Book 1 - Cherilu 10

1171 Words
WALA sa plano niyang magmadali sa pagmamaneho. Dahil batid niyang anumang pagkabihasa ay hindi siya makakaabot sa eksaktong oras ng pagsundo sa kanya ni Kenneth. Binuhay niya ang engine, saka nagsimulang umatras para makabalik sa highway. "Aren't you going to ask me kung bakit hindi man lang ako nagprisintang mag-drive?” "It looks like you have the skill. But why you don't insist ay hindi ko na pinag-isipan,” matapat niyang sabi. “Hindi ko rin naman ugaling ipasa ang manibela sa iba kung ako ang mismong may dala ng sasakyan.” "I don't consider that a skill anymore. I used to drive by myself when I was in college, pero simula nang ako na ang mamahala sa kompanya ng papa, ipinasa ko na ang pagmamaneho sa driver ko. And I think kinalawang na ako. Basic know-how na lang siguro ang natira sa akin. That's why ayokong magmagaling.” She glanced at him with an admiring look. The first time she saw him, inakala niyang halos lahat ng bagay ay kaya nitong gawin. And yet, sa harap niya ay umamin ito ng isang kahinaan. Kung kahinaan ngang matatawag ang ganoon. "Hindi ka naiilang na babae ang nagda-drive para sa iyo?” Siya naman ang nagkaroon ng kuryusidad para dito. “Why should I? Sa araw-araw ay hindi ko mabilang ang mga nakakasabay ko sa lansangang babae ang nagmamaneho. And in fact, I admire them. That only shows their capability at dagdag na tiwala din nila sa sarili.” “You mean kahit may date ka, you let her drive?” Huli na para pag-isipan niya kung tama ba o hindi ang pagtatanong niya. Mahinang tawa mula rito ang narinig niya. Saka waring nag-isip ng isasagot sa kanya. PERO paano ba sasagutin ni Ronald na hindi naman kailangang ipagmaneho niya ang isang babae kung date lang ang pag-uusapan? "Hindi miminsang sa pag-uwi niya sa condo unit ay naroon na si Faye gamit ang duplikadong susi in her revealing night gown. At sa pagbungad pa lang niya ay alam na alam niyang habang naghihintay ito ay inabala na ang sarili sa paliligo ng pabango para lang ilubog nila mga katawan sa maligamgam na tubig ng jacuzzi. At hindi lang si Faye. Other socialites would invite themselves to ride in his car at magugulat pa siyang sa pagsakay sakay niya ay naroon na ang mga ito. At ang driver niyang si Reynante ay nakatuon lang ang pansin sa magmamaneho habang nasa back seat sila at ang katawan ng babae ay walang inhibisyong ididikit sa kanya. He was sometimes wondering if that was a blessing or what, pero matagal na niyang hindi naa-apply ang pagiging gentleman. Oh, well, nakalimutan niyang kani-kanina nga lang pala ay pinayungan niya si Cherilu at ipinagbukas din ng sasakyan. But he let her drive. Gusto niyang matawa sa sarili. What a contradiction. “Well, I guess puwede naman sigurong hindi sumagot sa tanong mong iyan," pagkuwa'y tugon niya. “At iyon na nga rin ang iniisip ko sa tagal ng hindi mo pagkibo,” nangingiting wika nito. "Since you are not satisfied with what I've said, I have thought of another answer.” Naglalaro ang isang ngiti sa mga labi ni Ronald. “And what's that?” Nakuha siyang lingunin ni Cherilu. Malinis ang daan at wala na ring ulan. "Aside from that unexpected day-off of my driver, I could say those are also the times where I apply my basic knowledge.” Nang magsalubong sila ng tingin ay namalayan na lamang ni Cherilu na malayang nakikipagtawanan sa kasama sa loob ng kotse. BUMUSINA si Cherilu nang matapat ang kotse sa puwesto ng Cher Fashion. Nang matawag ang pansin ng isa niyang staff ay sumenyas siyang hintayin ang pagbabalik niya. "That's my business. Boutique,” aniya sa nagtatanong na mga mata ni Ronald. “Mukhang magbabalanse ka pa ng kaha. Puwedeng ibaba mo na lang ako sa sakayan papuntang Fort Ilocandia." “Of course not. The least thing I could do ay ang maihatid ka man lang sa hotel.” “What made you think of that? Besides, are sales agents not supposed to make follow-ups?” Nang luminga siya rito ay nakasilip siya ng pag-asa sa magandang ibabalita kay Roselyn. At the same time ay ang kalungkutan para sa nalalapit na pagkawala ng Rose Island sa personal access niya rito. “Bago tayo maghiwalay, I'll give you Roselyn's contact number. Sa kanya pa rin ang final say tungkol diyan.” “What if I wanted to go back there? It's a good thing na malakas ang ulan. Pagbalik natin ay makikita kung mayroon o walang butas ang bubong. And other parts that need to be repaired." Rumehistro sa kanyang isip ang sinabi nitong "natin". Obviously, obligado siyang muling i-tour ito sa Rose Island. Minsan pang kumirot ang kanyang dibdib. It was very ironic na habang pinagbubuti niyang maibenta ng property ay ayaw naman niyang mawala iyon sa kanya. "You mean, you're interested in buying it?” Isinatinig niya ang nakikitang enthusiasm sa sinabi nito. "Depende. Sabihin na nating I want to take a second look dahil sa mga rasong nasabi ko na." “When do you want to go back?” Pumasok na ang kotse niya sa vicinity ng Fort Ilocandia. "Umulan ngayon. Dapat siguro ay bukas din.” Mabilis na inisip ni Cherilu ang sariling aktibidad kinabukasan. Lagi na ay siya ang nagbubukas ng Cher Fashion nang alas-nuwebe ng umaga at nag-aasikaso sa mga suking kliyente. Pero hindi puwedeng isantabi ang nais ni Ronald na pagpuntang muli sa Pagudpud. "I'm sorry na hindi ko agad naisip na busy ka rin. Kahit lunchtime para matingnan mo muna ang business mo," sabi ni Ronald sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip. Mabilis ding bumuwelta ang plano niya. “Before lunch, yes, that's better. I'll prepare a picnic basket at doon na tayo mananghalian." Regardless kung sino ang kasama niya, gusto niyang kahit sa huling pagkakataon ay maranasang muli ang dati-rati'y normal na pagpi-picnic nila ni Roselyn sa Rose Island. “In that case, huwag mo na ring abalahin ang sarili mong sunduin ako. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa main avenue ang boutique mo. Ako na lang ang susundo sa iyo roon at around eleven.” Tumango siya at naghintay na tuminag si Ronald. Ngunit sa wari ay may hinihintay itong gawin pa siya. "Paano?” magkapanabay pa nilang wika nang bumaling sa isa't isa. At kung kanina'y nagkatawanan sila nang magtama ang mga mata, ngayon ay tila isang invisible na puwersa ang humihigop sa kanila para huwag ibaling sa iba ang paningin. Umangat ang isang kamay ni Ronald at dinama ang kanyang mukha. At kapirasong kilos man ay hindi niya ginawa para iiwas ang sarili. His face lowered to hers at punung-puno siya ng antisipasyon. She could hear his rugged breathing and yet she was waiting for him to come closer. Dadampi na lang ang labi nito sa kanya nang biglang lumayo. Saka walang sabi-sabing umibis ng sasakyan. Ilang saglit pa siyang napako roon at pakiramdam sa sarili'y pinamumulahan ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD