“PAOLO, mabuti't tumawag ka," bati ni Ronald sa kabilang linya. Tamang-tamang kalalabas lang niya sa banyo ng hotel room nang tumawag ito.
“Siyempre. Gusto kong ipaalam sa iyong nakaalis na ang mama't papa mo. At isa pa'y ipapaalala ko na rin sa iyong bukas din ang sundo ng chopper sa iyo pabalik dito sa Manila. Alam ko yatang against sa iyo ang pagpunta mo riyan.”
“Cancel my flight tomorrow. I've already seen the place and I want to visit it again.”
“Hindi ba ako nagkakamali ng dinig? You will spare another day kapalit ng busy hours mo rito?" Nai-imagine niya si Paolo na namamangha sa narinig sa kanya.
“Call me up again tomorrow evening. Maybe then, I can confirm my schedule of coming back.”
“Mami-miss ka ni Faye. I tried dialing your pad's number at siya ang sumagot. Or baka nakakita ka na ng iba riyan—na mas maganda," tudyo nito.
"Why don't you confirm your client's flight instead?'' pabiro niyang sagot. Isinampay niya sa kalapit na silya ang tuwalyang nakatapi sa sarili at naupo sa gilid ng kama.
Nakuha ni Paolo ang ibig niyang sabihin at nagpaalam na rin ito.
Pamangkin ng mama niya si Paolo sa isang pinsan kung kaya second cousin niya ito. Sa kanila lamang ito personal na nag-aasikaso ng mga biyahe nila at sa iba ay bahala na ang staff ng pag-aari nitong Gold Vision Travel Agency. At iyon din ang nagiging lisensya ni Paolo na biru-biruin siya.
Open secret ang relasyon nila ni Faye. She could spend a day or a week in his pad at okay lang sa kanya. At ang babae mismo ay aware na bukod dito ay may iba pa siyang flings.
Pero si Faye ang constant. Dahil alam nito kung papaano laruin ang hawak na baraha--ang huwag magdemand at never na magtanong ng tungkol sa kasal.
Inilatag niya ang h***d na katawan sa malapad na kama. It was one of those nights na seldom na wala siyang babaing kapiling
He believed in the sanctity of marriage sa kabila ng kanyang lifestyle. Pero hindi pa niya nakikita ang sariling magpatatali sa matrimonyo ng kasal. O hindi pa niya nakikita ang tipo ng babaeng gusto niyang pakasalan.
Bigla ay sumalit sa alaala niya ang mukha ni Cherilu. And how thankful he was for himself nang matiyak na hindi ito ang buntis na sinasabi ng ama. Her beauty was something. Only in her casual attire and yet kung ihihilera niya ito sa mga babaing nakikita niya sa mga sosyalan, he was damn sure that she could sweep them all.
Paolo's right. I found a beauty here...
And Cherilu had that inborn poise. Kung papaanong halos tumakbo ito mula sa batuhan at hingal na huminto sa harap niya nang hindi man lang kababakasan ng panic sa mukha.
And her delicate scent. Na hindi nakatakas sa kanyang pang-amoy sa isang pagkakataong humakbang ito pabalik sa sala at malanghap niya ang mild na cologne na tila pam-baby. Anhin na lang ay saklitin niya ito at kulungin sa kanyang mga bisig.
Alam kaya nito kung gaano kalaki ang pagsisisi niya na pumanhik sa beach house in his trunks? At ganoon na lamang ang pagsisikap niyang huwag siyang ipagkanulo ng sariling katawan sa nararamdamang atraksyon dito. Dahil imposibleng maitago iyon ng makitid na saplot.
There was an attraction, indeed. Atrong and deep, na halos hindi niya pansinin ang mga pagpapaliwanag nito at tanging nakatuon ang kanyang isip sa nagpapaliwanag mismo. And how he wished they kissed before parting.
Secondary lang ang pagnanais niyang inspeksyunin muli ang lugar. Dahil alam niyang sa tono ng ama ay gusto na nitong bilhin ang Rose Island. At kung bakit pa niya kailangang bumalik sa Pagudpud ay para sa isang araw pang muling makasama ang dalaga.
At sana'y tama siya ng palagay. Na dalaga pa ito.
He had watched her driving at maliban sa college ring na suot nito ay wala na itong ibang alahas sa daliri.
Bigla ay nakadama siya ng excitement sa nakatakda nilang pagkikita. Cherilu promised to bring a picnic basket. The last time he had a picnic was when he was in elementary, sa isang educational trip sa Nayong Pilipino. And he could still remember na absent siya nang sumunod na buong linggo due to dust allergy nang pilit niyang pasukin ang loob ng ginayang Cagsawa Church.
DALA pa rin ni Ronald ang excitement kinabukasang magising. At natatawa siya sa sariling para siya noong high school na excited um-attend ng flag ceremony dahil ang crush niyang teacher ang magli-lead ng national anthem.
Kape lang ang nagalaw niya sa almusal na pinaakyat niya. At matapos tumawag sa Manila at makipag-usap kay Daniel at sa sekretarya ay pinasadahan lang niya ng tingin ang front page ng diyaryo.
Pasado alas-diyes nang damputin niya ang bag na dala rin kahapon. This time it contained a deep blue swimming trunks at bagong tuwalya. Somehow, he was amused na kung maghanda ng kanyang babauning damit si Yaya Aning ay parang lagi siyang magbabakasyon. Pero wala siyang karapatang mag-reklamo. Pabor na pabor lang sa pangangailangan niya ngayon ang ipinabaon sa kanyang damit.