“Ha? Siya ang kasintahan mo?” Napangiwi si Parr habang nakatingin sa seryosong mukha ni Marida. Napangiti naman sa kanya si Larah sabay gulo sa magulo niyang buhok. “Oo, siya na nga. May problema ka ba sa kanya, Parr?” nakangiting tanong ni Larah sa bata. Tahimik lang kaming apat dito sa likuran habang nakasunod sa kanila. Papunta kami ngayon sa bahay nila Parr. Doon kasalukuyang nakatira si Larah, pero hindi pa niya ipinapaliwanag kung paano siya humantong sa tirahan ng mga Macias. Sinabi niya kanina kay Marida na si Parr Macias ang anak ng weapon maker na nagligtas sa kanya. After niya itong sabihin, hindi na namin pa nagawang ipakilala ang aming mga sarili dahil nagmamadali nang umuwi si Parr. Hindi man lang ito nag-sorry sa ginawa niyang pagbunggo sa ‘kin. Ang bait talaga ng batang

