MUKHANG mas malakas ang ulan na iyan kaysa kahapon. Mas mabuting dito na muna tayo magpatila,” wika ni Ronald.
Magkatulong nilang isinara ang mga bintana para hindi sila maanggihan.
“I'd rather drive. Papadilim na at walang mga poste sa daan," sagot niya sabay ng piping pag-usal na sana'y sandali lang ang buhos ng ulan.
"If that's what you want. Pero mamaya na. Mahirap nang sagasain natin ang ulan na ganyan kalakas. Baka mabalaho ang sasakyan at ma-stranded tayo."
Subalit habang dumidilim ay tila nananadyang lumalakas pa ang ulan. Malalaki ang alon sa dagat na lumilikha ng ingay sa bawat pagsalpok nito sa mga
batuhan.
“Nagugutom ka na ba ulit? Mayroon pang sandwiches diyan na hindi natin nagalaw,” aniya sa kawalan ng masasabi. Nakahalukipkip siya habang nakasilip sa kapirasong siwang na itinira nilang bukas. Tanging ang ingay ng bumubuhos na ulan ang maririnig sa kanila.
“Mamaya na lang.” At muli'y namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Hindi mapakali si Cherilu. Iyon ang pangalawang gabing kasama niya ang lalaki at kaya ganoon na lang ang pagtatangka niyang makapagbukas ng usapan ay dahil kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang imahinasyon.
Patuloy na kumakalat ang dilim. At sa sandaling iyon ay halos anag-ag na lamang nilang dalawa ang maaaninaw. Pero wala siyang makapang takot sa dibdib. He might be a stranger in some ways, pero panatag ang loob niya.
Pumihit siya papasok. “I'll look for something na puwedeng ilaw natin. Gasera o kandila kaya. May lighter ka ba?"
Ngunit nakita niyang umiling ito. “I don't smoke.” Pagkuwa'y sinabi nito, “sa kotse mo, baka may flashlight.”
Alam niyang wala, kaya sa pamamagitan ng nag-aagaw na dilim at liwanag ay tinunton niya ang kusina. “Diyan ka na lang, ako na'ng bahala.” Hindi siya nahirapang makakita ng posporo. At ikinatuwang marami pa ang laman niyon.
Palitong may sindi ang ginamit niya habang naghahanap naman ng gagawing ilawan. Kandilang sintaba lang halos ng daliri niya ang nakita niya. At dahil maliit na'y ipinasya niyang saka na lang iyon gamitin pag nasa sala na. Ipinamulsa niya ang posporo at kandila.
Pagbaling niya ay muntik pa siyang mapasinghap nang mabangga sa matipunong dibdib ni Ronald.
"Easy," anito sa buong tinig, saka umalalay sa kanya.
"B-bakit ka sumunod?” nauutal niyang wika. Nanatili ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang siko na pakiramdam niya ay may tila tina-transfer na boltahe ng koryente sa kanya.
"Nothing. Masama ba?” Hindi nalingid dito ang pagkailang niya at tila wala itong balak na bitiwan siya.
“Bumalik na tayo sa sala,” aniyang nagpatiunang lumakad.
“Sure,” simpleng wika nito.
At ipagpapasalamat sana niyang binitawan siya nito, subalit lumipat naman ang kamay sa kanyang baywang para hapitin siya palapit dito.
Halos mapigil niya ang paghinga at kulang na lang ay magtatakbo siya para mauna sa sala while Ronald was slowly walking, taking time with his every step.
“R-Ronald, could you please take your hands off me?” Sa halip na magtaray ay parang siya pa ang nananantiya sa damdamin nito.
“Bakit?" Alam niyang nanayo ang balahibo niva nang madama ang mainit na hininga nito na dumaiti sa bahagyang itaas ng kanyang pisngi. “Malaking sagabal ba ang pag-alalay ko sa iyo?”
Pag-alalay ba ang tawag doon? I could hardly breathe! gusto niyang isagot, subalit nagduda siya kung masasabi iyon nang hindi magba-buckle.
It seemed an eternity nang marating nila ang sala. At sa buong pagtataka ni Cherilu ay emptiness ang naramdaman niya sa halip na kaluwagan ng dibdib nang bitiwan siya nito.
“Sana'y tumila na ang ulan bago maupos nang tuluyan itong kandila,” aniya habang sinisindihan ito.
“Bakit hindi mo na lang itabi for emergency? Hindi naman kailangan iyan kung sasanayin natin ang mga mata sa dilim."
Umiling siya. “Mabuti nang may ganito.” Nang maitulos ang kandila sa isang sulok ay naupo na rin siya.
At naisip niyang sana nga'y sumunod siya sa suhestiyon nito. Ramdam niya ang hantarang pagtitig nito sa kanya bagama't hindi lumalapit. Mabilis siyang tumayo bago pa mahalata nito kung gaano ka-uncomfortable sa kanya ang ginagawa nitong pagmamasid.
"Where are you going?”? Pumuno sa tahimik na paligid ang boses nito.
“Sa labas. Tutal ay mahina na ang ulan, titingnan ko ang kotse." Nakita niya sa sulok ng mata ang okang pagtayo nito. “Huwag mo na akong samahan. Kaya ko na."
NATAPIK ni Cherilu ang sariling noo nang nakaupo na sa driver's seat. Laking pasalamat pa naman niya na hindi binaha ang pinagparadahan niya, ngunit ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makitang nakatapat sa empty ang fuel gauge.
Alam niya makaalis man sila sa Rose Island ay hindi sila aabot sa pinakamalapit na gasolinahan. At lalong madilim ang landas na tatahakin nila.
“I'm sorry, but we have no choice kundi dito magpalipas ng magdamag. It's my fault, napabayaan kong magpagasolina,” nahihiya niyang sabi nang nanlulumong bumalik siya sa beach house.
“At imposibleng makarating tayo sa pinakamalapit na resort?” Tumayo si Ronald at sinalubong siya. Voluntarily, pinagpag nito ang balikat niyang naambunan.
“Ang pinaka-shortcut doon ay ang dalampasigan. Pero ako mismo ay hindi na kabisado ang lalim ng tubig sa batuhang kailangan nating lusungin para makakabila sa malaking bato. At higit pang malalim ngayon doon dahil malakas ang naging ulan at madilim pa," she answered helplessly at pilit na in-ignore ang kakaibang pakiramdam na lumukob sa kanya sa pagkakahaplo. nito sa kanya.
“Cheer up." He gently pressed her chin which com. plicated her feeling even more. “Hindi kailangang maging ganyan ka kalungkot dahil lang doon. Ang mabuti pang gawin ngayon ay kainin ang natirang baon natin bago tuluyang mamatay ang kandila.”
Parang ayaw magdaan sa lalamunan niya ang pagkain. She was so anxious to think that she would be spending the night with him. Pinaglabanan niya ang sarili to think of something else na hindi tungkol sa kaharap. Ngunit parang tuksong bumabalik sa isipan niya ang isang idea.
Sa maraming love stories na nabasa niya, maraming lead characters ang nahuhulog sa ganitong sirkumstansiya. And they usually ended up making love...
Making love! Gusto niyang masamid. Grabe na ang kanyang nagiging pantasya nitong mga huling araw. Kinastigo niya ang sarili. At para siyang natauhan nang makitang si Ronald na ang mismong nagliligpit ng pinagkainan nila.
Mabilis niyang inagaw rito ang ginagawa.
“Pabayaan mo na ako. It looks like you're engrossed with whatever you are thinking." Hindi nalingid dito ang matagal niyang hindi pag-imik.
“Sige." Parang napahiyang tumayo siya. “Kukunin ko lang iyon blanket na napansin ko kanina." Saglit lang at pabalik na siya, nasa kamay na ang blanket. At ngayon ay pinag-iisipan niya kung saan iyon ilalatag. Namataan niya ang isang yari din sa kawayan na divan na nakapuwesto sa dingding. Mabilis niyang pinagpag iyon, saka doon inilatag ang blanket.
"Walang unan, ito lang ang maibibigay ko sa iyo,” aniya nang makalapit si Ronald.
“At ikaw? Huwag mong sabihing babantayan mo ako sa buong magdamag?' Bahagyang pumormal ang tono nito nang makitang para lang sa isang tao ang higaang inihanda niya.
“Puwede naman ako sa backseat ng kotse. I'll lock the doors.”
“At sino'ng makatitiyak sa ating safe ka roon? Maaring tayong dalawa nga lang dito, pero hindi natin alam kung may mga taong-labas na umaaligid dito."
"Walang ganoon dito,” depensa niya.
"Kaya?" ganti nito sa nanghahamong tinig. “We know kung paano tayo na-isolate sa lugar na ito at alam rin ng mga tao na walang nakatira dito. Sa palagay mo’y hindi pinag-iinteresan ang ganitong klase ng lugar??'
Napabuntunghininga siya. Alam niya, it was no use na makipagtalo siya. “All right, I'll stay here.”
"At ikaw ang gagamit ng higaang inihanda mo." mariin nitong sabi. “I don't wanna hear your buts, okay. At huwag mo akong intindihin. Sana'y akong walang tulog."
Pero hindi sa ganitong klase ng lugar, gusto niyang isatinig, ngunit tumalikod na ito at minsan pa siyang nilingon bago pinatay ang kandila.
Nanghihinang naupo siya sa divan. Laganap na ang kadiliman at idilat man niya ang mga mata ay walang pinag-iba sa kung nakapikit siya. Wala ni kapirasong tanglaw ng buwan, at sa base sa simoy ng hangin ay tila nagbabanta na naman ang ulan.
Narinig niya ang ingit ng kawayang muwebles na inupuan. Kung saan pumuwesto si Ronald ay hindi niya alam. At ayaw na niyang magbukas ng salita. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka niyakap ang sarili nang maramdamang unti-unti na namang bumubuhos ang ulan.