Mababaliw na yata ako. Khalid Montemayor asked me on a date and Mateo Axel Montemayor wanted to kill me for it.
Sinusubukan ko na huwag isipin si Mateo pero ang mga pesteng mga nakakasalubong ko ay panay banggit sa pangalan niya. Ang hirap niyang takasan! Nasaktan ako ni Mateo at siguro naman ay aware sya doon?
We kissed. We shared moments together. Sinabi pa niya na 'No quitting us' at 'poprotektahan daw niya ako hanggang sa hindi ko na siya kailangan' Like what the HELL?! Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lang dahil mayroon siyang Beatrice na pinopormahan. Now I'm convince na para kay Beatrice talaga iyong inumin na inutos sa akin ni Mateo at hindi para guluhin si Baron. I was wrong.
Nakakatawa lang din isipin na umamin akong gusto ko siya at hindi man lang nag-abala na sumagot at sa halip ay pinabayaan lang akong umalis at nakipag landian doon kay Beatrice. It's disrespectful since he's been flirting with me.
Edi doon nalang siya kay Beatrice. Hindi ako nakikipaglaro sa kanya. I don't play games.
So maiba tayo. Kinakausap na ako ng mga taga Northville people. Charot. But yeah. Kinakausap na nila ako na para bang matagal na nila akong kilala o kaibigan. Ang iba ay inaalam ang bawat detalye ng buhay ko at pagkatao ko.
They are all fake. Kahapon lang ay wala silang paki sa akin at ngayon... Wow!
Noong una ay masarap sa pakiramdam pero habang tumatagal ay hindi na ako natutuwa. They were nice but I realized that they were digging for all the dirt on me. Malas lang nila dahil wala silang mahuhukay. Ang boring kaya ng buhay ko.
"Ano bang meron sa kanya? Baka na blackmail lang si Khalid dahil wala namang kakaiba sa babaeng yon. She's like a common nobody, nerd. Walang dating."
"Baka naman trip lang ni Khalid ang mga katulad ni Piper? Like he's experimenting. You know..."
"Nakita ko din sya na kasama ni Mateo sa hallway last week. Bakit parang close sila? It's crazy."
Ilan sa mga narinig kong chismis sa angkan nina Marites. Lumabas ako ng cubicle at halatang nagulat sila ng makita ako. I smiled to them saka lumabas ng ladies room. Mabuti nalang at tapos na ang major subjects ko at vacant na namin ngayon. I needed somewhere to breathe. I wanted space. It's too much for me lately. Hindi na ito ang mundong nakasanayan ko. Iyong tahimik. Hindi pa matahimik ang utak ko... The combination of losing my trust in Mateo, Khalid is asking me out and the campus are being friendly to me... Kailangan kong ma process ito lahat sa utak ko.
Balak kong magtungo sa Coffee Grind, iyong malapit sa hospital dahil puro mga taga Northville ang nandito sa malapit. Sakay na ako ng aking Bike ng marinig ko ang bulungan. May mga estudyante na nakasilip sa corridor at sa mga bintana ng bawat room. Shuta! Anong meron?! Hindi naman ako sasayaw, kalma lang.
Tumunghay ako at nakita ko si Mateo na nakatayo na sa harap ng bike ko.
"We need to talk."
Umiling agad ako. Huli kong nakita ang gwapo niyang mukha ay noong dinner kasama ang pamilya niya.
"Get out of your bike, Piper." Utos niya. Hindi ko siya pinakinggan at nagbadyang aalis na pero pinigilan nya ako.
I glared at him. Hindi ako nagpatinag at muling nagbadyang pumidal sa aking bike. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Galit ako!
Hindi din naman nagpatalo si Mateo at kinabig ang baywang ko at binuhat ako pababa ng aking bike using his one arm and the other was holding my bike back to where it was before. Binaba nya ako kaya masama ko siyang tiningnan.
Ang bilis ng takbo ng puso ko. Ang hirap huminga. I saw a familiar sports-motorcycle na tumigil sa likod ni Mateo.
Si Khalid.
Anong bang ginagawa ng Montemayor brothers? Bakit hindi na lang nila ako tantanan?
Bumaba ng motor si Khalid at hinubad ang kanyang itim na helmet.
"We need to talk." Ulit ni Mateo sa malamig na boses.
"Piper, I'm sorry for causing you trouble. I heard about the news. Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng mga taga Northville. Actually kanina pa kita hinahanap." Aniya at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa aming tatlo.
I looked away. Hindi ko magawang tumingin ni isa sa kanila. Naiiyak kasi ako.
"Bago lang din kasi ako kaya hindi ko alam na ang weird pala ng mga estudyante dito," Patuloy niya at hindi siya aware sa nagaganap na tensyon sa amin ngayon ni Mateo. "What everyone's saying about you is unfair." he added.
Tumingin ako sa kanya at papalapit na siya.
"You're beautiful," He said. "Inside and out, Piper."
Khalid voice was soothing. Nag sosorry siya sa bagay na hindi naman niya intensyong gawin o mangyari. Nasa harap ko na siya at nakatitig ako ngayon sa mga mata niyang kakulay ng kay Mateo. He slowly leant forward, I can almost smell his breath and before he could kiss me... Mateo punched him.
"I warned you!" Sigaw niya.
Did Khalid think he could just kiss me because I agree on our date and he is popular and I am not?
Isa pa itong si Mateo na umaakto na interesado sa akin pero may dinedate na iba?
Punyeta kayong dalawa! Bahala kayo! Hindi ko sila inawat at sumakay na lang sa aking bike saka mabilis itong pinatakbo palabas ng campus.
Litong lito na ako. Anong problema ng magkapatid na iyon? Isang hinalikan ako at isa na gusto akong halikan sa harap ng karamihan? Shuta! I want to cry... but it's too late because I was crying kaya hindi ko na napansin ang humps at natumba ako sa gilid ng kalsada.
Mas humagulgol ako ng makita ko ang duguan kong tuhod at siko. Nag vibrate naman ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking bag. My hands were trembling and still crying in pain kaya natagalan bago ko ito nasagot.
"Mom?" Iyak kong sagot but it's too late dahil natapos na ang tawag.
It vibrate again kaya sinagot ko agad ito.
"Mommy." Hagulgol ko. "I got into an accident. I think I got sprained. Pwede mo ba akong sunduin?"
"I'll be there. Don't go anywhere." He hung up. Napatingin ako sa cellphone ko dahil boses lalaki iyong sumagot at hindi si mommy. It's too late when I realized that it was Mateo who just call me.
Muli akong tumingin sa mga sugat ko at mas nararamdaman ko pa lalo ang hapdi at kirot nito. Wala pang ilang minuto ay nakita ko na ang sasakyan ni Mateo na tumigil sa gilid at tumakbo sa akin.
"Piper. Oh sh*t! tell me you're okay." He worriedly mumbled at sinuri kung saan pa ako may galos.
Kailangan ko na bang masanay na nandyan si Mateo kapag kailangan ko ng tulong? He's always been there when I needed help. Pinilit kong tumigil sa pag-iyak at pinunasan ko ang aking luha dahil naalala ko na galit nga pala ako sa kanya.
"I'm fine." I said trying to stand up pero bigo ako. Maagap akong nasalo ni Mateo at kumapit sa aking baywang.
Mariin siyang nakatitig sa akin. "Obviously you are not fine."
Binuhat niya ako para isakay sa kanyang pickup at kasunod noon ay ang bike ko na nilagay niya sa likod ng sasakyan. Wala akong lakas para makipag talo sa kanya kaya naman sinabi ko nalang na ibaba ako sa Delgado Hospital. I already texted Mom.
I've been cheated on before. My heart's been crushed into a million pieces at ayoko ng maulit ito. Natatakot ako pero… I can’t trust myself kapag nandyan na siya, I became so submissive. I always like the idea of him protecting me. WHY?!
Hinintay ako ni Mateo kahit sinabihan kong umalis na lang siya dahil baka hinahanap na siya ni Beatrice. Umupo ito sa tabi ko ng umalis ang doctor sa emergency room.
"Umuwi ka na Mateo. Magpapahatid na lang ako kay Mommy." Ulit kong taboy sa kanya.
"Ako na ang maghahatid sayo. I still need to talk to you."
"Ano bang pag-uusapan natin?" Suko kong tanong dahil alam kong wala talaga itong balak umalis.
"Bakit ka pumayag na makipag-date kay Khalid? Ginagawa lang niya ito dahil gusto niyang maghiganti sa akin. He knows what you mean to me-"
Tumigil siya ng mapansin ang masama kong tingin na pinupukol sa kanya.
"Bakit? Ano ba ako sayo Mateo?" Tanong ko sa kanya.
Gusto ko din kasi malaman kung ano ba ako sa kanya. Kayo din naman hindi ba?
Huminga ito ng malalim at binabaan na ang tono ng boses. "Alam kong galit ka sa akin pero sa anong dahilan ba?"
"Hindi mo alam?!" Bulyaw ko sa kanya. Sarap pektusan! "You can't just go around being all nice and flirting with someone after you tell me you like me. It's misleading. It's frustrating, and it's not fair." my voice cracked.
Tumingin sa akin si Mateo. He catched my eyes and trying to read what's on my mind. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at marahan itong pinisil.
"I want to be someone you like, Piper... pero nahihirapan ako." Sagot niya. "Hindi ako sanay na ganito ako. You have such high standards and the reality is... that I'm me. This is me caring about you and if it's not enough-"
Umiling ako ng paulit ulit at hindi ko na kinakaya pa ang mga naririnig ko. "No, Mateo. It's enough." Naiiyak kong sagot.
Bakit kailangan niya pang magbago para sa akin? May magandang naidudulot ang pagbabago ng isang tao pero meron din namang hindi. Mahirap baguhin ang mga nakasanayan mo na at ayokong baguhin ni Mateo ang sarili niya ng dahil lang sa akin. I don't want him to blame me for it.
Pinunasan ni Mateo ang takas kong mga luha at hinila niya ako para yakapin. He kissed my head at marahan na hinagod ang aking likod.
"Let's stop this. Magbati na tayo." Malambing niyang sabi. Ngumisi ako dahil doon kaya yumuko sya para tingnan ako. "Can I kiss you." Tanong nya at agad namula ang mga pisngi ko. He smirked. "Can I?" Ulit pa niya kaya tumango ako. Sabi ko na nga ba presidente ako sa samahan ng marurupok eh.
He rested his hands behind my ears and slowly... muli niyang inangkin ang aking labi. In that kiss was the sweetness of passion, a million loving thoughts condensed into a moment.
Someone cleared her throat behind us kaya mabilis kong tinulak si Mateo.
"I'm sorry to disturb you love birds pero ito na ang gamot na pinapabigay ni Dok. Pwede ka na din pong umuwi Ma'am Piper. Nasa meeting lang po kasi si Doktora Delgado pero nabanggit na ng sekretarya niya ang tungkol sa aksidente mo."
Tumango lang ako sa nurse. Si Mateo ang nagtulak ng wheelchair ko at binuhat pa niya ako papasok sa kanyang sasakyan.
"So... Can we continue, Babe?" Pilyo itong ngumiti. Kinikilig akong ngumiti pero umiling ako.
"Ihatid mo nalang ako sa bahay. I have sprained at mukhang ilang araw akong hindi makakapasok nito." Wika ko at nag pout pa ito.
"May mag-aalaga ba sa iyo doon? Kung wala... I volunteer."
"Meron. Doon ka na din kumain ng hapunan." Saad ko.
"So, I will be meeting your parents?" Ngumisi ito.
"No. Narinig mo naman na nasa meeting pa si Mommy." Natatawa kong sagot. Kanina lang ang lungkot lungkot ko. Ngayon babe na ang tawag sa akin ni Mateo. Kami na ba? Does it mean, boyfriend ko na sya? Bigla kong naalala si Khalid.
"Oo nga pala. About kay Khalid, sabi mo kanina ay niyaya lang niya akong makipag date dahil gumaganti siya sayo?"
Umiwas ng tingin si Mateo hearing his brothers' name. "Yeah. Hula ko lang. Hindi kami magkasundo noon pa."
Never naging masama ang pakikitungo sa akin ni Khalid. Masaya ako dahil doon pero bakit parang ayokong paniwalaan ang sinasabi ni Mateo.
"So ibig mong sabihin... Khalid could never like me for me? Gumaganti lang talaga siya sayo? You've always had a big ego, Mateo pero kailangan mo din naman alamin ang katotohanan at hindi iyong naghuhula ka lang dyan at gumagawa ng sarili mong theory. Sa tingin ko naman ay mabait na tao si Khalid." I said. Sumimangot na ito.
"Bakit iyong tawag ko ang sinagot mo at hindi iyong tawag ni Khalid?" Balik niyang tanong sa akin.
"Hindi ko naman alam na-"
"Enough of him." Aniya at mukhang napikon. "You're my girlfriend now kaya huwag ko siyang makikita na umaaligid sayo because I'm gonna f*cking kill him kahit kapatid ko pa sya." Mariin niyang sabi. Napalunok ako at kinabahan.
"Mateo, you can't do that and I can't just avoid him for no reason. Kaibigan ko si Khalid." Angil ko
"I'm your boyfriend and that's enough reason to avoid him."
Hindi na ako sumagot. Ang daling sabihin noon pero ang hirap gawin dahil hindi ako ganoon. Yumuko ako at pumikit. Gosh! So kami na nga talaga? It's official?
"Babe." Aniya at lumambot ang tono nito. "Can you do that for me?" he asked in a begging voice.
"I will try." I said at tumingin sa kanya "Can you do me a favor too?"
"Sure."
"Let's keep our relationship just between us. Ayokong may makaalam nito sa campus. Hindi pa kasi ako handa." Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Mateo, alam mo naman kung paano ako tratuhin ng iba... Just give me sometime."
Tumango si Mateo ng maunawaan niya ang gusto kong sabihin. He heaved out of sigh saka nito hinawakan ang aking kamay at hinalikan. "I love you, Piper."
---
Tumawag na ako sa bahay bago pa man kami makaalis ng hospital kaya nakaabang na sa front door si Yaya Myrna at may nakahanda na itong wheelchair.
I am lying in his arms like a bridal style. Halos napanganga si Yaya Myrna ng makita ako at si Mateo. Pinakatitigan pa ito ni Yaya Myrna tapos ay ako dahil baka iniisip niya na maling bahay ang napuntahan namin at hindi ako ang isa sa anak ni Mommy. Crazy.
Marahan akong iniupo ni Mateo sa wheelchair at nakangiting tumunghay kay Yaya. "Good evening po, I'm Mateo Axel Montemayor. Her boy-"
"Kaibigan ko po." Patuloy ni Piper at hilaw na ngumiti.
"Yeah. I'm his FRIEND." Pilit nitong pagsang-ayon emphasizing the last word.
Pumasok kami sa loob at si Mateo na ang nag insist na magtulak ng aking wheelchair. Pinasadahan nya ng tingin ang aming receiving area saka tumingin sa akin.
"Okay lang bang iwanan kita saglit? Magpapalit lang ako ng damit." Paalam ko. Tumingin naman si Mateo sa hagdan namin at muling tumingin sa akin.
"Sure. Ihahatid na kita." Offer nito at muling akong binuhat para ihatid sa aking kwarto.
"Isusunod ko itong wheelchair sa taas hija." Ani Yaya Myrna.
Pareho kaming ngumiti sa matanda saka naglakad si Mateo paakyat ng hagdan. Itinuro ko ang pinto ng aking kwarto at ng makapasok kami sa loob ay marahan niya akong iniupo sa wheelchair.
"Maiwan ko na din muna kayo dahil baka masunog iyong niluluto ko." Nagmamadaling paalam ni Yaya Myrna. Kami na lang ang tao sa kwarto.
"Kaya mo ba? I can help you." Pilyo itong ngumiti sanhi ng pamumula ng mga pisngi ko.
"Kaya ko naman. Doon ka nalang muna sa ibaba." Nahihiya kong sabi at umiwas ng tingin. I heard him chuckled at ginulo pa ang aking buhok.
"Just call me if you need my help." Saad niya bago ito lumabas ng kwarto.
Pinihit ko ang gulong ng wheelchair palapit sa aking closet. Hindi ako sanay kaya sobrang bagal bago ko marating ang patutunguhan ko. I'm wearing white lace stitching loose babydoll dress dahil ito ang madaling isuot sa ngayon. I put lip tint at tinitigan ang aking mukha.
Boyfriend ko na ba talaga si Mateo?
Kinikilig akong ngumiti. Masaya ako. I mean sino ang hindi magiging masaya? Pinapangarap siya ng lahat ng kababaihan pero hindi ko maiwasan na hindi matakot dahil doon. Ang daming agam agam na sa puso ko. I can't afford another heartbreak kaya sana naman ay hindi ako masaktan sa pangalawang pagkakataon. Sana...
I heard voices downstairs. Familiar voices at hindi lang isa kundi madami sila. Agad kong pinihit ang gulong ng wheelchair ko at nagmadaling lumabas ng aking kwarto para silipin kung sino ang mga iyon.
What the-
Sina Liam, Jewel at Khalid ay nandoon at maging ang barkada ni Mateo including Chanel. What are they doing here? How did they know my address?
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Mateo. Masama pa itong pumaling sa mga pinsan niya and they both shrugged. Khalid walked into the house uninvited.
"I could ask you the same thing," Khalid replied.
Bakas sa mukha ni Mateo na hindi niya nagustuhan ang pagparito ni Khalid but how the hell they know?
"Sagutin mo ang tanong ko?!" Ulit niya and he remained firm.
"Nabalitaan ko na naaksidente daw si Piper and I want to apologize for kiss-"
Hinila ni Mateo ang kwelyo ni Khalid at nag-aambang suntukin ito. I can't even breathe watching them. Kung pwede lang akong tumakbo para awatin sila.
"Woah! Chill bro." Awat ni Ed.
Ngayon lang siguro nakita ni Khalid na magalid ng ganoon ang kapatid niya dahil madali itong umatras ng bahagya. They tried to let Mateo calm down.
"You tried to kiss her?" Mahinang tanong ni Liam at hindi ito makapaniwala.
"You did? You sick f-" Segunda naman ni Jewel at hinawakan niya ito sa braso.
Nakawala si Mateo kay Liam at Ed saka tinulak nito si Khalid.
"Ano bang problema mo?! You're not involved here Maxel!" Inis na sabi ni Khalid.
"When it comes to, Piper... I am involved." Giit niya.
Napanganga si Chanel. Lahat sila ay kay Mateo na nakatingin.
"Mateo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Chanel.
Mariin akong tumingin sa mga mata ni Mateo na sana ay makita niya ako. Please don't tell them. Please...
"Bakit? Ano bang relasyon nyo ni Piper?" Seryosong tanong ni Khalid.
Finally. Sumulyap din sa akin si Mateo kaya umiling ako ng paulit ulit na sana ay wag niyang sabihin sa kanila. Their eyes are on me now kaya ngumiti ako sa kanila.
"OMG, Piper. What happen to you? Makakalakad ka pa ba?" Eksaheradang sabi ni Jewel.
Naglakad paakyat ng hagdan si Mateo para ibaba ako. Sumunod naman si Liam para ibaba ang wheelchair ko. Ngayong nasa baba na kami ay mas nailang ako sa kanilang mga titig sa akin.
"Okay lang ba kayo mga bata? Malapit ng matapos ang niluluto namin na hapunan. Hindi ko alam na marami palang kaibigan itong si Piper." Singit ni Yaya Myrna. Lahat sila ay bumati dito.
"Ano pong niluto nyo?" Masiglang tanong ni Liam na nasa likuran ko katabi ni Mateo.
"Crispy pata, sinigang na hipon at kare-kare. Mayroon ding inihaw na tuna, malapit ng matapos."
"Wow! Dito na lang ako maghahapunan." Aniya saka tumawa ang lahat. "okay lang ba, Piper?"
"Of course. Dito na kayo mag hapunan." Sagot ko at tumingin kay Chanel na kulang nalang ay akyatin ko ng hagdan ang isang kilay niya sa sobrang taas.
"Madam." Bati ni Yaya Myrna at nakatingin ito sa pinto kaya nilingon ko na din ito. Si Mommy.
Kunot noo na tiningnan ni Mommy ang mga bisita ko. Well, unexpected visitors at saka takang tumingin sa akin.
"Who are they, Piper?" Tanong ni Mommy.
"My friends." Naiilang kong sagot.
"You have friends?" Aniya saka nagpatuloy sa paglalakad. "Manang, handa na ba ang hapunan?"
"Opo madam. Maghahain nalang po kami. Tamang tama po ang uwi ninyo."
Akala ko ay mamaya pa si Mommy pero napaaga ata ito. May isa pang pumasok sa pinto na ikinagulat ko...
Si Jiro Chen, may bitbit itong bulaklak at prutas. Noong una ay iniisip ko na para iyon kay Macy not until he walk towards me.
"Nabalitaan ko kay Doktora ang nangyari sayo kaya nagpaalam ako sa mommy mo na kung pwede kang dalawin. I was in the meeting with her kaya sumabay na ako." Aniya. "For you." inabot niya sa akin ang bulaklak at iyong basket ng mga prutas ay si Yaya na ang kumuha. "How do you feel?" Dagdag pa niya.
Mateo cleared his throat kaya tumunghay si Jiro sa kanya ganon din si Mommy. Kinakabahan tuloy ako.
"I'm okay, Jiro. Salamat dito. Hindi ka na sana nag-abala." Mahina kong sagot.
"Yeah. She doesn't need it, don't you?" Singit ni Mateo.
Namutawi ang katahimikan sa buong receiving area. There was a tense between Mateo and Jiro, kanina lang ay si Khalid ang tinitingnan nito ng masama.
Nahalata ito ni Mommy kaya niyaya niya ang lahat na magtungo na sa dining area para makapag hapunan. Imbes na si Mateo ang magtutulak ng wheelchair ko ay iniutos ito ni Mommy kay Jiro. Like what the ef? It's getting hotter here. Hindi ako maganda pero ngayong gabi parang ang haba ng buhok ko.