Book 1 - Cherilu 13

962 Words
“MANANG, pakiitulod mo idiay Cher dayta balon ko sakbay nga ag-alas-onse, ho?" bilin ni Cher sa katulong kinaumagahan. Malalim na ang gabi nang ihatid siya ni Kenneth subalit hindi pa rin niya nalimutan ang napagkasunduan nilang lakad ni Ronald. Nag-marinate siya ng pork chop at manok saka nag-prepare ng coleslaw bago nagpahinga. At nang magising ay una niyang inasikaso ang magbilin sa kusinera ng mga dapat pang ihanda. "Kaaalis lang ni Sandra, hindi mo pala nagisnan,” sabi nito nang idulot sa kanya ang isang hiwa ng papaya. "Kumusta na siya? Ang tagal na niya akong hindi dinadalaw.” Bukod kay Roselyn ay ang pinsan niya ang malapit sa kanya. "Busy'ng-busy yata. Bago nga umalis ang papa mo ay kinakantiyawan siyang kung siya ang kakandidato ay tiyak na panalo na siya. Hindi na yata makapag-clinic sa dami ng sinasamahan nitong medical mission sa buong Ilocos.” Napatango lang siya at tinapos na ang almusal. Nadismaya siya nang makitang tanging ang minana niyang Mercedes-Benz ang nasa garahe. Ang hinala niya ay kaya maagang nasa bahay nila ang pinsan ay nilambing ang papa niyang magamit nitong service ang SuperSaloon sa isa na namang proyekto ng asosasyon. At natural na ang SuperSaloon ang ipahiram ng kanyang papa dahil opisyal na ngang kanya ang asul na MB. Kasabay ng maikling dasal na sana'y agad start ang kotse ay isinaksak niya sa ignition ang susi. NASA mga mata ni Roselyn ang pag-asam positibong resulta ng nilakad niya. Matapos makipag beso sa kaibigan ay siya na ang nagkusang magbalita rito. "I never met the couple.” At nahuli niyang lumungkot ang mga mata nito. “Hindi pala puwedeng i-cancel ang biyahe nila sa ibang bansa kaya nag-utos na lamang ng representative nila. You see, sa huli ay napagdudahan pa akong monkey business lang ito. Wala ang parents niya at wala ka rin. Do you think we can produce result na pareho kaming proxy lang sa bentahan ng Rose Island??? "You mean, nawalan ng gana ang anak nina Mr. Ledesma?" "Not exactly. I challenged him na pumunta rito para maniwalang hindi ka nga puwede sa sitwasyon mong iyan. And though he has not given his word yo wants to see the place again." “He? Lalaki ang anak nila?" Amazement was Roselyn’s face. “Mabuti at hindi nagwala si Kenneth." Alam rin nitong seloso ang lalaki. Umiling siya, saka ipinasyang huwag nang ipaalam ang muntik na nilang pagtatalo sa pagpunta pa lang doon. “He never knew na ang anak ang nakausap ko. Ang alam niya ay ang mag-asawa. And besides." Nagkibit-balikat siya at ipinakita sa kaibigan ang suot na singsing, saka nagkuwento sa tilaunofficial engagement nila. "After all these years, hindi ka pa rin kaagad nakasagot nang mag-propose siya sa iyo? What's the matter?” “Ewan. At hindi ko matanggihan ang singsing na ito kagabi dahil kasalanan ko ang pagkakaantala ng dinner date.” Noon dumating ang doktora ng kaibigan. Nauntol ang pagtatanong pa sana nito sa kanya. “Time for me to go, friend. At mamayang gabi'y malalaman mo kung ano'ng naging resulta ng pagbabalik namin doon.” Tumayo na siya sa pagkakaupo mula sa gilid ng hospital bed. “Cher, sa pahapyaw na pagkukuwento sa akin ng mag-asawa ay iisa lamang ang anak nila. At pinagtutulakan na rin nilang mag-asawa." Kung may panunukso sa himig ni Roselyn ay hindi halata. WALA pang limang minuto ang nakararaan pagkaalis ng naghatid ng pagkaing ipinahanda niya nang mapansin niya ang mga sales staff na kinikilig na nagbulungan pa bago isa sa mga ito ang lumapit sa dumating at asistihan ito. Mula sa pagtse-check ng laman ng basket ay nag-angat siya ng paningin. At hindi na siya nagtaka nang mapagsino ang customer — Ronald in his casual attire kagaya kahapon. Na ang tanging nadagdag ay ang signature label na sunglasses na kasalukuyang hinuhubad nito nang tuluyang makapasok sa loob. Sigurado siya, she was not seeing the powerful actor in very famous film. It was simply Ronald. Isang bagong kakilala. And to be more specific, a business acquaintance. Pero napakalakas ng dating nito, Pakiramdam niya sa sarili ay pumaloob siya sa isang romance story, watching the man of her dreams with full admiration. Her heart beat far from normal. That made her feel stupid despite her age. Nginitian lang nito ang sales staff na tila panginginigan ng tuhod nang pag-ukulan nito ng pansin, bago tiwala sa sariling dumiretso ng lapit sa kanya sa dulo. She was thankful na bago pa ito tuluyang makalapit nya ay naibalik na niya ang dating composure. Kaswal na ibinalik niya ang cover ng basket bago ito hinarap. “On the dot, Ronald," nauna na niyang bati sabay sulyap sa desk clock, eksaktong alas-onse. “Mabuti at hindi ka nahirapang tuntunin itong boutique.” Sa halip na magpaliwanag ito ay napansin niyang tila nagkaroon ng amusement ang ngiti sa mga labi nito. "Why the smile?'' bigla ay naitanong niya. "Nothing.” Nagkibit ito ng balikat. “I just thought it will take time to drop ‘Mr. Ledesma'. You just called me by my name and it sounds better. I like it.” Wala siyang maisip na ikatwiran. At kung sa wari ay dapat siyang mapahiya sa hindi sinasadyang pagturing niya rito ay pinalis niya kaagad ang ganoong pakiramdam. Wala naman sigurong magpi-picnic na magtatawagan ng "Mr. Ledesma” at “Miss Rodriguez”. “Bakit hindi natin lubusin ang araw na ito?'' untag conald sa sandaling pagsasawalang-kibo niya. “Nagdala ako ng pampaligo, kung gusto mo'y magbaon ka na rin.” Sa pandinig ni Cherilu ay higit pa sa suhestiyon an tinuran na iyon ng binata. Kundi isang imbitasyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kumuha ng pamalit na damit na laging nakareserba sa locker at humugot ng isang swimsuit sa display rack ng boutique.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD