"May order na po ba kayo bukod sa tubig?" Tanong ng waiter at nakatitig ito sa amin.
Simula ng dumating ako dito ay naka tatlong salin na ng tubig ang waiter sa aking baso.
Kung sino pa itong hindi ko inaasahan na dumating ay siya pa mismo ang nag-iisang sumipot sa supposed to be birthday celebration ko. Umupo si Mateo sa katapat kong upuan.
"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko sa kanya since kanina pa din naman nag-aabang ang waiter sa order ko.
Nakatitig sa akin si Mateo. Iyong titig na para bang ang ganda ganda ko sa paningin niya. Iyong titig na kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ko. Titig na binabasa kung ano ang nasa isip ko.
Umiling si Mateo. "Let's go to our spot?"
We have a spot?
Nag-abot si Mateo ng cash sa waiter at tumayo ito kaya tumayo na din ako.
"Saan tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong habang sinasabayan ko syang maglakad.
"You'll see."
Binuhat ni Mateo ang bike ko na nakapark sa gilid ng restaurant at isinakay nya ito sa likod ng kanyang pickup.
"Mas bagay sa iyo ang kotse o ang mas disenteng bike kaysa dito." Aniya ng maisakay ng maayos ang bike ko. "Pambatang bike yata ito." Kumento niya.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Sumakay na kami sa loob at kinabit ang aking seatbelt. Hindi ko na ikinahihiya ang bike ko ngayon. Wala ng mas nakakahiya pa sa sitwasyon ko kanina.
Hindi na muling nagsalita si Mateo hanggang makarating kami sa sinabi niyang spot daw namin. Siguro ay wala din siyang masabi sa sinapit ko ngayong gabi.
"This is a lot of pressure," Sa wakas ay nagsalita na ito.
"Ang ano?"
"Kung paano natin ise-celebrate ang iyong birthday. I want this to be special."
Pumaling ako sa kanya at sakto naman na umaatras na ito para mag-park. The engine shut off at naging tahimik ang paligid.
"Hindi mo naman kailangan-"
"Gusto ko." Putol niya sa sasabihin ko at ngumiti pa ito. "I like it as much as I like you, Piper."
Kinakapos ako ng hininga. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko na yata nagawang kumurap.
Anong ibig niyang sabihin? He like me? Like what?
Shuta! Kalma Piper. Like lang ang sinabi at maraming ibig sabihin iyon.
"You like me?" Ulit ko.
Tumitig ito sa akin. "I do." walang alinlangan niyang sagot.
Hilaw akong ngumiti sa kanya at hindi alam kung ano ang dapat isagot o maging reaksyon. Ano nga ba? Bumaba na ako sa kanyang sasakyan, avoiding his gazed. I can't... Marupok ako! Huwag po!
Nilibot ko ng tingin ang paligid. Nasa gitna kami ng bukid at may malaki at lumang building sa harap namin. Isa itong vintage restaurant.
"What is this place?" Tanong ko.
"Dito kami madalas magtungo noong maliliit pa kami, before dad married his job and mom stopped leaving the house." Casual niyang saad.
Sa tingin ko ay espesyal kay Mateo ang lugar na ito pero hindi maitatago ang kalungkutan na sumilay sa gwapo niyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko guiding me inside the restaurant.
Bakit ang sarap sa pakiramdam ng hawakan ni Mateo ang kamay ko?
Ang mga pagkain dito ay all home-made at organic na galing mismo sa farm. Maganda ang ambiance, cozy and cheerful. Hindi gaanong marami ang tables sa loob pero puno ito ng mga pamilyang kumakain.
Mateo asked for table na malapit sa bintana.
"Pwede bang wag mo na lang ipaalam sa kanila na birthday ko?" Request ko kay Mateo.
"Your secret is safe with me, babe." Sagot niya at kumindat pa.
Shuta! Babe daw?
Nagwawala na ang buong pagkatao ko. Mababaliw ako sayo Mateo. Tumigil kana! Hindi ko pinansin iyon at kunwaring hindi narinig.
Naupo na kami sa binigay sa aming pwesto at gaya ng request ni Mateo ay sa tabing bintana ito. Ngayon alam ko na kung bakit ito ang pinili niyang pwesto. Tanaw kasi mula dito ang mga puno na may mga ilaw na nakapaikot sa sanga at mga nag gagandahang kulay pula at pink na bulaklak.
Hindi ko magawang tumingin kay Mateo dahil kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa bintana.
This really was a farmhouse.
"I know those pink invitations were not from you," he said.
"You rejected it anyway," Paalala ko sa kanya.
"Dahil hindi iyon galing sayo." Aniya at at ngumisi.
"Piper, right?" Tanong ng isang babae na may maikling buhok at sa tingin ko ay junior college na ito.
"Yes." Sagot ko. Ngumiti siya sa akin at kasunod noon ay may lumapit na mag-asawa na sa tingin ko ay magulang niya. "Ako yung babaeng iniligtas mo noon sa pool. After that incident ay inilipat na ako ni mommy ng school. Hindi ko na nagawang makapagpasalamat sa pagligtas mo sa buhay ko." Aniya.
Lumawak ang ngiti ko. Kaya pala wala na akong balita sa kanya. Aminado naman ako na hindi ko tanda ang mukha ng babaeng iniligtas ko but I am still grateful that we meet again. Ngumiti sa akin ang mga magulang ng dalaga.
"Pasensya na sa inyo kung nakakaistorbo kami, gusto lang namin na personal na makapagpasalamat sa pagligtas mo sa aking anak. Noon pa sana namin balak gawin ito pero nagkaproblema lang kami sa kumpanya kaya naman noong sabihin ng anak ko na ikaw nga daw iyong lumigtas sa kanya ay nag insist akong lapitan ka." Ani ng ina ng dalaga. "Maraming maraming salamat, hija. Utang namin sa iyo ang buhay ng anak ko. Hindi namin alam kung paano ito masusuklian." Dugtong niya.
"Thank you, Piper. Makakabawi din ako sayo. Pangako."
"Hija, nag-iisa namin siyang anak kaya maraming salamat talaga." Wika naman ng kaniyang ama.
Walang paglagyan ang saya ko. I want to cry.
"Wala po iyon." Tangi ko nalang nasabi.
"By the way, I'm Aica Salvez. Nice seeing you again, Piper."
His mother thanked us again bago sila mag-paalam. Pagkatapos naman noon ay lumapit sa amin ang waiter at binigyan kami ng menu booklet kasunod noon ang free appetizer nilang na Crostini.
"I'm proud of you." Aniya habang nakatitig sa akin.
"How? I almost died too at kung hindi dahil sayo ay baka nabubulok na ako sa lupa."
Sumimangot si Mateo sa sinabi ko at tila ba hindi niya ito nagustuhan. Dinampot niya ang Crostini at sinubo ito sa kanyang bibig.
"You have a good heart, Piper. That's what I am trying to say... At iyon na ang huling beses na malagay sa alanganin ang buhay mo."
"Why are you saying this? Kanina ka pa." Duda kong saad. What is he up to?
"I already told you." Aniya at sa menu na nakatuon ang atensyon.
"Told you what?"
"That I like you."
"Mateo-"
"Kumain muna tayo. May gusto ka na bang orderin?" he asked still staring down at the menu.
I sighed. Tumingin na din ako sa menu. My eyes landed on the beverages. One in particular.
Viper smoothie.
"Mateo," Tawag ko sa kanya. Bumibilis pa lalo ang t***k ng puso ko. "Ang sabi mo ay malimit kayo dito noong bata ka? Matagal na ba itong nasa menu?" Turo ko sa viper smoothie.
Was it a coincidence?
Ngumiti ito sa akin. "Viper smoothie. That's always been my favorite here. Hindi ako mahilig sa matamis, but I always craved for it. You see Viper, this was our place before you ever knew it was." Paliwanag niya.
"Ang akala ko ay dahil hindi mo lang matandaan ang pangalan ko." Mahina kong wika. "Did you connect me to this memory?" Naiiyak kong tanong.
"It means something to me. At alam kong ikaw din." Sagot niya.
Hindi ko na nagawang magsalita ulit. I was speechless and breathless with these love bugs again. No, I am not singing. That was what I literally felt.
We shared a hearty dinner together at tinapos ito sa masarap na Viper smoothie. A mix of berries flavor. Hindi nga nagbibiro si Mateo. Masarap nga ito at hindi nakakaumay. I can't believe Mateo's favorite would have something healthy.
Kami iyong pinakahuling customer na natapos kumain. Lumapit sa amin iyong waiter ng magsabi si Mateo na magbabayad na siya.
"Hindi na po kailangan, sir. Binayaran na po ng mga Salvez ang dinner ninyo." Aniya tukoy sa babaeng tinulungan ko noon. "Sabi ni Mrs. Salve ay sinagip nyo daw ang buhay ng anak niya." He added.
Hindi ko inaasahan iyon. It touched me in a way I never anticipated. Maaring hindi ako napapansin ng karamihan pero masaya akong may buhay akong nailigtas. It's worth it.
Nagpaalam sa akin si Mateo na mauuna itong lumabas. Nagtungo din kasi muna ako sa CR. Nang lumabas ako ay nakita ko na nakasandal si Mateo sa likod ng kanyang pickup at hinihintay ako. Agad naman siyang tumayo ng maayos ng makita ako. May kung anong kinuha ito sa likod ng kanyang pickup at sinindihan. Malapit na ako sa kanya and I saw him carried a small cake. Kumakanta pa ito ng happy birthday habang papalapit ako.
Hindi ko maitago ang kilig ko. Sa kilig pa yata ako mamamatay. Jusko! This is the first time someone surprise me. I can't help but cry. Nakatayo na ako sa harapan niya at pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha habang patuloy ito sa pagkanta. His voice is amazing and it really soothes in me. I wiped my tears at halos mapunit ang aking labi sa pag-ngiti. I am so touched.
"Happy Birthday." Bati niya. I pout with a smile while my tears keep on falling down.
What I feel right now is a gift. A real birthday gift.
"Thanks." I said. "Pero hindi ko pa din nakakalimutan iyong ginawa mo sa court." I pout.
Tumawa siya at hinila ako palapit sa kanya. "Can you just blow this first?" Utos pa niya. Which I did after making a wish.
Inilapag ni Mateo ang cake sa sahig ng pickup niya at muli akong hinila para yakapin. "Huwag ka nang umiyak, isipin pa nila ay pinaiyak kita." Bulong niya sa akin.
"You did." Wika ko. In his embrace, the world stopped still on its axis. There was no time, no wind, no rain. My mind was at peace.
"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya. "Alam kong mali iyong ginawa ko sa court. After you rejected my calls for the 30th time, I realized how mad you are."
Tumunghay ako sa kanya. How could I stay mad at him? Pagkatapos ng ginawa niya ngayong gabi. Umiling lang ako bilang sagot. Again, he gazed at me like he was reading me. Mga titig niyang hindi ko talaga kayang tagalan pero nagawa ko ngayon.
"Binago mo ako, Viper. I am a work in progress and I know that. Alam kong hindi ako madaling pakisamahan but you still deal with me. I want you to know that I respect you." he said, "Honesty can hurt but I need it. Sana hindi mo ako iwasan pagkatapos nito."
Naalala ko kung paano ko siya iniwasan noon. Nadala ba siya?
"I won't" Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I was lost for words at napansin niya ito.
"Hindi ko alam kung bakit nga ba tayo dinala ng tadhana sa iisang kwarto noon sa camp, but there's no quitting us now. I am cool with your weird choices, for your intense relationships with your coffee especially in the morning, and for how you are somehow the only person who gets me. In short... you can't walk away from me coz I am keeping you with mine.”
There is no walking away from us.
Nakatitig lang ako sa kanya. How can I stop crying now? He slowly rested his hands on my waist. Muli niya akong hinila palapit sa kanya. Amoy ko ang pamilyar niyang pabango na bumaon na sa utak at puso ko. His lips felt gentle on my skin. Hinalikan niya ang noo ko pababa sa aking ilong. He cupped my face and wiped my tears with his thumb.
He stare at me, "I am always here for you, Viper. Hindi man ako ang kailangan mo pero handa akong protektahan ka hanggang sa hindi mo na ako kailanganin."
---
Lutang pa din ako dahil kahapon. Hindi ako maka get over. Shuta! Iyon na yata ang pinaka masaya at pinaka nakakakilig kong birthday.
Mateo kissed me. He kissed my tears at sana ay dinamay na niya ang labi ko. Char! Pero sinabi naman niya noon na hindi na niya uulitin ang halikan ako sa labi hanggat hindi ko gusto. Pero paano ba sabihin na gusto ko?
Anyway, napuyat talaga ako kagabi kakaisip. Ano ba kami? Magkaibigan pa ba kami?
May magkaibigan ba na naghalikan? Lips to lips? I'm not sure.
Ano bang meron kami ni Mateo? mababaliw na ako. Sabi nya he like me and he respect me pero hindi niya sinabi na attracted siya sa akin... Na gusto niya akong maging girlfriend. Eeeeh! Shuta!
"I'm really sorry talaga Piper. Hindi ko alam na hindi din sisipot ang WIN girls. Masama talaga ang pakiramdam ko kagabi. Pwede naman nating iresce-"
Pinutol ko ang kung ano mang sasabihin ni Vivian. "I had a nice birthday, kaya huwag ka ng mag-alala."
Nakatayo kami ngayon sa harap ng aming locker. Hinawi ni Vivian ang buhok niya na nakasampay sa kanyang balikat.
"Paano?" Duda niyang tanong.
Totoong nakakalungkot iyong ginawa nilang hindi pagsipot sa birthday ko kahit na sila itong nagpupumilit at nag reserved ng restaurant, pero hindi naman na ako galit. Parang mas okay na nga iyon dahil nakasama ko si Mateo and I won't trade it.
"Pinagbayad ka ba ng restaurant? Ilang oras ka naghintay bago ka umalis?" Sunod sunod niyang tanong.
"Isang oras?" Sagot ko naman.
"Tapos anong nangyari?" Muli niyang tanong. "Pinaalis ka ba nila o kumain ka nalang mag-isa?"
"Dumating si Mateo."
Huminga ng malalim si Vivian at tumitig sa akin na para bang may nakakabigla akong sinabi. "Paano? Hindi ba sabi niya ay hindi siya makakapunta dahil busy sya? Kung alam ko lang, edi sana pumun-"
"Pumunta sana kayo, Vivian?" Ako na iyong tumapos sa sasabihin niya. "Tama ba?"
Umiwas ito ng tingin sa akin. "Hindi. Bakit mo naman naisip yan. Hindi ba sabi ko sayo-" Tumigil siya dahil sa mapanghusga kong titig. Iniba ko ang usapan namin dahil alam ko naman na ang sagot sa tanong ko. I asked her more personal question.
"Since kaibigan naman kita, sa tingin mo ba nakikita ni Mateo ang mga qualities na nakikita mo sa akin."
Kung meron nga.
Alam kong hindi kami ganoon ka close ni Vivian . Umaasa lang ako na may magsasabi sa akin na 'Maswerte si Mateo na nakilala ako.'
Maybe it's wishful thinking.
Hinintay ko na sagutin ako ni Vivian. Hindi naman sa pinipressure ko siya. Nacucurious lang din talaga ako kung ano ba ang nakita ni Mateo sa akin na hindi makita ng iba.
"Late ka na, Viper." Ani ng pamilyar na boses.
Speaking of the devil...
Tumunghay si Vivian na parang nakakita ng multo.
Gaya ng sabi ko noon, may ability talaga si Mateo na magpaiba ng mood o vibes ng isang tao. Hindi ko na nilingon si Mateo. Lahat naman ng nasa corridor ay nakatingin na sa kanya. Dadagdag pa ba ako?
Lumapit sa akin si Mateo at inakbayan ako.
"Tara?" he asked, interrupting our conversation. Unang subject namin ngayon ang english literature at magkaklase kami doon.
I glanced Vivian. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o ipaliwanag dahil na shocked talaga siya sa pag-akbay sa akin ni Mateo. Ako din naman.
"Kaibigan mo ba sya?" Tanong niya saka tumingin kay Vivian. "Hindi kasi kita nakita kahapon. Roommate kayo hindi ba?"
Mateo is being protective now.
"Okay lang. Masama daw ang pakiramdam niya. Tara na." I said, saka kami naglakad palayo.
Nakita ko ang malagkit na tingin sa akin ng nakakasalubong namin kaya naman hinawi ko ang kamay niya sa aking balikat. At least medyo comportable na ako kapag nandyan siya. May kaba pa din pero more on kilig na siguro ito.
"May sakit sya? Kaya ba ganoon ang mukha nya?" Ani Mateo.
"Mateo!" Saway ko dahil baka marinig ito ni Vivian, tinakpan ko pa ang bibig nito. "Wala na siyang sakit ngayon. Kagabi lang."
May sinabi pa si Mateo pero hindi ko ito naintindihan then he smirked. I felt his warm breath on my palm. He grabbed it and kissed it.
Shuta ka! Buti nalang wala na masyadong tao sa pathway na dinadaanan namin.
Nakaupo ako sulok ng classroom habang si Mateo ay kasama ang iba niyang kaibigan. Nakikinig naman ako kay Ms. San Jose... pinag-iisipan ko din kasi kung itatanong ko ba kay Mateo kung ano bang meron kami? Para saan yung mga halik niya. I knew he cared about me in a non-romantic way... Pero kahit konti ay umaasa din naman ako.
Nooo.. Umiling ako para alisin kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.
Sumulyap ako kay Mateo at kasalukuyan niyang kausap si Ed sa dulong row kaya hindi sila pansin ng aming prof, mukha din namang walang pakialam ang dalawa sa klase. Nagtataka na nga ako kung paano nagkakaroon ng flat 1 si Mateo. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Agad akong umiwas dahil namumula ako sa hiya. Shuta! Ang gwapo!
Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako pero hinabol ako ni Mateo at kasunod niya si Ed na nagtataka sa ginawa ni Mateo na paghila sa strap ng bodybag ko.
"Gusto mo bang sumama mamaya?" Tanong niya sa akin.
"Saan?"
"Pool party, kayna Ed. Sunduin kita."
Hindi agad ako nakasagot. Tumingin ako kay Ed na seryoso lang at walang imik saka ko binalik ang tingin kay Mateo. "May part time job pa ako."
"It's okay. I will pick you up."
"Okay." Maikli kong sagot. "Bakit nga pala wala si Khalid?" tanong ko dahil bigla kong naalala.
Kumunot ang noo ni Mateo at umiwas ng tingin sa akin. "Hindi ko alam. See you later, viper." Aniya saka sila umalis ni Ed. Hinabol ko nalang sila ng tanaw.
Pagkatapos ng tatlo pang klase ay nagtungo na ako sa cafeteria dahil tinext ako ni Jewel na sabay na daw kami. Madaming tao sa cafeteria, buti nalang at kumaway si Jewel kaya madali ko siyang nakita. Nakangiti akong lumapit sa kanya at ipinatong ko ang aking bag sa mesa saka naupo sa katapat niyang upuan. May mga pagkain na din sa mesa at may maliit na cake na ngayon palang niya sinindihan ang kandila.
"Happy Birthday Piper!" Masigla niyang bati sa akin. "Come on. Make a wish." Aniya.
Naiiyak akong nakatitig sa cake tapos ay kay Jewel. Ang saya ko lang. I made my wish ang blow it tapos ay pumalakpak kami pareho.
"Salamat Jewel. Hindi ko ininaasahan ito." Naiiyak kong saad.
"Ano ka ba, we're friends. I'm super busy but I still want to surprise you kahit late na." Saad niya at may inabot sa akin na paper bag. "For you. Suotin mo mamaya." Aniya.
Tinanggap ko ito at sinilip ang laman. Mga damit ito kaya tumunghay ako kay Jewel.
"Nag-abala ka pa. Okay na ako sa cake eh, pero salamat."
"Promise me you'll wear that later." Saad niya at ngumiwi naman ako. Alam naman niya na hindi ko style ang magsuot ng mga sinusuot nila. "Don't worry, it's still your style. Maong short nga lang but I'm sure naman na bagay iyan sayo." Paliwanag niya.
Tumango-tango ako. "Ibig sabihin ito nalang ang isusuot ko mamaya sa party ni Ed."
Nagsalubong ang kilay ni Jewel at nangalumbaba. "How did you know he's having a party? Did he invite you?"
"Si Mateo."
"Oh. I see... Do you have a swimsuit with you?"
Ako naman ang kumunot ang noo. "Bakit kailangan kong mag swimsuit?"
"Ed lived near Oceana beach kaya palaging pool party kapag sa kanila ang venue."
Muli akong tumango. Nasa Oceana beach din ang burger shack. Siguro ay malapit lang doon ang bahay nya. But anyway, hindi ko kayang mag swimsuit kaya ekis iyon sa akin. Itong regalo nalang ni Jewel ang isusuot ko dahil ang pangit naman kung naka pants or leggings ako.