Chapter 25 - Visitors

2599 Words
Nakahain na ang mga pagkain sa mesa. Halos mapuno ito ng ibat-ibang putahe. Mabuti nalang at dinamihan ni Yaya Myrna. Sa tingin ko naman ay sapat na sa aming lahat iyon. Naglahad ng kamay si Mateo at Jiro sa akin para alalayan akong lumipat ng dining chair and I chose Mateo's hand. He smirked after glaring at Jiro saka siya kumapit sa aking baywang. I mouthed thank you ng nakaupo na ako ng maayos. Uupo na sana si Mateo sa tabi ko ng magsalita si Mommy.   "Jiro. Sa tabi ka na ni Piper maupo, hijo." Aniya at tumingin kay Mateo, "Would you mind if you move next to it, hijo? What's your name?" Seryoso ang tono ni Mommy. Nagpalitan lang ang tingin ko kay mommy at Mateo and I can sense something bad.   "Sure. I'm Mateo Axel Montemayor." he replied.    Nagsimula kaming kumain. Tahimik lang kami dahil sa intimidating na presensya ni Mommy. Liam used to c***k a joke pero ngayon ay tahimik lang itong kumakain. Maging si Jimmy at Ed. Si Chanel na reklamador ay tahimik din. Feeling ko mas gusto na lang nilang nilang umalis kaysa tapusin ang hapunan. Kapag nagsasalita kasi si Mommy ay si Jiro lang ang kinakausap nito o binibida sa amin. Alam kong hindi ito nagugustuhan ni Mateo lalo na kapag pinipilit ni Mommy na sandukan ako ng pagkain ni Jiro. Wala na lang siyang magawa.   "Coffee anyone?" Tanong ni Mommy ng dumating si Yaya Myrna bitbit ang isang tray ng kape.   They took one each at inabutan ni Mommy si Jiro. "Thanks, Tita." wika ni Jiro at tinanggap ang tasa.   "I'm home!" Sigaw ni Macy, "Do we have visitors? Ang daming-" Macy dropped her bag onto the floor. Shocked.   "Why are they here? OMG. Can I join?" Aniya at nakatitig ito sa mga lalaking bisita except Jiro. He's not interested noon pa dahil katwiran niya ay boring ang mga buhay ng mga doktor, so she conclude na boring din silang kasama.   "Nandito ba kayo because of me?" Nakangiti niyang tanong. I saw Chanel scoffed.   Yeah, alam kong hindi makapaniwala si Macy na nandito ang mga iniidolo niya sa i********:. Mga sikat na individuals sa Northville at South. This was a dream come true for her.   "And you are?" Kunot noo na tanong ni Liam.   "I'm Macy and that's my mom." Turo ni Macy kay Mommy habang nanatili ang mga mata kay Liam.   "So kapatid mo si-"   "I said my name is Macy. Aren't you here for me?" Muli niyang tanong sa kanina pa niyang tanong.   Kinuha niya ang cellphone nya sa kanyang bulsa at alam kong kinukuhanan niya ng picture ang mga bisita ko. She was going to post it online later.    "Sorry guys natagalan ako. You know I was so busy in school." Dugtong niyang paliwanag. "Yaya Myrna can you prepare the entertainment room so we can have a little party? Umorder kana din ng drinks." Sigaw nito.    ----   Malawak ang entertainment room namin. May balcony doon at nandoon din ang theater area namin. I don't usual go here dahil wala naman akong mga kaibigan na makakasama kaya si Macy ang nananamasa ng spot na ito. Naka set up na doon ang karaoke. Unang pinuntahan nina Jimmy at Ed ang soccer table. I don't know why macy both that thing eh hindi naman siya mahilig sa sports.    Hindi na namin kasama si Jiro dahil nagpaalam na itong umuwi. Nakaupo sina Jewel at Chanel sa harap ng 110 inches ultra HDTV at pumipili ng mga kakantahin nila habang si Macy naman ay busy kaka selfie at background niya ang mga lalaking busy sa soccer table.   "May gusto ka bang kantahin?" Tanong sa akin ni Piper na nasa tabi ko.    "She like Release Me by Engelbert Humperdinck" Si Mateo ang sumagot. Humalakhak si Chanel ng marinig ito?   "Ang baduy mo talaga." Komento nito at umiling pa.   "It's a nice song, Usually sa Cr ko yan pinapakinggan." Singit ni Liam habang ang focus ay sa nilalaro nila nina Jimmy.   Lumapit si Macy kay Chanel at nakipag selfie ito. Sunod naman ay kay Jewel tapos ay kay Mateo pero hindi siya tinapunan ng pansin ni Mateo. May sinabi pa ito pero hindi ko din narinig kaya nakasimangot itong pumaling sa akin.   "Pwede ba mag focus muna kayo sa akin guys?" Sigaw ni Macy, "Bakit ba si Piper ang kinakausap nyo eh kaya nga kayo nandito dahil sa akin. Ako ang pinunta nyo dito diba?" Maktol niya.   "Hindi." Sagot ni Mateo. "We don't even know who you are." Walang pasubaling dugtong nito at wala siyang pakialam kung anong isipin ng kapatid kong feelingera.   "You're being rude, bro." Saad ni Khalid na nakatayo lang sa pinto ng balcony.    "Because she's shown Piper so much respect," Mateo retorted sarcastically,   "Pero kapatid sya ni Piper." Khalid fired back   "Kapatid din kita." Mateo smirked, "But I didn't request that either."    "Awat na." Singit ni Liam. "Tama si Khalid, you can't be rude to her family. Kung gusto mo si Piper, kailangan mo munang kunin ang loob ng pamilya nya."    Namula ako sa sinabi ni Liam. Kung makapagsalita sya parang alam na niyang kami na? Or baka sinabi nya? No way!   “Gusto mo si Piper?” Macy asked in disbelief. "So, nandito kayo... Hindi talaga ako ang sadya nyo?" frustrated na saad ni Macy.   Pumaling si Mateo kay Macy at kulang na lang ay mag laser beam ang mata nito. "Pwede ka ng umalis kung gusto mo."   "Mateo, bahay nila ito." Paalala ni Ed.    "She can still leave, unless you want her to stay?"    "Well, no." Si Chanel ang sumagot at umirap pa ito.   Damnit! Bakit sobrang init ng ulo ni Mateo ngayon? Parang lahat ng bagay ay big deal sa kanya. Alam kong napapahiya na si Macy. I know how it feels dahil ganoon ang ginawa niya sa akin last year noong may mga kaibigan siyang inimbita dito. Pinakilala pa akong anak ng katulong and they made fun of me. Hindi ko makakalimutan iyon.   Honestly, Macy's face scrunched up in shock as she realized they were here for me and I was surprised that Mateo was still here for me.   "Piper!" she pointed at me. "How could it be you?"    Dumating si Yaya Myrna dala ang mga drinks. Katulong niya ang isa pa naming kasambahay na si Yaya susing.    "Ito na ang request ng mga bisita ni Maam Piper." Announce niya.    "Yaya?" Inis na saway ni Macy.   "Ang gagwapo talaga ng mga bisita ni Ma’am. Sino ba ang pipiliin mo sa kanila maam?" Biro ni Yaya Susing.   "I don't need it." I said. Pumiyok pa ako.    Isa-isang tiningnan ni Yaya Myrna ang mga ito at ngumiti. "Para akong namimili sa audition ng bagong gaganap na F4."   Ed put his palm in his face ng ngitian ni Yaya Susing. Kumuha ng beer si Khalid at sinundan naman ni Ed at Jimmy. Sinimulan na nilang pagfiestahan ang mga alak at pizza. Si Liam ang nangunguna pagdating sa pagkain. Food is life for him.   "I think we should leave Piper to rest." Mungkahi ni Jewel at tumingin sa akin. "Aalis na kami Piper, Pakisabi kay Tita na nag enjoy kami sa napakasarap na dinner. Let's go na guys." Patuloy niya.   "I agree." Segunda ni Chanel.    ---    Maaga akong nagising at nagpadeliver nalang ng Kape dito sa bahay. Nasa kwarto lang ako maghapon. Reading books. Tumatawag si Mateo para kamustahin ako pero saglit lang iyon dahil may training pa siya. I checked my social media accounts and I have lots of follows and friend requests. I can't believe this was happening. I threw my phone on my bed and fell onto it myself.   Tulala akong nakatitig sa kisame. I was just nobody before I met the Montemayor brothers and now they have turned my whole life upside down.  Honestly, I am worried about my relationship with Mateo… He’s a player in many ways. What if he’s been playing the biggest game with me?    A polite knock sounded on my door.   Naupo ako at pinanood ang pagpasok ni Macy sa aking kwarto. May inabot syang red envelope na sa tingin ko ay isang invitation. Nakangiti pa niya itong inabot sa akin. "May nag deliver nito and It's for you."   "Thanks Macy," Sagot ko, at hindi ako sanay sa pagiging mabait niya sa akin.   It made me uncomfortable. Malimit kaming mag-bangayan ni Macy... You know, sisters fight. Hindi nga yata malimit, it's like all the time. Nabawasan lang ng mag dorm ako. Ngumiti siya sa akin bago ito lumabas.   Binuksan ko ng red envelope na may heart sticker pa.   LAYUAN MO SI MATEO AT KHALID, UNLESS GUSTO MO PANG TUMAGAL SA MUNDO.   YOUR RELATIONSHIP WITH HIM WON'T LAST, BUT PHOTOS DO.   May kasamang picture sa loob kaya kinuha ko ito and it was a photo from hiking trip. Iyong picture na kinuha ni Tricia at Jackie noon na naka panty at bra lang ako habang parang nacomatose at may 100 pesos na nakasingit sa strap ng aking bra.   I checked the back of the photo kung may nakasulat din... yes, there is.   MALADI! p****k! BAYARANG BABAE! SLEEP WELL PIPER!   I have never been threatened before.   Gusto kong tawanan nalang ang sulat na ito. I honestly didn't realize I had an enemy out there. Shuta! Bilang ko nga lang ang naging kaibigan ko this year sa isang kamay ko.    Nagpatulong ako kay Yaya Myrna para makababa. Life goes on, whether you've been blackmailed or not. Magkasabay kami nag hapunan ni Macy pero hindi naman kami nag-usap. She's still nice to me.    3 days have passed at okay na ang paa ko. Nakakalakad na ako and I am happy because of it. Ang hindi nakakatuwa ay linggo ngayon so walang pasok kaya naisipan ko na pumasok na lang sa aking part-time job. Maraming tao ngayong linggo kaya naging productive ang maghapon ko.    "May small size ba nito miss?" Tanong sa akin ng customer na sa tingin ko ay highschool pa lamang.   "Yes, meron." Sagot ko habang iniisa isa ang rack para maghanap ng small size ng hawak niyang dress. "Ito maam." Wika ko at nakangiting inabot sa kanya.    I watched her walk to the fitting room.    "Bagay ba ito sa girlfriend ko miss?"   My heart froze. Alam kong may iba pang customers dito sa boutique pero bakit hindi ko siya napansin na pumasok?    I slowly turned around. Nakatayo na ngayon si Mateo sa harap ko, raising a peach dress by the hanger.    "What do you think?"    Kinikilig akong ngumiti pero napawi din agad iyon ng mapansin ko ang ibang mga babae na nasa loob. Masama silang nakatingin sa akin na para bang mali na ngitian ko ang aking boyfriend. Then I realized... wala nga palang nakakaalam ng aming relasyon.    "Babe?" Mahina nyang sabi para bawiin ang atensyon ko na nasa dalawang babae.   "A-Anong ginagawa mo dito?" Naiilang kong tanong.   I heard him sighed. Binaba na nito ang hawak na dress.    Naalala ko iyong letter na natanggap ko a days ago. Sa tingin ko ay hindi na naman dapat makarating ito kay Mateo. I think I can handle it. I know what Mateo capable of at kung sino man ang nagpadala ng sulat na iyon ay sigurado akong malalagot talaga sa kanya.    Suddenly, iyong babaeng nasa fitting room kanina ay malakas na tumili kaya agad akong pumaling doon. Kinabahan pa ako dahil baka gumagawa na ng moves ang kung sino mang blackmailer ko dahil magkasama kami ni Mateo. Muling sumigaw iyong babaeng customer, tumakbo na ito at nagtungo malapit sa counter. I ran towards her and we heard a male voice laugh.   Si Liam. Lumabas mula sa fitting room suot ang red dress. What the!   Naglakad pa ito at umikot sa harapan namin saka pumose, "Hi Papa Mateo!" Malandi nitong sabi at niliitan ang boses.   My jaw literally just dropped. Tumingin ako kay Liam at Mateo, pagkatapos noon ay kay Mateo na ako nakatingin. I glared at him because I know it was his idea.   Umiling ito sa akin, defending his innocence. Pigil pa ito sa pagtawa.    "I came here to visit you. I just heard Khalid asked you for a-"   "Shut the f*ck off dude!" Pigil ni Mateo sa gustong sabihin ni Liam. Liam purse his lips.   Ugh! Sana hindi nakarecord sa mga cctv itong pinag-gagagawa ni Liam. I'd be so fired. Binato sa mukha ko ang mga bitbit na dress ng customer at galit na lumabas ng boutique. She even cursed Liam. Siguro akala niya ay mga baliw itong gwapo kong kasama. Inis naman na nagmura si Mateo at balak sundan iyong babae para pagalitan pero pinigilan ko ito.   "Okay fine, Mateo. Parte ito ng trabaho ko."   "What? No!" Bulyaw nya.   "It is. Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Magsasara na ako maya-maya. Wala na bang ibang kaibigan mo na lalabas ng fitting room suot ang dress na paninda namin?" Pagtataray ko. Ngumisi si Liam at hinubad na nito ang dress.   Lumabas ang dalawa at sa labas nalang daw ako hihintayin.    After 40 minutes ay lumabas na ako, nakatayo sila sa gilid ng store at nagtatawanan.   "Oo na. Aamin na." Liam exclaimed as we walked through the mall, "Kasama namin si Jimmy. Ito kasing si Max-"   "Ano bang meron?" Naguguluhan kong tanong at tumingin kay Mateo.   Kung ano mang binabalik nila sana ay walang gulatan.    "Kakain lang tayo. Dinner." Sagot ni Mateo.   Sa isang pizza restaurant kami tumigil.    "Hanap muna kayo ng mauupuan tapos order na din kayo." Utos ni Mateo, "May bibilhin lang kami ni Piper."   Pumayag si Jimmy at Liam dahil ang usual serving naman sa kanila ay 30 minutes. Mateo grabbed my hand pero agad ko itong binawi at makahulugan na tumingin sa kanya, mabuti na lang ay nagets niya agad.   Pumunta kami sa parking lot kung nasaan nakapark ang pickup nya. Hindi ko alam kung bakit kami nandito gayong ang paalam niya sa mga kaibigan niya ay may bibilhin kami. Maybe we came here to talk.    "Why are we here?" Curious kong tanong.   He smiled and grabbed my waist saka mahigpit akong niyakap. "I missed you. Gusto lang kitang masolo." Aniya at humalik pa sa aking kamay. "Can I kiss you?" Paalam niya. Gusto kong matawa dahil palagi siyang nagpapaalam kapag gusto niya akong halikan.    Mariin akong umiling. "Baka may makakita." Nahihiya kong sagot. I'm blushing.    "You two are still a thing?" Baron pointed at us, "F*ck! I don't think any of us expected that." Aniya at sinundan ng malakas na tawa.    Agad akong lumayo kay Mateo. Magkasalubong naman ang mga kilay ngayon ni Mateo at masamang nakatitig kay Baron na bumaba na sa kanyang kotse na nakapark lang sa tabi ng kay Mateo.    "We're not a thing," Tanggi ko. Lalo siyang tumawa.   "Whatever you say," Sagot nya ng makatapos sa pagtawa. "But if we recycle the way Mateo cycles through girls, we'd solve global warming."    Susugod sana si Mateo pero pinigilan ko ito.    "Pwede ka bang kausapin Baron?" Nahihiya kong tanong.   "It's Ron. Only my mom calls me Baron." Saway niya sa akin.    Tumingin ako kay Mateo. I really want to ask din kasi kung siya ba ang behind doon sa sulat na natanggap ko. Malay mo ginawa nya ito dahil galit siya kay Mateo. "Kakausapin ko lang-”   "No." Mateo coldly interrupted me from talking. "We're leaving and you'll leave my girl alone."    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mateo. Tumawa naman si Baron hawak ang kanyang tyan.   "Does she know that she's your girl? Tinanggi niya kanina diba?"   Akala ko ay papatulan pa ito ni Mateo pero mabuti na lang at hindi. He grabbed my hand palayo sa parking lot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD