“CHERI...?”
Parang nananantiya ang tawag na iyon. Mas malamig ang paligid at namaluktot siya sa pagkakahiga saka niyakap ang sarili. She must be dreaming. No one called her that way. Pero sa pandinig niya ay nagustuhan niya ang paraan ng pagtawag na iyon.
“Cheri?”
Napamulat siya ng mata. At bagama't wala siyang nakikita ay ramdam niyang naupo si Ronald sa kapirasong espasyo ng divan malapit sa kanyang baywang.
"Cheri," ulit nito nang walang marinig natugon mula sa kanya.
At sa kanyang pagkagitla ay humaplos ang palad nito sa balikat niya. A certain heat flowed in her na nakapawi man ng ginaw na kanyang nadarama ay nakapukaw naman ng isang klase ng damdamin.
His hands gently went to her face. Caressing. At habang tila kinakabisa nito ang bawat linya at kurba niyon ay nananatili siyang walang imik. Surely, he knew he had awakened her up.
“I can't control myself any longer. May I kiss you?”
More electricity went down through such words. He was asking for permission but didn't bother waiting for an answer. In a short moment, he had set fire on her lips.
At kung blessing nga bang matatawag na nakahiga siya sa divan ay pinag-iisipan pa niya. Wala siyang kalaban-laban sa posisyong iyon. Nang yumuko ito para angkinin ang mga labi niya ay hindi na rin siya makakapalag sa pagkakayakap nito sa kanya. Pero sa nararamdaman niyang tila pagtakas ng lakas sa katawan at waring may humihigop sa kanyang kaiga-igayang kapangyarihan, she wanted to believe that the divan was such a blessing.
The kiss went on. Deeper. Hungrier. Na para bang hindi nila iniintindi abutan man sila ng pagsikat ng araw The magic moment was still in the air kahit na tinapos na nito ang halik at nakasubsob na lang sa leeg niya. They could hear each other's heartbeat. Na tila nagtatagisan sa pagkabog.
"Say something, Cheri. I wanna hear you talk," bulong nito sa kanyang hindi bumibitiw ng yakap.
“I have nothing to say,” mahina niyang sabi. Kahit siya ay walang ginawa para itulak ito palayo. At alam niya sa sariling ayaw niyang mawala sa pagkakakulong ng bisig nito.
“You've got to say something. Kung nagagalit ka man o hindi.” Kumalas ang isang bisig nito sa kanya at hinanap ang kamay niya. For a moment, their fingers interlaced bago ito mismo ang kumalas at humaplos sa isa niyang daliri. “Or at least give me an idea of what this ring mean. Hindi ko napansing suot mo ito kahapon.”
Napamulagat siya bago mabilis na kumalas ng yakap kay Ronald at bumangon. Subalit mariing napapikit nang parang nakikinita sa balintataw ang nanunumbat na mata ni Kenneth. She may have not yet accepted the proposal, pero hindi nababago noon na si Kenneth ang talagang nobyo niya. “I-I'm—"
“Engaged?” Kung may pagdaramdam man sa tinig Ronald ay ayaw niyang isipin.
“Yes!" pagsisinungaling niya. Saka tumuwid ng upo. “Lpok. Ronald, this is insane. Tinatangay lang tayo ng pagkakataong ito," aniyang pilit nilangkapan ng determinasyon ang tinig.
"Insane?” She was not seeing him but she knew there was a mocking smile on his lips. “Insane ba ang tawag mo roon? Hindi ba't kung gaano kalalim ang halik ko'y ganoon din ang iginaganti mo sa akin? But then come to think of it, had my kisses caused your delirious state, insanity was never far.”
"Huwag mo akong insultuhin!" mangiyak-ngiyak na tugon niya.
At marahil ay nahimigan iyon ni Ronald. Umusod ito papalapit sa kanya. And though they were not seeing each other, waring kabisado nitong muli siyang hinawakan. Masuyo siya nitong kinabig paharap dito and cupped her faced with caring hands.
“I'm not insulting you. Maybe, I just said the wrong words, pero hindi ganoon ang ibig kong sabihin. The way I've tasted you, the way I felt your kisses-oh, Cheri!” daing nito. "Hindi ang magsalita ang gusto kong gawin ngayon.” At minsan pa nitong ipinaranas sa kanya ang mga halik nito.
She knew the way he was kissing her, hindi nga siya iniinsulto nito. Instead it was letting her know na nakapaloob sa mga halik na iyon ang damdamin ng bawat isa.
The urgency, the need, the kind of feeling na kung mamamatay siya habang angkin ng mga labi ni Ronald ay hindi niya panghihinayangan. At ngayon lang niya naranasan ang ganoon.
The friction. The romance stories she had spent reading during her leisure time. Now she believed them all.
NAGISING siyang namamanhid ang mga hita. Nakadantay doon ang mabigat na binti ni Ronald habang nakasiksik sa leeg niya. Panatag ang paghinga nito na tila kontento na sa pagkakayakap sa kanyang baywang.
They decided to end the night after the kissing and let him sleep beside her. Na imposible kung hindi sila magkayakap sa isa't isa. Uncomfortable ang kapirasong espasyo lalo't nakaunan pa siya sa isang braso nito subalit hindi siya makapaniwalang maiinda iyon kung ganoong kapiling nila ang bawat isa.
Nanatili siyang hindi tumitinag. She wanted to do some stretching, pero hindi niya maatim na magambala ang pagtulog nito.
Ipinikit niya ang mga mata nang masilaw sa unti-unting tumataas na araw. At siguro'y iyon din ang gumising kay Ronald. Nagulat pa siya nang mabilis nitong dampian ng halik sa sulok ng kanyang mga labi. “Good morning,” bulong nito sa kanya at tumayo na. Mabilis niyang itinupi ang blanket habang sa sulok ng mata ay nakikita niyang ine-exercise nito ang nangawit na leeg. Naibalik na niya sa kuwarto ang kumot nang masalubong si Ronald. Sa itsura'y nakapaghilamos na ito. Mabilis din niyang tinungo ang poso at inayos ang sarili.
They had packed everything nang mapansin niya ang pamumula ng balat nito.
“Ano iyan?" tanong niyang napabilis ang paglapit dito. Maliliit na pantal sa magkabilang braso at sa leeg. "Saan mo ito nakuha? Nagkakati ka ba?” magkasunod niyang tanong.
“I guess sa sopang kawayan. Nahiga muna ako roon kagabi at siguro'y nalaglagan ng mga bukbok.”
"Dapat na makabalik na tayo sa Laoag. Kailangang magamot kaagad iyan. Nasabi mo ngang may allergies ka,” nag-aalalang wika niya.
"Sure. Pero bago iyon ay ito muna ang gusto kong mangyari.” Kinabig siya nito sa baywang saka siniil ng halik.
She was gasping for breath nang bitawan siya nito. She saw a gleam in his eyes when she looked at him. At nahiling niyang sana'y may tanglaw silang liwanag kagabi para matiyak niyang ganoon din kaningning ang mga mata nito sa tuwing matatapos siyang hagkan.
Nang magpaalam siya para magtungo sa pinakamalapit na resort ay hindi ito pumayag na maiwan. At doon na rin sila nag-almusal habang hinihintay ang pinakiusapan niyang bumili ng gasolina.