbidora ang mga ito.
Hindi siya keen observer, pero hindi niya maiwasang pagmasdan ang kilos ng kasama sa disimuladong paraan. Mula sa napkin holder ay kumuha ito saka pinunasan munang maigi ang ibabaw ng can bago tinanggal ang tab nito.
At dahil siya man ay walang balak gamitin ang mga basong ibinigay ng serbidora, hindi na siya na-shock hang tunggain nito mula sa lata ang soft drinks.
Now she knew kung bakit ice cold ang gusto nito.
Anyong bubuksan na rin niya ang para sa kanya nang mamataan ang oras sa suot na relo. Beinte minutos para mag-ikaanim ng gabi. Napakunot siya ng noo. Saka niya naalalang susunduin nga pala siya ni Kenneth sa Cher Fashion.
"May lakad ka pa ba?” pansin ni Ronald.
Hindi niya akalaing mahuhuli nito ng tingin ang sandaling pagbabago ng ekspresyon niya. “Hindi namang gaanong importante,” mabilis niyang sagot. Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Halos ayaw siyang payagan ni Kenneth na pumunta sa Pagudpud para lang masigurong matutuloy ang dinner date nila; at ngayon ay isinagot niyang hindi naman gaanong importante ang tiyak na pagkabalam ng date niya.
She would have a lot of explaining to do, na sa huli ay hindi papayag na basta “sorry” lang ang tatanggapin ni Kenneth mula sa kanya. Kung pagbabatayan ang ilang beses na niyang pagkakaroon ng atraso sa nobyo ay kailangan pa ng maraming halik at lambing mula sa kanya para maamo ito.
On the contrary, binigyang-katwiran niya na hindi dapat maramdaman ni Ronald ang anumang sirkumstansya na magiging kapalit ng pagkaka-delay ang pagbalik nila sa Laoag. Itinanim niya sa isip na kailangang iparamdam niyang importante ang oras na iniuukol niya rito para na rin sa magandang resulta ng pagbebenta ng Rose Island. Labas ang mga personal na rason niya sa mga oras n iyon.
“Is a date not important to you?” Waring nabasa nito ang kanyang isip. Sa ilang sandali ay nawala sa mukha nito ang kaasiwaan sa lugar at napalitan ng kuryusidad sa isasagot ni Cherilu.
Ginantihan niya ang tipid na ngiti nito bago inilipat ang tanaw sa labas. Hindi na gaanong malakas ang ulan. “Shall we? Baka nga naiinip na rin ang parents ko." Hindi niya alam kung bakit ang mga magulang ang idinahilan sa sandaling pag-alumpihit niya.
Nang tumango ito ay kinambatan niya ang waitress.
Subalit mabilis nang nakadukot ng pambayad si Ronald. “Let me," anito sa tonong walang makakabali.