Suot ko ang regalo ni Jewel ng dumuty ako dito sa boutique de vera. Sakto ito sa akin at nagustuhan ko ang itim na tshirt dahil bigsize ito. Maluwag at komportable. Maikli naman ang maong short na kapartner nito pero hindi gaanong kaikli na katulad ng mga sinusuot nina Jackie at Tricia na halos makita na ang mga pwet nila. Nabanggit ko na ba na may kasamang puting stan smith na sapatos ang regalo ni Jewel? Oo may kasama.
Nagpaalam na ako sa may ari ng tindahan para umuwi na. Nakayuko akong naglalakad para sana itext si Mateo na magkita na lang kami Coffee Grind ng may mabangga ang ulo ko na matigas na bagay. Naamoy ko kaagad ang mabangong pabango ni Mateo at tumunghay sa kanya.
"Mateo." Gulat kong reaksyon. "I'm about to text you. Kanina ka pa?"
"5 minutes." Sagot niya at tinitigan ang suot ko.
"Bakit ka naka short?" Usisa niya at magka salubong ang mga kilay nito. Ngumiwi naman ako.
"Hindi ba bagay? Regalo sa akin ni Jewel, ang sabi niya ay suotin ko daw ngayon." Paliwanag ko.
"Sobrang iksi. Bakit hindi ka na lang nag pants?"
"Hindi naman gaano kaiksi. Tsaka hindi ba pool party iyong kay Ed kaya okay na din-"
"Whatever, Piper. Let's go." Putol niya sa sasabihin ko at hinila ako kung saan nakaparada ang kotse nya. Hindi pickup ang dala niya ngayon kundi sedan na kulay itim pa din.
Namangha ako sa ganda ng bahay nina Ed. Mansion ito at may fountain pa sa gitna ng driveway. May mga imported na cactus pa ang nakatanim sa napakagandang landscape sa harapan ng kanilang puting mansion. Ganito ang mga karaniwang design ng mga hotel na tinitigilan namin kapag nagbabakasyon kami ni mommy sa beaches.
May mga LV trolley ang nakabalandra sa labas at mukhang paalis ang mga magulang ni Ed. Nakatingin ako sa mga iyon ng hawakan ni Mateo ang braso ko para pumasok kami sa loob bumukas ang malaking glass door at namangha pa dahil mas maganda ang loob nito. High ceiling at mga luxurious furniture ang sumalubong sa amin.
May malawak na blue pool sa likod bahay. May malaking inflated flamingo sa gitna ng pool at nakaupo ang mga babae niyang bisita doon wearing their fancy bikinis. Ang iba naman ay nasa lanai at may kanya kanyang tumpukan habang umiindak sa tugtugin.
"Nakabalik na pala si Mateo." Ani Aaron at may suot itong strawhat bitbit ang bote ng beer. "Akala namin ay hindi kana babalik."
Ngumiti sila sa isa't-isa at nag bro-hug pa. Nasa tabi naman niya si Chanel at ang sexy sa itim nitong 2 piece. Nahiya ang dibdib ko sa lusog ng kanyang hinaharap.
"Si Piper nga pala." Pakilala sa akin ni Mateo at umagaw ito ng atensyon. I was in front of him now at naiilang sa mga tingin nila sa akin.
This was the same group I had accidentally bumped into on the campus on my first day.
"Piper, Halika dito. Inom tayo." Tawag sa akin ni Liam, raising a 2 bottle of beers.
"Hi," Bati ko naman at kumaway din.
Kinakabahan ako kanina dahil sa mga mapanghusga nilang titig pero medyo nabawasan ito ng makita ko si Liam. Atleast dalawa na silang kilala ko sa party na ito. Wala namang imik si Chanel sa harapan ko. Taas, baba lang ang tingin nito sa akin ng paulit ulit like her eyes were locked on repeat.
Lumapit sa akin si Ed at ngumiti. "Enjoy my party, piper. May extrang swimsuit sa taas. Gusto mo bang magpalit?"
"Hindi na kailangan. I'm not beach body ready." Biro ko. Tumawa naman si Ed at Aaron habang si Mateo na nasa likuran ko pa rin ay kumportable ng umakbay sa akin.
Shuta!
Sinusubukan kong huwag pansinin ang kung ano mang humahalukay sa tiyan ko pero mukhang sumasayaw ata sila kasabay ng tugtugin. Bumaba ang kamay ni Mateo sa likod ko at gumapang ito sa aking likod hanggang tumigil ito sa aking baywang. His touch was soft and his movements were smooth. Gusto ko ng pumikit dahil sa kakaibang nararamdaman ko... pero pinigilan ko ito dahil ang pangit naman tingnan kung gagawin ko iyon sa harap ng mga kaibigan niya. Magmumukha akong sinasapian ng kwarentang demonyo.
Alam ni Mateo na hindi ako sanay sa ganitong party kaya masaya akong nagiging supportive siya sa tabi ko.
"Okay. So sino ang nag invite sa nerd na ito?" Hindi matiis na tanong ni Chanel. "I'm sure wala syang kaibigan dito? Like a real friend. You know what I mean?" Dagdag pa niya.
"I invited her." Agad na sagot ni Mateo. "If you want me to stick around Chanel, behave."
I admire him for saving me.
"We have rules Mat-"
"Do I look like I care?" Putol ni Mateo kay Chanel.
Nanliit ang mga mata ni Chanel at napanganga sa pambabara sa kanya ni Mateo. There was a very awkward silence that ensued. Sa tingin ko ay hindi papatinag si Mateo sa kahit sino dito ngayon habang si Chanel naman ay papaiyak na. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi dahil ayoko na pagsimulan ng alitan nina Mateo at ang mga kaibigan niya.
"I'm her friend." Sigaw ni Liam habang masigla itong naglalakad palapit sa amin. He give me a one arm hug and dispel the tension, "Masayang kasama si Piper. She does random sh*t and calls people out of their own. It's refreshing. Margarita?" Aniya at inalok ako ng alak na hawak niya.
"She doesn't look funny to me," Wika ni Chanel at pinagdikit ang mga labi ng maalala ang warning kanina ni Mateo. "I mean, nice to meet you, Piper."
Mahirap bang makipagkaibigan nalang Chanel?
Mula ng makilala ko siya ay laging naka b***h mode ito sa akin.
"By the way, I'm Edelberto Johnson the fifth," Pormal na pakilala sa akin ni Ed at inabot ang kanyang kamay. "But, just call me Ed. Masyadong nakakatanda kung Edelberto."
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti, "Hi Ed, I'm Piper. peter piper picked a peck of pickled paper." Biro ko.
Shuta! Bakit ko ba iyon sinabi? Natawa naman sila. Ngumiti na lang din ako. Iyon bang ngiting aso dahil sa joke ko na pilit kong ibinenta.
"Okay. Enough with these corny intros," Awat ni Chanel. "Tara na sa pool guys."
"Tara. Picture tayo. Gusto mo boomerang shot sa swan?" Wika ni Aaron.
"Duh! It's flamingo Aaron." Maarte nitong sabi saka naglakad palayo.
"How about you Piper? Hindi ka talaga magpapalit ng bikini? Manonood ka nalang ba dyan?"
Naupo ako sa tabi ni Liam hawak ang margarita na inabot niya kanina. "Dito nalang ako. Thanks sa offer."
Nakita ko si Chanel na nagtitipa sa kanyang cellphone at pagkatapos noon ay sabay sabay naman na nagvibrate ang mga phone nitong mga lalaking kasama ko. Nagtatawanan pa sina Ed at Aaron saka nagbubulungan. Pumaling naman ako kay Liam... I mean sa cellphone niya.
Hindi ko nabasa lahat pero mukhang ako ang pinag-uusapan nila. I saw my name there. Not really my name, pero may nabasa akong nerd… So it was me?
Tumabi sa akin si Mateo at sumenyas kay Chanel at maging sa mga babaeng kasama nito na tumigil na.
Naging busy si Liam sa pagtitimpla ng mga alak. May talent din pala siyang ganoon bukod sa pagiging surfer. Sunod sunod naman ang pag inom nina Ed at Aaron maging si Jimmy ay umiinom na din kasama nila. Ngayon ko lang sya napansin dito dahil kakaahon lang siguro nito sa pool. Masaya ko silang pinapanood. So... ganito pala ang party people. drinking, uploading pictures on their social media accounts. Enjoying their life habang bata pa at kaya pa nila. Ibang iba sa nakasanayan kong mundo.
"G@go. Sa kanya pa talaga nanggaling yon?" Tawang saad ni Ed. Doon nalang ulit ako nakinig sa kwentuhan nila.
"Bawasan mo pambabae mo. Baka sa hospital ang bagsak mo." Tawang sabi ni Aaron kay Liam. Nagtawanan ang mga ito. Maging si Mateo na nasa tabi ko ay tumawa.
"F*ck you! Kukunin kong doctor si Piper kung humantong man doon." sakay nito sa biro ni Aaron. Natatawa akong umiling.
"Stay hydrated, Piper." Ani Liam at binigyan na naman ako ng panibagong margarita. Sumenyas naman si Mateo sa pinsan na tama na pero tinanggap ko pa din. She made this for me kaya nakakahiyang tanggihan at isa pa. Masarap sya. I like it.
---
Naka tatlong margarita lang naman ako pero feeling ko ay lasing na yata ako. Pabagsak akong naupo sa loob ng sasakyan ni Mateo. Nakita ko ang cellphone niya sa dashboard, dinampot ko ito at binuksan para iconnect ang bluetooth sa stereo. Naks walang password. Nasa labas pa naman si Mateo at nagpapaalam kayna Ed. Nang makapasok ito ay nilaksan pa nito lalo ang volume ng music.
"I like this song." Wika niya pa, saka pinalakasan ang volume at halos magvibrate na itong inuupuan ko. I convered my ears with my hand.
Walang pakialam ni Mateo na hawak ko ang cellphone niya at binuksan ko ito kanina. Nasa kanta lang ang buhok atensyon niya. Nakapatong na ngayon sa hita ko ang kanyang cellphone at nakita ko na sunod sunod ang mga chat dito. Agad ko itong nilocked para hindi ko mabasa ang mga nag pop up na chat. Ayokong mag ala-marites ngayon.
"Ang ganda ng bahay nina Ed no?" I said ng matapos ang kanta. Tumango lang si Mateo at muli naming nadaanan iyong fountain sa gitna ng driveway.
Marahan na dinampot ni Mateo ang kanyang cellphone sa aking hita at aksidenteng nagkahawak ang aming kamay dahil balak ko din itong damputin. He swerved, almost hitting the fountain.
Marahil dala ito ng nainom niyang alak pero hindi ko maiwasan na mag flashback sa utak ko iyong paghalik sa akin ni Mateo. His hazel brown eyes and his soft pinkish lips. Ugh!
"Why do you ask about Ed?" Aniya at nahuli pa akong nakatitig sa kanya.
"Ah, wala naman. Ang daming mas magandang engineering school naman na kayang pasukan ni Ed."
"He got kicked out in South 2 years ago. Dito lang siya tumagal." Sagot niya at iniba agad ang topic, "Ibaba na kita sa dorm bago ako pumunta sa training. Nag enjoy ka ba?" he asked and sumeryoso ang tono ng boses nito.
It was genuine. No jokes, no smirkes.
"Oo naman." Sagot ko at totoo naman iyon. "Bakit mo nga pala ako inivite?"
"Gusto kong makilala mo pa ang iba kong kaibigan." Aniya. "I want you to be a part of my life, Piper. I'm not a bad guy."
Hala syaa! Kung may katabi ako ngayon ay baka nahampas ko na sa kilig.
"Hindi ko naman sinabi na masa-"
"I know. Gusto ko lang patunayan iyon sayo."
Nanlaki ang mga mata ko, nakita niya ito kaya tumawa ito.
"Mahirap bang paniwalaan ang sinabi ko?" tanong nya.
Tumango ako. "Bilang kaibigan ay naniniwala naman ako sayo... But you might be talking about something more."
Shuta! Lasing ba ako? Shuta!!!
Sa wakas naitanong ko na. Well, hindi naman talaga sya tanong pero doon na din naman ang pupuntahan nitong usapan namin.
He looked down with a small smirk on his lips. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa gwapo niyang mukha.
Marahan niya pang pinisil ang mga kamay ko, in a soft and caring way. Palagi kong iniisip noon na may matigas na puso si Mateo. He don't like commitment kaya ginawa niyang libangan ang pakikipagrelasyon sa mga babaeng natitipuhan niya. He used to ignore me and now, I can't imagine a more loyal man.
"Tinatanong mo ba kung nililigawan kita?" bulong niya in a hot deep voice. Shuta!
Nagwawala na naman ang aking puso. Hindi ko na yata kakailanganin ng cardio exercise kapag kasama ko si Mateo. But let’s be real… Hindi naman ako nag eexercise. Haha.
"Kasi ano..." Nauutal ako at hindi masundan ang gusto kong sabihin.
I was so nervous. Hindi ko akalain na hahatong kami sa ganitong conversation ni Mateo Axel. Bakit naman niya liligawan ang isang katulad ko? I'm just nobody...
"Hindi kasi ako mahilig makipaglaro sa feelings ng iba. Naguguluhan ako," Pag-amin ko, "Hindi naman sa assuming ako, alam kong madami pang babae na mas maganda pa sa akin or mas sexy. Iyong tipo mong babae... pero kasi, nanliligaw ka nga ba?"
Matagal bago nakasagot si Mateo. Akala ko nga ay hindi na talaga ito sasagot. Pinag-iisipan ko na nga kanina kung paano ko huhukayin ang sarili kong libigan dahil sa sobrang kahihiyan sa mga pinagsasabi ko kanina.
"I'm not courting you," he said. "Can I?"
Hindi na ako nakasagot. Natulala na lang ulit ako sa gwapo niyang mukha.