CHER Fashion.
Pangkaraniwang araw at hindi akalain ni Cherilu na dadagsa ang customers sa boutique. Ang dalawang sales coordinators ay hindi magkandatuto sa pag-eestima sa mga mamimili, kaya pati siya na pinag-aaralan ang mga bagong designs na iniharap sa kanya ng mag-asawang supplier ay napilitang iwan ang mga ito at umaktong kahera kapalit ng tao niyang umasiste na rin sa mga dumarating.
Sa isang banda ay nakahinga siya nang maluwag dahil nagging dhailan iyon para iwaa=san ang lalaking supplier na lagging malisyoso ang titig sa kanya gayong bukod sa alam nitong boyfriend niya si Kenneth ay ander pa ito sa asawa.
Ipinagtataka nga ng dalaga na ander na’t lahat ay wala pa itong pasintabi na aluking ibabahay siya. Gusto niya itong sampalin at isumbong sa asawa. Ikinokinsidera nga lang niya ang kaalamang suki ng ospital ang babae dahil sa abnormal na kalusugan ng puso. Baka ikamatay pa nito ang pagsusumbong niya.
Sa huli, para makaiwas ay ni tapunan ng tingin ay hindi niya ginagawa; at tanging sa babaeng supplier na lamang siya nakikipag-negotiate.
Binabalanse na niya ang pera sa kaha nang tumunog ang telepono.
“Hello, Cher? Kunak no nakapanaw kan?” Nasa tono ni Roselyn ang panic nang mabosesan ang dalaga. Ang akala nito ay nakaalis na siya patungong Fort Ilocandia.
“Oh, my, Roselyn! I forgot!” amin ni Cherilu. Kung hindi pa ito tumawag ay tuluyan nang mawawala sa isip niya ang pagpunta sa Fort Ilocandia kung saan niya susunduin ang mag-asawang Ledesma.
Naging napakaabala nila sa nagdaang mga oras at kahit ang mga tauhan niya ay ngayon pa lang nagsisimulang magtanghalian gayong pasado ala-una na.
“One-thirty ang usapan, Cher.”
Nai-imagine niya ang nadidismayang mukha ni Roselyn. “Relax, Roselyn. I’m getting my key. I’ll hang up. Bye.” Mabilis na niyang ibinaba ang awditibo at matapos magbilin sa iiwan ay pinaandar na ng dalaga ang 1982 navy-blue Mecedes-Benz.
Kasabay ng pagdiin ng tapak niya sa clutch at pag-shift ng gear ay ang dasal niya na huwag siyang itirik ng seventeen years old na kotse na madalas mangyari sa kanya. Minana pa niya iyon sa ama nang magpalit ito ng kotse ten years ago. At sa pagkakakuwenta niya ay mmas matagal pa ang pagbabalik-balik nito sa repair shop kaysa sa paggamit niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang isang pagliko niya ay natanawan niya ang building ng hotel. Diniinan pa niya ang tapak sa accelerator.
FORT Ilocandia Hotel.
Larawan ng pagkabagot ang mukha ni Ronald. Malamig na ang pangalawang kape na inorfder niya sna hindi na niya nagawang ubusin. Ilang sulyap pa sa relong pambisig at sinenyasan niya ang head waiter ng coffee shop.
“May kilala ka bang Roselyn de Padua?” tanong niya nang lumapit ito. Ayon sa ama ay prominente ang pamilya ng babae sa lugar na iyon.
‘Sorry, Sir. Hindi po, eh,” magalang na sagot ng waiter.
Nakakaunawang tumango siya at itinuon ang atensyon sa pagmamasid sa paligid. The place was so quiet. Maliban sa kanya ay dalawang magkaibang grupo ng pamilya ang nasa loob. Sa mas malapit sa inookupa niyang mesa ay grupo naman ng tatlong babaing nasa late teens. Tanging siya lamang ang nagsosolo at lalong nagging pansinin ang kanyang pag-iisa sa magkakalalhating oras na niyang pagkakaupo roon.
Ngayon ay hindi na ang simpleng pagkainip lang ang nasa mukha niya. Mas mababasa roon ang iritasyon.
Naulinigan niya ang anasan ng grupo ng teenagers. Sa sulok ng kanyang mga mata ay batid niyang siya ang pinatutungkulan ng isapan ng mga ito sa local dialect. Nang direkta siyang sumulyap sa mesa ng ,ga ito ay nakita niya ang pagbubungguan ng mga ito ng siko, saka ang hindi mapigiil na ngitian.
Typical teenagers, naisip niya. At inabala ang sarili sa pagbuklat ng dalang organizer. Subalit ang atensyon niya ay hindi ma-focus sa binabasa.
Waring ang pagkakasulyap niya sa kabilang mesa ang nagging signal sa mga ito para iparinig sa kanya ang usapang hindi naman niya naiintindihan. He was not conceited pero aware siyang he can draw attention. With or without a tie na kagaya ngayon, malaki ang tiwala niya sa pagdadala ng sarili.
Mula s airport ay mabili siyang nag-shower sa hotel room na kinuha ni Paolo para sa kanya. At nang matapos ay pumili ng isang black and red pin-striped Lacoste shirt sa mga inempake ng Yaya Aning niya at ipinares niya sa 501 jeans.
Tamang-tama sa oras nang pagkikita nila ay nakabihis na siya. Making sure he had his wallet, isinuot niya ang loafers at bumaba na sa coffee shop.
Para lang mag-aksaya ng dalawampung minuto. He was always punctual. At kahit kanino siya makipag-appointment ay dumarating siya right on the dot. Kaya inaasahan niyang ganoon din ang kausap niya.
Bumalik ang pagkabagot sa mukha niya. Nailing na muli niyang isinara ang organizer at ipinako ang tingin sa entrance ng coffee shop.
Sa likod ng isip at nagsisimula na siyang mag-countdown. Limang minute pa ang ibibigay niyang palugit, at kung wala siyang makikitang buntis ay tatawagan na niya si Paolo para ipa-arrange ang flight niya pabalik sa Maynila.
Sa isang banday ay gusto niyang hangaan ang sarili. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nagkaroon ng ganito kalaking pasensya apra maghintay sa taong ni hindi niya kilala.
Kung nagmatigas siya sa ama ay nasa pag-iinspeksyon sana siya ng panibagong project kasama ang business partner niyang si Daniel. Ito nga lang ang mismong kumumbinsi sa kanya na hindi na kailangan ng personal niyang pagpunta roon.
“All work and no play, Ronald. Baka makalimutan mo ang mag-asawa,” biro pa nito nang malaman kung bakit hindi siya makakarating.
“Look who’s talking,” ganting-biro niya sa edad niyang treintay dos ay ilang taon lamang ang tanda ni Daniel sa kanya. At kagaya niya ay binata pa rin ito. “Ang dapat yata ay ako ang magbato ng salitang iyan sa iyo.” Niluwagan niya ang pagkakangiti.
“Oo nga naman,” patianod ni Daniel. “Ganito siguro. All work and some play with Faye. Tama na ba ako ngayon?” Sa tingin niya ay bumata nang ilang taon ang nanunudyong itsura ni Daniel sa tanong na iyon.
“Absolutely?”
Napuno ng halakhak ng dalawa ang buong opisina ni Ronald.
Naputol ang pagdaloy ng alaala ni Ronald nang maingay na dumaan sa harapan niya ang tatlong teenagers. Muli niyang binuksan ang organizer.
Roselyn de Padua (Rose Island, Pagudpud(
1:30 p.m. Fort Ilocandia Hotel Coffee Shop.
Pagtingin sa Rolex watch ay lampas na ang limang minutong binigay niyang taning sa babae. Ipinagpalagay niyang sa Pagudpud pa maaaring manggaling ang babae.
“Ilang oras ang biyage papuntang Rose Island sa Pagudpud?” tanong ni Ronald sa waiter nang hingin niya ang bill. Iba ang waiter na kaharap niya kaysa pinagtanungan niya kanina.
“Rose Island, Sir?” Waring tinitiyak ng waiter kung naringgan lang siya. “Hindi naman po open for public ang beach house na iyon. At sa pagkakaalam kop o ay ilang taon na ring inabandona ng may-ari.”
“Kilala mo si Roselyn de Padua?”
Tumango ang lalaki. “Taga-Pagudpud ako, Sir. Ninong ko sa kasal ang tatay ni Roselyn.”
“I’m supposed to meet her. Pero hindi siya dumating. I was just thinking kung babalik na ako sa Maynila or maghihintay pa.”
“Di, Sir, kung gusto ninyo talagang makita ang Rose Island, sumabay na kayo sa akin. Pa-off duty na ako ngayong two o’clock.”
Matiim na tiningnan ni Ronald ang kaharap. Sa button ID nito ay nakalagay ang pangalang “Mon”.
“Mabait ako, Sir. Puwede ninyong i-check sa information desk ang record ko,” wika ng lalaki nang waring maasiwa sa ginawa niyang pagtingin ditto.
Tila napahiyang tumayo na si Ronald. “O sige, tawagan mo na lang ako sa room ko,” aniya, at matapos iwanan ang numero ng kwarto ay mabilis nang tumayo.
“Sir, I suggest magdala kayo ng pampaligo. Nakakatukso ang tubig-dagat.”