SAGLIT lang ang nakaraan ay hangos naming papasok sa coffee shop si Cherilu. Bilang anak ng dating politiko ng lalawigan, medaling na-recognize ang dalaga ng headwaiter.
Sinalubong siya nito. “Late lunch, Miss Cherilu? O early merienda?”
“Hindi.” Ginantihan niya ang ngiti nito saka muling iginala ang paningin sa iilang nasa loob. “I’m looking for Mr. and Mrs. Servando Ledesma. Pero na-late ako nang thirty minutes. Kaaalis lang ba nila?”
“Walang mag-asawang pumasok ditto. A gentleman, mayroon. At ang tinatanong naman sa akin ay isang Roselyn de Padua.”
“Nasaan na?” agad niyang tanong.
“I think, on his way to Pagudpud. SInamahan ng isang tao rito.”
“Kanina pa nakaalis?” At bago pa nasagot ang tanong niya ay humakbang na siya palabas ng coffee shop. “I’ve got to see hi. Thanks!”
Inilabas niya mula sa compound ng hotel ang dalang sasakyan. This time ay jindi niya mapabilis ang pagpapatakbo dahil nararamdaman niya ang akaibang angil ng makina nito.
Pagdating sa kabayanan ay ipinasya niyang igarahe na ang kotse at hiramin ang kotseng gamit ngayo ng ama, a seven-year-old gray Super Saloon. Luma pa rin kung tutuusin, but at least, mas panatag ang loob niyang ibiyahe ang kotseng iyon.
“NARITO na tayo, Ronald,”wika ni Mon nang ihinto ang owner-type jeep nito. Sa may isang oras na biyahe nila na puno ng kuwentuhan ay pinigilan na ni Ronald na tawagin pa siyang “Sir” ni Mon.
Naunang bumaba ito sa kanya at umikot sa beach house.
Mabilis na siyang bumaba bitbit ang bag na kinalalagyan ng isang tuwalya at swimming trunks. So this is Rose Island, isip niya. Kahit hindi isang literal na isla ay parang gayon na rin ang effect ng secluded na beach property na iyo — walang ibang natatanaw kundi ang hilera ng mga puno ng niyog at ang walang-katapusang dagat. Na nagbibigay ng pakiramdam na nasa isang isla siya.
“Mabuti at sinabi mong magdala ako ng pampaligo, Mon. Mas gusto ko yatang maligo muna kaysa libutin ang buong lugar.” Hindi niya maisatinig ang pagnanais na alisin kaagad ang mga alikabok na dumikit sa kanya sa pag-aalalang am-offend ito.
Allergic siya sa dust. Kaya kahit kalian na nag-inspect siya sa job site ay diretso kaagad siya sa paliligo para linisin ang mga duming nanunuot sa kanya. At ngayong natanaw niya ang mangasul-ngasul na tubig ay agad siyang nakaisip ng dahilan.
“Paano, Ronald, iiwan na muna kita? Magpapakita lang ako kay Misis.”
“oo,” sagot niya at sinimulan nang huabrin ang pang-itaas. “Hindi ba ako makakaabala sa iyo kung babalikan mo pa ako? Ituro mo na lang sa aking kung saang resort ako puwedeng mag-overnight rito.”
“Malayo, Ronald. Ilang kilometro pa mula rito ang hilera ng mga beach resorts. Babalik ako. Puwede rin naming sa bahay ka na muna naming ngayong gabi.”
“Iyon ang malaking abala, Mon.” Ngumiti ang binata. “Ang mabuti pa’y balikan mo ako rito at pakihatid mo na lang ako hanggang highway. Magba-bus na lang ako pabalik ng Laoag.”
“Bago mag-alas singko ay babalik ako. At saka nga pala, may poso riyan sa may isang gilid. Puwede ka na sigurong diyan pansamantalang magbanlaw mamaya. Naka-lock ang itaas, eh,” paalala nito at muling sumakay sa jeep.
NAKAALIS na ang sasakyan ni Mon.
Sa halip na maghanap ng lugar kung saan maaaring magpalit ng swimming trunks ar nanatili ang binatang nakatayo roon. Nilalanghap ang sariwang hanging-dagat.
It took him a while to realize what he was missing. At ngaon lang niya unti-unting nadidiskubre how much. O mas mainam sabihing lahat ng oras niya’y nauubos sa likod ng kanyang executive desk, at ng regular routine inspections sa project site.
Hindi na niya matandaan kung kalian niya huling natanaw ang dagat. Literally, noong huling sumakay siya ng eroplano at pagdungaw niya sa bintana ay karagayan ang natanaw niya. Pero kung kalian niya ito “nilangoy” ay wala na sa pagkakatanda niya. College days, perhaps. At kung hindi pa sa pangyayari ngayon ay hindi niya maiisip iyon.
Minsan pa niyang pinuno ng hangin ang dibdib, saka iginala ang tingin sa paligid. Long stretch of white sand. At malinis. Mula sa beach house ay mga dalawa hanggang tatlong metro bago ang baybayin.
Sa gilid ng kinatatayuan niya ay ang hilera ng mga tanim na rosas. Wild roses na siguring ituturing ngayon dahil sa walang-direksyong paglaki ng mga ito; at mangilan-ngilan na lang ang may bulaklak na ang dilig ay nakaasa na lang ngayon sa ulan.
Pagtingala niya ay hilera din ng mga nakapasong nakatanim sa ibaba, nangangailangan na din ng dilig ang mga ito.
Sa paglingon niya ay hilera din ng mga nakapasong rosas ang nasa windowsill. At kagaya ng mga nakatanim sa ibabaa, nangangailangan na rin ng dilig ang mga ito.
I could imagine how beautiful this place was, with those roses blooming around…
Sa paglingon niya ay muling tumambad sa kanya ang waring nag-aanyayang mga alon ng dagat. Naramdaman niya ang kagustuhang lumangoy.
Walang katau-tao maliban sa kanya. Sa malayo ay may isang bangkang naglalayag, ngunit hindi niya pansin. Mabilis niyang tinanggal ang snap ng pantaloon at hinugot sa bag ang swimming trunks.
Seconds passed at ang imahe niya behind the executive desk ay tuluyang nabura matapos palitan ang briefs ng black bikini swimming trunks. At mabagal na tinunton nuya ang tubig, taking all the time at walang pagmamadali.
Makaraan ang ilang beses na waring pakikipagbuno sa alon ay ipinahinga niya ang sarili sa pamamagitan ng floating. Ipinikit niya ang mga mata.
Sandali niyang nakalimutan ang pagkadikaril ng lakad niyang iyon gaano man kalaki ang iniwang niyang trabaho sa kompanya.
PAGLIKO ni Cherilu papasok sa makitid na daan papunta sa mismong Rose Island ay may narinig siyang humampas sa gilid ng sasakyan nang malubak ang isa nitong gulong. Subalit ang atensyon niya ay ang masundan ang lalaking sinasabing dumiretso sa Rose Island.
Nasa mukha niya ang pagkadismaya nang makitang walang tao.
Hindi niya napansin ang isang bag na basta na lamang nakabagsak sa buhanginan.
Inilabas niya ang susi ng beach house. Ipinasya niyang naroon na rin lang ay buksan na niya ang bahay. Pinagbubuksan niya kaagad ang mga bintanang capiz nang sa pagpasok ay nasagap niya ang kulob na amoy nito. At bagama’t ang bahay ay nakatayo sa tabing-dagat, may kumapit pa ring manipis na inakala niyanbg alikabok sa kamay niya.
Nang ganap na mapasok ng liwanag ang bahay ay napansin niya ang mga nagkalat na kulimagmag sa bawat pasimano. Binubukbok na ang mga pamakuan ng bintana.
Mahigit isang taon na marahil nang huling dalawin ni Roselyn ang beach house. Mula nang gumulo ang pagsasama ng mag-asawa na nauwi rin sa paghihiwalay ay umiikot na ang mundo ng kaibigan sa itinatag na negosyo.
At kahit ang mag-asawang Tata Apen at Nana Coring na siyang katiwala ng Rose Island ay hindi na rin regular na nagpupunta sa bahay. Ang oras ng mga matatanda ay nasakop na sa ibang mga ibinibigay na trabaho ni Roselyn.
Malungkot na pinagmasadan ni Cherilu ang buong bahay. Hindi basta lang beach house ang kabuuan nito. Tatlo ang katamtamang laki ng mga kuwarto na may sari-sariling toilet and bath.
Maging ang kusina ay kumpleto sa amenities. Naroon pa rin ang refrigerator at gas range. Sa pagkakatanda niya ay ang microwave oven lang ang nabawas sa mga electric appliances doon.
Ang sala ay kompleto sa furniture na native at ultimo mga bombilya ay nakapaloob sa pinagtatabas na makitid na kawayan.
Naalala pa niya ang buhay na buhay na larawan ng bahay na ito noong mga bata pa sila. Madalas ay narito sila ni Roselyn.
Magkaklase sila ni Roselyn mula grade one sa Laoag. Ang mommy niya na katulong ng ama niya sa pangangampanya noon bilang board member sa lalawigan ay nagging kaibigan din ng ina ni Roselyn na aktibo naman sa local civic organization.
Walang Sabado na hindi siya inaya ni Roselyn sa Pagud[ud. At madalas na hindi na siya makauwi at kinabukasan na ang balik niya sa Laoag.
Second year college na sila nang maging kaklase nila ang transferee na si Kenneth.
Inakala niyang si Roselyn ang gusto nito sa pagpipilit nitong isahog din ang sarili sa bawat weekend nila sa Pagudpud…