Book 1 - Cherilu 15

978 Words
SA KABUUAN, maayos pa ang beach house. Maliban sa bakas ng nabasang sahig sa may kusina buhat sa butas na gawa marahil ng mga kutkot ng ibon ay ang mga nabubukbok na barandilya ang nakita nilang problemang dapat ikumpuni rito. “Minor repairs, some repainting and general cleaning plus replanting of ornamentals, this place will come back to life," komento ni Ronald matapos nilang libutin ang kabuuan. “You mean- " Hindi maituloy ni Cherilu ang sasabihin. Bakas sa tono ng lalaki na nagugustuhan na nito ang lugar. At sa palagay niya ay unti-unti nang nawawala sa kanya ang Rose Island. Gayong hindi naman talaga sa kanya ang lugar. “I can now consider buying this place. At tama ka. Masalin man siguro sa amin ang pag-aaring ito ay hindi rin namin gugustuhing i-develop ito para maging resort. This is perfect for one who needs privacy. At—” Nahinto ito nang makita sa mukha niya ang kalungkutan. “Hey, what's wrong? I thought your friend wanted to dispose this property?" buong pagtatakang baling nito sa kanya. “Yes. It's just that I have a very strong attachment to this place. And in fact, kung makakasapat lang ang naipon ko'y ako na mismo ang bibili nito,” aniyang hindi itinago ang pagdaramdam. Hindi na niya naisip na baka makapagpabago iyon ng pasya ng mga Ledesma. "And if we decided to buy it, mawawala na ito sa iyo nang tuluyan, ganoon ba?" anito na biglang sumilay ang ngiti sa labi. "Naturally. Pero bakit ako ang pag-uusapan natin dito? I'm just helping my friend to sell this. At kung anuman ang maging resulta ay dapat na mangyari," she said helplessly. “Wala akong karapatan sa property na ito.” "But it's obvious you're hurting. What if—” Saglit itong tumigil saka waring pinag-isipan ang idudugtong. “What if I give you an access here even after we bought this? Taga-rito ka na rin halos. Mas malapit ka. Mas madalas kang makakapunta dito kung sa amin lang. How about that?" anitong sinsero sa tinuran. Umiling si Cherilu. “You don't mean that, do you?" “But I do," seryoso nitong sabi. “At kung tatanggapin mo ang alok ko, we can settle this transaction bago ako bumalik sa Maynila," nanghahamong sabi ni Ronald. At matutuwa si Roselyn, naisip niya. Pero sa pagpayag ba niya nakasalalay ang lahat? “Why are you offering me that?” naguguluhang tanong niya. “I don't know. Perhaps because I see so much sadness in your eyes na baka mamaya'y bigla ka na lang umiyak kapag tuluyan nang nasara ang bentahan dito.” Saka siya tinitigan nito sa paraang nakapagpailang sa kanya “Let's cut it. Look, mag-aala-una na. Ang mabuti pa'y kumain na tayo." “I FORGOT to bring a mat,” ani Cherilu nang kunin nila sa kotse ang mga baon. Ipinasa niya kay Ronald ang dala, saka muling umakyat sa beach house. “Titingnan ko kung may naitatabi pa rito na puwede nating magamit.” Iisa ang blanket na natagpuan niya sa closet. At nanghinayang naman siyang gamitin iyon dahil puti pa. Nagtungo siya sa kusina. Dala ang kaisa-isang lumang mantel na nakita niyang nakarolyo sa bakanteng eskaparate ay bumaba siya. Ilang saglit pa'y pinagsaluhan na nila ang tanghalian. “Alam mo kung ano pa ang nakita kong maganda sa lugar na ito?” wika ni Ronald habang ipinaghihiwa niya ito ng panghimagas na mangga. “It's so peaceful here. Para bang pag nandito ka'y wala ka nang pakialam kung magtaas baba man ang dollar rate at value ng investments mo. At nakakalimutan ko din ang pressures sa trabaho tingnan ko lang ang dagat.” "Same here," amin niya. "Hindi ka na siguro ngayon magtataka kung bakit ganito ang pakiramdam ko rito. Pero sentimental lang ang dahilan ko dahil maraming panahon na nandito kami ni Roselyn. Dito mas nabuo ang pagkakaibigan namin.” "That's why I'm giving you the opportunity. Na mag-iiba lang ang may-ari pero ikaw, malaya ka pa ring makakapunta dito. Treat this as your own.” "The very best of opportunities. Pero ayokong samantalahin. Ano na lang ang sasbaihin ng mga magulang mo? Besides, it's just a matter of adjustment,” tanggi niya. “Masasanay din ako.” “Why adjust when you don't have to?" "Ibig sabihin ba niyan ay wala akong karapatang tumanggi? "Absolutely," sabi nito na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Had the word been delivered by Kenneth, makikipag-argumento pa siya. Ngunit hindi kay Ronald. Tila may kapangyarihan ito na kayang-kaya siyang pasunurin. Sa huli'y tahimik na lang siyang sumang-ayon. NAUBOS ANG sumunod na mga oras sa gitna ng dagat. At nadiskubre nilang pareho silang magaling lumangoy. Sa isang pagkakataong sabay silang lumutang mula sa karerang pagsisid ay halos magkadikit ang kanilang mga katawan. They were not touching each other pero pakiramdam ni Cherilu ay sapat na ang mga mata ni Ronald ang humahagod sa kanyang katawan. His eyes were full of expressions. Na ayaw niyang pag-isipan ng anumang klase ng interpretasyon. He was moving closer and was about to cup her face. She could imagine what would happen next. Pero patay-malisya siyang muling sumisid. At nagpasalamat siyang hindi siya nito hinabol. She wouldn't want to think kung mapapayagan niya ang antisipasyong nabubuo sa utak. May konti pa siyang hingal nang lumutang. Nang hanapin niya si Ronald ay hindi man lang ito umalis sa pinag-iwanan kanina. At sa tingin niya ay lalong nadagdagan ang mensaheng nakapaloob sa mga mata nito. Saka niya naisip kung papaanong hindi siya nakaramdam ng pagkaasiwa na mag-bathing suit na ito ang kasama. To think na hindi rin nito itinago ang paghanga sa kanya nang una siyang makita sa ganoong ayos. Kung hindi pa unti-unting nagdilim at lumamig ang simoy ng hangin ay hindi nila maiisip na umahon at magpasyang umuwi. Tapos na silang magbihis nang bumagsak ang malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD