Gusto ni Mateo na ihatid na ako sa dorm ko pero dito na ako sa may convenience store bumaba. Nasa loob lang din naman ito ng campus at malapit na lang ito sa aming dorm kaya pinayagan na niya ako dahil late na din ito sa kanyang training.
Bumili ako ng hangover drink at naglakad na pabalik ng dorm. Napunta ang mga mata ko sa garden ng aming dorm kung saan ako nagtago noon kasama ang mga duwendeng figurines. Hahaha. Mukha akong tanga noon.
"Piper. You live here?"
Gulat akong napalingon at ginawang self-defence ang hawak kong bote.
"Khalid!” Huminga ako ng malalim at pumikit saka tumigin muli kay Khalid. “Muntik na akong atakihin sa puso." Sambit ko.
Ngumisi naman si Khalid at bahagya pang lumapit sa akin. "I didn't realize we were neighbors. Nakita lang kita kanina mula sa bintana ng aking kwarto."
Oh... So dito na din pala nakatira si Khalid. For sure naman ay hindi sila magkasama ni Mateo sa iisang kwarto.
"You should come over sometime," offer niya. "Maybe for dinner. Free ka ba bukas ng gabi?"
Bukas agad?
Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin. Medyo tipsy na kasi ako at ayokong pagsisihan ang kung ano man ang lumabas sa bibig ko kapag nagpatuloy pa ako. It didn't matter how I behaved around Mateo, nakita na naman niya ang mga kabaliwan ko.
Pero si Khalid... Gwapo ni Khalid. Char! Gusto kong maging maayos sa harap niya dahil baka isipin niya ay malakas ang sapak ko.
"Bukas ng gabi?" Ulit ko pa.
"Yes," Aniya at tinabingi pa ang ulo at hinihintay ang iba ko pang sasabihin. "Maybe after your work?"
"Ahh... Oo. Sige." Tumango ako.
"Hang over drink ba yan?" Tanong niya at nakatingin sa hawak kong bote na ginawa kong self-defence kanina.
"Oh, ito? Oo." Hilaw akong ngumiti. "Hindi ako mahilig uminom. Ngayon lang dahil may nagyaya sa aking kaibigan... Yes, right. I have a friends." Paliwanag ko at hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag. Muntik pa akong matapilok sa paglalakad ko papasok ng building namin.
Khalid watched me with an amused expression on his face. Hindi pa sya umaalis, baka nag ienjoy akong panoorin at inaabangan kung paano ako magdagasa anytime.
"Piper?" Tawag niya pa.
"Yes, Khalid?"
"Kasama mo ba si Maxel kanina?"
oh. yes. Tumango lang ako at pumasok na.
----
Kahit puyat ay maaga akong nagising para sa long quiz namin sa biochemistry. Pagkatapos naman ng mga klase ko ay para akong zombie dito sa boutique dahil tumutumba na ako sa antok. Mabuti nalang at wala pa masyadong customer. 8:40 pm ay pinauwi na ako ng may-ari para makapag-pahinga. Saglit akong nakatulog ng may kumatok sa pinto ng kwarto. I thought it was Vivian kaya nakasimangot ko itong pinagbuksan, knowing she have her own key. Bakit kailangan pang kumatok?
Natigilan ako ng makita si Khalid sa labas ng pinto. Nakangiti.
"It's date night tonight." Aniya.
Date night? Kumunot pa lalo ang noo ko.
"Biro lang." Tawa nitong sabi. "For my parents," paliwanag niya. "Not for us, Nasa dorm kasi si Daddy at ang stepmother ko. I invited you last night."
Ahh.. Oo nga pala. Saglit akong nag-ayos ng buhok at nagpalit ng damit saka sumama kay Khalid. Si Khalid pa lang ang unang nag invite sa akin ng dinner dito sa Northville community. Malaki ang kwarto na kinuha ni Khalid at mas malaki ito kay Mateo. Kahit sa kwarto namin ni Vivian ay malaki pa din ito. Para na siyang bahay talaga.
Binati ko sina Mr. at Mrs. Montemayor. Busy ito sa paghahain ng mga niluto niya pagkain.
"Thank you for having me over, Khalid." Bulong ko. "Wala man lang akong dalang kahit ano." I said and pout.
Tinulungan ko si Mrs. Montemayor sa mesa. She's so kind and approachable. May bake sushi sa gitna ng mesa, roasted chicken na napaka bango at garlic rice. May Bbq din at sinigang na hipon. Woah! Mukbang na yarn!
"My half-brother and sister will be here soon," he said at naglabas ng prune juice mula sa ref. "Do you like baked sushi? Ako ang gumawa niyan." Proud pa niyang sabi.
Hindi umalis sa isip ko iyong sinabi niya na papunta na dito sina Mateo. Shuta! Sigurado akong magugulat iyon kapag nakita ako dito mamaya.
"Hija, maupo kana. Ako na ang bahala dito sa ibang pagkain." Malambing na sabi ni Mrs. Montemayor. Sumulyap naman ako kay Mr. Montemayor na nakaupo sa dulong upuan at umiinom ng wine. Ngumiti pa ito sa akin ng mahuli akong nakatingin sa kanya. Kamukha niya si Khalid. As in... At kamukha naman ni Mateo ang ina nito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kinabahan na ako sa pag-aakala na si Mateo iyon pero hindi. Iyong kapatid pala ni Mateo na babae. Si Ate Martha. Humalik agad ito sa kanyang mga magulang at ngumiti kay Khalid. And now her eyes was on me.
"Who is this, Khalid?" Tanong ni Martha at pilit inaalala kung sino nga ba ako. "Parang nakita na kita noon kasama si Mateo." Dagdag pa niya.
"I'm Piper." Pakilala ko.
"Oh, yes. Piper. Iyong dyan nakatira sa katapat na building right?" She laughed.
At that moment, I realized that Mateo's charm was a family thing. They all had it.
"Nasaan na ba si Maxel-"
Tanong ni Mrs. Montemayor ng may narinig kaming malakas na kalabog sa pinto.
"You're late." Saad ni Khalid kay Mateo.
"Give me 5 minutes! Maliligo lang ako." Nakasimangot niyang sabi. Hindi man lang niya ako nakita dahil dumaretso na ito sa kwarto ni Khalid para siguro maligo. As usual, bitbit niya ang gym bag niya.
"Let's get started. Huwag na natin hintayin si Maxel." Ani Ate Martha.
Nilagyan niya ng prune juice ang kanyang baso at naupo na.
"Dito kana maupo." Turo ni Ate Martha sa upuan na katabi ni Khalid. "Dito nalang kami ni Maxel." Dagdag pa niya.
Hindi naman matagal ang paghihintay namin kay Mateo ng lumabas ito ng kwarto ni Khalid. Ang hot niya in his messy hair kahit basa ito.
Naglakad ito sa mesa at ngumiti sa kanyang ina hanggang mapunta ang mata niya sa akin. Gaya ng inaasahan ko ay nagulat siyang makita ako. "Piper?"
"I invited her," Saad ni Khalid, "Apparently, you haven't gotten around to doing that yet."
"No." Malamig na sagot ni Mateo. "I haven't"
"Well, parang gusto ko pang mas makilala ang bisita natin." Singit ni Ate Martha.
May tensyon na nagaganap sa pagitan ni Mateo at Khalid, mabuti nalang at may nag doorbell.
"Ako na" volunteer ni Khalid at umalis na ito. He was keen to escape Mateo's glare.
Imbes na sa tabi ni Ate Marthe umupo si Mateo ay umupo ito sa dating inuupuan ni Khalid.
Nag-umpisa na kaming maghapunan. Panalo ang mga luto ni Mrs. Montemayor at hindi naman papatalo ang baked sushi ni Khalid. Pagkatapos kumain ay nasa balcony kami at doon muna tumambay habang naghahanda na umuwi ang mga magulang nila.
"So, since when do you hang out with my brothers?" Tanong ni Ate Martha. Hilaw akong ngumiti.
Tumunog ang cellphone ni Ate Martha kaya hindi na ako nakasagot. Mabuti na din iyon. Makaraan ang ilang minuto at nagpaalam na din ako sa mga magulang nila at kay Ate Martha.
"Thanks for coming, Piper." Ani Khalid.
Mateo cleared his throat from behind. Tumingin kami sa kanya at casual itong nakasandal sa hamba ng pinto. He crossed his arms.
"Ihahatid ko lang si Piper." Paalam nito sa lahat.
"No." Mateo said in an intimidating voice. "Leave her with me."
"Ako na. Ako naman ang nag imbita sa kanya."
"Dinner is over, Khalid." Giit ni Mateo.
"It's okay." Singit ko saka hinawakan ang braso ni Khalid.
"May gusto ko bang sabihin Piper?" Tanong ni Mateo.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Gusto kong sabihin na ang gwapo nya pero alam na niya iyon. So… What’s with that question? Wala akong maisip na dapat bang sabihin sa kanya.
"Wala. Hindi ba ikaw itong sumingit sa amin ni Khalid, Baka ikaw ang may gustong sabihin?" Balik kong tanong sa kanya.
"Subukan mong sumunod." Banta niya kay Khalid. Lumapit sa akin si Mateo at hinila ako palabas ng kwarto. Binitawan lang niya ako ng nasa kalagitnaan na kami ng hallway. Mabuti nalang at walang tao dito.
"Anong ginagawa mo kasama si Khalid? He crossed a line when he asked you out and now you're here for dinner." Malaming nitong wika. I can't even blink.
"Nagseselos ka ba?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "O dahil ayaw mong makasabay kong kumain ang pamilya mo?"
Huminga ako ng malalim. Shuta!
"Oo. Nagseselos ako! Kung pwede ko lang sapakin si Khalid kanina ay nagawa ko na!" Bulyaw niya sa akin.
OMG! Nagseselos si Mateo? OMG! No way! Nananaginip ba ako.
"Mateo." Isang malambing na boses ang pumutol sa katahimikan.
Si Beatrice, iyong anak ni Coach Alonzo. Naglalakad ito palapit kay Mateo. 11PM na, bakit nandito pa siya? Kumaway pa ito kay Mateo. I saw him sighed, ako naman itong masama na ang itiningin sa kanya. After confessing that he is jealous and all ay nakukuha pa niyang makipagkita sa ibang babae. Nice. Playboy nga diba?
So hindi na ako dapat maguilty na pumayag ako sa alok ni Khalid na dinner kasama ang pamilya nya kaysa naman ito sa babaeng ito na makikipagkita kay Mateo ng dis-oras ng gabi. I scoffed.
Mabuti nalang talaga at hindi ko masyadong siniseryoso ang pinapakita sa akin ni Mateo. He is showing his true color now.
"You are so impossible." Saad ko. "Pretending to be so protective. Khalid didn't cross any lines, Mateo."
Tumigil ako at huminga ng malalim. I need to calm down. Mateo toyed with my emotions. Sumulyap ako kay Beatrice na malapit na sa amin, so I lowered my voice.
"I can't believe I started to fall for you." Pag-amin ko.
Naglakad na ako palabas ng Dorm. Nakasalubong ko pa si Beatrice na saglit lang akong sinulyapan. Tumakbo ako hanggang makarating ako sa aking kwarto. Tulog na si Vivian. Naiiyak akong umupo sa kama. Hindi man lang ako nagawang habulin ni Mateo. He even greeted Beatrice and invited her inside.
Sakit!
----
The next morning, I went to my morning routine... sa Coffee Grind. Si Mark na naman ang barista ngayon dito. Dumuduty yata siya sa dalawang branch na malapit sa school at sa hospital. Hindi na naman niya matandaan ang pangalan at kung sino ako.
"Name." tanong niya na parang robot.
"Mark, hindi ba sabi-"
"Mark, wow. pareho tayo ng pangalan." Aniya ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin at sinulat ang mark sa baso ko.
Nakaka-inis na umpisa ng umaga ko pero ng matikman ko ang kape ay medyo nag brighten up ang mood ko. Paubos na ang kape ko bago pa man ako makarating sa aming room. Dumaan muna ako sa CR. Nakita ko doon si Chanel na nag memakeup kasama si Isabel ng WIN girls. She was holding a palette of eyeshadows.
"Piper, ikaw ba yan?" Tanong ni Wendy na ngayon ay nasa likuran ko.
"Nakita mo na ba iyong picture mo?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano naman kayang picture iyon? I mean, ano na naman?
"Anong picture?"
"Iyong pinost ni Chanel Ramirez sa kanyang i********:. You're in it." Wika nito. Napatingin ako kay Chanel na hindi alam na nandito ako sa CR. "Wala bang nakapagsabi sayo?" Dagdag pa niya.
Gusto kong huwag matawa. Tapos nag mag retouched sina Chanel at lumampas ito sa akin na para akong isang hangin. Well, ano bang aasahan ko. Hindi naman kami friends para mag kamustahan.
"Anong pinost ni Chanel?"
"Hindi mo pa talaga nakita?" Taka niyang sabi saka binuksan ang cellphone niya at nagpunta sa account ni Chanel at pinakita ito sa akin. "Ikaw yan diba?"
Tumingin ako sa picture.
It was a photo of Chanel in her bikini at Ed's pool party. She was posing and in the background was me. Drinking margarita with Liam.
Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay kung ano na naman.
"Hindi ka naka tagged pero sure ako na ikaw yan." Patuloy ni Wendy at zinoom pa niya ito. "I can't believe you are hanging out with them."
Ngumiti nalang ako kay Wendy at umihi na. Kanina pa din naman ako nagpipigil. Nang makalabas ako ay nandoon pa siya at nagmemakeup. Ngumiti ako sa kanya bago ako lumabas.
"Piper." Tawag sa akin ng baritonong boses.
I turned to see Khalid, papalapit sa akin. "Khalid." Nakangiti kong bati sa kanya.
I like Khalid. I mean, I like him as a friend dahil wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba kahit na makipagkaibigan pa siya sa akin. Nasa tabi ko na ngayon si Wendy at at curious sa batian namin ni Khalid.
"Nakapili ka naba ng librong gagamitin para sa English Literature? Mine is Lucky Jim Novel by Kingsley Amis. My isa pa akong binili dito, do you want?" He offered extending the book he was referring. Tumingin ako dito at ngumiti.
"Wow! Thank you." Kinikilig kong sagot at tinanggap ito. "Actually, wala pa akong librong nabibili eh,"
"Check it." Utos niya so I did. A smell of new book is heaven for me. Ang weird, ako lang ba?
May nalaglag na kung ano mula sa libro ng buklatin ko ito at sinubukan kong saluhin iyon pero maagap na nagawa iyon ni Wendy.
"Ticket?" Curious niyang tanong. Inabot niya ito sa akin habang hindi inaalis ang mata sa ticket.
"Baka." Sagot ko.
It says: le miserables Live performance and stage concert ticket
"It's a free ticket from these books I purchased. I thought you might like it as well. Gusto mo bang pumunta?" Tanong niya.
"With you?"
Stup*d question. With him, alangan naman with Mateo? Why am I even mentioning that jerk?
Ngumiti ito sa akin. "Yes. With me." Marahan niyang sagot.
Wendy beside me dumbfounded. Hindi makapaniwala sa narinig. Awkward akong tumingin kay Wendy at kinurot ako ng hindi naman kalakasan. Sapat lang para matauhan ako na hindi ito panaginip.
"Yes, like a date." Patuloy ni Khalid. Nahalata na yata ang kakaiba kong reaksyon.
May mga nakarinig pa ng sinabing iyon ni Khalid. Iyong mga babaeng lumalampas sa amin at hindi rin makapaniwala sa narinig. Ang iba ay sadyang pinapanood na talaga kami kanina pa. No one had seen Khalid ask a girl out yet simula ng mag transfer siya dito. He was the hot new boy. Ang misteryosong half-brother ni Mateo Axel. So bakit ako?
"Magandang topic iyong le miserables sa susunod na semester kaya naman mas maganda kung mapapanood natin ito ng live kaysa basahin natin sa libro."
Hinayaan niya akong maiprocess sa utak ko ang kaganapan. Masyado na kaming agaw atensyon. Khalid and I are in good terms pero there is no way na maging interesado siyang maka-date ako. Shuta!
Hindi ko maiwasan na isipin si Mateo. I've been through a lot with Mateo and I like him. Aminin ko man o sa hindi... Gusto ko na talaga si Mateo.
Sana si Mateo na lang itong nagyayaya sa akin ng date ngayon.
But still... G@go pa din si Mateo. Paano kung sabihin ni Mateo na gusto niya ako, kakayanin ko ba? I mean... Kakayanin ko bang sagupain ang mga babaeng umaaligid sa kanya? Haha.
Impossible na magustuhan ako ni Mateo. I'm not his type.
Tsaka, imagine Beatrice showing up to their place at midnight... Ha! Naalala ko iyong hayop kong ex, he used to lie and say 'Magkaibigan lang kami' Like duuh? Magkaibigan pero magkasama magdamag?
I trust Mateo way more than my ex... pero iyong totoo, hindi talaga maganda na may babaeng pupunta sa place mo ng ganoong oras, unless you have something... Alam mo na. If Mateo really likes me, he should care about my feelings lalo pa at inamin ko na din naman sa kanya ang nararamdaman ko. Kung gusto talaga niya ako hindi sana niya ako hinayaan na umalis ng ganun na lang at nag imbita pa ng babae sa kanila.
Tinapik ako ni Wendy para sumagot.
"Sure ka ba dito Khalid?" Tanong.
He sighed and remained patient with my question. Minsan kasi talaga kaaway ko ang sarili ko. Wala kasi akong confidence sa sarili ko na minsan kailangan ko pang ulit-ulitin para matauhan ako. Maybe I was standing in the way of my own happiness.
"Oh sige. free naman ako ng araw na yan." Agad kong sabi.
Kaysa ano pang tumakbo sa isip ko at isipin ang mga bagay bagay na hindi pa naman nangyayari ay susunod nalang ako sa agos ng buhay. Tama. Just go with the flow. Hindi naman ibig sabihin na sumama akong makipag date kay Khalid sa theater ay kami na agad. Haha. He's just being polite and kind. Hindi na masama iyon, diba?
"Sweet." Nakangiti niyang sabi at lumawak pa ang ngiti nito. "I'll pick you up. Thank you Piper." Aniya at base sa boses niya ay parang hindi ito makapaniwala na pumayag ako sa alok niya. "I'm glad you said yes."
"Ahmm, Khalid." Singit ni Wendy sa amin. "Ang sweet nyo no? Pero kasi nakaharang kayo sa ladies room. Baka gusto ninyong tumabi ng very light, like 1 meter, ganon?"
"Oh. Sorry." Nahihiyang sabi ni Khalid at nag sorry din ito sa mga naabalang babae na gusto ng pumasok sa loob.
Nagpaalam na sa akin si Khalid at ng makalayo siya ay hinawakan ako ni Wendy sa braso at hinila palayo sa kung saan walang tao. Hindi kami close ni Wendy. Ilang beses lang kami nagkausap at puro pa pang-aasar ang ginawa nila sa akin pero she's acting like a kinikilig na kaibigan ng hilahin niya ako dito sa gilid ng hallway.
"He just asked you out. OMG. It's Khalid girl. The new hot boy." Mangha niyang sabi. "Now you need to get your act together and destroy those insecurities, girl. He asked you out. It means, gusto ka nya. When you go out that date, you show him what he's been missing." sunod sunod niyang sabi.
Hindi ko alam ang sasabihin kay Wendy. Gusto kong matawa. Napansin nya pa talaga iyong mga inakto ko kanina noong yayain ako ni Khalid ng date.
She comforted me, "Alam kong wala ka pang experience na makipag date sa mga hot boys, so I will help you my dear. Khalid is lucky to get a chance with you. Not the other way around. Isipin mo yon."
Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Finally may nakapag sabi din sa akin na maswerte ang isang lalaki dahil sa akin. Awwe!
"Thank you, Wendy. Hindi ko inaasahan na sasabihin mo iyan sa akin."
"Ano ka ba. Girls support girls. We need to have each other's backs." Inayos niya ang kulot niyang buhok at ngumiti. "Sige na, actually kanina pa akong naiihi. Bye, Piper." she waved goodbye.
Naglakad na ako papunta sa aking klase. Binabati ako ng mga nakasalubong ko at napakasarap sa pakiramdam na inaacknowledge nila ako. They know my existence now. Nakakakilig dahil never ko pa itong naranasan sa buong buhay ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi maiwasan ang mapangiti hanggang sa...
"Mateo just found out. Nakarating sa kanya ang date ninyo ng kanyang kapatid and he's pissed."
Shuta!