Book 1 - Cherilu 11

1165 Words
“Manang, imbaga ni Kenneth nga idiay balay yo la kanon nga aguray. Kulang isang oras ding nandito. At halatang-halatang inip na inip na.” Napabuntunghininga na lang si Cherilu. Sanay na siyang ganoon si Kenneth. Pag nainip sa kahihintay sa kanya sa boutique ay sa bahay naman nila ito maghihintay. Nang dumating siya sa Cher Fashion ay ang kahera na lang ang matiyagang naghihintay sa kanya sa labas ng establisimiyentong nakasara na. Bahagya lang siyang tumango. “Galit ba?” Kilala niya ang nobyong hindi nagtatangkang itago ang temper kahit sa mga tauhan niya. "Imposible yata. Kuwento pa nga nang kuwento sa amin na hindi raw magtatagal ay may en grandeng kasalang mangyayari dito sa Laoag. Namanhikan na ba sa inyo, Ate?" HINDI siya mapakali sa sinabi ni Jonna. Nang iangkas niya ito hanggang sakayan papuntang Batac kung saan ito umuuwi ay itinuloy pa ang pagkukuwento ng tungkol sa binabanggit na kasal. Nakumpirma nga niyang naghihintay sa kanya si Kenneth nang matanaw ang kotse nitong nakaparada sa tapat ng bakuran nila. Iginagarahe pa lang niya ang kotse ay sumalubong na ito sa kanya. “What took you so long?” tanong nito na pinagtakhan niyang hindi man lang kababakasan ng panunumbat. “Basa ka, hindi ka ba giniginaw?” May pag-aalala pa sa tinig nito nang sa pagyakap nito sa baywang niya ay masanggi ang likuran ng kanyang damit na naanggihan kanina ng ulan. “That speaks for the delay. Inabutan kami ng malakas na ulan.” “And I'm sure inihatid mo pa ang mag-asawa kung saang hotel man sila tumutuloy. Sige't pumanhik ka na. Change your clothes at kanina pa naghihintay sa atin ang pagkain.” Maang siyang napatitig sa katipan. Hindi na niya nabigyan ng tsansa ang sariling sabihin na hindi ang mag-asawa ang naabutan niya at sa halip ay ang anak ng mga ito. At sumalit sa isip niya kung married ba si Ronaldo hindi. Kenneth was so kind that evening that she was wondering kung ito nga ba ang kausap niya. Natatandaan niyang halos ayaw nga siya nitong payagang umalis at nagpumilit lang siya. “Gabi na. At baka hanapin ako ng mama. Hindi ba puwedeng sa ibang pagkakataon na lang?" Nahinto siya sa paghakbang nang nasa maluwang na sala na sila. “Come on, Cher, normal na sa atin na magkasama hanggang alas-onse ng gabi, at alam mong hindi pa gabi ang oras na mag-aalas-otso. At kung inaalala mo ang mama mo ay ipinagpaalam na kita sa kanya bago pa sila umalis para sa isang birthday party ng panyero ng papa mo." Kung sa ibang sirkumstansya at tumanggi siya ay malamang na mauuwi sa away ang pagpipilit ni Kenneth. Subalit ngayon ay tila napagmilagruhan ito na ibang estratehiya ang ginagamit para magpaunlak siya. At gaano man siguro kahaba ang pasensiyang naipon ni Kenneth para sa kanya nang gabing iyon ay mauubos kung pinanindigan niyang huwag nang ituloy ang dinner date nila. Napakaespesyal ng preparasyong ginawa nito. Batid niyang abala sa negosyo ng pamilya sa Maynila ang mga magulang nito kaya't tanging ang katulong ang nag-asikaso sa kanila. At matapos ihanda ang mesa ay sinabihan ito ni Kenneth na iwan na sila. Kenneh adjusted the illumination. “Let us light this." Mula sa bulsa ay dumukot ito ng lighter at saka sinindihan ang mildly scented na kandila sa pagitan nila. They were sitting on both ends of the twelve-seater narra table at sa gitna niyon ay mga espesyal na putaheng hindi yata bababa sa anim, bukod pa ang appetizer, soup at dessert. “Kenneth, mauubos ba nating lahat ito?” "Cher, let us say this is a very important evening and I wanted it done this way.” Saka siya dinulutan nito ng appetizer at mainit na sopas. Words were never spoken for the next minutes. At sa pananahimik nilang iyon ay nagbabangon ang hinala ni Cherilu sa binanggit sa kanya ni Jonna. Ayaw naman niyang pangunahan ito kaya wala siyang sinabi tungkol doon. They had completed the meal nang magbukas ng bibig si Kenneth. “Cher, I want to take this opportunity to ask you. Will you marry me?” There. Without any flavored talks ay direktang sinabi iyon sa kanya ni Kenneth. Mabilis niyang dinampian ng napkin ang bibig bago lumagok ng orange juice sa kanyang tabi. Bigla ay naramdaman niyang kailangan niya ng likido sa lalamunan. Sa ilang hakbang ay nasa tabi na niya si Kenneth at inabot ang kanyang kamay. “I want you to wear my ring,” halos pabulong na sabi nito. Still, wala pa rin siyang maapuhap na sabihin. She could imagine kung gaano ka-romantic ang tagpo nilang iyon, and yet, wala siyang maramdaman. Naubos na ba ang excitement sa kanyang katawan sa maraming taon ng pagiging magkasintahan nila? Nakatitig lang siya sa mga daliri, particularly ay sa daliri na sinuutan ni Kenneth ng singsing. It was a solitaire diamond ring. Sa isang pagkilos ay kumislap ivon sa tama ng liwanag ng kandila. Ikinagitla pa ng dalaga nang maramdaman ang halik ni Kenneth sa sulok ng kanyang labi bago tinulay ang patungo sa kanyang tainga. “Don't you want to say something?” bulong nito. "Hindi ka man lang nagulat sa unannounced proposal ko." “Siguro'y dahil nahigingan na ako ni Jonna kanina," kaswal na paliwanag niya. Umunat si Kenneth sa pagkakatayo habang alalay siya. “I could hardly wait. At sa inip ko't excitement ay sa kanila ko tuloy unang nasabi. But the proposal is only for you." Dinala siya ng mga hakbang ni Kenneth sa sala. Sa isang pindot nito sa dinampot na remote control ay pumailanlang ang malamyos na tugtog. “Kailan kami mamamanhikan?” tanong nito habang sumasabay ang kanilang mga paa sa tiyempo ng tugtog. "I haven't said yes, have I?” sa halip ay naisatinig ni Cherilu. Bahagyang lumuwag ang pagkakahapit ni Kenneth kanyang baywang. Lumambong ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. “Cher, huwag mong sabihing tumatanggi ka." Bumitaw siya sa pagkakahawak nito saka naupo sa sofa na naroon. She felt a slice of guilt for a while Natural na mag-expect ng pagpayag niya si Kenneth. They had been going steady for several years at walang ibang party sa kaninumang panig. Pero hindi niya nararamdaman ang kagustuhang magpakasal. Kung kailan o kung kanino ay malabo sa kanya. “I guess I'm not yet ready," sa mahinang boses ay nasabi niya. Dahan-dahan, hinubad niya ang singsing, saka inilagay sa palad ni Kenneth na tumabi ng upo sa kanya. “We're both turning twenty-six, Cher. Sino'ng maniniwalang hindi pa tayo handa?"' Saglit na dumilim ang mukha nito. “Siguro'y wrong timing lang ako ngayon dahil pagod ka na'y pinilit ko pang ituloy ang dinner na ito. Pero gusto ko pa ring isuot mo ang singsing na ito." Minsan pang isinuot nito sa daliri niya ang engagement ring. “Hindi ba dapat—" "Just let me know kung kailan handa ka na," putol nito sa gusto niyang sabihin bago nito tinawid ang distansya ng kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD