Book 1 - Cherilu 14

1322 Words
“HINDI mo ba ipapasa sa akin ang susi para ipagmaneho ka?'' Palabas na sila ng Cher Fashion. Bitbit na ni Ronald sa magkabilang kamay ang picnic basket at ang ice chest samantalang siya naman ay nilalaro ng daliri ang susi ng MB. Tingin ni Cherilu ay ultimo mata ni Ronald ay tumatawa sa pagkakataong iyon. At nahawa na rin siya sa masayang mood nito. And maybe, this was what she would call a day. “Iisipin ko na lang na bisita kita at dapat estimahin nang husto,” nakangiti ring tugon niya. "At iisipin ko namang ayaw mo lang na i-apply ko sa iyo ang basic knowledge ko.” Nang mabuksan ang kotse ay sa backseat nito inilagay ang basket. Naudlot siya sa pag-upo sa driver's seat. “I don't mind driving, pero kung gusto mo, I'll let you." ltinaas niya ang kamay na may hawak na susi. "Alright,” anitong kinuha sa kanya ang susi. "Basta ipangako mong hindi ka nananalangin habang ako ang may hawak ng manibela.” Nope, I'll just tighten my seat belt,” pabiro namang sagot niya. GUSTO niyang magtaas ng kilay. Ang basic know-how sa driving na kini-claim ni Ronald ay higit niyang pipiliin kaysa sa paraan ng pagmamaneho ni Kenneth. He was so cool and relaxed sa kabila ng iilang beses na basta na lang may susulpot sa unahan nilang nag-o-overtake na minibuses without giving signals. Na kung si Kenneth siguro ang nagda-drive ay hindi pupuwedeng hindi nito pasibarin ang kotse para habulin ang nag-overtake and give a dirty finger to the bus driver. Isa sa mga ugali nitong kahit kailan ay hindi niya matanggap. "You're a good driver. Bakit nagpapaka-humble kang sabihin sa aking basic know-how lang ang alam mo?" pansin niya. "It's not humility. It's because I observed you yesterday, or was it last night? The rain poured hard, and you still managed. Kung hindi pa siguro ako nagsuggest na huminto tayo ay didiretso tayo ng biyahe. I think you are better than me.” "And how I wished na ganoon nga ang ginawa ko. No offense meant but--" Nakita mo akong ganoon kaselan?'' putol nito sa anyang sinasabi. “Maybe yes, maybe not. Let's say, nasanay akong everything's in order. Kahit na ng may ibang taong gumagawa ng ganoon para sa akin Still, I was brought up that way. Malinis, maayos, lahat na siguro ng magandang adjectives. At kung merong kulang man ay ang hindi ako napalaking cowboy. You know that?'' Saglit itong tumigil at nilinga siya. Tiningnan lang niya ito at parang sinasabing “go ahead”. “Cowboy,” ulit nito. "Kagaya halimbawa nina Daniel at Paolo, my closest friends. They can adapt to almost any kind of environment and circumstance. Ayain mo sila sa squatters' area, okay lang; ganoon din kung kailangang makipagsosyalan sa five-star hotels. Samantalang ako'y hindi. It's not because nagpapaka-elitista ako at ayokong maki-mingle with people like them, pero iisipin ko pa lang na tumuntong sa lugar nila ay nangangati na ako. I don't mean anything wrong about that," bigla ay depensa nito. “I'm prone to almost every allergy. Lalo na sa dust at amoy ng pusali.” “Dahil aircon baby ka," wala sa loob na nasabi ni Cherilu. “Yeah, somehow. The contradiction there is I'm an engineer who supervises people working. You see, I also tend to be a perfectionist at times. Na kahit umaalimbukay ang alikabok sa paligid ay nandoon ako to see that everything is in order. Iyon nga lang, I always rub myself with alcohol. Sa palagay mo ba'y hindi mangingimi ang taong hindi ako kakilala when while I'm talking with them at halos maligo naman ako ng alcohol?" “Engineer ka?"' Iyon ang rumehistro sa kanyang utak kung bumakas man ang paghanga sa sinabi ay hindi niya alam. Bigla ay pumasok sa isip niyang kung may biggest frustration si Kenneth ay ang pagkakabagsak nito sa entrance exam sa kursong Engineering. That forced himself to take Architecture na hindi man lang nakaabot sa required maintaining grade at napilitang i-shift sa business course on his second year. But then, that was over. Kenneth eventually accepted na hindi nito linya ang dalawang iyon. Anyway, he succesfully became a manager kahit na nga ba ng hindi isang prestihiyosong bangko na pinapangarap sana nitong pagtrabahuhan. Still manager pa rin ang posisyon nito. “And an architect, too,” walang halong kayabangang wika ni Ronald. Oh, my! sa sarili ay bulalas ni Cherilu. Nananadya ba ang mga kuwento nito? Ang mga bagay na wala si Kenneth ay nasa lalaking kasama niya ngayon. She had been comparing them kanina pa. At hindi niya aamining sinasadya niya o hindi, but she couldn't help but to do so. Wala sa loob na nilaro ng hinlalaki niya ang ring finger. Kenneth had proposed last night. At ibang lalaki ang kasama niya ngayon. But this is business, tila katwiran niya sa sarili. "I think I have said enough,"pukaw ni Ronald sa paglalakbay ng utak niya. "Bakit hindi naman ikaw ngayon?" Minsan pang luminga ito sa kanya. At napansin ang ginagawang pag-iikot niya ng singsing. "Already engaged? I think something happened last night." Wala siyang makapang isagot. She must be dreaming kung maniniwala siyang sa pandinig niya ay tila nalangkapan ng lungkot ang pangungusap na iyon ni Ronald. At ano nga ba ang tamang isagot? She had not yet accepted the proposal and yet, she was wearing the ring? "Kakaliwa ka na sa susunod na kanto," nasabi niya nang mapansing nasa Pagudpud na sila. “You won’t miss it. May signage naman.” Bahagya lang itong tumango at pinabagal ang takbo ng sasakyan. Umabot sa tainga niya ang mabilis na buntong-hininga nito. At kung hindi siya nagkakamali ay dahil hindi niya nabigyang-kasagutan ang tanong nito. SA ISA pang pagliko nila ay ang makitid na dike ang dinaanan nila. Ang isang panig nito ay waring tagiliran ng bundok na naggugubat sa mga malalaking dahon ng gabi at iba pang tropical plants. Sa kabila ay mangilan-ngilan ang mga bahay at ilang minuto pa ang lumipas bago muling itinuro ni Cherilu ang palusong na daang dapat nila uling likuan. “Kung hindi tayo lumiko, saan tayo makakarating?” kaswal na tanong ni Ronald. Buhat kanina ay wala na siyang narinig dito at tanging ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ang itinutugon pag itinuturo niya ang daan. “Hindi ko alam. Maybe a dead end, kung hindi man ay baka bahayan din. But as far as I remember, more or less ay two kilometers from here ay ang hilera ng mga beach resorts. At kagaya rito sa Rose Island ay palusong din ang daan.” "So, unang madadatnan ang Rose Island. I wonder kung bakit hindi rin ito ginawang resort. Hindi ba advantage na nito na mas accesible kaysa sa iba?" He sounded like a true businessman. “Sa unang tingin, it's more accessible. But as we go along the way, parang unti-unting nabubukod ang Rose Island. At kung hindi kabisado ang daang ito, hindi mo mararating ang Rose Island. At isa pa'y hindi yata pumasok sa isip ng pamilya ni Roselyn na gawing resort ito." Tama si Cherilu. Nang lumiko sila sa dinatnan nilang sangang-daan ay tatlo pang magkakataliwas na landas ang dinaanan nila. At maliban sa mga punong-kahoy sa magkabilang-gilid ay ang nagkalat na namumulaklak na sitsirika ang nakikita nila. Walang bakas ng anumang komersyalisasyon, gaya ng napansin niya kahapon. Minuto pa ang lumipas nang maabot ng kanilang tanaw ang beach house. "Hindi ko yata napansing ganito kakomplikado ang dinaanan namin kahapon ni Mon," pansin ni Ronald. "Dahil kabisado niya ito. At siguro'y mas nasa pag-uusap ninyo ang interes mo," aniya. Bakas pa ang gulong ng kotse sa pinagparadahan niya kahapon at doon na rin iginawi ni Ronald ang sasakyan. At bago ito tuluyang huminto, narinig ni Cherilu ang bahagyang pag-angil ng makina nito. Mariin siyang napapikit. At umusal na sana'y hindi “magkasakit" ang kotse sa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD